Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

Naranasan mo na bang makulong

– di man sa literal na paraan


kundi pagkakakulong sa ibang
paraan?
ARALIN 3
TULA (Vietnam)
TULA
(VIETNAM)
Isang uri ng panitikan na nagbibigay diin o
ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga
paraan ng pagbibigay ng kahulugan ng mga
salita.
Ito rin ay naglalayong maipahayag ang
damdamin sa malayang pagsusulat.
Mga Anyo ng Tula

 Mayroong
tugma at  Pinakamoderno
sukat at ng anyo ng Mayroon itong
piling-piling panulaang sukat ngunit
ang salita’t Filipino. walang tugma.
talinghaga.  Wala itong
tugma at
sukat.
Elemento ng Tula
May tugma ang tula kapag ang huling pantig
ng huling salita ng bawat taludtod ay
magkakasintunog.

Matapos akyatin ang matarik na kabundukan,


Akalin ko bang higit na panganib ang masasalubong sa kapatagan?
Isang grupo o lupon ng mga salita sa loob ng
isang tula na may dalawa o maraming linya
(Taludtod)

Ako’y simpleng tao, walang pabigat sa konsiyensiya,


Pero pinagbintangan akong espiya ng China
Ang buhay, totoo, ay hindi pantay na kalakalan.
At nagsala-salabat ang hirap sa kasalukuyan
Bilang ng pantig ng bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong. Tumutukoy sa
paraan ng pagbasa

“Ang buhay, totoo, ay hindi pantay na kalakalan


At nagsala-salabat ang hirap sa kasalukuyan.”
Ito ang ideya kung bakit naisulat ang tula.

Sa tulang “Mahirap na Landas ng Buhay,”


inilahad ng may akda ang kaniyang naging
karanasan kol sa kawalan ng katarungan ng
lipunan.
Tumutukoy sa paggamit ng
matatalinghagang salita. Ang nagpapaganda
sa isang tula ay ang tinatawag na Tayutay.
TAYUTAY
Ito ay isang matalinghagang pahayag
na nagbibigay ng mabisang kahulugan upang
lalong maging mabisa at makulay ang isang
paglalarawan.
URI NG TAYUTAY
1. PAGTUTULAD (Simile)

Ang ibang tao ay parang hayop sa


kagubatan sa pang-aapi sa kapwa.
Ginagamit sa paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay, tao, pangyayari, at iba pa.
Gumagamit ng mga salita gaya ng, para ng,
kawangis, katulad, tulad ng atbp.
2. PAGWAWANGIS (Metaphor)

Ang buhay ay hindi pantay na


kalakalan
Katulad ng PAGTUTULAD.
Ngunit hindi gumagamit ng mga salitang
gaya nga, katulad ng, kawangis atbp.
3. PAGMAMALABIS (Hyperbole)

Bumaha sa loob ng kulungan dahil


sa labis na pag-iyak.
 Naghahayag ng lubhang malabis sa
kalagayan ng tao, hayop, bagay, halaman
atbp.
4. PAGBIBIGAY-KATAUHAN
(Personification)

Sumasayaw ang bagyo sa


mapayapang daan.
 Pagsasalin ng katangian ng tao sa mga
bagay, may buhay man o wala.
5. PAGPAPALIT-TAWAG (Metonymy)

Nagsala-salabat ang hirap sa


kasalukuyan

 Ito ay mahabang pangungusap na isang


salita lamang ang katumbas.
6. PAGPAPALIT-SAKLAW (Synecdoche)

Kinatawan ako ng bagong Vietnam.


 Maaari ditong banggitin ang bahagi bilang
pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao
ang kumakatawan sa isang grupo.
MAGBIGAY NG MGA PANGUNGUSAP SA CHAT BOX
GAMIT ANG MGA TAYUTAY BASE SA MGA SUMUSUNOD:

