Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Monolingguwalismo, Bilingguwalismo at Multilingguwalismo

Modyul 2, Aralin 1

“Kung ang isang indibiduwal ay bihasa sa paggamit ng iba’t ibang wika maaari siyang ituring na isang poliglot”
Clyne (2014)

Monolingguwalismo
 Ang tawag sa pagpapatupad ng isang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya,
South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit sa wikang panturo sa lahat ng larangan o
asignatura. Maliban sa edukasyon, sa sistemang monolingguwalismo ay may iisang wika ang umiiral bilang wika
ng komersiyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.

Bilingguwalismo
 Binibigyang pagpapakahulugan ni Leonard Bloomfield (1935), isang Amerikanong lingguwista ang
bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kaniyang
katutubong wika. Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield na maaaring makategorya sa tawag na “perfectong
bilinguwal” ay kinontra ng pagpapakahulugan ni John Macnamara (1967), isa pa ring lingguwistang nagsasabing
ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang
kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kaniyang unang wika.

Multilingguwalismo
 Sa Pilipinas ay mayroong mahigit 150 wika at wikain kaya naman bibihirang Pilipino ang monolinggwal.
Karamihan ay nakakaintindi ng maraming wika katulad ng Filipino, Ingles, Cebuano o iba pang wikang katutubo
na karaniwang wikang kinagisnan. Sa madaling salita, multilinggwalismo ang tawag kapag gumagamit ng tatlo o
mahigit pang wika ang isang bansa at multilingguwal naman ang tawag sa mga taong gumagamit ng tatlo o
mahigit pang wika.

Barayti ng Wika
Modyul 2, Aralin 2
Alamin
 Sinasabing ang wika ay nagkakaroon ng iba’t ibang uri dahil sa heograpikong salik.Sa pag-aaral ni Liwanag
(2017), tinanong niya na “Kailan sila nagkakaroon ng karaniwang varayti ng wika?” Nagbigay ang mga
teoristang neo-klasikal (Tollefson, 1991) ng tîpolohiya ng mga pangkat-wika batay sa mga katangiang
istruktural ng mga barayti ng wika sa degri ng pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga baryasyong ito (Kelman,
1971; Fishman, 1968; Kloso, 1968). Nakabatay ang pagkakaroon ng barayti ng wika sa paniniwala ng mga
lingguwista ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika (Saussure, 1916) at “hindi kailanman
magkakatulad o uniformidad ng anumang wika”, ayon kay Bloomfield (1918). Dala ito ng nagkakaibang pangkat
ng tao na may iba’t ibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.

Suriin
 Ang wika ay pinakamahalagang sangkap at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao. Malaki ang tungkulin ng wika sa
pakikipag-unawaan at pakikisalamuha ng tao sa kaniyang tahanan, paaralan, pamayan at lipunan. Iba- iba man
ang wika ang mahalaga ay may “pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba”. (Nuncio, 2016)

Barayti ng wika
1. Register
o naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
o Pormal na pananalita ang gagamitin kung ang kausap ay may mataas na katungkulan o kapangyarihan,
nakatatanda o hindi masyadong kakilala.
o Di-pormal na pananalita ang gagamitin kung ang kausap ay kaibigan, malapit na kapamilya, mga kaklase,
kasing-edad at matagal ng kakilala.
o “Hindi ako makakasama sa lakad, wala akong datung.”
o “Hindi ako makakasama sa lakad, wala po akong pera.”

2. Dayalek
o ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan,
rehiyon o bayan.
o Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto
o tono, may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay
o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang
lugar.
o Barayti ng wika: dayalek

3. Sosyolek
o nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong-sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
o isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng
paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo
na kanilang kinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang
matutuhan ang sosyolek nito.
Barayti ng wika: sosyolek
1. Wika ng mga Beki ( Gay lingo)
o Isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binabago nila
ang tunog o kahulugan ng salita.
o Halimbawa:
o Churchill- sosyal & Indiana Jones- nang-iindyan o hindi sumipot

2. Coňo
o tinatawag ding coňotic o conyospeak isang baryant ng Taglish. Mas malala ang paghahalo ng Tagalog at
Ingles na karaniwang ginagamitan ng pandiwang Ingles na “make” na ikinakabit sa mga pawatas sa
Filipino tulad ng make basa, make kain, make lakad.
o Halimbawa:
o Kaibigan 1: Let’s make kain na. Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Ana pa.

Barayti ng wika
4. Idyolek
o pansariling paraan ng pagsasalita ng bawat isa. Lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng
taong nagsasalita.
o madalas na nakikilala o nababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging paraan ng
pagsasalita o idyolek.
o Halimbawa:
o Kris Aquino at Ruffa Mae Quinto kilala sa kanilang idyolek na “Aha, Ha, Ha! Nakakaloka!” at “To the
highest level na toh!”
5. Etnolek
o barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Ang salitang etnolek ay nagmula sa pinagsamang
etniko at dayalek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-
etniko.
o Halimbawa:
o Vakkul- gamit ng mga Ivatan na pantakip sa uko sa init o ulan.
o Bulanon- full moon
o Kalipay- tuwa o ligaya

6. Pidgin at Creole
o Pidgin
- ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language” o katutubong
wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap
subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila
alam ang wika ng isa’t isa.
- Halimbawa: Ang Espanyol na dumayo sa Zamboanga. Nakalikha sila ng wikang may
pinaghalong Espanyol at wikang katutubo.
o Creole
- ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar.
- Halimbawa:
- Ang sinimulang wika ng mga Espanyol at wikang katutubo sa Zamboanga ay pidgin subalit nang
maging unang wika na ito ng mga batang isinilang sa lugar, nagkaroon na ng sariling tuntuning
panggramatika at tinatawag na Chavacano.

BUOD AT PAGLALAHAT
 Mahalaga ang pag-aaral ng barayti ng wika sa atin, dahil dito nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang
lahat ng tao. Kung wala ito mawawalan ng saysay ang lahat ng ating sinasabi. Mahalagang pag-aralan ang iba't
ibang barayti ng wika upang:
1. Maintindihan natin ang ating kapwa. Balik- tanaw sa ating kasaysayan at mga pamumuhay ng mga tao noong
unang panahon.
2. Ito ang sumisimbolo ng pakakakilanlan ng isang indibidwal.
3. Mas naipapahayag ng isang tao ang kanyang emosyon at damdamin kapag mayroon siyang gustong sabihin.
4. Mas napapaliwanag ng isang tao ang gusto niyang ihayag kung gagamitin niya ang kanyang sariling dayalekto
kumpara kung gagamit siya ng wikang Ingles kung siya ay purong Pilipino.☺

You might also like