EsP 10 SLM-MELC-4.1 (Dignidad) PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Dignidad
Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 10
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Dignidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Helen G. Lagcao
Editor: Julius D. Barrientos
Tagasuri: Aiza B. Plantinos, Mark G. Arriesgado
Tagaguhit: Mary Grace U. Mananquil, Rey Jane A. Soria
Tagalapat: Anna Viel L. Parcon
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Romelito G. Flores, CESO V – Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI – ASDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia Diaz – REPS, EsP
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Luzviminda R. Loreno – Division EPS-EsP

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Dignidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakato 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Dignidad!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakato 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Dignidad!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Una sa lahat binabati kita sa iyong pagpupunyagi na makamit ang iyong tunay na
kalayaan. Sa puntong ito, nabatid mo na ang ang pagtugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod sa kapwa ay ang tunay na kahulugan ng kalayaan.
Sa nakaraang aralin, natutunan mong higit na malaya ang isang tao kapag siya ay
gumagawa ng kabutihan sa kaniyang kapwa. Malaya ang isang tao kung ang
kanyang mga kilos ay hindi sumasalungat sa Likas na Batas Moral. Ang batas na
ito ang siyang pinagbabatayan sa pagsasaalang-alang sa pagkilala ng kabutihang
pansarili at kabutihang panlahat. Sinasabing “bukod-tangi ang tao sa lahat ng
nilalang ng Diyos dahil linikha ng Diyos ang tao na may isip at kalayaan. Pantay-
pantay ang lahat ng tao bilang mga anak ng Diyos.” Ang kalayaan na bigay ng
Diyos sa tao ay may kakambal na pananagutan. Ang tao ay kailangang maging
mapanagutan sa anumang kilos at pagpapasyahang gawin. Paano ito maiuugnay
sa ating bagong aralin?

Ang epekto o resulta ng kanyang ginawa ay siyang maging batayan sa pagsagot ng


pagkilala sa dignidad ng tao. Ang dignidad ng tao ay may kaugnayan sa kaniyang
pagkabukod-tangi sapagkat siya ay may kakayahan na magsuri at pumili kung ano
ang nararapat. Ano nga ba ang kahulugan ng dignidad ng bawat tao? Saan ito
nagmumula? Saan ito nakabatay? Paano isasabuhay ang pagkilala at
pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao? Ang mga susunod na gawain ay
makakatulong sa iyong pang-unawa tungkol sa dignidad ng tao.

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang kasanayang pampagkatuto na:


Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao. (EsP10MP-Ig-4.1).

Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagtataya upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Bilugan
lamang ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ano ang pinakaangkop na kahulugan ng salitang dignidad?


a. Ito ay ang kalagayan o posisyon mo sa lipunan.
b. Ito ay ang kulay ng iyong katawan.
c. Ito ay ang antas ng iyong edukasyon o sa iyong relihiyon.
d. Ito ay ang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga
paggalang mula sa kaniyang kapwa.
2. Ang tao ay nilikha ng Diyos na bukod-tangi sa lahat ng nilalang
dahil______________?
a. ang tao ay matalino at maganda
b. ang tao ay binigyan ng isip, kilos loob at kalayaan
c. ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos
d. ang tao ay may kakayahang mag-abstrak at magmahal

3. Ang paggalang sa karapatan at dignidad ng tao ay maaaring maging


batayan ng kaayusan ng buhay ng tao. Sa makatuwid, ano ang ibig
sabihin ng gintong aral?
a. “Kapwa mo, Mahal mo”
b. “Dignidad mo, Iangat mo”
c. “Madaling maging Tao, Mahirap Magpakatao”
d. “Gawin mo sa Kapwa ang ibig mong gawin nila sa iyo”

4. Ang mga sumusunod ay ang paglalarawan ng “Golden Rule” o Gintong


Aral, maliban sa
a. “Kung ano ang di mo gusto ay huwag gawin sa iba.”
b. “Makipag-ugnayan ng may pagmamahal”
c. “Pakisamahan at pahalagahan ang tao bilang tao”
d. “Gawin mong batayan ang pakikitungo ng kapuwa sa iyo”

5. Saan nakabatay ang mabuting pakikipagkapwa?


a. sa kalayan ng iba c. sa karangalan ng iba
b. sa karapatan ng iba d. sa karangyaan ng iba

