Professional Documents
Culture Documents
Filipino 10 Q2 Final
Filipino 10 Q2 Final
PASULIT I
PANUTO: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa ibaba.
1. Isang uri ng tula na ipinahahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata.
A. tulang pasalaysay B. tulang patnigan
C. tulang liriko D. tulang padula
2. Isang uri ng tula na nagmula sa Italy na may labing-apat na taludtod at sampung pantig sa bawat
taludtod.
A. alegorya B. haiku
C. soneto D. tanaga
3. Anong uri ng pag-ibig ang nais ipahiwatig ng tulang “Ang Aking Pag-ibig?”
A. pag-ibig sa ama/ina B. pag-ibig sa kaibigan
C. pag-ibig sa kapatid D. pag-ibig a kasintahan/ asawa
4. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng tulang liriko o pandamdamin
liban sa______.
A. elehiya B. epiko
C. oda D. soneto
Para sa bilang 5 at 6
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
A. mapagtiis B. mapagkumbaba
C. masayahin D. mapagmalasakit
6. Ipinapahayag ng persona sa tula ang kanyang pagmamahal at pagsinta
sa taong kanyang iniibig sa pamamagitan ng _______
A. pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig
B. paghahambing nito sa iba’t ibang bagay
C. paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila
D. pagpapahiwatig ng nararamdaman
8
7. Alin sa sumusunod ang di-nagpapakahulugan sa tula?
A. Ang tula ay isang panitikan na may matatalinghagang
pagpapahayag ng isipan at damdamin.
B. Ang tula ay nasa anyong tuluyan.
C.Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa ibat- ibang anyo at estilo.
D. Maitutulad sa awit ang isang tula.
8. Alin sa mga sumusunod na mga tula ang may tiyak na sukat at tugma?
A. oda B. elehiya
C. awit D. soneto
9. Sa awit na “Awit Kay Inay” anong damdamin ang lumulutang para sa mga ina?
A. pagdadalamhati B. pangungulila
C. pagkabigo D. pagmamahal
10. “Malibing ma’y lalong iibigin kita” Ano ang nais ipahiwatig sa huling taludtod ng tulang “Ang Aking Pag-
ibig”?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig
C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
11. “Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing” Ano ang ipinahihiwatig ng
taludtod na ito?
A. Tunay na pag-ibig B. Wagas na pag-ibig
C. Pag-ibig na walang kapantay D. Kadakilaan ng pag-ibig
12. “Walang inang matitiis ang isang anak; Ika'y dakila at higit ka sa lahat”
Ito ay nagpapahiwatig ng___
A. tunay na pag-ibig B. pag-ibig na walang kapantay
C. wagas na pag-ibig D. kadakilaan ng pag-ibig
13. Ayon sa tula ano ang pinakadakilang bagay sa lahat?
A. kayamanan B. pamilya
C. buhay D. pag-ibig
14. Ang mga sumusunod ay naglalahad ng mga katangian ng tulang
pandamdamin/ liriko liban sa isa. Alin dito ang di-kasali?
A. Puno ng masisidhing damdamin ng tao ang tulang liriko.
B. Itinatampok ng may-akda ang sariling karanasan sa tulang liriko.
C. Nagsasalaysay ng kabayanihan ng tauhan sa tulang liriko.
D. Nasasalamin ang karanasan at guniguni ng may-akda sa tula.
15. Alin sa mga sumusunod ang nagtataglay ng kahulugan ng tulang
soneto?
A. Tulang damdamin na may labing-apat na taludtod
B. Tulang pumapaksa sa simpleng paraan ng pamumuhay
C. Tula ng pamamanglaw at kahapisan sa isang minamahal
D. Tulang nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tauhan
16. Ito ang nagsilbing daan upang ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng ugnayan.
A. diyalogo B. salita
C. pangungusap D. wika
17. Sila ang mga pangunahing tauhan sa kuwentong Aginaldo ng mga Mago.
A. Baltazar, Gaspar at Melchor B. Hilga at Jim
C. Della at Jim D. Jim at Jane
18. Bakit mo naman pinapatay ang ilaw kanina? Ano ang mali sa pangungusap na ito?
A. bakit B. pinapatay
C. ilaw D. wala
19. Sina Elsa, Fiona at Gwen ay __________________.
A. kapatid B. magkakapatid
C. magkapatid D. magpinsan
20. Kaibigan ko ang ________________ na sina Fiona at Gwen.
A. kapatid B. magkakapatid
C. magkapatid D. magpipinsan
21. ________________ namin ang bukid kahapon.
A. Pasyalan B. Pinasyalan
C. Papasyalan D. Pinapasyalan
22. Ito ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng yugto na
nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay- aliw ay nagpapakilos
at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
A. Dula B. Sanaysay
C. Nobela D. Tula
A. Banghay B. Tauhan
C. Tagpuan D. Tema