Professional Documents
Culture Documents
FIL103 - Module 1
FIL103 - Module 1
FIL103 - Module 1
Sek. 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.
Ang mga wikang panrehyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehyon at
magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang
Kastila at Arabic.
Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehyon, Arabic, at Kastila.
Malacañang
Inilagda ng Pangulo ng Pilipinas
Atas Tagapagpaganap Blg. 335
Upang maisakatuparan ang gayong mga layunin, inaatasan ang Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas na bumuo at magsagawa ng programa at mga proyekto na sumasaklaw sa: 1) kampanyang
pang-impormasyon tungkol sa kahalagahan at kabuluhan ng wikang Filipino bilang epektibong
instrumento ng pambansang pagkakaisa at pagpapaunlad, 2) Pagsasalin sa Filipino ng Atas
Tagapagpaganap na ito, gayundin ng mga katawagang pampamahalaan upang maging
sangguniang babasahin ng lahat ng opisina, 3) pagsasanay ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng
pamahalaan, 3) pagmomonitor ng implementasyon ng Atas na ito at pagrereport sa pana-panahon
ng progreso ng implementasyon sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, sa pamamagitan ng
Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports, at 5) pagsasagawa ng iba pang mga istratehiya para
sa puspusang implementasyon ng mga layunin at Atas na ito.
1. Pagsulat ng Liham
Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan na isinagawa sa
pamamagitan ng limbag na mga salita.
Madaling makapaghanda ang sinuman ng isang liham, maging ito’y liham na pormal o di-
pormal, subalit iilan lamang ang mapipili at maituturing na mahusay ang pagkakahanda. Ang
pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan sa bisa ng liham.
Mahalagang isiping kailangang laging pormal at mabisa ang pagsulat ng liham
pantanggapan. Nangangailangan ito ng pagiging maayos ng ideyang nais ipahatid sa sinusulatan.
Upang maging matagumpay ang isang liham, inilalahad ditto ang ilang elementong dapat
taglayin kasama ang pabuod na paliwanag sa bawat isa.
1. Malinaw (Clear)
Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid sa liham.
Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kung mahusay
ang pagkakapahayag ng bawat idea. Ito ay di dapat maging mahaba o maligoy. Higit na epektibo
ang maiikling pangungusap. Tandaan na ang kasimplihan ay daan ng madaling pag-unawa.
2. Wasto (Correct)
Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng katugunan ay dapat
magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin ang mga
kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kani-kanilang priyoridad. Tiyaking wasto ang
bawat pahayag o sasabihin lalo na ang mga impormasyon bago ito isulat. Ang wastong
pagpapahayag, pagbaybay, at balarila ay napakapundamental sa kapuri- puring pagsulat ng liham
o ano mang uri ng akda. Mahalaga ring isaalang- alang ang tamang pagbabantas.
4. Magalang (Courteous)
Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Kasinghalaga ito ng wika. Hindi dapat
mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal.
Nakatatawag-pansin ang pagkamagalang, kaya’t agad nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham.
Naipapakita at naipadarama ng mga Pilipino ang iba’t ibang uri ng pagiging magalang nila sa
pamamagitan ng kanilang pananalita.
5. Maikli (Concise)
Sikapin na ang bawat isusulat ay makatutulong sa pagpapabatid ng nais sabihin sa
nilalaman. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito ay isa lamang pag-
aaksaya ng panahon at nakapapawi ng interes ng nilihaman.
6. Kombersasyonal (Conversational)
Masasabing mahusay ang pagkakapaghanda ng isang liham kapag ang bumabasa nito ay
parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na pamamaraan ang nais iparating nang
sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan. Gumamit ng sariling pananalita at
iwasan ang pagkamaligoy.
Ilahad nang makatotohanan ang mga ideya at paniniwala. Iwasan ang pagkamotono sa
paggamit ng panghalip na “Ako” na karaniwang ipinoposisyon sa simula ng pangungusap.
7. Mapitagan (Considerate)
Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat. Bigyan-diin ang mensaheng
nagbibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon
nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob. Mapagsaalang-alang
(Considerate) Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat. Bigyan-diin ang mensaheng
nagbibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon
nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob.
