Takdang Aralin 6 PDF

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

23 Oktubre 2020

JIM S. NAVARRA
Punong Patnugot
KAT-ANI
Opisyal na Pampaaralang Publikasyon ng UPM-SHS
Palo, Leyte

Ginoong Patnugot:
Nakalulungkot ang nangyayari ngayon na tuluyan nang aalisin ang Filipino at Panitikan-
bilang mga subjects sa kolehiyo. Base ito sa memorandum ng Commission on Higher Education
(CHEd) at sinang-ayunan naman ng Supreme Court. Ayon sa SC, pinal na ang desisyon at wala
nang paghahabol pang maaaring gawin ukol dito sapagkat hindi na nila pakikinggan. Nag-isyu ng
temporary restraining order (TRO) ang SC noon pang 2015 makaraang isulong ng CHEd ang pag-
aalis sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ayon sa argumento ng CHEd, nararapat na sa senior
high school na lamang ituro ang mga nabanggit na subjects.

Noon pa, nasasalamin nang “anti-Filipino” ang CHEd sapagkat kung alin pa itong sariling
wika na dapat palaganapin at payabungin pa ang kanilang pinatay. Noon pang 2013 isinulong ng
CHEd ang pag-aalis sa Filipino at Pantikan na lubhang nakapagtataka kung bakit ganito sila
kasigasig. Tama na raw sa Senior High School o K-12 ituro ang mga subjects. Sobra-sobra na raw
ang pag-aaral ng Filipino. E ano naman kung ituro uli ito sa kolehiyo. May masasayang ba kung
muling pag-aralan ang Filipino at Panitikan?

Marami sa mga Pilipino ang hindi pa ganap na bihasa sa pagsulat sa wikang sarili. Marami
pa ring nagkakamali sa paggawa ng simpleng pangu-ngusap. Maraming salat sa tamang baybay.
Kaya paano sasabihing sobra-sobra na ang pag-aaral ng Filipino kaya hindi na ito dapat pang ituro
sa kolehiyo?

Kabilang sa mga “pinatay” sa pag-aalis ng Filipino at Panitikan ay ang mga guro at


propesor sa mga nasabing subjects. Ganundin ang mga kumu-kuha ng kursong nagme-major sa
Filipino. Saan sila pupulutin ngayon? Dahil sa pagiging “anti-Filipino” ng CHEd, maraming
apektado.
Mataim-tim ko pong dinadalangin n asana sa ating unibersidad at kolehiyo hindi agad-agad
buwagin ang Filipino. Hindi naman at umayon ang SC, malaya pa rin ang bawat unibersidad at
kolehiyo na magpatupad sa pagtuturo ng wikang sarili. Sila pa rin ang masusunod ukol dito. Sana,
maraming unibersidad ang manindigan at itaguyod ang mga subject na Filipino at Panitikan.

Para sa Wikang Filipino,

JONATHAN C. GATELA JR.


Diploma in Midwifery
jcgatela@up.edu.ph

You might also like