Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Page 6!

of 38
!

ESTUDYANTE: Oh, talaga naman po, Sir...

PROPESOR: Kung gano’n, kung... uh... tayo... uh... tayo, ibig kong sabihin, ako...
magsisimula ako sa pagbibigay sa ‘yo ng maikling pagsusulit sa kaalamang
mayroon ka ngayon, na magbibigay sa akin ng ideya kung anong kailangan pa
nating trabahuhin sa hinaharap... Mabuti. Anong pakiramdam mo sa ‘yong
pang-unawa sa plurality?

ESTUDYANTE: Medyo malabo po... at nalilito.

PROPESOR: Sige. Titingnan natin.

(Papasok ang KASAMBAHAY at mistulang maiinis ang PROPESOR. Pupunta ang KASAMBAHAY sa
tukador, may hahanapin sa loob, at mananatili.)

PROPESOR: Ngayon, Mademoiselle, anong masasabi mo kung mag-Aritmetik tayo... ‘yon


ay kung mamarapatin mo...

ESTUDYANTE: Siyempre po, Sir. Pumapayag po ako. Wala na po akong higit na mahihiling
pa.

PROPESOR: Ito’y bagong agham pa lamang, modern science: sa mahigpit na pananalita


marahil dapat itong tawaging isang method sa halip na isang science... Isa rin
itong therapy. (sa KASAMBAHAY) Marie, tapos ka na ba?

KASAMBAHAY: Oho, Sir. Nahanap ko na ho ang hinahanap kong plato. Paalis na rin ako...

PROPESOR: Dalian mo, pakiusap, at bumalik ka na sa kusina.

KASAMBAHAY: Oho, Sir. Aalis na ako.

(Magsisimulang umalis ang KASAMBAHAY ngunit titigil.)

KASAMBAHAY: Ipagpaumanhin n’yo ho, Sir, pero pakiusap mag-ingat kayo. ‘Wag ho kayong
maging sobrang sabik.

PROPESOR: Nakakatawa ka, Marie. Wala kang dapat ipag-alala.

KASAMBAHAY: Pero ‘yan ho ang palagi n’yong sinasabi.


Page 7! of 38
!

PROPESOR: Walang basehan ang mga ipinahihiwatig mo. Marunong akong kumilos ng
nararapat. Matanda na ako.

KASAMBAHAY: ‘Yon na nga ho, Sir. Mas makakabuti ho sa inyo kung hindi n’yo sisimulan si 

Mademoiselle sa Aritmetik. Wala hong ginawang mabuti ang Aritmetik kahit
kanino. Pinapagod lang ho kayo at binubwisit.

PROPESOR: Masyado na akong matanda para ro’n. At wala kang pakialam. Wala ka
namang karapatang maparito.

KASAMBAHAY: Gano’n na nga ho, Sir. Pero ‘wag n’yo hong sasabihing hindi ko kayo
binalaan.

PROPESOR: Hindi ako interesado sa mga babala mo, Marie.

KASAMBAHAY: Dapat gawin ni Monsieur ang kung ano sa tinging n’ya ang tama.

(Lalabas ang KASAMBAHAY.)

PROPESOR: Ipagpatawad mo ang abalang ‘yon, Mademoiselle... Sana’y maintidihan mong


palaging natatakot ang matandang ‘yon na papagurin ko ang sarili ko. Nag-
aalala siya sa kalusugan ko.

ESTUDYANTE: Oh, walang anuman po ‘yon, Sir. Mahal po niya kayo. Marahil ay tuwang-tuwa
po siya sa inyo. Mahirap pong humanap ng mabuting kasambahay.

PROPESOR: Talagang sumusobra na siya. Hindi niya kailangang mag-alala. Balikan na


natin ang ating Aritmetik.

ESTUDYANTE: Susundan ko po kayo, Sir.

PROPESOR: Pero nakaupo ka pa rin!

ESTUDYANTE: Parang kayo po, Sir!

PROPESOR: Mabuti! Kung gano’n, mag-Aritmetik na tayo?

ESTUDYANTE: Ikatutuwa ko po ‘yon, Sir.