6. Ang mga sumusunod ay ang mga antas na nagpagpapatibay ng dangal


ng tao, maliban sa isa:
a. ang pansarili -mabuting buhay
b. ang pakikipagkapwa - mabuting ugnayan
c. ang panlipunan -pagsunod sa batas at karapatang pantao
d. ang pagiging martir at banal na magulang

7. Sinasabing “bukod-tangi ang tao sa lahat ng nilalang ng Diyos dahil


linikha ng Diyos ang tao na may isip at kalayaan. May dignidad pa ba
ang mga taong ulyanin?
a. Oo, dahil sila ay may halaga bilang tao kahit wala na silang
pag-iisip at kalayaan.
b. Oo, dahil ang tao ay pantay-pantay sa lipunan.
c. Wala, dahil hindi na sila rasyonal at wala ng silbi.
d. Wala, dahil hindi sila marunong makipag-kapuwa.
8. Sa lahat ng nilalang ng Diyos, ano ang pagkakaiba ng tao sa hayop at
halaman?
a. Ang tao ay may katutubong hayop o nakokondisyong ugali ng
mga hayop.
b. Ang tao ay may kakayang mag-isip at kontrolin o baguhin ang
kanyang kapaligiran, di gaya ng hayop at halaman.
c. Ang tao ay isang mataas na uri ng hayop.
d. Ang tao ay may kamalayan sa sarili.

9. Ang konseptong dangal o karangalan ay pinagkaloob na


pagpapahalaga. Ito ay walang pagkakaiba sa konsepto ng
___________________.
a. puri c. hiya
b. dignidad d. dunong

10. “Minamahal ng Diyos ang tao, kung kaya’t mahalin ng tao ang
kaniyang kapwa.” Ang pangungusap ay nagpapahiwatig na:
a. Ang tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
b. Ang tao ay kailangang sumabay sa kilos ng pagmamahal ng
Diyos.
c. Ang tao ay may karapatan at kalayaang magmahal.
d. Ang tao ay pinakabukod-tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos
dahil sa taglay niyang isip at kilos loob.

11. Maipakita ng tao ang kaniyang likas na pagkatao, maliban sa?


a. sa kanyang pagkakaroon ng tiwala sa Diyos
b. sa kanyang pagmamahal o pagkalinga sa kapwa
c. sa pagtulong sa mga gawaing panglipunan bilang isang
mabuting
d. Mamamayan umasa sa kaniyang kapwa tao

12. Paano makatulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat
ng tao?
a. pagbibigay halaga sa karapatang pantao
b. paigtingin ang pagtuturo sa seksuwalidad
c. pagsulong ng programang pangsarili
d. sa pamamagitan ng panunuhol sa ibang tao

13. Itinadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay ng lahat


ng tao sa lipunan, ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang tunay na diwa ng isang bansa ay nasa
pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
b. Tama, dahil pinagbabatayan sa pagsasaalang-alang sa
pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.
c. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng
mga taong mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.
d. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
14. Sino sa mga sumusunod ang tunay na nagpapakita ng paggalang sa
dignidad ng kanyang kapuwa?
a. isang negosyanteng nagbibigay ng malaking halaga bilang
puhunan ng isang empleyadong tumatanda na
b. isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa
kapuwang nangangailangan ng kanyang tulong
c. isang politikong labis ang katapatan sa kanyang
panunungkulan sa pamahalaan
d. isang taong may pandama at pag-unawa sa damdamin ng iba

15. Bilang estudyante, paano mo pahahalagahan ang dignidad ng isang


tao?
a. kumilos ng may paggalang, katapatan at pang-unawa sa iyong
kapwa
b. magsikap makatapos ng pag-aaral at upang maitaas ang
dignidad
c. sumunod sa mga patakaran ng bansa
d. matutong makibahagi sa mga programang panlipunan
Aralin

2 Dignidad

Sa Baitang 7 ay natutunan mo na ang bawat tao ay may dignidad anuman ang


kanyang kalagayang panlipunan, kulay, lahi, edukasyon at relihiyon. Natutunan
mo rin na ang paggalang sa dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at
magkapareho nilang tao. Mulat ka na rin sa mga kasabihan ng mga Gintong aral
na “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo,” ayon kay
Confucius o kaya ang positibong pagka wika ni Hesukristo na, “Gawin mo sa
kapwa ang ibig mong gawin nila sa iyo.” Inalam mo ba kung bakit? Bakit
kailangan mong igalang ang ibang tao? Masasabi mo na bang mahal mo ang iyong
kapwa pagkatapos mong napag-aralan ang paksang Dignidad ng Tao sa Baitang
7?