Bahagi ng Liham
May pitong bahagi ang isang liham: 1) pamuhatan, 2) patunguhan, 3) bating pambungad,
4) katawan ng liham, 5) bating pangwakas, 5) lagda, 7) mga karagdagang bahagi.
Mga Halimbawa:
Makaluma
24 Pebrero 2009
Ukol sa Lalaki
Ginoo
Mahal kong Ginoo
Mga Kaginoohan
Ukol sa Babae
Binibini/Ginang
Mahal kong Binibini/ Ginang
Mga Binibini/ Ginang
Ang pinakapormal na anyo ay Ginoo: Binibini: o Ginang: Kung nais mong mabawasan ang
pinakapormal na himig, maaring sabihing Mahal kong Binibining _______: o Ginoong_______:
Ngunit kung ayaw mong banggitin pa ang apelyido, sabihin na lamang na Mahal na Ginoo;, Mahal
na Binibini;, o Mahal na Ginang:. Ang pangmaramihan nito ay ang paggamit ng mga sa unahan.
Mapupuna ang paggamit ng”Mga Kaginoohan” sa tatlong dahilan. Una, ito ay sapagkat di-tiyak
ang mga taong nais tukuyin ng liham. Ikalawa, sa batas ng liham, kapita-pitagan ang kasariang
panlalaki, at ikatlo, kung alinlangan ang sumusulat sa tiyak na taong padadalhan ng liham.
4. Ang katawan ng liham – ang katawan ay naglalahad ng / o nagsasalaysay tungkol sa paksa
ng isang liham at matatagpuan ang aktuwal na mensahe. Ang bahaging ito ay matatagpuan
sa pagitan ng bating pambungad at bating pangwakas. Ito ang kalatas na ipinahahatid sa
sinusulatan. Una sa lahat, kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi
dapat lumikha ng anumang alinlangan sa pinapadalhan o babasa nito. Kailangang ito ay
madaling basahin at unawain. Nagsisimula ito sa dalawang espasyo nuhat sa bating
panimula at nagwawakas na may dalawang bago ang batibg pangwakas. Kailangang pantay
ang kaliwang palugit sa linya ng patunguhan. Ang kaliwang palugit ay hindi nararapat
kumulang sa isa at kalahating dali 1 ½ ang lapad.
Isang espasyo lamang ang pagitan ng mga pangungusap sa isang talata, dalawang espasyo
naman sa pagitan ng talata.
Karamihan sa liham pangangakal ay hindi lumalampas sa isang pahinang papel, ngunit
hindi ito nararapat makasagabal sa mensaheng nais iparating ng sumulat kaya’t kung kakailangan,
gumamit ng karagdagang pahina.
Nasa katawan ng liham ang pinakamahalagang bahagi nito. Naririto ang pangunahing
impormasyong inihahatid para sa sinusulatan.
Kung tayo ay magbabasa ng mga sulat na inihanda ng mga sanay na mga ganitong gawain,
mapapansin natin ang tatlong bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham:
a. Ang panimula na naglalaman ng maikling pahayag sa layon o pakay ng liham.
b. Ang katawan na naglalaman ng detalyeng paliwanag hinggil sa pakay ng liham.
c. Ang dulong bahagi na karaniwang huling talataan na nagsasaad kung ano ang inaasahang
aksyon sa ipinadalang liham. Dahil ditto, madalas nating napapansin ang pagkakaroon ng
tatlong talataan kahit na maikli ang liham.
Narito ang ilang katangian ng isang mabisang katawan ng liham. Halaw sa aklat nina Matienzo at
Matienzo (2000).
1. Dapat na maging magalang ang unang pangungusap.
2. Dapat na ipakilala nito ang punong diwa ng liham.
3. Dapat ipakita nito ang petsa ng naunang sulat (kung mayroon ) upang msi-refer ito sa
bumabasa sa kinauukulang file.