PROPESOR: Kung gano’n marahil mamarapatin mong sabihin sa akin...


Page 8! of 38
!

ESTUDYANTE: Opo, Sir. Ituloy n’yo po.

PROPESOR: Ano ang isa ‘pag dinagdagan ng isa?

ESTUDYANTE: Ang isa ‘pag dinagdagan ng isa ay dalawa po.

PROPESOR: (mamamangha) Talagang napakagaling! Higit kang nauuna sa mga aralin mo.
Hindi ka mahihirapang maipasa ang lahat ng mga Doctorate examinations
mo.

ESTUDYANTE: Masaya po akong marinig ‘yan, Sir. Lalo na po’t galing sa inyo.

PROPESOR: Magpatuloy pa tayo. Ano ang dalawa ‘pag dinagdagan ng isa?

ESTUDYANTE: Tatlo po.

PROPESOR: Ang tatlo at isa?

ESTUDYANTE: Apat po.

PROPESOR: Apat at isa?

ESTUDYANTE: Lima po.

PROPESOR: Lima at isa?

ESTUDYANTE: Anim po.

PROPESOR: Anim at isa?

ESTUDYANTE: Pito po.

PROPESOR: Pito at isa?

ESTUDYANTE: Walo po.

PROPESOR: Pito at isa?

ESTUDYANTE: Walo pa rin po.

PROPESOR: Napakagaling na sagot. Pito at isa?

ESTUDYANTE: Walo po ulit.


Page 9! of 38
!

PROPESOR: Napakahusay. Perpekto. Pito at isa?

ESTUDYANTE: Walo po sa pang-apat na beses. At minsan po siyam.

PROPESOR: Kahanga-hanga! Kahanga-hanga ka! Napakahusay! Malugod na pagbati,


Mademoiselle. Wala nang saysay pa ang magpatuloy. Napakagaling mo sa
addition. Subukan natin ang subtraction. Sabihin mo sa akin, kung hindi ka
pa pagod, ano ang matitira ‘pag binawasan mo ng tatlo ang apat?

ESTUDYANTE: ‘Pag binawasan po ng tatlo ang apat?... Tatlo mula sa apat?

PROPESOR: Oo, ‘yon nga. Ang ibig kong sabihin, ano ang apat ‘pag binawasan ng tatlo?

ESTUDYANTE: Magiging... pito?

PROPESOR: Ipagpaumanhin mo kung sasalungatin kita, pero ang tatlo ‘pag binawas sa
apat ay hindi pito. Nagugulo mo ito. Ang tatlo ‘pag dinagdagan ng apat ay
magiging pito, bawasan mo ng tatlo ang apat at ito’y magiging?... Hindi na ‘to
addition, ngayon kailangan mo nang mag-subtract.

ESTUDYANTE: (nahihirapang maintindihan) Ah... opo...

PROPESOR: ‘Pag binawasan ng tatlo ang apat, magiging... Ilan... ilan?

ESTUDYANTE: Apat?

PROPESOR: Hindi, Mademoiselle. Hindi ‘yon ang sagot.

ESTUDYANTE: Tatlo?

PROPESOR: Hindi rin ‘yon tama, Mademoiselle... Ipagpaumanhin mo... Hindi ‘yon
magiging tatlo... Ipagpatawad mo...

ESTUDYANTE: Apat binawasan ng tatlo... tatlo binawas sa apat... apat binawasan ng tatlo?
Siguro naman po hindi sampu?

PROPESOR: Oh, diyos ko, hindi, Mademoiselle. Pero hindi ka dapat manghula, dapat
mong pag-isipang mabuti ito. Subukan nating sagutin nang sabay? Maaari ka
bang magbilang?
Page !10 of !38

ESTUDYANTE: Opo, Sir. Isa... dalawa... tatlo...

PROPESOR: Marunong kang magbilang, ‘di ba? Hanggang saan ang kaya mong bilangin?

ESTUDYANTE: Kaya ko pong magbilang hanggang... walang hanggan.

PROPESOR: Imposible ‘yon.

ESTUDYANTE: Hanggang labing-anim po, kung gano’n.

