Filipino Sa Piling Larang Week 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang Akademik
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 1 -Modyul 2: Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom
Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga
materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa . Hindi
inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga
ito.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V
.
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Manunulat: Teresa P. Mingo,PhD


Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor

Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Pumapangalawang Panrehiyong Direktor

Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V


Tagapamanihala

Alicia E. Anghay, PhD, CESE


Pumapangalawang Tagapamanihala

Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD


Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief
Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe,SSP- 1
Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro Telephone
Nos.: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
Akademik
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng
Paglalagom
ga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Para Saan Ang Modyul na Ito.............................................................................................i

Ano Ang Inaasahan Mo .....................................................................................................

Paano Mo Matutunan ........................................................................................................

Mga Icon ng Modyul.......................................................................................................... ii

Ano Ang Nalalaman Mo.....................................................................................................iii

Aralin 1: Abstrak
Alamin......................................................................................................... 1
Subukin: Pagsusuri sa Pahayag ………………………………………………..
Balikan: Pagkilala sa Pangunahin at Pantulong na Kaisipan.......................2
Tuklasin: Pagsulat ng Abstrak.....................................................................3
Suriin: Pagsagot sa Katanungan.................................................................4
Pagyamanin : Elemento ng Abstrak.............................................................5
Isaisip: Pagbubuod sa Natutunan………………………………………………
Isagawa:Pagsusuri sa Elemento ng Abstrak (Matrix).................................6
Tayahin :Pagtukoy sa Katangian ng Abstrak..............................................7
Karagdagang Gawain: Pagsulat ng Abstrak:...............................................8

Aralin 2: Sinopsis
Alamin......................................................................................................... 9
Subukin: Pagtukoy sa Paksa ……………………………………………………
Balikan: Elemento ng Abstrak....................................................................10
Tuklasin: Pagsulat ng Sinopsis ...................................................................
Suriin:Pagsagot sa
Katanungan..............................................................................................12
Pagyamanin : Panonood ng Episodo sa Internet......................................13
Isaisip: Pagbubuod sa Natutunan ……………………………………………….
Isagawa:Pagbubuos sa Parabula..............................................................14
Tayahin : Katangian ng Sinopsis...............................................................15
Karagdagang Gawain: Pagsulat sa Kwento ng Buhay...............................16
Aralin 3 : Bionote
Alamin........................................................................................................17
SubukIn : Pagkilala sa Paksa…………………………………………………...
Balikan:Ipabatid sa Bawat Letra.................................................................18
Tuklasin: Pagsulat ng Bionote .................................................................. .
Suriin:Pagsagot sa mga Tanong..................................................................19
Pagyamanin: Bionote ni Galileo S. Zafra......................................................20
Isaisip: Paghahambing sa Bionote at Talambuhay........................................21
Isagawa:Pakikipanayam............................................................................
Tayahin : Katangian ng Bionote…...............................................................22
Karagdagang Gawain: Sariling Bionote……………………………………….

Lagom......................................................................................................................23

Tayahin (Pangwakas na Pagtataya).......................................................................24

Susi sa Pagwawasto..........................................................................................25-28

Mga Sanggunian.....................................................................................................29
Para Saan ang Modyul Na Ito
Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin: Uri ng paglalagom na inihanda
para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay
naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling
larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng paglalagom at ang kahulugan
katangian, layunin at gamit ng bawat isa. Hahasain ka sa pagsulat ng iba’t ibang
akademikong sulatin sa pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang
matamo ang mga kasanayang hinahangad.

Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa


kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan,
napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip.

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin :


Aralin 1 : Uri ng paglalagom : Abstrak
Aralin 2 : Uri ng Paglalagom : Sinopsis/Buod
Aralin 3 : Uri ng paglalagom : Bionote

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
CS_FAPU-0d-f-93

Paano Mo Matututunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa, pag-unawa at


pagsusuri sa nilalaman ng mga aralin.
 Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap.
 Manaliksik sa iba pang sanggunian sa loob ng mga aklatan at websites ukol sa aralin
upang maragdagan ang kaalaman.
 Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akma
at tumpak na sagot..
 Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay, pagtataya at pagsusulit.
Mga Icon ng Modyul
ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang
maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang


lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying
paksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral


tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy
ito upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng


kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba pang
paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal
ng mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing


magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Magtitipon sila ng
kanilang likhang mga sulatin at gawain batay sa
natutunan sa aralin.
ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng


mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat
sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto


mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG
GAWAIN Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang
malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-
aaral .

