Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Epekto ng Pagkakaroon ng ROTC sa mga Estudyante

sa Paaralan Pres.Corazon Aquino A. High School

Ipinasa kay Ginoong :


Fernan V.Pedroso
Ipinasa nila:
Balidio,Justmynne Joy S.
Santos,Princess Allen A.
Lustina,Charize Romainne V.
Mosqueda,Rhancel
Zacaria,Ommilhayyah M.
Santos,Mary Rose G.
Vicente,Jovie Ann S.
KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran nito

Panimula

Ang ROTC ay isang matagal nang progeama ng gobyerno na layong ihanda ang

mga kabataan sa serbisyong pang-militar at upang maging bahagi sila sa Reserve force ng

Armed Forced of the Philippines (AFP). Ang reserbang pwersang ito ay inaasahang

siyang pupuno sa pangapangailangan ng kasukdulan sakaling sumiklab ang digmaan o

sakuna. Ang ROTC ay isang sa mga kursong pagpipilian sa National Service training

(NSTP) program ng gobyerno na naglalayong ihanda ang mga kabataan sa paglilingkod

sa bayan. Bukod sa ROTC , Ang iba pang kurso sa programa ay ang Civil Welfare

Training Service (CWTS) at Literacy Training Service (LTS)

Ang NSTP ay mandatory sa lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo,batay sa NSTP

law of 2001. Subalit maaaring pumili ang mga mag-aaral kung alin sa tatlong kurso ng

NSTP law of 2001.Sapilitan ang pagkuha ng ROTC sa mga kolehiyo at wala itong

Civilian Welfare at Literacy Component. Ang naturang programa ay pugad ng pang-

aabuso at katiwalian. Naging kaugalian sa ROTC ang hazing o ang paggamit ng

karahasan upang “Subukin ang tapang tatag at katapatan ng isang kadete. Sa katunayan,

Ang hazing at katiwalian na ito anf pangunahing dahilan kung bakit naisabatas ang NSTP

law of 2001 at ginagawang optional ang ROTC sa mga paaralan.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang mga sumusunod ay mga katanungan may kinalaman sa ROTC: Ano ang

maitutulong sa atin ng ROTC pagdating sa pisikal na Aspeto?

 Magiging maganda ba ang bunga ng ROTC sa mga mag-aaral sa Pres Corazon

Aquino High School?

 Ano ang maitutulong ng ROTC sa pagtungtong natin ng kolehiyo?

 Pabor ba ang mga estudyante sa pagbabalik ng ROTC?

 Bakit natin kailangan makilahok sa ROTC?

Tesis na pahayag

Ang ROTC ay lubos na nakakatulong bilang paghahanda natin bilang isa sa mga

Reserve Forces ng Armed Forces of the Philippines. Subalit di lahat ay may kakayahang

makilahok dahil sa pansariling kadahilanan halimbawa na lamang ay yaong may

karamdaman.
Teorya ng Balangkas

Umani rin ng samu’t saring reaksyon mula sa ating mga kababayan ang

nakabinbing batas sa mababang kapulungan ukol sa pagsasama ng Reserve officers

Training Corps o ROTC sa kurikulum ng senior high school. May mga sang-ayon sa

pagpapanumbalik ng nasabing military training para sa mga mag-aaral ng grade 11 at 12

at naniniwalang makatutulong ang ROTC sa pagpukaw sa damdaming makabayan sa

kabataan at matuturo sa kanila ng dispilina at paglilingkod sa kapwa at bayan. Subalit

mayroon din naming hindi sumasang-ayon at nagsasabing magiging daan ang ROTC ng

karahasan, kalupitaan at koraspyon ng kabataan. Sa gitna ng Maraming kuro-kuro at

saloobin patungkol sa ROTC , napapanahon na ng aba na muling maging bahagi ito ng

pag-aaral ng kabataang Pilipino?


Konseptuwal na balangkas

INPUT PROCESS OUTPUT

1.Ano ang maitutulong sa

atin ng ROTC pagdating sa


-Susuriin kung ayon ba ang -Maimulat ang mata ng mga
pisikal na Aspeto ?
mga mag-aaral sa ROTC sa mag-aaral na ang ROTC ay

pamamagitan ng interview. lubos na makakatulong sa


2. Magiging maganda ba

ang bunga ng ROTC sa mga atin at upang maging handa

mag-aaral ng Pres.Corazon sa anumang trahedya.

Aquino A.High School?


-Magsasagawa ng survey

3.Ano ang maitutulong ng form upang matukoy ang -Magsilbing ispirasyon ang

ROTC sa pagtungtong natin bilang ng mga mag-aaral aming isinagawang

ng kolehiyo? na tutol sa pagbabalik ng pananaliksik.

ROTC.
4.Pabor ba ang mga

estudyante sa pagbabalik ng

ROTC?

5.Bakit natin kailanagan

makilahok sa ROTC?

Feedback
Para sa amin, marami din ang magandang maidudulot ng pagbabalik ng

ROTC.Magkakaroon ng disiplina ang mga estudyante,gaganda ang kanilang

pangangatawan,tatalas ang kanilang mga kaisipan at higit sa lahat matututo sila gumawa

ng paraan sa anumang sitwasyon sa saglit na panahon lamang.

SAKOP AT LIMITASYON

Ang pagbabalik ng ROTC sa mga paaralan.Sakop ng pagbabalik ng ROTC ang

paaralan ng Pres.Corazon Aquino A. High School dahil naapektuhan nito ang mga mag-

aaral dito.Maaari lamang itong isagawa sa kahit saang paaralan basta’t titiyakin na may

mga officers na maggagabay sa kanila.