PROPESOR: Pwede na ‘yon. Dapat nating alamin ang ating mga limitasyon. Ipagpatuloy
mo ang pagbibilang, kung maaari.

ESTUDYANTE: Isa... dalawa... pagkatapos ng dalawa ay tatlo... apat...

PROPESOR: Tigil, Mademoiselle. Aling numero ang mas nakakahigit? Tatlo o apat?

ESTUDYANTE: Uh... tatlo o apat? Alin po ang mas nakakahigit? Ang mas nakakahigit pong
numero sa tatlo at apat? Paano pong mas nakakahigit?

PROPESOR: May mga numerong mas maliit kaysa sa iba. Sa mga numerong nakakahigit,
mas maraming units kaysa sa mga numerong mas maliit.

ESTUDYANTE: Kaysa sa mga numerong mas maliit?

PROPESOR: Pwera na lang, siyempre, kung binubuo ng mas maliliit na units ang mga
maliliit na numero. Kung ang lahat ng units ay napakaliit, maaaring mayroong
mas maraming unit ang maliliit na numero kaysa sa malalaki... ‘yon ay kung
hindi pare-pareho ang units...

ESTUDYANTE: Sa gano’n po, pwedeng mas malaki ang maliliit na numero kaysa sa
malalaking numero?

PROPESOR: Oo, pero hindi na tayo pupunta do’n. Masyado na ‘yong malayo. Gusto ko
lang mapagtanto mo na mayroon pang ibang mga bagay bukod sa mga
numero... May mga sukat din at kagamitan, pagkatapos mayroon ding mga
grupo at bunton, bunton ng mga bagay-bagay, tulad ng mga bibeng babae at
lalaki at mga repolyo at mga hari, etc... etc... Isipin na lang natin, para mas
madali, na ang mga numerong pinag-uusapan natin ay magkakatulad ng uri;
Page 11
! of 38
!

ibig sabihin mayroong mas maraming units ang mga numerong nakakahigit,
kung ipagpapalagay na magkakatulad din ng uri ang units na ‘yon.

ESTUDYANTE: Kung alin po ang mayroong mas maraming units ang siyang mas nakakahigit?
Naiintindihan ko na po, Sir, pinagtutumbas ninyo ang quantity sa quality?

PROPESOR: Masyado na ‘yong teoretikal, Mademoiselle, masyadong teoretikal. Hindi mo


‘yon kailangang alalahanin. Magbigay tayo ng isang halimbawa at pag-isipan
ang partikular na kasong ‘yon. Sa huli na lang ang pangkalahatan nating
konklusyon. Mayroon tayong numerong apat at numerong tatlo at bawat isa
ay mayroong magkakatulad na uri ng unit. Aling numero ang mas
nakakahigit, ang maliit na numero o ang malaking numero?

ESTUDYANTE: Patawad po, Sir... pero ano pong ibig n’yong sabihin sa numerong mas
nakakahigit? ‘Yon po ba ang numerong hindi mas maliit kaysa sa isa?

PROPESOR: Iyon nga, Mademoiselle. Mismo. Lubos mo nang naiintindihan.

ESTUDYANTE: Kung gano’n po, malamang apat ‘yon.

PROPESOR: Ano ang apat? Mas higit o mas maliit sa tatlo?

ESTUDYANTE: Mas maliit po... hindi, mas higit po.

PROPESOR: Mahusay na sagot. Ilang unit ang mayroon sa pagitan ng tatlo at apat?... O ng
apat at tatlo, kung gusto mo?

ESTUDYANTE: Wala pong mga unit sa pagitan ng tatlo at apat, Sir. Agad pong susunod ang
apat sa tatlo; wala pong kahit ano sa pagitan nila!

PROPESOR: Mukhang hindi ko sa ‘yo naipaintindi ng maayos. Kasalanan ko ito. Hindi ako
naging malinaw.

ESTUDYANTE: Hindi po, Sir. Ako po ang may kasalanan.

