Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng

Filipino

Aurora National Science High School


Oktubre 25-27, 2016

Next
Layunin:
1.Maipaliwanag ang kahalagahan ng
paggamit ng estratehiya upang malayang
makalahok ang mga mag-aaral sa
aktibidad at talento na mayroon sila.

2.Magamit ang teknolohiya bilang dagdag


na estratehiya sa pagkatuto at pagtuturo
ng paksang-aralin sa Filipino. Next
Mga Instruksyunal Teknik
1.Roundtable Discussion
2.Panel Discussion
3.Brainstorming
4.Role Playing
5.Socio drama

Next
Roundtable Discussion

•Maaaring buuin ng tatlo hanggang limang


mag-aaral

•Bawat kasapi ay handa sa impormasyong


pinag-uusapan

•Maaaring gawin ang talakayan na sabay-


sabay kung hahatiin ang klase sa maliliit na
pangkat.
Gabay para sa Roundtable Discussion
na Talakayan
1. Pumili ng paksa/isyu/suliranin na mapag-
uusapan.
2. Pangkatin ang klase sa maliliit na grupo
3. Pumili ng moderator at taga-ulat
4. Sasabihin ng moderator sa pangkat ang
paksa/isyu na tatalakayin
5. Pasimulan na ang talakayan ng bawat grupo
6. Ang taga- ulat ng bawat pangkat ang mag-uulat
sa klase.
Back
Panel Discussion

•Pormal ang paraan ng presentation

•Iparirinig ng mga panelist ang


talakayan sa mga kamag-aral

•Ang mga panelista ay eksperto sa


paksang tinalakay
Gabay para sa Panel Discussion
1. Pumili ng limang mag-aaral sa pangkat na
siyang magiging panelista
2. Pumili ng isang moderator mula sa mga panelista.
3. Ihanda ang bawat kasapi ng panel tungkol sa
tatalakaying paksa. Pormal na iulat ang opinion/ ideya/
panukala tunkol sa paksang pag-uusapan.
4. Pagkatapos ng presentasyon ng lahat ng mga panel
hayaan ang mga mag-aaral (audience) na magtanong.
5. Ipasagot sa mga panelista ang mga tanong.
6. Sa pagtatapos ng panel discussion, ipabuo sa
moderator ang pinag-usapan sa silid-aralan.
Brainstorming/Bagyuhang-utak

•Karaniwang hinahati ang klase sa maliliit na


grupo
•Isinasagawa kapag nais mabigyan ng linaw
ang isyu,sitwasyon,suliranin
•Malayang nakukuha ng guro ang mga
mungkahi, damdamin, ideya o
consensus ng mga kasapi sa talakayan .
Gabay na magagamit sa
brainstorming
1 Ilahad ang isyu/ sitwasyon/ suliranin sa klase
.

o pangkat.
2. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay
ng pansariling opinion o pananaw tungkol
sa isyu.
3. Isulat sa pisara ang mga sagot ng mga
mag-aaral.
4. Ituloy ang pagsusuri tungkol sa mga ideya/
opinion o pananaw ng mga mag-aaral.
5. Isagawa ang gawaing pagtatapos.
Role Playing
•Inilalagay ang mga mag-aaral sa isang sitwasyon na
maaaring mangyari sa tunay na buhay.

•Ang magkakapareha ay bubuo ng mga dayalogo buhat


sa isang sitwasyong ibibigay ng guro o
mapagkakasunduan ng klase.
Mga uri ng Role- play

• Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng dayalogong may


cues
• Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng cues at impormasyon
• Role- play na kontrolado sa pamamagitan ng sitwasyon at layunin
Hakbang sa Role-playing
1. Pumili ng mga tauhan na gaganap.
2. Pumili ng magiging paksa o isang pangyayari.
Isulat ito sa pisara.
3. Ihanda ang mga manood (klase) sa isasagawang
gawain.
4. Isadula ang pangyayari.
5. Tatalakayin sa klase ang mga puntos na dapat
pag-usapan sa role playing na isinagawa.
Ibigay ang mga mungkahi.
6. Muling isadula ang pangyayari. Isama ang mga
mungkahi ng klase sa muling pagsasadula.
Sociodrama

•Tinatawag na creative dramatics


•Pagpapaabot sa highlight ng mga karanasan sa
pagkatuto sa pamagitan ng
pantomime
iskit o maikling drama
•Nauukol sa sitwasyon tungo sa paghahanap ng
solusyon sa suliranin
Gabay para sa Sociodrama