Balikan

Sa nakaraang aralin ay naipaliwanag na sa iyo na ang tao ay may taglay na


kalayaan mula pa sa kaniyang kapanganakan. Bilang pagganyak, ating balikan
ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

Tunay na Kalayaan!

Panuto: Punan ng angkop na salita sa patlang upang mabuo ang kahulugan ng


kalayaan. Para sa iyo, ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan?

Sagot:
Ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang _______________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay may layuning iparating sa mga mag-aaral ang mga
kaalaman at kasanayan tungkol sa kahulugan ng dignidad ng tao.
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagawa at pagsagot sa iba’t ibang
gawain.Paalalahanan na maging tapat sa kanyang sarili sa lahat ng
pagkakataon ang mga mag-aaral.

s
Tuklasin

Madalas sinasabi na ang dignidad ng tao ay nakabatay sa kaniyang mga nagawa


sa buhay. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng iyong pagtulong sa paglutas ng
mga suliranin sa pamilya, pamayanan o sa mundo, o kaya naman sa pamamagitan
ng pagmamalasakit mo sa kapwa lalong lalo na sa mga mahihirap. Subalit, lingid
sa ating kaalaman ang pagsunod at paggalang sa iyong mga magulang o
nakakatanda at mga awtoridad, at batas ay isa ring magandang halimbawa ng
isang taong may pagpapahalaga sa dignidad. Tunghayan natin ang isang maikling
kuwento.

Gawain 1: Batas Mo, Sundin Mo


Panuto: Basahin at unawain ang maikling kuwento. Sagutin ang mga
pamprosesong tanong at isulat ang iyong sagot sa patlang.

Ang Pagsunod sa Batas


ni Helen G. Lagcao

Isang araw ay nagmamadaling umalis ng bahay si Congressman. May


mahalagang pagpupulong siyang dadaluhan at kailangang maiayos niya ang
kanyang presentasyon na gagamitin na nasa kanyang tanggapan. Subali’t
inabutan pa man din siya ng trapik, “Gawan mo ng paraan para makarating tayo
agad,” sabi nya sa drayber. Pagka “Go” ng nga sasakyan, ay pinaharurot ng
kaniyang drayber ang sasakyan.

Makaraan ng ilang metro, pinara ng pulis ang sasakyan, at sinabi, “Lisensya


mo.” “Ano ang nalabag ko?,” ang tanong ng drayber. “Overspeeding, beating the red
light,” sagot ng pulis. “Kailangang makarating si Congressman sa opisina eh,”
sabay turo sa likod. Ayaw ibigay ng drayber ang kanyang lisensiya. Pero
nanindigan ang pulis, hanggang sa sinabi ni Congessman na “Ibigay mo na,” para
matapos na tayo. Kaya napilitan siyang ibigay at sila ay nakaalis.

Pagdating sa tanggapan inatasan ni Congressman ang kaniyang kawani na


gumawa ng Letter of Commendation para sa Hepe ng Kapulisan na nag-uulat sa
magandang halimbawa na ipinakita ng pulis hinggil sa pagpapatupad at mahigpit
na pagsunod ng batas trapiko upang maging matiwasay at maiwasan ang mga
aksidente sa lansangan.
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Tama bang sundin ng drayber sa kwento ang kanyang amo kahit na ito ay
nangangahulugan ng paglabag sa batas trapiko? Ipaliwanag?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sa palagay mo, makatarungan ba ang ginawa ng pulis sa drayber na kunin ang
kaniyang lisensiya? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng drayber, ano ang maaring gagawin mo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Bakit ang pagsunod sa batas ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng dignidad?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Sa kabilang dako, ikaw ba ay pamilyar sa 4Ps? Ang pamilya mo ba ay miyembro


nito? Kung hindi, may kilala ka bang mga pamilya na kasapi nito? Alamin kung
paano ito nakakatulong sa kapakanan at karapatan ng mga tao lalo na sa mga
mahihirap. Tuklasin kung paano ito nakatulong sa pag-angat ng dignidad ng tao.

Gawain 2: Dignidad Mo, Paunlarin Mo!

Panuto: Basahin ang talata ukol sa Programang 4P’s. Sagutin ang mga gabay na
tanong at isulat ang iyong mga sagot sa patlang.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng


pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng
ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng kondisyonal na tulong-pinansiyal
para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan,
nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong
gulang. Kailangang matupad ng mga pamilya ang mga kondisyon ng
pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal. Halaw ito sa
programang Conditional Cash Transfer (CCT) ng mga bansa sa Latin Amerika
at Aprika, na naialpas sa kahirapan ang milyon-milyong tao sa buong
mundo.

