Disfil - Research Ukol Sa Pandemya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Gaea Angela F.

Macatangay
gaea_angela_macatangay@dlsl.edu.ph
G3B 2018203951

Sa kasalukuyan, ang kalagayan ng ating bansa laban sa COVID-19 ay hindi pa rin umuusad o
hindi pa rin maganda.

ANO NGA BA ANG PINAGKAIBA NG ECQ, GCQ, MECQ, AT MGCQ?


ECQ (ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE)
● Hindi pinapayagan ang paglabas ng tao, kahit ano pa ang edad at kondisyon ng
kalusugan
● Limitado ang economic activity maliban sa pagbili ng pagkain, tubig at iba pang utilities
at ng critical economic sector
● Walang transportasyon maliban sa utility services
● Suspendido ang pisikal na klase sa mga paaralan
● Bawal lumabas ang mga below 21 years old at mga senior citizen 60 years old above,
mga buntis at mga taong may mga existing health conditions.
● Ipinagbabawal pa din ang Mass gathering.
● Social Distancing 1 METER APART

GCQ (GENERAL COMMUNITY QUARANTINE)


● Limitado ang galaw ng mga serbisyo at trabaho sa loob ng GCQ at modified GCQ areas
● Papayagan ang operasyon ng mga tanggapan ng gobyerno at mga industriya ng
hanggang 75 porsiyento ng workforce
● Limitadong paghahatid ng serbisyo para masuportahan ang gobyerno at pribadong
operasyon
● Flexible ang learning arrangements, papayagan ang pasok sa eskuwela sa limitadong
kapasidad
● Ipinagbabawal pa din ang Mass gathering.
● Social Distancing 1 METER APART

MECQ (MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE)


● Limitado ang galaw ng mga tao sa containment zone para makakuha ng essential
services at makapagtrabaho
● Papayagan na ang operasyon ng manufacturing at processing plants ng hanggang 50
porsiyento ng mga tauhan o empleyado
● Limitado ang paghahatid ng essential goods at serbisyo
● Suspendido ang pisikal na klase sa mga paaralan
● Ipinagbabawal pa din ang Mass gathering.
● Social Distancing 1 METER APART sa trabaho
MGCQ (MODIFIED GENERAL COMMUNITY QUARANTINE)
● Mayroon permiso bumalik sa socio- ekonomikal na gawain.
● Pagbabalik sa normal ng may pagiingat at pagsusuot ng mask ay kailangan.
● Trabaho at swelahan ay maari ng magpatuloy ngunit kailangan ng Health safety
precaution. magsuot ng mask ay kailangan.
● Pampublikong transportasyon kagaya ng jeep, bus, at pati ang flight ay balik na sa
normal.
● Social Distancing ay pinapatupad pa rin.
Ang mga lugar na nakapaloob sa GCQ, MECQ, at MGCQ:

Sa ​new normal ngayon panahon ng ​pandemic virus COVID-19, dapat maging alerto tayo
sa lahat ng mga tamang impormasyon dahil ito ang magiging gabay natin upang maiwasan ang
pagkakaroon ng ​Corona Virus o tinatawag na COVID-19. Kung mayroon man tayong dapat
gawin, iyon ay ang protektahan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
polisiya o patakaran laban sa pandemyang ating kinakaharap. Kapag tayo ay nakikinig at
sumusunod sa mga batas, hindi lamang natin pinoprotektahan ang ating mga sarili ngunit pati
ang ibang tao na nakakasalamuha natin. Kung maaari ay huwag tayong lalabas ng ating mga
tahanan kung hindi naman kinakailangan. Kung bibili ng ​grocery​, isang miyembro na lamang ng
pamilya ang lumabas ng bahay. At siguraduhin na nakasuot ng ​face mask at face shield a​ t
magdala ng ​alcohol ​o ​hand sanitizer.​ Pagkauwi ng bahay, dapat ay maghugas kaagad ng kamay
at huwag dadalhin ang sapatos o tsinelas sa loob ng tahanan. Bilang isang estudyanteng nars,
tinitiyak ko na nananatiling updated at may alam ang aking pamilya. Sinisiguro ko rin na kami ay
sumusunod sa mga patakaran at pinapanatili ang ​Social Distancing​. Lagi ko sila pinaalalahanan
ng mga update at panatilihin ang magandang kalusugan. Bukod sa pag-iwas sa matinding sakit,
aming pinalalakas o pinatitibay ang aming katawan o resistensya sa pamamagitan ng
pageehersisyo, pag-inom ng vitamin C,​ pagkain ng mga masusustansyang pagkain gaya ng gulay
at prutas. Dapat tayong maging maingat ngayong panahon at maging mapanuri upang hindi
masayang ang pagod ng ating mga ​frontliners. Huwag din nating kakalimutan na humingi ng
gabay at magdasal sa Poong Maykapal.

SANGGUNIAN
https://pcoo.gov.ph/
https://mypope.com.ph/types-of-community-quarantine/
http://stefthemomma.com/alamin-ang-pagkakaiba-ng-ecq-mecq-gcq-at-mgcq/
https://www.bulgaronline.com/single-post/2020/05/12/Pagkakaiba-ng-ECQ-MECQ-at-GCQ
https://www.theworldlawgroup.com/writable/documents/news/SyCipLaw-Bulletin-No.-34-CO
VID-19-PH-Updates-as-of-September-1.pdf

You might also like