Professional Documents
Culture Documents
Fil9 Q1 Mod4 Piling-Pangyayari-sa-Telenobela Version3-1
Fil9 Q1 Mod4 Piling-Pangyayari-sa-Telenobela Version3-1
Fil9 Q1 Mod4 Piling-Pangyayari-sa-Telenobela Version3-1
HINDI IPINAGBIBILI
NOT
9
Filipino 11
Unang Markahan - Modyul 4
Piling Pangyayari sa Telenobela
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Tagapamahala
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent
ii
9
Filipino
Unang Markahan- Modyul 4
Piling Pangyayari sa Telenobela
iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Alamin ……………………………… 1
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 6
Balikan ……………………………… 6
Tuklasin ……………………………… 7
Suriin ……………………………… 8
Pagyamanin ……………………………… 10
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa ……………………………… 12
Buod ……………………………… 13
Tayahin ……………………………… 13
Sanggunian ……………………………… 17
iv
Modyul 4
Paghahambing sa Ilang Piling
Pangyayari sa Napanood na
Telenobela sa Ilang Piling
Kaganapan sa Lipunang
Asyano sa Kasalukuyan
Pangkalahatang Ideya
Hindi kaila sa atin ang pagiging popular ng telenobela sa buhay ng mga
Pilipino maging sa karatig bansa natin sa Asya. Ang panonood ng mga telenobela
ay naging kultura na ng mga Asyano. Hindi yata makaliligtaan ng buong pamilya ang
pag-antabay sa paborito nilang telenobela, hindi magiging buo ang araw sa pag-
aabang sa nais na panoorin.
Sa modyul na ito, matutunghayan ang malaking bahaging ginagampanan at
naiambag ng telenobela sa araw-araw na pamumuhay ng mga Asyano. Malalaman
natin ang kaugnayan ng mga telenobela sa kaganapan sa lipunang Asyano sa
kasalukuyang panahon kung kaya`t maraming nahuhumaling sa panonood nito.
Nakatutulong ang modyul na ito sa paghahambing ng ilang mga piling
pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan o mga pangyayari
sa lipunang Asyano sa kasalukuyan maging sa sariling karanasan sa buhay.
Sa pamamagitan ng iba`t ibang mga kasanayan at mga gawain ay lubusang
mauunawaan ang mga katangian at kahalagahan ng telenobela at kung ano ang
koneksyon nito sa lipunang ginagalawan natin.
Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may iisang aralin:
Alamin
1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.
2
Subukin
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat aytem.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. Anong uri ng palabas sa telebisyon ang kilala sa tawag noon na soap opera
o teleserye?
a. telenobela b. balita c. sitcom d. fantaserye
_____6. Ano ang maibibigay mong dahilan sa naging asal o gawi ng ama na
maihahalintulad sa kasalukuyang pangyayari sa lipunang Asyano?
a. Ang dahilan ay laging umuuwing lasing ang ama.
b. Ang dahlian ay laging mainit ang kanyang ulo pagkagaling sa trabaho.
c. Ang dahilan ay laging napapasubo ang ama ng kawalan sa buhay.
d. Ang dahilan ay laging umiiwas sa pananagutan sa buhay ang ama.
3
_____7.May pagkakatulad kaya ang pangyayari sa kwento sa kasalukuyang
lipunan?
a. Malaki po ang pagkakahawig lalo pa`t may pandemya tayo, maraming
nagugutom.
b. Mayroong pagkakatulad sapagkat maraming mamamayan sa ating lipunan
ang napabilang sa mababang antas ng pamumuhay.
c. Mayroon sapagkat maraming nagkalat na lasenggo sa ating lipunan.
d. Mayroon sapagkat kadalasan, wala siyang maiuwing pagkain sa pamilya.
_____8. Lahat ba ng mga pangyayari sa telenobela ay kasasalaminan ng tunay na
mga pangyayari sa ating lipunan?
a. Hindi po ako nagkakamali sapagkat ito ay salamin ng totoong pangyayari
sa buhay.
b. Walang duda po sapagkat lahat ng nanonood nito ay nagkakaroon ng
koneksyon at ugnayan sa mga pangyayari.
c. Hindi po sapagkat kadalasan, nagkakaroon ng kalabisan o kakulangan sa
paghahatid ng pangyayari para sa ikagaganda sa kalalabasan ng kwento
d. Hindi po sapagkat mga sikat at kilalang artista ang gumaganap nito.
