Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Allan Lloyd M.

Martinez Oktubre 30, 2020


BSED Filipino II G. Ryan
D. Raran

PAGSUSURI SA PAGLALAYAG SA PUSO NG ISANG BATA


Ang kwentong “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” ay isang kwentong isinulat ni
Genoveva Edroza-Matute tungkol sa kanyang karanasan sa pagtuturo. Nagsimula ang
kwentong ito sa isang batang lalaking may kaliitan, may kaitiman. Isa siya sa mga pinakamaliit,
pinakapangit may bilog at pipis na ilong. Ang bata at wari'y taga ibang pook hindi man siya
biniyayaan ng magandang mukha at munting ulilang lumuwas sa lungsod para maging utusan,
biniyayaan naman siya ng may kabutihang loob dahil parati siyang nag papaiwan upang
maglibot sa buong silid upang pulutin ang mga naiwang mga panlinis. Lihim siyang
pinagmamasdan ng kanyang guro habang inaayos niya ang mga lalagyan ng mga panlinis at
pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan para tingnan kung tuwid ang
bawat isa. Pagkatapos niyang gawin ang mga iyon lagi siyang lumilingon sa pintuan at sabay
sabing "Goodbye Teacher“. Hanggang sa magkaroon ng isang pangyayari, mainit ang ulo ng
guro kung kaya marami siyang mga salitang nasabi na hindi dapat. Nakalimot siya sa maaring
maramdaman ng bata, ang kalungkutan nito. At ang kagustuhan nito na may nagmamahal dito.
Sa kabila nito, patuloy pa din ang bata sa mga gawain nito sa loob ng ng klase. Ang pagliligpit
ng mga panlinis, pag-aayos ng mga upuan at ang paghihiwalay nito ng kanyang tsinelas ngunit
ang bata ay hindi tumitingin sa kanya katulad ng dati. Naiisip ng guro na ang bata ay napopoot
sa kanya. Umalis ang bata ng tahimik at ang kanyang mga yabag ay mabibigat ngunit biglang
bigla ang bata ay bumalik upang magsabi ng “Goodbye Teacher”, pagkatapos ay umalis itong
muli. Natulala ang guro sa mga sandaling iyon. Ang bata ang kanyang naging guro sa mga
sandaling iyon. Nagbigay sa kanya ng munting leksyon na dala niya hanggang sa siya ay
nabubuhay.
Si Genoveva Edroza-Matute o mas kilala sa tawag ng “Aling Bebang” ay isa sa
pinakadakilang manunulat at kuwentista ng panitikang Filipino na nagtapos ng kursong
edukasyon, medyor sa Ingles at degri ng masteral at doktoral sa University of Santos Tomas
(UST). Isinulat niya ang kwentong “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” noong 1955 na
sinasabing nagkamit ito ng parangal ng Palanca.

Batay sa takbo ng kwento, isinalaysay ng may-akda ang kanyang karanasan sa


kanyang profesyon sa pagtuturo. Ang sumusunod na kuwento ay base sa katauhan ng isang
batang lalaki na naging estudyante ni Matute dati kung saan isinalaysay niya na ang kanyang
estudyante na may kakaibang pinagmulan at napakatahimik pero may kabutihang loob pala
nito. Bilang patunay, inilarawan ni Matute sa unang tampok ng kwento na may kaliitan, may
kaitiman at isa sa mga pinakamaliit, pinakapangit may bilog at pipis na ilong at munting ulilang
lumuwas sa lungsod para maging utusan ang naturang bata pero nangibabaw pa rin ang may
kabutihang loob nito dahil sa pagiging matulungin at masunurin sa sinasabi ng kanyang guro.
Isinalaysay din ng may-akda na ang kanyang mag-aaral pala ang nagbigay sa kanya ng
leksyon dahil noong isang araw sa kanyang klase na naging mainit ang kanyang ulo at nagbitiw
ng mga hindi magandang salita at sa akalaing nagtatampo ang bata sa kanya, nanatili pa rin
pagpapakumbaba sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon. Sa sandaling iyon, ang bata
ay naging guro ni Matute batay sa kanyang nasaksihan sa kanyang mag-aaral.

