Diagnostic Test G7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cavite

ACHIEVEMENT TEST G7
Name_________________________________________ Section _____________________

1. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata nagkakaroon ng pagbabago sa tangkad,


timbang at hubog ng katawan. Ito ay tumutukoy sa pagbabago
ng_____________________.

a. Pisikal b. emosyonal c. sosyal d. espiritwal

2. May inaasahang kakayahan at kilos na dapat malinang ayon kay Havighurst.Alin ang
hindi kabilang dito?
a. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-uganay sa mga kasing edad.
b. Pagtanggap ng papael sa lipunan an angkop sa babae at lalaki.
c. Pakikipaglaro
d. Paghanda para sa paghahanap buhay.
3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamakabuluhang dahilan kung bakit dapat
makipaglaro sa kapwa?
a. Dito matututo makipag –ugnayan. c.mabago ang tingin sa kapawa

b. Malalaman ang bagong laro sa computer. D.magampanan ang tungkulin bilang tao
4. Higit na magiging malusog at ganap ang pakikipag – uganayan kung ikaw ay?
a. Palakaibigan c.Mayaman
b. Mabait d.Ipakikita ang tunay na ikaw
5. Ito ang yugto ng kalituhan.
a. Pag –aasawa c.Paglalaro
b. Pagdadalga/pagbibinata. D.Paghahanap buhay
6. Siya ang natatanging nilikha at tinawag na obra maestro.
a. Halaman b. Tao c. hayop d. bagay
7. Ito ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.
a. Isip b. Puso c. kamay d. Katawan
8. Ito ay maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
a. Puso b. Isip c. kamay d. Katawan
9. Sumasagisag sa pandama, panghawak, paggalaw, paggawa, at pagsasalita.
a. Isip b. kamay c. kamay d. Tao
10. Ang tao ay nilikha ng Diyos ayon sa kaniyang __________.
a.Wangis ng Diyos b. kakaibang nilikha c. kagaya ng hayopd. D.katulad ng ibang
nilikha
11. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat
para sa kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa buhay?
a. Karunungan b. Katarungan c. Kalayaan d.
Katatagan
12. Ang pagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawain ng ating isip ay
makakamit sa pamamagitan ng paghubog ng ________________________.
a. Intelektwal na birtud b. Moral na birtud c. Ispiritwal na birtud d. Sosyal
na birtud
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kaugnay sa ganap na pagpapahalagang moral?
a. pagpapahalagang makatwiran at nasa tamang batayang moral
b. pagpapahalagang pag-uugnay at nag-iisa sa lahat ng tao
c. pagpapahalagang kanais-nais,katanggap-tanggap at kapuri-puri
d. Pagpapahalagang nababatay sa pangangailangan ng sitwasyon o pangyayari.
14. Ang pagpapahalaga ay unibersal kung may:
a. pagkilos/pagdedesisyon ayon sa sinsabi ng nakararami
b. pagkilos/pagdedesisyon ayon sa uso at panahon
c. pagkilos/pagdedesisyon ayon sa kalikasan ng tao
d. pagkilos/pagdedesisyon ayon sa ipinapalagay na tama sa sarili
15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa halagang pangkultural/panggawi ang hindi
totoo?
a. ito ay nangangahulugang nagmula sa labas ng tao
b. ito ay mga mithiin na tumatagal at nananatili
c. halimbawa nito ay ang pansariling pananaw,opinion,ugali,o damdamin
d. ito ay may layuning makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin.
16. Alin sa sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?
A. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan.
B. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
C. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
D. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin.
17. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?
A. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin.
B. Naktutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin.
C. Napabibilis nitong makamit ang itinakdang mithiin.
D. Wala sa mga nabanggit.
18. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?
A. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers
B. Maging guro sa aming pamayanan
C. Makatapos ng pag-aaral
D. Maging iskolar ng bayan
19. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?
A. Pangmatagalan at Panghabambuhay
B. Pangmatagalan at Pangmadalian
C. Pangmadalian at Panghabambuhay
D. Pangngayon at Pangkinabukasan
20. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:
A. Specific,Manageable,Attainable,Relevant,Time-bounded, Action-oriented
B. Specific,Measurable,Attainable,Refreshing,Time-bounded, Action-oriented
C. Specific,Measurable,Attainable,Relevant,Time-bounded, Action-oriented
D. Specific,Measurable,Attainable,Relevant,Time-bounded, Affordable
21. ” Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na
kinabukasan?”
Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller?
A. Mahirap maging isang bulag
B. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol pa sa kawalan ng paningin
C. Hindi mabuti ang walang pangarap.
D. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay.
22. Ano ang kaibahan ng panaginip sa pangarap?
A. Ang panaginip ay natatapos kung ikaw ay magising
B. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog
C. A at B
D. Wala sa nabanggit
23. Ano ang kaibahan ng pantasya sa pangarap?
A. Ang pagpantasya ay likha ng malikhaing isip
B. Ang pagpantasya ay pananaginip ng gising
C. Ang pagpantasya at ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya.
D. A at B
24. Ano ang kahulugan ng bokasyon?
A. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo
B. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naaayon sa plano ng Diyos sa atin
C. A at B
D. Ito ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o
pasahod.
25. Ito ay pinakatunguhin o pinapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap
A. Pangarap C.Panaginip
B. Mithiin D. Pantasya

You might also like