._____9. Sa iyong palagay, ang panonood ba ng mga telenobela ay nakabubuti sa
4
_____11. Anong kaisipan ang mabubuo kung iuugnay natin ang natamong
tagumpay ng pamilya ni Adrian sa kasalukuyang kaganapan sa lipunang Asyano?
a. Ang bunsong anak o kapatid talaga ang tunay na maiiwan at mag-
aalaga sa mga magulang.
b. Pahalagahan ang edukasyon lalo pa at ang bagong henerasyon ang
siyang papalit sa pangangasiwa sa lipunang kanyang ginagalawan.
c. Ang edukasyon ang kasagutan sa kahirapan.
d. Magtamo muna ng mataas na edukasyon bago papasok sa pag-aasawa.
_____13. Batay sa talata, alin sa mga pahayag na ito ang may pagkakatulad sa
kaugalian ng lipunang Asyano?
a. Walang ibang iniisip kundi mag-aral lamang.
b. Pangalagaan ang kanyang mga magulang.
c. May kaya sa buhay ang pamilya.
d. Matagumpay niyang natapos ang kanyang propesyon.
_____15. Kung ikaw si Adrian, ano kaya ang naisip mong ibang solusyon para
tuluyan nang matapos ang iyong responsibilidad sa pag-aalaga sa iyong amang may
sakit na maihahalintulad natin sa kasalukuyang kaganapan sa lipunang Asyano?
a.Ipapapasok sa Home for the Aged para sa mas ligtas na lugar.
b.Ihahabilin sa mga mapagkakatiwalaang kamag-anak.
c. Iiwan sa mga kapitbahay.
d. Bibili ng well trained na K9 na aso para sa pagbabantay sa kanya.
5
Aralin
Paghahambing sa Napanood
na Telenobela sa Kaganapan
1 sa Lipunang Asyano sa
Kasalukuyan
Balikan
Gabay na Tanong:
Sagot: ____________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
6
Tuklasin
Gawain 2
Panuto: Sa tulong ng Concentric Circle, isulat sa loob ng bilog ang pamagat
ng mga telenobelang sinusubaybayan mo. Magbigay lamang ng lima (5).
TELENOBELA
7
Gawain 3
Panuto: Gamit ang Thinking Map, bumuo ng mga ideya o kaugnay na salita o mga
salita mula sa salitang telenobela. Isulat sa loob ng ulap ang iyong sagot.
Gawain 4: Malalaman sa Check Lists na ito kung gaano na kalawak ang iyong pag-
unawa at nalalaman ukol sa salitang telenobela. Lagyan ng tsek (/) ang mga kahon
na tumutukoy sa salitang telenobela.
1. may sukat at tugma
Suriin
Mga Gabay na Tanong:
1. Sa tingin mo, bakit naging malaking bahagi na ng buhay o pamumuhay ng
mga Asyano ang panonood ng telenobela?
2. Nakakaapekto ba ito sa araw-araw na kalagayan ng mga Asyano?
3. May koneksyon kaya ang mga pangyayari sa telenobela sa kasalukuyang
kaganapan sa lipunang Asyano?
4. Anong mahika mayroon ang mga telenobela at labis itong kinagigiliwang
panoorin ng karamihan?
5.Nakatutulong kaya ang panonood ng mga ito sa pamumuhay ng mga Asyano?
8
Tunghayan natin ang ilang pangyayari ng telenobela:
9
Gawiain 5: Mula sa kwentong Strong Girl Bong Soon, pumili ng ilang pangyayari at
ihambing ito sa mga pangyayari sa kasalukuyang kaganapan sa lipunang Asyano.
Gawin ito sa tulong ng Chain Organizer.
Pangyayari
sa Strong
Girl Bong
Soon
Kaganapan
sa
Kasalukuyan
Lipunang
Asyano
PAGYAMANIN
Pagkakatulad
Minsang
Strong Girl TELENOBELA Naligaw si
I Bong Soon
Adrian
Pagkakaiba
10
Isaisip
Gawain 7: Hindi maikakaila na maraming mga pangyayari sa kwento o maging sa
mga napapanood na telenobela na maaaring mangyari sa tunay na buhay at
kasasalaminan sa kasalukuyang kalagayan sa lipunang Asyano.