Ang dulog ng panitikan na naging dominante sa kwento ay ang teoryang bayograpikal


dahil isinalaysay ng may-akda ang kanyang karanasan noong siya’y guro pa sa isang hindi
ipinangalang paaralan. Binibigyan diin sa teoryang ito na ipinamalas ang karanasan sa buhay
ng may-akda at tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda,
makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang
mas mapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Sa puntong ito, masasabi
natin na naging dominante ang teoryang bayograpikal sa kwentong ““Paglalayag sa Puso ng
Isang Bata” dahil kung balikan natin ang kanyang talambuhay, isa siyang guro at sa akdang
iyon, isinasalaysay niya ang kanyang karanasan sa nasabing propesyon. Nasa akda ang lahat
ng kanyang isinalaysay sa karanasan niya noong guro pa siya at dahil sa pagsasalaysay ng
mga karanasang mayroon siya, masasabi natin na ang teoryang bayograpikal ang nangibabaw
sa akda. Ang kwentong ito ay nag-iwan ng magandang impresyon sa mga mambabasa nito na
sa kabila ng pagiging kakaiba ng tao sa mga kasamahan nito, huwag muna natin husgahan
dahil hindi natin alam ang kanyang pinagdaanan sa likod nito. Hindi sa hitsura ang pagkakaroon
ng magandang trato sa isang tao kundi ang pagkakaroon ng mabuting kalooban nito kahit sino
pa man siya.
Allan Lloyd M. Martinez Oktubre 30, 2020
BSED Filipino II G. Ryan
D. Raran

PAGSUSURI SA AN AKON KAG-ANAK


Ang “An Akon Kag-anak” ay isang Waray na akda na isinulat ni Edmund Gactura, isang
manunulat na Waray tungkol sa pagsasakripisyong ginagawa ng mga magulang para sa
kanilang anak. Bagamat malimit lamang ang mga impormasyon makukuha sa akdang ito at ang
taong sumulat ito dahil sa limitasyon ng mga sanggunian, ito po ang ilang bahagi ng akda na
nagsasalaysay sa sakripisyong ginawa ng mga magulang para sa ikabubuti ng kanilang anak.
“Sanglit nagpapasalamat ako ha akon kag-anak kay tungod hira an naghahatag hin makusog
nga pamurout buot ngan para ha akon hira an kag-anak nga mahigugmaon, mahinumdumon,
ngan nagtututdo hin maupay nga batasan, pagmayuyo han Ginoo ngan labaw han nga tanan
kaya nira himuon tanan la ha ira mga anak.”

Sa isinagawang pagsasaliksik sa internet, wala man itong katumbas na pagsasalin sa


internet dahil sa limitasyon ng mga sanggunian ukol sa mga lokal na akda pero sa sariling
pagsasalin lamang batay sa pagkaintindi sa akda, nais ipinahiwatig ng may-akda na ang
kanilang anak ang naging inspirasyon nila sa pagbabanat ng buto upang mayroon sila maibigay
sa anumang bagay na ikakasaya ng kanilang anak. Ipinahiwatig rin sa akda na lubos ang
pagpapasalamat ng mga magulang sa anak dahil sa kabila ng sakripisyo na kanilang ginawa ay
naituro pa rin nila sa kanya ang mga magagandang asal at ang kanilang pagmamahal sa anak
nila kaya ginawa nila ang lahat ng mga bagay para sa ikinabubuti nito.

Ang dulog ng panitikan na naging dominante sa akdang ito ay ang teoryang moralismo.
Kung babalikan natin ang konseptong nito, ito ay sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang
ginamit, pinahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa akda at inilalahad
din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o
ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Masasabi nating nakapaloob ang teoryang
moralismo dahil ipinapahayag ang pagpapasalamat sa mga magulang sa mga itinuro sa mga
anak ng mga magagandang asal, pagmamahal, pag-aalala at lahat ng ginawa ng magulang
para sa anak. Bilang patunay, ang linyang “Sanglit nagpapasalamat ako ha akon kag-anak kay
tungod hira an naghahatag hin makusog nga pamurout buot ngan para ha akon hira an kag-
anak nga mahigugmaon, mahinumdumon, ngan nagtututdo hin maupay nga batasan…” na
makasuporta sa punto na ang mga magulang ay lubos na nagpapasalamat sa kanilang anak
dahil sa pagtuturo nila nito ng magandang asal at ang pagbibigay nila ng pagmamahal sa kanya
kaya ginawa nila ang lahat ng mga bagay na kanilang makakaya para sa ikabubuti ng kanilang
anak. Sa pangkalahatan, ipinahiwatig ng may-akda na respetuhin at mahalin natin ang ating
mga magulang sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang nagsasakripisyo upang maibigay lamang
tayo ng mga bagay makapagsasaya sa atin. Pasalamatan natin ang mga magulang dahil kung
wala sila, wala rin tayo.

You might also like