Gabay na tanong:

1. Ano sa palagay mo ang mga dahilan kung bakit ginawa ito na programa
ng pamahalaan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano-ano ang tungkulin ng pamahalaan para sa mga mamamayan?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga Karapatang pantao ang natutugunan ng programang


ito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Bakit ang pagpapatupad ng batas na ito ay nakakatulong sa


pagpapaunlad ng dignidad ng tao?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Suriin

Upang higit na malinang natin ang iyong kaalaman at kasanayan, basahin at


unawaing mabuti ang sanaysay.

Ang Dignidad ng Tao

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung ano
ang makasasama sa iyo, makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang
makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya. Bakit nga ba kaibigan? Sapagkat
siya ay iyong kapwa tao. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao. Ito ang tunay
na mensahe ng gintong aral (Golden Rule). Kinikilala nito ang karapatan ng bawat
indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa. Hindi nga ba’t ito rin ang utos ng
Diyos sa tao? Sinabi niyang “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal
mo sa iyong sarili.” Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng
lahat ng tao. Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang wangis. Ibig
sabihin, ayon sa Kaniyang anyo, katangian at kakayahan.

Samakatuwid, ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; kaya’t ito ay likas


sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan, ibig sabihin, taglay ng
lahat ng tao. Ngunit, marahil tinatanong mo ang iyong sarili,” Bakit may
pagkakaiba ang tao? Bakit may taong mayaman? Bakit may mahirap? Bakit
magkakaiba ang kanilang edad, kasanayang pisikal, intelektuwal at moral na
kakayahan, ang benepisyo na natatanggap mula sa komersiyo, at ang
pagkakabahagi ng yaman? Maging ang talento ng tao ay hindi pantay-pantay na
naibahagi. Sa kaniyang kapanganakan, hindi ibinigay sa tao ang lahat ng kaniyang
pangangailangan para sa pag-unlad ng kaniyang materyal o pangkatawan at pang-
espiritwal na buhay. Ipinahihiwatig nito na kailangan natin ang ating kapwa.
Kasama ito sa plano ng Diyos, na tunay na nagnanais na matanggap ng bawat
indibidwal ang kaniyang mga pangangailangan mula sa kaniyang kapwa.
Inaasahan Niya na yaong nabiyayaan ng mga natatanging talento at kakayahan ay
magbabahagi ng mga biyayang ito sa mga taong nangangailangan ng mga ito. Ang
ganitong mga pagkakaiba ang humihikayat sa tao na isabuhay ang pagiging
mapagbigay at mabuti. Ang nais ng Diyos ay yakapin ng tao ang pagbabahagi ng
mga biyaya at regalo na natanggap ng bawat tao mula sa Kaniya.

Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao? Ang


pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa kaniyang dignidad bilang tao at ang
karapatan na dumadaloy mula rito.

Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas,


mula sa dignus, ibig sabihin “karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang
pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapwa. Lahat ng tao, anoman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan, ay may dignidad.

May mga katangian ang tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya kung


ihahalintulad sa ibang nilikha. Sapagkat mayroon siyang isip na nagbibigay sa
kaniya ng kakayahang umunawa ng konsepto, mangatuwiran, magmuni-muni at
pumili nang malaya. May likas na kakayahan siyang hubugin at paunlarin ang
kaniyang sarili gamit ito. Hindi man agad nagagamit ng ilan ang kakayahang ito
katulad ng mga bata, ang pagiging bukod-tanging tao ang mabigat na dahilan ng
kaniyang dignidad. Kung kaya wala itong pinipili, hindi ito para lamang sa iilan.
Sabi nga ni Papa Juan Pablo II para sa mga magsasaka at manggagawang
Pilipino,” May karapatan kayong mamuhay at pakitunguhan kayo nang naaayon sa
inyong dangal bilang tao; at kasabay nito, may karampatang tungkulin din kayo na
makitungo sa kapwa sa ganito ring paraan...” Dahil sa dignidad, lahat ay
nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o
makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran,
dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat. Samakatuwid, kailangan mong
tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong kapwa bilang natatanging anak
ng Diyos na may dignidad.Mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao sa
pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos. Nakasalalay ang
ating tunay na dangal sa katotohanang tinatawag tayo upang makapiling ang
Diyos.