Ang mga kasunod na itinalang pangyayari ay nagmula sa mga kwentong
nabasa na sa naunang aralin katulad ng Ang Ama, Nang Minsang Naligaw si Adrian
at ang Strong Girl Bong Soon, magbigay ng kaugnay na pangyayaring nagaganap
sa lipunang Asyano sa kasalukuyan. Isulat ang iyong sagot sa mga linyang nakalaan
sa bawat bilang.
1. May nakaatang na responsibilidad sa balikat ni Adrian upang manatili siya sa
piling ng may sakit na ama at alagaan ito hanggang sa pinakahuling yugto ng
kanyang buhay.
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa___________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
2. Anim lahat ang mga bata. Ang ama`y nagtatrabaho sa isang lagarian
samantalang ang ina`y nasa bahay nag-aalaga sa pamilya.Nagkakagulo at maingay
ang mga bata na naghahangad ng marapat na parte sa pinag-aagawang supot
mula sa natirang ng ama.
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa___________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
3. Subalit, pilit niyang tinatago ang lakas na ito at nagpanggap na isang
mahinang babae na siyang dahilan ng pagkainis ni Kenny, ang kanyang kaklase at
naiibigan simula pa elementarya.
Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa___________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
11
Isagawa
Gawain 8: Gamit ang Stick Figure, ipaloob sa mga bilog ang mahahalagang
pangyayari sa iyong buhay at ihalintulad ito sa mga pangyayari sa paboritong
telenobelang pinapanood mo. Sundin lamang ang nakasaad sa pigura.
Pamagat
Ang buhay ng
ko Telenobela
Paliwanag
Pamantayan Puntos
*Malinaw na naipakita ang paghahambing sa sarili at ng mga
10
pangyayari sa telenobela.
*Angkop o akma ang telenobelang napili. 5
5
*Maayos ang pagkakalahad ng mga pangyayari.
KABUUAN 20 puntos
12
Buod
Sa kabuuan, ang modyul na ito ay naglalayong magampanan nang buong
husay at malawak na pag-unawa sa iba’t ibang paraan ng paghahambing ng ilang
piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang
Asyano sa kasalukuyan.
Sa inilahad na mga kasanayan o gawain, inaasahan mula sa mga mag-aaral
na naisagawa nang maayos at malinaw na naipapakita ang paghahambing ng mga
pangyayari sa kasalukuyang kaganapan sa mga napanood na telenobela bilang
pagtugon sa mga gawaing ihihain ng modyul na ito.
Sa tulong ng modyul na ito,magiging matagumpay na maisasakatuparan ang
mga gawain at magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga kwentong
nabasa na natuklasang may malaking pagkakatulad sa kaganapan sa lipunang
Asyano sa kasalukuyan.
Batid kong marami nang kaalaman naipon mula rito kaya’t higit na ang iyong
kahandaan sa mga susunod pang aralin.
Tayahin
. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang hinihingi ng bawat aytem. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
_____1. Anong uri ng palabas sa telebisyon ang kilala sa tawag noon na “soap
opera” o teleserye?
a. telenobela b. balita c. sitcom d. fantaserye
_____2. Alin sa mga palabas na ito sa telebisyon ang napabilang sa telenobela?
a. PBA/NBA b. SOCO c. Probinsyano d. Eat Bulaga
_____3. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan sa isang telenobela?
a. isinasakilos sa entablado
b. pinagmumulan ng bagay, lugar, pangyayari
c. mga palabas na napapanood sa telebisyon
d. ang mga tauhan ay hayop
_____4. Ang salitang telenobela ay nagmula sa dalawang salitang tele para sa
telebisyon at nobela. Ano-ano ang ipupunong angkop na letra sa mga patlang upang
makabuo ng salitang kasingkahulugan ng sinalungguhitang salita sa unahan?
K__ T H__ M B__ H __ Y
Para sa bilang 5-7.
Basahin ang talata na nagmula sa kwentong Ang Ama.
Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang
pagkain at ang mga bata`y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa
nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok
na dumapo sa kanilang mukha.
_____5. Kung ikaw ang nasa katayuan ng mga bata, gagawin mo rin ba ang kinilos
o ginawa nila?
a. Walang pag-aalinlangang gagawin ko rin sapagkat ayaw kung dumugo
ang
nguso ko.
