AP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang makulay na kasaysayan ng lahing Pilipino ay ang bumuo sa iba’t ibang mga

makasaysayang bagay na hanggang sa ngayon ay iniingatan at pinahahalagahan. Dahil sa likas


na masining ang mga Pilipino ay nakabuo ang ating mga ninuno ng mga bagay na kahanga-
hanga katulad ng mga artifact, lumang tahanan, gusali at simbahan. Ang mga ito ay isang
mahalagang pamana ng ating kasaysayan na kailangang ingatan at ipreserba hanggang sa
susunod na henerasyon.

Ang mga artifact, lumang tahanan, gusali at simbahan ay sumasalamin sa pagiging


malikhain ng mga Pilipino dahil sa kakaiba at masining nitong mga disenyo, kulay at
detalyadong pagkakagawa sa mga ito. Masining ang mga ito dahil sa kakaibang disenyo at
materyales na ginamit sa mga ito at kahit na lumipas ang maraming panahon ay makikita pa rin
ang kagandahan ng mga ito. Makikita rin na ang bawat disenyo ng mga lumang bagay ay may
kanya-kanyang konsepto ng sining ayon sa linya, dibuho at kulay ng mga ito. Ang disenyo
arkitektural ng mga ito ay nagpapakita ng pagkamalikhain at mayamang imahinasyon ng iba’t
ibang pamayanang kultural sa ating bansa at ang kagalingan ng mga sinaunang Pilipino.

Sadyang mayaman ang sining ng ating bansa at ang patunay nito ay ang mga artifact,
lumang gusali at simbahan na makikita sa ating pamayanan. Ang sining sa paglikha nito at ang
kahanga-hanga nitong pagkakagawa ay nagpapakita sa kung gaano kagaling ang mga Pilipino.
Ang pagpreserba sa mga ito at ang poaggamit sa mga disenyo nito na ginawang basehan upang
makagawa ng mga makabagong gusali ay nagpapakita kung gaano kalawak ang sining ng mga
Pilipino sapagkat lalo pa nilang pinagyaman at pinaganda ang mga disenyong ating kinagisnan.

You might also like