Ayon kay Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayan kung bakit
obligasyon ng bawat tao ang sumusunod:

1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa. Halimbawa, sa kabila ng


kahirapan sa buhay, hindi gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling
laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling pagkatao. Sa kabilang dako,
kailangan mong tandaan na ang iyong kapwa ay hindi dapat gamitin para sa
sariling kapakinabangan.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang
naririnig mula sa matatanda na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay
makasampu mo muna itong isipin. Ano ang magiging epekto sa iba ng iyong
gagawin? Nararapat pa ba itong gawin o hindi na?
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa
iyo. Ang prinsipyong ito ay nagpapatunay anomang gawin mo sa iyong
kapwa ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Ang paggalangsa karapatan ng
iyong kapwa, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan,
katotohanan ay ilan sa mga pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-
ugnayan.Ang mga ito rin ang nararapat na ipakita mosa iyong kapwa.

Tandaan, mahalagang iyong isaisip at isapuso: Ang tao ang pinakabukod-


tangi sa lahat ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos loob.
Nakatatanggap tayo ng labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula
sa Kaniya. Kung minsan bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya nakararamdam
tayo ng kakulangan. Hinahanap natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa
ating kapwa. Sa ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay napagkakaitan. Ang
lahat ng materyal na bagay ay sa lupa lamang, hindi natin dapat na inuubos ang
ating panahon at pagod sa mga bagay na ito. Ang di matinag na karangalang taglay
ng tao ay ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao. Nagmumula ang
kahalagahang ito hindi sa anomang “mayroon” ang isang tao kung hindi ano siya
bilang tao. Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay na ito, hindi
na magiging mahirap ang pagpapanatili ng mataas na antas ng dignidad ng bawat
tao sa anomang uri ng lipunan. Kailangan mo ng tulong mula sa iyong sarili, sa
iyong kapwa at sa Diyos upang maisagawa ito. Sa ganitong paraan, muli nating
maaalala na tayo ay ANAK NG DIYOS!

Pamprosesong Tanong:
1. Ano nga ba ang kahulugan ng dignidad ng bawat tao?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Saan nagmumula ang dignidad ng tao? Saan ito nakabatay?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Paano isasabuhay ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?


____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Pagyamanin

Sa bahaging ito, suriin ang awit na nasa ibaba upang higit na mapalalim pa ang
iyong kaalaman sa kahulugan ng dignidad.

Gawain 3: Suri-Awit
Panuto: Awitin at suriin ang awit na Bisaya na pinamagatang “Kadungganan” ni
Bernadette Surban.” Pagkatapos ay sagutin ang mga katanungan sa susunod na
pahina.

“Kadungganan”
Awit ni Bernadette Surban
Isinalin sa Filipino ni Helen G. Lagcao

Kay sukad pa kini sa una nga panahon


(Simula pa ito noong unang panahon)
Ang kadungganan gimahal hangtud karon
(Ang Dignidad ay pinapahalagahan hanggang ngayon)
Sa kadaghanan kini ilang gipakabahandi
(Sa karamihan ito ay isang kayamanan)
Labaw pa sa bulawan ug salapi
(Higit pa sa ginto at salapi.)

Ang kakabus dili angay na tamayon


(Ang mahihirap ay di dapat maliitin)
Bisan ubos lamang kini nga tan-awon
(Kahit sila ay mababa sa ating pagtingin)
Bisan timawa apan way buling ang kadungganan
(Mahirap man, kung malinis naman ang reputasyon)
Ikapagarbo kini sa atong katilingban
(Ito ay maipagmamalaki sa lipunan)

Koro: Kadungganan ang kadungganan


(Dignidad MO, Dignidad Ko)
Bililhon nga hiyas sa atong kaliwatan
(Kayamanang mahalaga sa ating henerasyon)
Mahalon ta atong ampingan
(Mahalin natin, ating ingatan)
Dili ta bulingan ang atong kadungganan
(Huwag nating mantsahan ang ating karangalan)