13
b. Hindi ako magdadalawang-isip na gawin ang naging kilos nila sapagkat
iniiwasan kong mas lumala pa ang sitwasyon.
c. Hindi ko susundin ang ginawa nila sapagkat kailangang bigyan din ng
leksyon ang ama.
d. Walang dudang ‘di ko sila susundin o gawin ang ginawa nila sapagkat
susubukan ko kung hanggang saan ang tapang niya.
_____6. Anong maibibigay mong dahilan sa naging asal o gawi ng ama na
maihahalintulad sa kasalukuyang pangyayari sa lipunang Asyano?
a. Ang dahilan ay laging umuuwing lasing ang ama.
b. Ang dahlian ay laging mainit ang kanyang ulo pagkagaling sa trabaho.
c. Ang dahilan ay laging napapasubo ang ama ng kawalan sa buhay.
d. Ang dahilan ay laging umiiwas sa pananagutan sa buhay ang ama.
_____7.May pagkakatulad kaya ang pangyayari sa kwento sa kasalukuyang
lipunan?
a. Malaki po ang pagkakahawig lalo pa`t may pandemya, maraming nagugutom.
b. Mayroong pagkakatulad sapagkat maraming mamamayan sa ating lipunan
ang napabilang sa mababang antas ng pamumuhay.
c. Mayroon sapagkat maraming nagkalat na lasenggo sa ating lipunan.
d. Mayroon sapagkat kadalasan, wala siyang maiuwing pagkain sa pamilya.
_____8. Lahat ba ng pangyayari sa telenobela ay kasasalaminan ng tunay na mga
pangyayari sa ating lipunan?
a. Hindi po ako nagkakamali sapagkat ito ay salamin ng totoong pangyayari
sa buhay.
b. Walang duda po sapagkat lahat ng nanonood nito ay nagkakaroon ng
koneksyon at ugnayan sa mga pangyayari.
c. Hindi po sapagkat kadalasan, nagkakaroon ng kalabisan o kakulangan sa
paghahatid ng pangyayari para sa ikagaganda sa kalalabasan ng kwento
d. Hindi po sapagkat mga sikat at kilalang artista ang gumaganap nito.
_____9. Sa iyong palagay, ang panonood ba ng mga telenobela ay nakabubuti sa
araw-araw na pamumuhay sa lipunang Asyano?
a. Hindi po ako nagkakamali na ito ay nakabubuti sapagkat naisasabuhay
ko ang mga aral na mapupulot mula sa panonood nito.
b. Walang duda po, sapagkat nasusubaybayan ko ang mga paraan sa
pakikipaglaban sa buhay.
c. Nakabubuti po, sapagkat mas lalong sumisikat ang paborito kong artista
sa pinapanood na telenobela.
d. Hindi po nakabubuti, sapagkat nagdudulot lamang ito ng kalituhan sa
sarili dahil pilit na ginagaya ang mga napapanood.
_____10.Mula sa kwentong Anim na Sabado ng Beyblade, hindi napapanahon ang
pagkamatay sa murang edad ni Rebo dahil sa isang sakit na walang lunas,
maihahambing natin ito sa kasalukuyang pandemya,ang COVID 19 na
nagdudulot ng takot hindi lamang sa lipunang Asyano kundi maging sa
buong mundo na hanggang ngayon ay patuloy pang hinahanapan ng lunas.
Ano ang maaaring mangyari kung hindi kailanman makatutuklas o
matatagalan pa ang gamot para sa mga malulubhang sakit o lunas sa bagong
sulpot na mga sakit?
a. Tunay na magkatotoo ang hula na magiging katapusan na ng paghahari
ng tao sa mundo.
b. Pagkakataon na ng mga hayop na lumabas at gumala sa lansangan.
c. Walang katapusang pagtaas ng bilang ng mamamatay at magkakasakit.
d. Yayaman nang husto ang may-ari ng mga ospital, ang mga doktor
maging ang mga nars.
14
Para sa bilang 11-13
Basahin at unawain ang talata mula sa kwentong Nang Minsang Naligaw si Adrian.
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Nang mag-asawa ang dala-
wang kapatid pagkatapos pumasa sa abogasya, naiwan siyang walang ibang inisip
kundi mag-aral at pangalagaan ang kanyang mga magulang hanggang sa
matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor gayong may kaya din naman sa buhay
ang kanyang pamilya. Hindi rin nagtagal ay nakapagtrabaho siya sa isang malaking
ospital.