1. Ilahad ang suliranin sa klase.


2. Ihanda ang pangkat na kalahok sa sociodrama.
3. Piliin ang mga mag-aaral na gaganap sa papel sa
drama.
4. Sabihin sa bawat mapipiling kalahok ang papel na
kanyang gagampanan.
5. Ihanda ang klase sa magaling na pakikinig at magaling
na pag-aanalisa sa mga sitwasyon sa sociodrama.
6. Isadula na muli ang sitwasyon.
7. Ipagpatuloy ang pagsusuri sa sitwasyon sa muling
talakayan.
8. Isagawa ang pagtataya sa aralin.
Iba pang Estratehiyang
Integrado at Interaktibo
Ang mga estratehiyang ito
ay nag dudulot sa mga
mag-aaral na maging : hindi aktibong estudyante
Aktibo
Masigasig sa pag-aaral
Masiglang makikilahok
sa pag-aaral
Mapanuri sa pangyayari
sa paligid
Kritikal na mapag-isip
Picture Power

Mula sa larawan bubuo ang klase ng


kwento

Ibabatay ang usapan/ dayalogo

Tagpuan

Katangian ng mga tauhan na nakikita sa


larawan
Balita, Editoryal o
Pangulong- Tudling
Nalilinang ang kasanayan sa
pagbibigay opinyon.

Maiaangkop sa pagtalakay sa
iba’t ibang bahagi ng
pananalita
Beauty Contest/ G. at Binibini Kontest

Mabisa kung nais ng guro na sukatin


ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
madaling pag-iisip at pagsagot

Nasusukat ang kasanayang


pangkomunikatibo
Think- Pair- and Share

•Isang kooperativ
na pagkatuto

•Nakikinig

•Nag-iisip

•Nakikibahagi sa
talakayan
Concept Mapping

Nakakatulong para
sa komprehensyon

Pag-ooganisa ng
mga konsepto

Pagsusuri
TV Commercial o
Mga Patalastas sa Telebisyon

•Magpangkatan ang mga


mag-aaral gagawa sila
ng patalastas sa
telebisyon

•Pabuuin sila ng sariling


patalastas
3-2-1 (Three- Two- One)

Isang gawaing pasulat, ang mga mag-


aaral ay bubuo ng:

3 susi ng katawagang natutunan


nila sa aralin.

2 Kaisipang nais nilang malaman.

1 Kaisipan o kakayahang sa tingin


nila ay kanila ng nakabisado.
ICT- Integration sa Pagtuturo
•Web Quest

•Scavenger Hunt

•Blogging
WebQuest
•Pasiyasat na gawain sa
online
•Paghahanap ng mga
impormasyon sa www
Mga Bahagi ng WebQuest

Panimula
Gawain Halimbawa ng Web Quest
Proseso
Ebalwasyon
Kongklusyon
Scavenger Hunt

Ito ay paghuhukay ng
mga mahahalagang
impormasyon sa mga
website ng paksang
tutuklasin.
Paano gawin ang online Scavenger Hunt?
1 Mag-isip ng paksa
2. Maghanap ng kaugnay na websites
3. “Cut and Paste” ang eksaktong mga url.
4. Tipunin/ pagsasamahin ang mga materyal
mula sa iba’t ibang websites.
5. Paghaluhaluin sa isang pahina tiyaking tiyak
ang mga sites upang madaling mahanap
ng mga mag-aaral ang mga kasagutan.
6. Mag desisyon kung anong tiyak na
“produkto” ang gagamitin nila upang
ipresenta ang kanilang awputs.

Halimbawa ng Scavenger Hunt


Blogs/Blogging
•Interaktibong ugnayan sa pagitan ng guro at mga
mag-aaral.
•Online based na maaaring mapaglagyan ng mga
replesyon, takdang-aralin, o intergroup
communication.
Mga Blog Spot na maaaring magagamit ng guro at mag-aaral

www.blogger.com
www.wikispaces.com
www.filipinotek.wordpress.com
Iba pang Online Platforms
SOCIAL MEDIA
Aplikasyon
1. Instruksyunal na Teknik
•Ang bawat isa ay mag-iisip ng isang paksang-
aralin na may kaugnayan sa asignaturang
itinuturo.
•Umisip ng pangkatang-gawain na maaaring mai-
apply ang ilan sa mga instruksyunal na teknik sa
pagtuturo.
•Maghanda para sa pagbabahagi ng iyong awtput
sa malaking grupo.
2. ICT-INTEGRATION SA PAGTUTURO
•Gamit ang napiling paksang-aralin na kaugnay
sa asignaturang itinuturo, ikaw ay bubuo ng
isang web quest na estratehiya sa pagtuturo
nito.
•Sundin ang balangkas ng isang scavenger hunt
na estratehiya sa paglalahad ng paksang-aralin.
•Maghanda para sa pagbabahagi nito sa Ikatlong
araw ng pagsasanay.
Panghuling Pananalita
Maraming mga estratehiyang
magagamit ng guro sa klase. Ang mga
kagamitang ito at mga teknik ay
nagiging epektibo at makabuluhan
kapag ang guro ay may tiyaga, sipag
at pagkamalikhain. Sa tulong ng mga
estratehiyang ito at sa mahusay na
pagtuturo ng guro, walang dahilan para
hindi matuto ang mga mag-aaral.
Sa Paglikha ng Pagbabago
Sama-sama Tayo!

Salamat po!

You might also like