1. Ihalintulad ang “PAG-IBIG” sa isang bagay na hawak mo ngayon.


(PAGTUTULAD)
2. Ibigay ang sariling pagpapakahulugan ng salitang “TAGUMPAY”
gamit ang tayutay na PAGWAWANGIS (Metaphor)
3. Ilarawan ang nadarama mo ngayon para sa iyong inspirasyon.
(PAGMAMALABIS)
4. Ilarawan ang COVID19 gamit ang tayutay na PAGBIBIGAY-
KATAUHAN
5. Gamit ang PAGPAPALIT-TAWAG ilahad mo ang iyong napapansin
sa lipunan.
PAG-ARALAN ANG URI NG TAYUTAY AT
SAGUTAN ANG PAGSASANAY NA
INIHANDA SA GENYO.
IKALAWANG TALAKAYAN
SA ARALIN 3
MGA URI NG TULA
PASALAYSAY
 Isang tula na may balangkas.
 Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang
mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring
maging simple o kumplikadong pangyayari.
 Ito ay karaniwang hindi madrama,
nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko.
LIRIKO
 Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na
ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng
makata.
 Karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa
isang kanta.
 Hindi nagpapahayag sa isang kuwento na
naglalarawan sa karakter at aksyon.
PATNIGAN
 Uri ng tula na kung saan naglalaban-laban ang
magkabilang panig sa pamamagitan ng pagtula
 Halimbawa nito ay Balagtasan, Karagatan, at
Duplo
PANTANGHALAN O DULA
 Karaniwang itinatanghal sa teatro.
 Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay
sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.
 Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na
maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa
nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
HO CHI MINH
 Ipinaglaban ang kalayaan ng bansang
Vietnam mula sa pananakop ng Pransiya.
 Umanib sa imga komunista upang labanan
ang mga Pransiya hanggang sa mapaalis
ito
 Lider ng isang Kilusang Nasyonalista
 Viet Minh ang tawag sa kaniyang hukbo
“Mahirap na Landas ng Buhay”
Mula sa “Hard is the Road of Life” ni Ho Chi Min
Isinalin ni E.S.D

Matapos akyatin ang matarik na kabundukan,


Akalain ko bang higit na panganib ang masasalubong sa
kapatagan?
Sa kabundukan, hinarap ko ang tigre at ni hindi ako nagalusan;
Sa kapatagan, sinalubong ako ng tao at ipinakulong ako sa
kulungan.
“Mahirap na Landas ng Buhay”
Mula sa “Hard is the Road of Life” ni Ho Chi Min
Isinalin ni E.S.D

Kinatawan ako ng Vietnam,


Papuntang China para makipagkita sa opisyal,
Inabot ako ng bagyo sa mapayapang daan.
At isinaksak sa kulungan bilang bisitang marangal!
“Mahirap na Landas ng Buhay”
Mula sa “Hard is the Road of Life” ni Ho Chi Min
Isinalin ni E.S.D

Ako’y simpleng tao, walang pabigat sa konsensiya,


Pero pinagbintangan akong espiya ng China.
Ang buhay, totoo, ay hindi pantay na kalakalan.
At nagsala-salabat ang hirap sa kasalukuyan.
Ibahagi sa klase ang sariling damdamin na may
kaugnayan sa mga damdaming inihayag sa
natunghayang tula:
“Galing na ako sa mga bundok na matatarik:
Akalain ko bang sa patag ay mas mapanganib?
Doon, hinarap ko ang tigre at ni hindi ako nagalusan.
Dito, sinalubong ako ng tao at isinaksak sa kulungan.”
Ibahagi sa klase ang sariling damdamin na may
kaugnayan sa mga damdaming inihayag sa
natunghayang tula:
“Ako’y simpleng tao, walang pabigat sa konsensiya,
Pero pinagbintangan akong espiya ng Tsina.”
“Huwag makulong sa takot. Ang
tunay na kalayaan ay pakikipaglaban
sa takot na nararamdaman.”
PAANO KA BA
MAGPAHAYAG NG IYONG
DAMDAMIN?
“Mahirap para sa isang tao na itago
o kimkimin ang kaniyang tunay na
nadarama at maaari itong
magbunga ng kung ano-anong
negatibong dulot sa kaniya.”
Direktang Hindi
Pagpapahayag Direktang
 Pabigkas o pasalita
Pagpapahayag
 Pagsusulat
 Pagpipinta
MAHALAGA KA BA?

Gumawa ng sariling tula tungkol sa


pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng Asya
gamit ang malayang taludturan at ang mga dati
nang natutunan ukol sa mga elemento ng tula. May
habang limang saknong lamang ang tulang isusulat
o isusumite sa GENYO.
PAMANTAYAN
DALOY NG KAISIPAN ------------------------------------ 40%
BALARILA -------------------------------------------------- 20 %
ORIHINALIDAD ------------------------------------------- 30%
KABUUANG DAIGDIG ----------------------------------- 10 %
HARINAWA !

You might also like