_____11. Anong kaisipan ang mabubuo kung iuugnay natin ang natamong
tagumpay ng pamilya ni Adrian sa kasalukuyang kaganapan sa lipunang Asyano?
a. Ang bunsong anak o kapatid talaga ang tunay na maiiwan at mag-
aalaga sa mga magulang.
b. Pahalagahan ang edukasyon lalo pa at ang bagong henerasyon ang
siyang papalit sa pangangasiwa sa lipunang kanyang ginagalawan.
c. Ang edukasyon ang kasagutan sa kahirapan.
d. Magtamo muna ng mataas na edukasyon bago papasok sa pag-aasawa.
_____12. Nagmula sa marangyang pamilya si Adrian. Kung si Adrian ay isa sa mga
maraming kabataang napabilang sa may mahirap na pamumuhay, makapagtapos
kaya siya ng pag-aaral?
a.Hindi po siya makapagtapos ng pag-aaral sapagkat siguradong walang
pantustos ang kanyang mga magulang sa pangangailangan niya.
b.Hindi po siya makapagtapos ng pag-aaral sapagkat walang gustong
tumulong sa kanya dahil siya ay isang mahirap.
c.Hindi po ako naniniwala na hindi siya makapagtapos ng pag-aaral
sapagkat marami namang mapapasukang pampublikong paaralan.
d.Hindi po ako naniniwala na hindi siya makapagtapos ng pag-aaral
sapagkat ang determinasyon, motibasyon at pananalig sa sarili`y tiyak na
may maaabot sa buhay.
_____13. Batay sa talata, alin sa mga pahayag na ito ang may pagkakatulad sa
kaugalian ng lipunang Asyano?
a. Walang ibang iniisip kundi mag-aral lamang.
b. Pangalagaan ang kanyang mga magulang.
c. May kaya sa buhay ang pamilya.
d. Matagumpay niyang natapos ang kanyang propesyon.
_____14. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan
ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw”. Batay sa
pahayag, alin ang nagpapakita ng kahalintulad sa naging asal o tugon ng ama ni
Adrian sa kanya sa kasaluyang pangyayari?
a. pagtatakwil nang tuluyan sa kanyang suwail na anak
b. pagtatanim ng poot, galit sa kanyang walang kwentang anak
c. mapagpatawad at may malawak na pang-unawa sa mahal na anak
d. mapagparaya at may mapagkumbabang puso na ama para sa lahat ng
nais ng anak
_____15. Kung ikaw si Adrian, ano kaya ang naisip mong ibang solusyon para
tuluyan nang matapos ang iyong responsibilidad sa pag-aalaga sa iyong amang may
sakit na maihahalintulad natin sa kasalukuyang kaganapan sa lipunang Asyano?
a.Ipapapasok sa Home for the Aged para sa mas ligtas na lugar.
15
b.Ihahabilin sa mga mapagkakatiwalaang kamag-anak.
c. Iiwan sa mga kapitbahay.
d. Bibili ng well trained na K9 na aso para sa pagbabantay sa kanya.
Karagdagang Gawain
Ang gawaing ito’y isasagawa upang mas mapalalim, mapalakas at ganap na
matukoy ang pag-unawa sa paghahambing ng mga pangyayari sa mga telenobelang
napanood sa kasalukuyang kaganapan sa lipunang Asyano.
Pamagat ng
Pagkakatulad Telenobelang Pagkakaiba
Napanood at
Kaganapan sa
Lipunang Asyano sa
Kasalukuyan
M
G
A
P
A
N
G
Y
A
Y
A
R
I
16
Mga Sanggunian
Filipino 10: Panitikang Pandaigdig. Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City. Vibal
Group, Inc., 2015
Ignacio, Noralyn B., Payo, Jocelyn R., at Dr. San Antonio, Concepcion U., “ Hamaka
III ( Duyan ng Katarungan ) Gabay sa Pag-aaral ng Panitikan sa Lebel
Sekundarya (Batay sa mga Kasanayan ng 2002 BEC), Innovative Educational
Materials, Inc. 2356 Syquia St., Sta. Ana, Manila.
Umali, Edsel R., Zaide, Lolita M., Patnubay ng Guro para sa Filipino___HS.Com
Batay sa Basic Education Curriculum. Bookman, Inc. 2006. Quezon City
17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
DepEd Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax:(063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
18