PROPESOR: Makinig ka. Heto ang tatlong posporo. At heto pa ang isa. Apat na sila.
Ngayon, manood kang maigi. May apat na posporo. Kukunin ko ang isa, ilan
na lang ang natitira?
Page !12 of !38

(Ang mga posporo at ang iba pang bagay na mababanggit ay invisible. Tatayo ang PROPESOR at magsusulat sa
kathang-isip na blackboard gamit ang kathang-isip na chalk, atbp.)

ESTUDYANTE: Lima po. Kung makakabuo po ng apat ang tatlo at isa, makakabuo po ng lima
ang apat at isa.

PROPESOR: Hindi, maling-mali. Gustung-gusto mong nagdaragdag. Pero kailangan ding


magbawas. Hindi sapat ang pagsasama lang. Mahalaga rin ang paghihiwalay.
Gano’n ang buhay. At philosophy. Gano’n ang science, progess, civilization.

ESTUDYANTE: Opo, Sir.

PROPESOR: Balikan natin ang mga posporo. Mayroon akong apat. Nakikita mo namang
apat sila. Kukunin ko ang isa at ang matitira ay...

ESTUDYANTE: Hindi ko po alam, Sir.

PROPESOR: Mag-isip ka. Hindi madali, inaamin ko. Pero sapat ang talino mo para gawin
ang pag-iisip na kinakailangan at magtagumpay sa pag-intindi. Ano na
ngayon?

ESTUDYANTE: Parang hindi naman po, Sir. Hindi ko po talaga alam, Sir.

PROPESOR: Sige, magbigay tayo ng mas simpleng halimbawa. Kung mayroon kang
dalawang ilong at pinitas ko ang isa, ilan ang matitira?

ESTUDYANTE: Wala po.

PROPESOR: Anong ibig mong sabihing wala?

ESTUDYANTE: Mayroong po akong iisang ilong ngayon dahil wala pa po kayong binubunot.
‘Pag binunot n’yo po ito, wala na pong matitira.

PROPESOR: Hindi mo lubos na naiintindihan ang halimbawa ko. Ipagpalagay nating isa
lang ang tenga mo.

ESTUDYANTE: Sige po, tapos?

PROPESOR: Lalagyan kita ng isa pa, ilang tenga na ang mayroon ka?
Page !13 of !38

ESTUDYANTE: Dalawa po.

PROPESOR: Magaling. Lalagyan kita ng isa pa. Ilan na ang mayroon ka?

ESTUDYANTE: Tatlo po.

PROPESOR: Kukunin ko ang isa sa kanila... ilang tenga ang matitira sa ‘yo?

ESTUDYANTE: Dalawa po.

PROPESOR: Magaling. Kukunin ko ang isa pa. Ilang na lang ang matitira?

ESTUDYANTE: Dalawa po.

PROPESOR: Hindi. Mayroon kang dalawang tenga. Kukunin ko ang isa. Ngangatngatin ko.
Ilan ang matitira?

ESTUDYANTE: Dalawa po.

PROPESOR: Ngangatngatin ko ang isa sa kanila. Isa sa kanila...

ESTUDYANTE: Dalawa po.

PROPESOR: Isa!

ESTUDYANTE: Dalawa po!

PROPESOR: Isa!

ESTUDYANTE: Dalawa po!

PROPESOR: Isa! Compress


ESTUDYANTE: Dalawa po!

PROPESOR: Isa!

ESTUDYANTE: Dalawa po!

PROPESOR: Isa!

ESTUDYANTE: Dalawa po!


Page !14 of !38

PROPESOR: Hindi, hindi, hindi. Hindi ‘yun ‘yon. Ang halimbawa ay hindi... hindi
masyadong kapani-paniwala. Makinig ka sa akin.

ESTUDYANTE: Opo, Sir.

PROPESOR: Mayroon kang... uh... mayroon kang... uh...

ESTUDYANTE: Sampung daliri po!...

PROPESOR: Magaling! Kung gusto mo. Sige! Mayroon kang sampung daliri.

ESTUDYANTE: Opo, Sir.

PROPESOR: Ilan ang mayroon ka kung mayroon kang lima?

ESTUDYANTE: Sampu po, Sir.

