(EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN) ANG EKOKRITISISMO ETIMOLOHIYA, KAHULUGAN AT KALIGIRAN
Ang salitang ekokritisismo ay nanggaling sa
dalawang salitang “ekolohiya” at “kritisismo”. Ekolohiya ang tawag sa pag-aaral ng ugnayan o interaksiyon sa pagitan ng hayop, halaman at ng kalikasan. Kritisismo naman ang teknikal na katumbas ng mga salitang “puna,” saloobin, o “persepsyon” na pawang bunga ng maagham na pagsusuri ng mga bagay-bagay sa paligid. • Si Propesor Cheryll Burgess Glotfelty, noong 1996, ang unang nagtambal sa dalawang salitang ito na nagpapahalaga sa kaugnayan ng panitikan at kalikasan. Tinutukoy niya ang maraming mga sanaysay na tumatawag ng pansin sa sangkatauhan hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. • Dahil dito namuno siya sa pagtatag ng “samahan para sa pagsusulong ng pag-aaral sa panitikan at kalikasan. • Sa taon ding iyon, kasama si Harold Fromm, inilathala nila ang kauna-unahang “Klasikong Antolohiya ng mga Piyesang Pampanitikan” na may kaugnayan sa ekolohiya. Mula rito ay sumibol ang teorya ng ekokritisismo. • Ito ang bagong teorya ng panitikan, kultura at kalikasan. Tinututukan sa teoryang ito ang pandaigdig na krisis sa kalikasan sa pamamagitan ng panitikan sa detalyeng naglalantad ng mga di kanais-nais na kaganapan sa kultura at pisikal na kapaligiran dahil sa walang humpay na pagpapalalo ng tao sa luntiang kalikasan. MGA BATAYANG KAALAMAN SA EKOKRITISIMO
Ang relasyon ng tao at ng kalikasan ay mahalagang
ugnayan na hindi dapat ipagkibit-balikat lamang. Ang katotohanang magkakaugnay ang tao at kalikasan ay mapapansin sa mga panitikang umiiral, pasalita man, pasulat o di kaya ay elektroniko. Ang panitikan ay repleksyon ng kulturang umiiral. Sa kabilang banda, ang lipunan at kultura ay hinuhulma naman ng panitikan kung kaya kailangang matuto ang lipunan mula sa panitikan. Kapag nabigong matuto ang lipunan mula sa panitikang nagtatanghal sa halaga ng kalikasan, madudulot ito ng kapahamakan sa tao at kalikasan mismo. • Ayon pa rin kay Glotfelty (1996), ang ekokritisismo (ecocriticism) ay tinawag ding Green Studies na kapwa nangangahulugang isang kritikal na dulog sa pagbasa ng panitikan. • Bilang bagong litaw na kilusan, ang ekokritisismo ay nagmula sa Estados Unidos noong huling taon ng 1980 at sa United Kingdom naman noong 1990 umusbong ang Green Studies (Barry, 2009). Ang nakilalang tagapagtatag nito ay si Cheryll Glotfelty kasama ang isang editor na si Harold Fromm sa kanilang koleksyon ng mg sanaysay na may pamagat na “The Ecocriticism Reader: Landmarks in Literary Ecology”. • Samantala, ang tagapagtatag naman ng Ekokritisismo sa United Kingdom ay si Jonathan Bate na may akda ng “Romantic Ecology: Wordsworth and Environmental Tradition” at “The Song of the Earth”. • Para sa mga ekokritiko, ang kalikasan ay umiiral bilang isang likha na may sariling buhay. may epekto sa mga tao ang kalikasan at sa ganoong kaparaanan ay naapektuhan din ang mga tao (Barry, 1996). BAGONG TEORYANG PAMPANITIKAN • Ang ekokritisismo ay pinaikling anyo ng Ecological Literary Criticism na nagtatanghal sa kalikasan hindi lamang bilang teksto kundi isang indibiduwal na may sariling entidad at may malaking papel bilang protagonista ng akda. Ito ay mula sa mga salitang Greek na oikos at kritos. • Ayon kay Glotfelty at Fromm, ang oikos ay nature o kalikasan na siyang pinakamalawak na tahanan, at ang kritos ang arbiter of taste o tagapaghatol sa kalidad at integridad o karangalan ang akda na nagtataguyod sa kanilang diseminasyon (Feen, 2015,p.115). • Nangunguna sa hanay ng mga ekokritiko angmga sinaunang manunulat ng Estados Unidos, na bago pa man maitatag ang teoryang ekokritisimo, ang maununulat na ito ay tunay ng nagpapahalaga sa kalikasan. • Una na sa listahan si Henry David Thoreau sa mga ekokritiko. Sinabi niyang kapag ang tao ay nabigong matuto mula sa kanyang kalikasan, siya ay hindi lubos na nabubuhay (Shoba & Nagaraj, 2013, p.85). Ang siniping sinundan ay mula sa akda ni Thoreu na Walden or Life in the woods. Ito ay nagpapaliwanag na ang kariwasaan dala ng makabagong pamumuhay ay hindi sapat upang masabing lubos na ang buhay dahil ang tunay na kaligayahan ay nasa kalikasan, pagtulong sa sarili at ang pagkasiya sa mga simpleng bagay na nasa kalikasan mismo. • Isa rin sa mga ekokritiko mula sa US ay si John Muir. Namumukod-tangi ang kanyang akdang My First Summer in the Sierra. • Ang akdang ito ni Muir ay nagsasalaysay sa kanyang unang pagpunta sa Bundok ng Sierra Nevada at sa California. • Ito ay nagsasalaysay sa kanyang nakatutuwang pakikipagsapalaran bilang isang pastol ng California. Kasama nina Thoreu at Muir, na mga itinatanghal ang kalikasan sa kanilang akda sina, Ralph Waldo Emerson (1803-1882) sa kanyang aklat na may pamagat na Nature, at Margarette Fuller (1810-1850) sa kanyang akdang Summer on the Lakes, During 1843. Ang kanilang mga akda ay karaniwan nang nagbubunyi sa kagandahang hatid ng kalikasan kung kaya’t ang kanilang pangkat ay kinilalang transcendentalists o ang pangkat na nagtataguyod sa paniniwalang transcendentalism. • Nangunguna naman na mga aktibong tagapagtaguyod ng ekokritisismo kasama ni Jonathan Bate sa Britain sina Lawrence Coup ng Manchester Metropolitan University; Richard Kerridge at Greg Garrard na nagmula sa Bath Spa ng University; at si Terry Gifford ng University of Leeds (Barry,1996,p.218). Isaalang-alang pa rin ang pinagsama-samang prinsipyo ng Teoryang Narratology nina Aristotle, sa pagtalakay sa anomang akdang pampanitikan nang sa gayon ay makita ang ugnayang namamayani sa panitikan at pisikal na kapaligiran. Ang Narratology ay isang teoryang panliteratura na nagsusuri sa estruktura ng salaysay batay sa panahon na ito ay umiral. Pinag-aralan ng Narratology kung ano ang nagkakatulad sa mga kwento at kung paano naman nagkakaiba ang mga ito sa isa’t isa. Dagdag ni Barry na ang naratolohiya ay pag-aaral kung paano nakalikha ng kahulugan ang diskurso at kung ano-anong mga pamantayan at pamamaraan sa pagsalaysay ng kwento ng akda. Mga kailangan basahin!