Daghan ang mudayeg sa gwapo ug matahom


(Marami ang pumupuri sa gwapo at maganda)
Sila kaibgan kay nindot man nga sud-ongon
(Sila’y kinaiinggitan at tinitingala)
Apan kung dautan ang ilang binuhatan
(Ngunit kung sila ay manloloko at abusado
Daghan ang mosaway sa ilang binuhatan
(Masama ang kahihinatnan sa kanilang pagkatao)
Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang mensahe ng kantang ito tungkol sa “Kadungganan” o Dignidad


ng tao?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Sa paanong paraan napananatili ang paggalang sa karangalan at


dignidad ng tao?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay , nawawala ba ang dignidad ng isang tao?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Bakit inihahalintulad ang dignidad ng tao sa kayamanan?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
Isaisip

Ngayon naman ay iyong tatayahin sa pamamagitan ng pagpupuno ng mga


nawawalang salita upang kumpletuhin ang talata. Ang talatang ito ay magbibgay
buod sa kahulugan ng dignidad ng tao, kung kaya sa pagkakataong ito ay maari
mo nang masagot ang ating kasanayan. Pagkatapos mong sagutin at unawain ang
talatang ito ay marunong ka ng makapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad
ng tao. Kaya pagbutihan mo ang iyong pagsagot.

Gawain 5: Punan Mo, Sagot Mo!


Panuto: Piliin ang tamang salita sa kahon na kukumpleto sa talata. Isulat ang
napiling sagot sa may patlang.

wangis tao dignidad ng iba sa iyo

sarili pantay-pantay pangkalahatan nabubuhay

Diyos paggalang oportunidad pagmamahal

Lahat ng tao, anuman ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at


kakayahan, ay may (1)____________________. Kaya pahalagahan mo ang tao bilang
(2)____________________. “Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang
(3)____________________.” At wika Niya “Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng
pagmamahal mo sa iyong (4)____________________.” “Huwag mong gawin sa iba ang
ayaw mong gawin (5.)____________________” sapagkat ang dignidad ng tao ay
nagmumula sa (6)____________________, kaya’t ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha
ng lipunan, ito ay (7)____________________, ibig sabihin, taglay ng lahat ng tao.

Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa


pagpapahalaga at (8)____________________ mula sa kaniyang kapwa. Dahil sa
dignidad, lahat ay nagkakaroon ng (9)____________________ na umunlad sa paraang
hindi makasasakit o makasasama sa ibang tao. Nangingibabaw ang
(10)____________________ at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos,
(11)____________________ ang lahat. Ang paggalang at pagpapahalaga sa
dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay (12)____________________.
Isagawa

Marahil sa pagkakataong ito ay naunawaan mo na nang husto ang kahulugan o


ibig sabihin ng dignidad ng tao. Magkakapantay ang tao bilang tao dahil lahat ng
tao ay kawangis ng Diyos. Kaya sa tuwing makakasalamuha mo ang iyong kapwa
sa daan o kaya kung saan-saan ay iyong maisagawa o maipakita ang iyong
mabuting pakikitungo o paggalang sa kanila.

Gawain 6. “Karapatan Mo, Igagalang Ko”

Panuto: Gamit ang talahanayan, isulat sa kahon ang mga karapatan ng bawat isa
at paano mo iginagalang amg mga ito. Ang unang bilang ay magsisilbi mong gabay.

Ang iyong Kapwa: Karapatan Paano mo maipapakita


ang iyong paggalang?

Halimbawa: Karapatang alagaan ng Kakausapin ko sila ng


1. Matandang ulyanin pamilya o pamahalaan marahan, babantayan,
ayon sa “Elder Law” aalagaan , pakainin at
pasasayahin

2. Mga taong may


kapansanan sa katawan

3. Batang Espesyal

4. Batang lansangan

5. Mga basurero

6. Mga babaeng inabuso”

7. Mga Indigenous People


(IPs)
Tayahin

Mahusay! Napagtagumpayan mong isagawa ang mga gawain sa araling na ito.


Ngayon ay ihanda ang iyong sarili sa pagsagot sa panghuling tayahin.

Panuto: Piliin at bilugan ang pinakaangkop na sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may dignidad?


a. isang pulitiko na may pag alinlangan na sundin ang batas
b. isang pulis na tumatanggap ng suhol
c. isang mayaman na ipinagyabang ang kaniyang donasyon
d. isang taong tinulungan paupuin ang isang matanda sa jeep

2. Ang pagka bukod-tangi ng tao ay dahil sa kadahilanang, siya ay ___________.


a. ginawa ng Diyos na kawangis Niya
b. ginawa ng kanyang mga magulang na gwapo/maganda
c. ginawa ng lipunan na karapat-dapat
d. ginawa ng tao para sa kapuwa-tao