PROPESOR: Hindi, mali!

ESTUDYANTE: Pero gano’n po, Sir.

PROPESOR: Sinasabi ko sa ‘yo, mali ka!

ESTUDYANTE: Pero kakasabi n’yo lang po na mayroon akong sampu...

PROPESOR: At sinabi ko sa ‘yo pagkatapos na mayroon kang lima!

ESTUDYANTE: Pero wala po akong lima, mayroon po akong sampu!

PROPESOR: Ibahin na lang natin... Para lang sa layunin ng subtraction, limitahan natin ang
mga sarili sa mga numero mula isa hanggang lima... Kaunting pasensiya,
Mademoiselle, at makikita mo rin. Tutulungan kitang maintindihan.

(Magsisimulang magsulat ang PROPESOR sa kathang-isip na blackboard.)

PROPESOR: Panoorin mo, Madeoiselle...

(Gagawa ang PROPESOR ng isang guhit, pagkatapos ay isusulat sa ibaba nito ang “1”. Tapos ay dalawang guhit
at isusulat ang “2” sa ibaba. Tapos ay tatlong guhit at “3” hanggang sa apat na guhit at “4”.)

PROPESOR: Nakikita mo?


Page !15 of !38

ESTUDYANTE: Opo, Sir.

PROPESOR: Sticks ang mga ito, Mademoiselle, sticks, naiintindihan mo? Ito ay isang stick,
pagkatapos ay dalawa; isa, dalawa, tatlong sticks lahat-lahat; pagkatapos ay
apat na sticks, limang sticks, at sunud-sunod pa. Isang stick, dalawang sticks,
tatlong sticks, apat at limang sticks, ito’y mga numero. ‘Pag binilang mo ang
sticks, bawat stick ay isang unit, Mademoiselle... Ulitin mo ang kasasabi ko
lang!

ESTUDYANTE: Isang unit, Mademoiselle... Ulitin mo ang kasasabi ko lang!

PROPESOR: Maaaring figure o numero! Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, ang mga elemento ng
numeration, Mademoiselle.

ESTUDYANTE: (nag-aalangan) Opo, Sir. Mga elemento, figures na sticks; units at mga
numero...

PROPESOR: Sa iisa at parehong oras... ibig sabihin doon bumabagsak ang lahat ng
Aritmetik.

ESTUDYANTE: Opo, Sir. Mahusay po, Sir. Salamat po, Sir.

PROPESOR: Ngayon, pwede kang magbilang, kung gusto mo, gamit ang mga elementong
ito... magdagdag at magbawas...

ESTUDYANTE: (nagmememorya) Ang sticks ay figures at mga numero, units.

PROPESOR: Hm... maaaring sabihin gano’n na nga. Pagkatapos, ano?

ESTUDYANTE: Pwede pong magbawas ng dalawang units mula sa tatlong units, pero pwede
po bang magbawas ng dalawang dalawa mula sa tatlong tatlo? At dalawang
figures mula sa apat na numero? At tatlong numero mula sa isang unit?

PROPESOR: Hindi, Mademoiselle. Hindi maaari.

ESTUDYANTE: Pero bakit hindi po, Sir?

PROPESOR: Dahil gano’n, Mademoiselle.

ESTUDYANTE: Dahil sa ano po, Sir? Dahil pare-parehas lang po sila?


Page !16 of !38

PROPESOR: Gano’n talaga ang mga bagay-bagay, Mademoiselle, hindi ‘yon


maipapaliwanag. Maiintindihan mo ‘yon sa pamamagitan ng isang klase ng
mathematical sense. Maaaring mayroon ka noon o wala.

ESTUDYANTE: Wala pong makakatulong sa ‘kin kung gano’n!

