Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Module 3.

Mga Uri ng Liham


1. Liham na Humihiling ng Mapapasukan (Application Letter)
Ito ang liham na pinakagamitin ng marami lalo na sa mga kabataang katatapos lamang ng
pag-aaral o tapos sa kolehiyo na naghahanap ng trabaho.
Narito ang ilang mga katangian sa pagsulat ng liharn humihiling ng mapapasukan:
Ang Resume at Pambungad na Liham
Talasalitaan:
Resume - kabuuang impormasyon hinggil sa indibiduwal kabilang na ang datos personal,
edukasyon, karanasang panggawain, kakayahan, at reperensyang mapagtatanungan kaugnay ng
mga binanggit na kredensyal.
Resume na kronolohikal - tuloy-tuloy na pagkakaayos ng mga datos sa resume mula sa
pinakabago o kasalukuyan pabalik sa dati o nakaraan.
Kakayahan - isang natatanging kahusayang natamo sa pamamagitan ng pag-aaral at
pagsasanay
Sapat - kompletong impormasyon na dapat makita sa isang resume
Basahin:
JACOB L. ESPIRITU
114 Jamille Street
San Miguel, Iligan City
9200
LAYUNIN: Upang makapasok sa kwalipikasyon ng pagiging Master Chef
EDUKASYON: Central Mindanao University, Maramag, Bukidnon Bachelor of Science in
Hotel and Restaurant Mgt.
Master of Business Administration (Marketing)
March, 2005

WORK: Almont Inland Resort Hotel, Butuan City


EXPERIENCE: Culinary Division Trainornaster

2008 - kasalukuyan nagmungkahi ng iba-ibang dibisyon ng kainan sa Hotel


Tagapagsanay ng mga baguhang tagapamahala
2005 - 2007 Bar Tending senior staff
2000 – 2004 Asian Dishes Staff (Culinary Division)
Pryce Hotel, Cagayan de Oro City Marketing Staff

GAWAIN: Kasapi, Mindanao Chefs Club


Hotel and Restaurant Aspirer's Org.
NATATANGING KAKAYAHAN: Kabatiran sa Programming at iba't ibang
Culinary software
Computational cuisine for special banquet
REPERENSYA: (nasa hiwalay na papel)

Tandaan:
Nagsisilbing calling card ang resume at opisyal na kinatawan upang mapabilang sa
interbyu. Kasingkahulugan ang resume ng vita. Kailangan itong pagandahin nang sa gayon ay
makabuo ng magandang impresyon sa babasa. Samakatuwid, ito ang pasaporte sa pagkakaroon
ng trabaho.
Ang Pambungad na Liham
Hindi maaaring mag-isa lamang ang resume. Kailangang kalakip nito ang pambungad na
liham. Maikli lamang ito na ang layunin ay magbigay ng paunang salita hinggil sa resume.
Narito ang mga dapat taglayin ng isang pambungad na liham:
1. Nagpapakiläla ito ng kagalang-galang na pagkatao.
2. Tinutukoy nito ang mahalågang kakayahan at kahandaan sa gawain ng isang aplikante.
3. Ipinahahayag nito ang pagnanais ng aplikante sa isang posisyon o gawain.
4. Nagtutulay ito sa maaliwalas na pakikipagtalastasan sa kompanyang nais pasukan ng
aplikante.
Mga Halimbawa:
a.
Mahal na G. Austria:
Kalakip po nito ang aking resume. Umaasa po akong matutugunan nito ang inyong
hinahanap na kwalipikasyon. Hangarin ko pong maging bahagi ng inyong kompanya pagkatapos
kong mabasa ang inyong patalastas sa magasing Panorama noong ika 12 ng Mayo, 2010.
Ikagagalak ko po ang isang interbyu.
Gumagalang,
(Lgd.)
RHEA R. RUIZ

Kalakip: Resumé
Transcript of Records
b.
Kgg. Julian C. Kapugan:
Ang kwalipikasyon na inyong inilathala sa Manila Bulletin noong Hunyo 15, 2010 ay
tumutugon sa aking karanasan. Sa 100b po ng dalawang taon ay nakapagtrabaho na po ako
bilang ground receptionist sa KABAYAN HOTEL, Cubao, lungsod ng Quezon at staff officer sa
KAMAYAN CUISINE sa Pasig City.
Kalakip po nito ang aking resume upang matiyak ninyo ang aking kakayahan. Mangyari
pong tawagan lamang ako sa telepono na nakalista roon. Umaasa po ako sa isang personal na
pakikipanayam sa inyong tanggapan.
Lubos na Gumagalang,
(Lgd.)
SIONY C. BUTRON

Kalakip: Gaya ng nakasaad

c.
Mahal na G. Alquiza:
Kalakip po ng liham na ito ang aking resume. Nakatitiyak po ako na matutugunan nito
ang inyong hinahanap na kwalipikasyon sa isang mahusay na tagapamahala ng Hotel. Nais ko
pong bigyan ninyo ng pansin ang aking mga karanasan sa ibang bansa.
Sana'y magkausap tayo nang personal sa isang interbyu na inyong hihilingin sa inyong
tanggapan.
Lubos na Gumagalang,

(Lgd.)
LORNA C. HIGALAN

You might also like