3. Paano mo isasabuhay ang “Gintong Aral”?


a. ipagyabang ang iyong katayuan sa buhay
b. pipiliin mo ang taong kakaibiganin o pakikisamahan
c. palagiing magbigay ng tulong sa kapuwa
d. huwag manira ng kapwa ng walang basehan

4. Alin ang hindi sakop sa antas ng dangal o dignidad ng tao:


a. pansarili c. pakikipagkapwa
b. pagpapahalaga d. panlipunan

5. Saan nagmumula ang dignidad ng tao?


a. sa Diyos c. sa relihiyon
b. sa batas d. sa tao

6. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maiangat ang iyong dignidad,
maliban sa isa:
a. maging maawain at magkaroon ng respeto sa sarili
b. maging kontento lang sa kung anong binibigay ng kapuwa
c. maging kalmado at mahinahon sa mga di inaasahang pangyayari
d. maging masipag at matapat sa lahat ng pagkakataon

7. Ano ang batayan sa pagkakapantay ng tao?


a. sa batas ng Karapatang Pantao
b. sa Bibliya na nagsasabing ang tao ay nilikha ng Diyos
c. sa aklat ng ‘Common Good” ng mga obispo
d. sa Gintong Aral ni Confucious
8. Sa iyong palagay, bakit ginusto ng Panginoon na ang tao’y hindi pantay-
pantay? May mahirap at mayaman, pangit at maganda, etc.
a. dahil gusto ng Diyos na ang tao ay magbigayan ng kani-kaniyang
biyaya
b. dahil gusto ng Diyos na ang tao ay matutong gumalang sa
kanyang kapuwa
c. dahil gusto ng Diyos na malaman ng tao ang buod ng buhay
d. dahil gusto ng Diyos na ang tao ay magsakripisyo

9. May dignidad ba ang mga taong comatose, mentally retarded o nasiraan na


ng bait?
a. Mayroon, dahil sila ay may mga sakit ngunit gagaling din.
b. Mayroon, dahil ang batayan ng dignidad ay ang pagiging tao.
c. Wala, dahil sila ay wala na sa mabuting pag-iisip.
d. Wala , dahil sila ay wala ng silbi.

10. Ano ang naitulong ng Programang 4Ps sa dignidad ng tao?


a. napataas ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataan
b. nabago ang pagtingin ng mga tao sa kanilang sitwasyon
c. napabuti ang kalagayang pantao ng mga mahihirap
d. napaunlad ang estado ng mga miyembro ng 4Ps

11. Ang dignidad ng tao ay hindi nananakaw, ito ay katulad ng:


a. kaalaman c. kagandahan
b. kagamitan d. karangalan

12. Punan ng angkop na sagot ang pangungusap. Ang taong may dignidad ay
________________________.
a. nambubugbog ng asawa at anak
b. nang-aagaw ng pwesto sa pila
c. magalang at minamahal ang kaniyang kapuwa
d. nagmumura ng isang tindera

13. Ang 4Ps ay isang programa ng pamahalaan para makatulong sa pag-angat


ng dignidad ng tao. Ito ay tumutugon sa karapatang pantao na:
a. karapatang makilahok sa kultura
b. karapatan sa mabuting kalusugan at edukasyon
c. karapatang makapaghanapbuhay
d. kalayaan sa pagsasalita

14. Paano mo pakikisamahan ang isang may kapansanan?


a. papanoorin mo siya ng malaswang pelikula
b. itatago mo siya sa isang makuliblib na lugar
c. maglaro kayo ng puzzle o scrabble
d. tuturuan mo siya kung paano magbasa at sumulat
15. Bilangestudyante, paano mo maiangat ang iyong dignidad ?
a. maging magalang sa kapwa estudyante at mga guro
b. mag- aral ng leksiyon at pagsikapang makatapos
c. matutong sumunod sa mga patakaran at makilahok sa mga
programang pangkalikasan o pang-masa
d. makipag-usap ng marahan sa mga kaklase

Karagdagang Gawain

Maligayang bati sa iyong pagtatapos na mabasa at masagutan ang lahat na


gawain. Marapat ito sa iyo dahil naglaan ka ng panahon at pagsisikap upang
tapusin ito. Anoman ang kaalaman at kakayahan na nakuha mo mula sa araling
ito ay magagamit mo sa susunod pang aralin. GOODLUCK AND ENJOY!