PROPESOR: Makinig ka, Mademoiselle! Kung hindi ka magiging matagumpay na lubos na


maintindihan ang archetypal principles ng Aritmetik, hindi ka kailanman
magtatagumpay sa pagiging polytechnician. At higit pa ro’n, hindi ka
makakakuha ng kurso sa polytechnic school... o kahit sa establisyamentong
pansanggol. Inaamin kong hindi ito madali, kitang-kita namang masyado
itong abstrakto... pero kung hindi mo lubos na naiintindihan itong mga
simpleng posisyon na ito, paano ka makakagawa ng mga kalkulasyon sa utak
mo tulad ng – at ito’y ‘sindali lang ng pagkindat sa isang karaniwang engineer
– tulad nito, halimbawa: ilan ang tatlong bilyon, pitong daan at limapu’t
limang milyon, siyam na raan at siyamnapu’t walong libo, dalawang daan at
limampu’t isa ‘pag pinarami nang limang bilyon, isandaan at animnapu’t
dalawang milyon, tatlong daan at tatlong libo, limang daan at walong beses?

ESTUDYANTE: (mabilisan) Magiging labinsiyam na kwintilyon, tatlong daan at siyamnapung


kwadrilyon, dalawang trilyon, walong daan at apatnapu’t apat na bilyon,
dalawang daan at labinsiyam na milyon, isandaan at animnapu’t apat na libo,
limang daan at walo...

PROPESOR: (mamamangha) Hindi, sa palagay ko. Dapat ay labinsiyam na kwintilyon,


tatlong daan at siyamnapung kwadrilyon, dalawang trilyon, walong daan at
apatnapu’t apat na bilyon, dalawang daan at labinsiyam na milyon, isandaan at
animnapu’t apat na libo, limang daan at siyam...

ESTUDYANTE: Hindi po... limang daan at walo...

PROPESOR: (mas lalo pang mamamangha habang nagkakalkula gamit ang mga kamay) Oo nga...
tama ka nga... tama ang produktong nakuha mo... (pabulung-bulong nang hindi
naiintindihan) kwintilyon, kwadrilyon, trilyon, bilyon, milyon... (mas tiyak) ...
isandaan at animnapu’t apat na libo, limang daan at walo... (gulat na gulat) Pero
Page !17 of !38

paano mong nakuha ‘yon kung hindi mo naman naiintindihan ang mga
prinsipyo ng arithmetic calculations?

ESTUDYANTE: Oh! Napakadali lang po! Dahil hindi ko po kayang dumepende sa reasoning,
inaral at isinapuso ko po ang lahat ng mga posibleng kombinasyon sa
multiplication.

PROPESOR: Pero walang hangganan ang mga kombinasyon!

ESTUDYANTE: Nagawa ko pa rin po!

PROPESOR: Kataka-taka!... Gano’n pa man, marapatin mong sabihin ko sa ‘yo na hindi pa


rin ako nasisiyahan, Mademoiselle, at hindi kita binabati; sa Mathematics,
partikular na sa Aritmetik, ang mahalaga – at hindi ka maaaring umiwas sa
halaga pagdating sa Aritmetik – ang mahala higit sa lahat ay ang kakayahang
maintindihan kung ano ang ginagawa mo... Dapat ay natagpuan mo ang sagot
gamit ang dalawahang proseso ng inductive at deductive mathematical
reasoning, at ‘yon dapat ang paraan kung paano mo mararating ang lahat ng
mga sagot mo. Nakakamatay na kaaway ang alaala sa Mathematics, at kahit na
may mga maitutulong ito, pagdating sa Aritmetik, ang alaala ay hindi
mabuting bagay!... kaya hindi ako masaya sa iyo... talagang hindi pwede ‘yon...

ESTUDYANTE: (madudurog) Hindi po, Sir.

PROPESOR: Kakalimutan muna natin ‘yon pansamantala. Pumunta muna tayo sa isang
naiibang gawain...

ESTUDYANTE: Opo, Sir.

KASAMBAHAY: (habang papasok) Hm!... Hm!... Monsieur!...

PROPESOR: (hindi naririnig ang KASAMBAHAY) Sayang, Mademoiselle, na hindi ka


gaanong magaling sa special mathematical studies...

KASAMBAHAY: (habang hinihila ang manggas ng PROPESOR) Monsieur! Monsieur!

PROPESOR: Ikinalulungkot kong maaaring hindi ka nararapat kumuha ng total


Doctorate...

You might also like