Ikatlong Mahabang Pagsusulit Grade 10

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

3 MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

IKALAWANG MARKAHAN
PANGALAN:____________________________________ TAON AT
PANGKAT:__________________ISKOR: ________

I.TALASALITAAN
Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga salitang magkakasingkahulugan.
A B
______1. paglingap a. lahi
______2. tanglaw b. inilaan
______3. lipi c. tiyak
______4. libakin d. umakyat
______5. ginugol e. pag-aalaga
______6. manaog f. hinanakit
______7. hinampo g. magtungo
______8. pumanhik h. bugso ng damdamin
______9. simbuyo i. kutyain
______10. piho j. gabay
II. PAGTUKOY SA MAHALAGANG IMPORMASYON
Tukuyin ang mga mahahalagang impormasyong hinihingi sa bawat pahayag.
____11.Ito ay isang uri ng panitikan na itinatanghal sa entablado.
a. maikling kuwento b. tula c.dula d. alamat
____12.Ito ay isang maiksing salaysay at hindi nangangailangan ng mahabang panahon upang mabasa.
Sinasalamin nito ang realidad o ang mga pangyayari sa ating lipunan.
a. maikling kuwento b. tula c.dula d. alamat
____13.Ito ay uri ng dula na ang layon ay mamiga ng luha sa mga manonood.
a. trahedya b. melodrama c.tragikomedya d. komedya
____14.Ang pangunahing tauhan sa dulang ito ay nasasadlak sa kamalasan o mabigat na suliranin.
a. trahedya b. melodrama c.tragikomedya d. komedya
____15. Ang paksa sa dulang ito ay magaan at ang layon ay magpasaya sa mga manonood.
a. trahedya b. melodrama c.tragikomedya d. komedya
____16. May dalawang mag-asawang nakatira sa isang abang tahanan. Luma na ito, masyadong maliit para sa
kanilang pamilya at halos walang kagamitan na makikita sa loob nito. Anong elemento ng maikling kuwento
ang inilalarawan sa pahayag?
a. tauhan b. tagpuan c.kasukdulan d. wakas
____17. Hindi maaaring magmahalan sina Romeo at Juliet sapagkat hindi magkasundo ang kanilang mga
pamilya. Sa anong bahagi ng dula ito nabibilang?
a. kakalasan b. tauhan c. kasukdulan d. suliranin
____18. Ininom ni Juliet ang lason na ibinigay ng padre. Inakala ni Romeo na patay na ang kanyang sinisinta
sapagkat hindi nadala ni Baltazar ang sulat ni Juliet na naglalaman ng plano nila ng padre. Labis ang
paghihinagpis ni Romeo at nagtungo sa isang butikaryo para bumuli ng lason na kanya ring ininom. Anong
sangkap ng dula ang tinutukoy sa pahayag
a. tauhan b. tagpuan c.kasukdulan d. wakas
____19. Nang makita ni Juliet na patay na si Romeo ay sinaksak niya ang kanyang sarili. Ito ang kinasapitan ng
kanilang pag-iibigan.
a. kakalasan b. wakas c. kasukdulan d. tunggalian
____20. Anong uri ng dula ang Romeo at Juliet?
a. trahedya c. tragikomedya
b. melodrama d. komedya
C. Pokus ng Pandiwa
Panuto: Tukuyin kung ano ang pokus ng pandiwa sa pangungusap. Piliin ang kasagutan sa loob ng kahon. Isulat
lamang ang letra ng tamang sagot.
a. Pokus sa tagaganap b. Pokus sa Tagatanggap

_______21. Lumahok ang mga guro at mag-aaral sa International Coastal Clean-up na isinagawa sa Manila Bay.
_______22. Pinatahian ni Aling Rosa ng magandang bestida ang kanyang anak para sa nalalapit nitong ikalabinwalong
kaarawan.
_______23. Ang mga manonood ay masiglang lumahok sa programa.
_______24. Ipinagluto ni nanay ng masarap na meryenda ang aking mga kaklase.
a. Pokus sa sanhi b. Pokus sa Layon