Panuto: Ang mga sumusunod na sitwasyon sa ibaba ay kasalukuyang mga


problema na kinakaharap natin sa kasalukuyan. Ang mga ito ay may kinalaman
sa mga isyu tungkol sa paglabag sa karapatang pantao at pagbalewala ng
paggalang sa dignidad ng tao. Alamin ang mga solusyon sa pamamagitan ng
pagkalap ng impormasyon sa internet, diyaryo o sa radyo. Mamili lang ng isang
sitwasyon at isulat ang sagot sa itinalagang patlang.

1. Dahil sa CoViD-19 Pandemic ay mapipilitang magpapavaccine ang mga tao


kahit ito ay labag sa kanyang kagustuhan. (Karapatang Mamili o Kalayaang
Mamili)

2. Dahil sa CoViD-19 Pandemic marami ang nawalan ng trabaho, paano ito


nakakaapekto sa dignidad ng tao? (Karapatang Pang-ekonomiya)

3. Dahil sa dami ng cases of CoViD-19 sa mga ospital, sino kaya ang uunahing
gagamutin ng mga doktor? (Karapatang Pangkalusugan)

4. Dahil sa CoViD-19 ang mga estudyante na walang kagamitang laptop o


cellphone at koneksiyon sa internet ay mahihirapan sa kanyang pag-aaral.
Ano-ano ang mga paraan ng Departamento ng Edukasyon para matugunan
ang karapatang ito? (Karapatan sa Edukasyon)

Paksang Pinili: __________________________________________________

Malayang Sanaysay:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagwawasto ng mga Sanaysay


Batayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong May Kailangan
Mahusay malaking pa ng
(5) (4) kakulangan maraming
(3) ensayo
(2)
(1)
Pagtalakay Sapat, wasto, Sapat, Angkop ang Ang mga Hindi alam
sa Paksa konkreto at wasto ang salitang impormasyo ang paksa
makabuluha ginamit na ginamit n ay hindi at hindi
n ang impormasyo ngunit hindi sapat makapag-
impormasyon n maliban sapat ang isip ng
sa kaunting impormasyon tamang
Wasto ang kalituhan salita.
mga salitang upang
ginamit at maipaliwan
angkop ag ng
upang maayos.
maipaliwanag
ng maayos.
Pagyamanin
1. Ang Dignidad ay nagmumula sa Diyos.
2. Nakabatay ito sa kaniyang mga kilos o ginagawa gaya ng:
A. pagtulong sa mga nangangailangan, mga matatanda, pulubi, mga
batang ulila
B. pagtanggap at pag-unawa sa guro, magulang o kaibigan
C. pakikipagbalikatan sa barangay o pakikiugnay sa lipunan
D. pakikisama sa pangkat
E. pagpapaunlad ng pagkatan
F. agkakaroon ng masayang pamilya
3. Naisasabuhay at napapahalagahan ang dignidad ng isang tao sa mga paraang
sumusunod:
A. paggalang sa mga babae o matatanda
B. pagsunod sa batas
C. aggalang sa buhay ng nasa sinapupunan
D. pagsali sa pangkatang pagpapasya
E. mataas ang pagtingin sa mga mahihirap o mga taong may kapansanan
F. may pananampalataya sa Diyos
Tayahin Isaisip Subukin
1. d 1. dignidad 1. d
2. a 2. tao 2. b
3. d 3. wangis 3. d
4. b 4. sarili 4. d
5. a 5. ng iba sa iyo 5. b
6. b 6. Diyos 6. d
7. b 7. pangkalahatan 7. c
8. a 8. pagmamahal 8. b
9. b 9. oportunidad 9. b
10.c 10.paggalang 10.b
11.a 11.pantay-pantay 11.d
12.c 12. nabubuhay 12.d
13.b 13.a
14.d 14.d
15.d 15.a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Edukasyon sa Pagpapakatao 7 TG at LM

The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines - Article III

Balance Sheet of Papal Visit, The dignity of the Human Person, Bibletin

Eclesiastico de Filipinas, Manila: March-May 1981

https://nsdignitp.wordpress.com/2009/03/07/isang-pagmumuni-
muni/https://www.officialgazette.gov.ph/programs/ang-pantawid-pamilyang-
pilipino-program/

https://www.slideshare.net/cristineyabes1/batas-102799870

https://link.springer.com/article/10.1023/B:HCAN.0000041183.78435.4bhttps:/
/www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/2014/09/love-thy-neighbor-as-
thyself?lang=tgl
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming
hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like