4. Dapat magpakita ng aksyon para sa kabutihan ng sinusulatan.
5. Ang Bating Pangwakas - ito ay tradisyonal pamamaalam ng sumulat. Isinusulat ito pagkatapos
ng dalawang espasyong agwat mula sa huling linya ng huling talata. Simulang enkowd ito
kapantay ng linya ng pamuhatan. Hindi ito nararapat lumampas sa itinakdang palugit sa gawing
kanang ng papel.
Ang bating pangwakas ay sumusunod sa himig ng bating pambungad. Kuwit ang ginagamit
pagkatapos itong isulat o makinilyahin/ makinilya.
Mga Halimbawa:
Bating Pambungad Bating Pangwakas
Ginoo: Lubos na gumagalang,
Binibini: Taos-pusong sumasainyo,
Ginoong _________: Sumasainyo ng lubusan,
Mahal na Ginoo: Lubos na gumagalang,
Mahal na Ginoong _________: Gumagalang nang labis,
Mahal na Binibini: Sumasainyo,
Mahal na Ginoong Reyes: Tapat na sumasainyo,
Mahal kong Bibining Uy: Matapat na sumasainyo,
Mahal na Ginoong Rodriguez: Sumasainyo,
6. Ang Lagda – Ang lagda ay nagpapakilala ng kung sino ang sumulat. Kaya masasabing
kasingkahalaga ito ng alin mang bahagi ng sulat. Itinatagubilin na ang lagda ng lumiham ay lagyan
ng minakinilyang pangalan at kailangang sa tinta ang lagda. Ito’y nagpapakilalang kapangyarihan
at pananagutan niya sa nilalaman ng liham. Ang layunin nito’y magpatunay sa lahat ng pahayag
na napapaloob sa isang liham. Nagtakda ito ng tungkuling nararapat niyang panindigan ng lahat
ng mga mababasa roon. Ito ang isinusulat pagkatapos ng apat na espasyong pagitan mula sa bating
pangwakas.
Binubuo ito ng dalawa o tatlong linya. Ang unang linya ay ang lagda ng sumulat, ang
ikalawa ay ang pamakinilyang pangalan na pawang nasa malalaking titik at ang linyang nagsasaad
ng katungkulan ng sumulat sa ibaba.
Samantala’y mayroon ding apating linya sa lagda. Ito ay kung isasama ang pangalan ng
kumpanya. Samakatuwid, ang unang linya’y binubuo ng pangalan ng kumpanya na pawang nasa
malalaking titik, ang pangalawa’y ang lagdang panulat, ang ikatlo’y ang palimbag na pangalan ng
lumagda at ang ikaaapat ay ang katungkulan niyang ginagampanan. Tandaan na kailangan
nakalimbag sa malaking titik ang pangalan ng sumulat.
Ilang mga halimbawa:
Lubos na sumasainyo,
(Lgd.)
MARIANO F. ALAGAR
Pangulo, Sangay Promosyon
Tapat na sumasainyo,
(Lgd.)
VIVENCIO T. AGAPAY
Tagapangulo, Sangay Pananaliksik
Gumagalang,
(Lgd.)
VICTORIO D. MAUNAT
Tagapamasid Pampurok ng Rizal
Kung may kalakip pang ibang papel ang liham, binabanggit ito sa pamamagitan ng
paggamit ng inisyal na inilalagay sag awing kaliwang ibaba ng papel.
Mga Halimbawa:
c.
Hulyo 18, 1980
Philippine Education Company
1104 Castillano Extension
Quiapo, Manila
Mga Kaginoohan:
Tinatawag-pansin si G. Rey T. Uy
Pangalawang Tagapangulo
b. Linya ng Paksa
Ito ay ginagamit tukuyin ang dahilan o paksa ng pagkasulat. Ang paggamit nito ay
nakababawas sa tungkulin ipaliwanag sa unang panmulang talata ang dahilan ng pagkakasulat ng
liham.
Kopya:
Orihinal
Duplikado
Ikatlong Kopya
d. Linya ng Tagapamagitan
Isinaalang-alang ang “tagapamagitan” o tsanel bilang protocol o sunod-sunod ang
daluyan ng komunikasyon.