SUSI NG PAGWAWASTO
Mga kasagutan sa anumang
pagtataya,pagsasanay at mga Gawain
Ano ang Nalalaman Mo
Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito.
Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel
tulad ng tesis, disertasyon, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga dyurnal , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba
pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o
ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
9.Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang
Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng
Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
!0.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A. gamit B. layunin C. kahulugan D. Kalikasan
11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong
layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
13.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at
unang nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
14. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa
akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
Aralin Uri ng Paglalagom:
1 Abstrak

Baitang : 12 Markahan : Una


Panahong Igugugol : Ikaapat na Linggo

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FAPU-0d-f-93

Subukin

Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag ,Isulat ang TAMA
kung ito ay nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.
1. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa paksang nilalaman sng sulatin o akda.

2. Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral ang natutuhan ang pagtitimbang-


timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang
pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan.

3. Ito lamang ang tinataglay ng Abstrak na mahahalagang elemento tulad ng Rasyunali /


Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon.

4. Kailanganang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat ito ay


nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

5. Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa pananaliksik.


Balikan

Panuto: PAGKILALA SA PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.


Tukuyin ang pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa teksto. Sa puntong ito,
isulat ang buong pangungusap sa bawat kaisipan. (Ang pangunahing kaisipan ay ang
punong ideya na makikita sa unahan, gitna at hulihan ng talata. Ang pantulong naman na kaisipan
ay ang sumusuporta sa Punong ideya)

Ang mga coronavirus ay iniisip na kumakalat sa hangin sa pag-


ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay o sa paghawak ng mga
kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o
mata. Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring
magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit
tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang
bagong uri na hindi pa nakikilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang
natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa
sa mga tao. (https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx)

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pangunahing kaisipan
Tuklasin
Pagsulat ng Abstrak

Isa sa mga dapat matutunan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng


isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang
sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o nakikinig ang kabuuang
kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog
ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay
marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang
nagsasagawa ng paglalagom. Una, natututunan ang pagtitimbang-timbang ng mga
kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang
kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan. Tandaan na sa
pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o
teksto. Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng kanyang binabasa.
Natutukoy niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim
na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante.
Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular na ideya
at ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom,
mahalagang ito ay mailahad nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat, ito rin
ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa
pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng
tekstong binubuod.

Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin


ay nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil
sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali
sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa
ng maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang
babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at
pagtatrabaho, mahalagang matutunan mo ang paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na
madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo at sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya
naman, sa arling ito ay lubos mong matututunan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o
buod – ang abstrak, synopsis o buod at bionote.

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng


mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga
report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng
pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract(1997),


bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw
at delimitasyon, resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay
naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.


2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin,
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa
manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw
na kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan
ng pala-isipan kaugnay sa paksa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


1. Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga
detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin,
hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-
aaral o sulatin.
2. Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi
ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba
ito. 3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng
ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat
ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.Kaya
naman, nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na
maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak.

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak.


2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin
mula sa introduksyon ,kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng
sulatin.Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel .
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung
sagyang kinakailangan .
5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang
kaisipang dapat isama rito mabuti ang abstrak.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa, sagutin ang mga
katanungan ukol dito.
1. Ano ang kahulugan ng lagom?

2. Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng


paglalagom?

3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?


4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang
Abstrak ?

5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan
sa pagsulat nito?

Pagyamanin

Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin ang
elemento nito.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK


Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng
mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima
(35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa
Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score
ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak
at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo
sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

Narito ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay


Luntian: Rasyunal
Asul : Metodolohiya
Itim : Saklaw at Delimitasyon
Pula : Resulta ng Pananaliksik
Isaisip

Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN: Sumulat ng isang talatang may 5 o higit pang


pangungusap na magbubuod sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang
pangunahing kaisipan.

Isagawa
Panuto :PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang
elemento nito gamit ang matrix.

Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon


Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral
sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng
mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing
limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa
kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at
talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas
ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang
diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa
pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global
Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang
tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa
pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa
pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan
sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag
na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html
1. Introduksyon/Rasyunal 2.Saklaw At Delimitasyon

Kasanayan sa Pagsasalita ng mga


Mag- aaral sa Ikaapat na Taon

3.Metodolohiya 4.Resulta

Tayahin
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang
kahulugan, kalikasan , mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Abstrak . Isulat
ito sa tasrt.
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin – Abstrak ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90

Abstrak
Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit

Anyo(porma)
Karagdagang Gawain

Panuto: PAGSULAT NG ABSTRAK: Sumulat ng abstrak sa isang bondpaper mula sa iyong


sariling pananaliksik noong ikalawang semestre sa nagdaang taong-panuruan bilang tugon
sa pangangailangan ng asignaturang “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik”. Sundin ang mga panuntunan sa pagbuo nito.

You might also like