________25. Ang pagdadabog niya ay labis na ikinainis ng kanyang inang pagod mula sa maghapong pagtatrabaho.
________26. Binili ni Aling Rosa ang mga inilalakong sampaguita ng bata.
________27. Ang mga ecobrick ay ipamamahagi sa mga nasanlata ng kalamidad upang gawing materyales sa
pagtatayong muli ng kanilang mga nasirang tahanan.

a. ganapan b. kagamitan

________28. Ipinantali ni Cynthia sa kurtina ang kanyang laso sa buhok.


________29. Ang bakanteng kuwarto ay pinagtambakan ng mga lumang gamit.
________30. Ipandilig mo sa halaman ang tubig-ulan.
D. MGA TAYUTAY Panuto: Tukuyin ang tayutay na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat lamang ang letra ng tamang
sagot mula sa mga pagpipilian sa loob ng kahon.

a. Pagtutulad (Simile) d. Pagmamalabis g. pagtawag


b. Pagwawangis(metaphor) e. Pagbibigay-katauhan h. paghihimig
c. Pagpapalit-tawag f. Pagpapalit-saklaw

________31. Ang kanyang mga mata ay mga alitaptap.


________32. Ang makulay mong damit ay naghahanap ng atensyon.
________33. Galit na bumuhos ang ulan kahapon.
________34. Walang tigil sa kasasalita ang madaldal na bibig.
________35. Kinatatakutan niya ang mga leon sa klase.
________36. Nag-uwi si tatay ng gabundok na labahin.
________37. Dalawang mga mata ang nakatingin sa bawat niyang galaw.
________38. Kasinlambot ng mga unan ang pisngi ng isang sanggol.
________39. Nagulat ang matandang tumatawid sa lakas ng potpot nang dumaraang bus.
________40. O Inang Bayan, masdan mo ang iyong mga anak na sumasamba sa wika ng mga dayuhan!
E. PAGSUSURI NG TULA. Punan ng angkop na impormasyon ang bawat bilang batay sa tulang iyong mababasa sa
ibaba.
MAY MGA TUGTUGING HINDI KO MALIMOT
1
3 5
O may mga tugtog na nagsasalita, Ikaw baga’y daing ng nakaligtaan? Sa lahat ng gabi sa aking pag-uwi,
malungkot na boses ng nagdaralita; Ikaw baga’y hibik ng pinagtaksilan? kung ako’y hapo na na makitunggali,
pasa-bahay ka na ay nagugunita’t Matutulog ako sa gabing kadimlan ang bawat tugtugi’y kalulwa ng sawi
parang naririnig saanman magsadya. ay umuukilkil hanggang panagimpan. ako’y dinadalaw sa bawat sandali.
2
Langitngit ng isang kaluluwang sawi, 4 Oo, mayr’ong tugtog iyang mga b’yoling 6 May isang tugtuging hindi ko malimot,
panaghoy ng pusong nasa pagkalungi; tila sumusugat sa ating panimdim; kinakanta-kanta sa sariling loob;
laging naririnig sa bawat sandali bawat isang tao’y may lihim na daing, hiniram sa hangin ang lambing at
ang lungkot ng tugtog na mapawi’y pinakakatawan sa b’yoling may lagim. lamyos,
hindi. awit ng ligayang natapos sa lungkot
41. Ilan ang bilang ng pantig sa bawat taludtod?_______________________________________________
42. Ang saknong ay matatawag na quatrain. Ilang taludtod mayroon sa quatrain?_______________________
43. Anong uri ng taludturan ang tula? (Malaya, blangko berso o tradiyunal)______________________________
44. Anong tayutay ang ginamit sa unang saknong?_________________________________
45. Anong tayutay naman ang ginamit sa ikalawang saknong?__________________________________________
46. Ano namang tayutay ang ginamit sa ikatlong saknong?_____________________________________________
47. Ano ang damdaming nangingibabaw sa tula?_________________________________________________
48. Anong uri ito ng tula? (Pasalaysay, Pandamdamin, Pantanghalan o Patnigan?_________________________
49-50.Ano kaya sa palagay mo ang tinutukoy na mga tugtuging hindi malimot? Saan ito tumutukoy?
____________________________________________________________________________________________

_________________________________
Lagda ng Magulang

You might also like