DEPINISYON NG MGA KATAWAGAN

KADETE. Tao na nagsasanay para sa serbisyong military o pampulisya.

KARAHASAN. Ang sinasadyang paggamit ng lakas o puwersang pisikal na maaaring

isang pagbabanta na laban sa kapwa,pangkat o pamayanan.

KASUKDULAN. Pinakamataas na pangyayari patungo sa kalakasan.

NAKILAHOK. Makiisa,tumulong at makisama.

TRAHEDYA. Isang hindi kaakit-akit na pangyayari na maaaring makasakit sa kapwa o

sa sarili.
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literature

Lokal na Literatura

Sa gitna ng matinding galit ng publiko kasunod ng mga reklamo laban sa ilang

unit ng Reserve officers Training Corps (ROTC) sa mga unibersidad sa Pilipinas, na

pinalala pa ng pagkamatay ng isang kadete na ang bangkay ay natagpuang palutang-

lutang sa Ilog Pasig noong 2001, pinagtibay ng kongreso ang RA 9163, Ang National

Service Training Program Act of 2002, na epektibong nagpatigil sa programa ng ROTC

na matagal nang nire-require sa lahat ng estudyante sa kolehiyo sa bansa.

Alin sunod sa RA 9163, Inoobliga ang lahat ng estudyante sa kolehiyo na pumili

sa isa sa tatlong program. ”Literacy Training Service” para magturo sa mga paaralan at

sa mga batang hindi na nag-aaral at sa mga batang hindi na nag-aaral, ang”Civil Welfare

Training Service” para sa mga aktibidad na magpapabuti sa kalusugan , edukasyon at iba

pa sa mga komunindad, at ang ROTC ang pagsasanay sa kahandaang ipagtanggol ang

bansa. Hindi na nagging pre-requisite sa pagtatapos ang ROTC at sa tatlong pagpipilian,

pinili ng karamihan sa mga estudyante ang maglingkod sa komunidad.


Ngayon, may lumalakas na panawagan na muling ibalik ang programa ang ROTC

sa mga eskuwelahan sa bansa , sa pangunguna mismo ni Pangulong Duterte na unang

binanggit ang tungkol dito saa kanyang unang State of the National Address (SONA)

Noong 2016. Naghain na ng panukala si Senate President Pimentel III upang muling

buhayin ang programa ng ROTC, ngunit iba na ang tututukan sa pagkakataong ito at

iibahin na rin ang pangalan. Iginigiit ng kanyang panukala ang isang Citizen Service

Training Course (CSTC) upang sanayin ang kabataan na makiibahagi sa Citizen Service

Corps na tutulong sa gobyerno sa panahon ng pangangailangan.

Bagamat ang pangunahing paksa ng CSTC ay ang pagsasanay sa external at

terrional defense training gaya ng sa unang ROTC palalawikin ito upang saklawin ang

batas at kaayusan, at ang mga paraan upang maging handa sa anumang

kalamidad.Magtatatag ng isang Citizen Service Mobilization Commussion (CSMC) na

magkakaloob ng prokteksiyon laban sa mga posibilidad ng pang-aabuso gaya ng

kinasangkutan ng ROTC noong 2001.


Banyagang Literatura

6 ROTC na kadete na galing sa Michigan Technological University ang napili

para lumahok sa kakaibang programang sa iabang bansa nitong bakasyon.

Cultural Understanding and Language Proficiency (CULP) sila ay nagkaroon ng

misyon para matutunan ang kultura na sila ay nagkaroon ng misyon para matutunan ang

kultura na magbibigay at magdadagdag oportunidad para sa mga kadete upang maranasan

at makuha ang ibang kultura at mapahalagahan ang stratehiya ng kanilang mga kilos.

Sa buong mundo,1300 ROTC kadete ang pumunta sa programang CULP sa 44

bansa. Sila ay napili base sa magandang kalidad at grado.Lt.Col.Adam Melnitsky kapitan

sa programang Michigan TECH Arymys ROTC na nagsilbing kapitan para sa

programang CULP misyon sa Lithuania.

Ang mga kadete sa Michigan Tech ay may kompiyansa para sa “Cadete Summer

Training Opportunities” sabi ni Melnitsky . ”Halimbawa , nasa 160 kadete kung saan

napili para sa CULP galing 41 na programang hatalaga sa ating brigade” Ang Michigan

Tech ay nagkaroon ng anim sa mga kadeteng ito, Ang ating programa ay maayos na

naiprsenta.

Mga kabataan ang napili para sa isa sa 30 kadete galing sa mga unibersidad sa US

para dumalo sa tatlong lingo na kurso sa CULP kasama ang Djiboutian Army

Cadets.Djibouti ay nasa Timog Silangan ng Africa sa Gulf of Aden. Ang mga kabataan

ay na roon mula Hulyo 16 hanggang Agusto 6.

Ang kurso ay hawak ng Djiboutia Military Academy sa Arte.Mga ilang oras mula

sa capital ng bansa ng Djibouti City.


Ang US Army ROTC ay ang may pinakamalaking pwersa sa US Military, meron

silang dalawang daan at pitong po tatlong programang pinapalaganap sa bansa katuwang

ang mahigit isang libong eskuwelahan.Sila din ay nag-aaral tungkol sa “unang gamot” at

nagbabahagi ng kanilang mga kaalaman rito.

Tinawag ito ng mga kabataan na pinakamaganda karanasan kasama ang mga ito.

”Nagkaroon kami ng pagkakataon na makasama ang mga kadete ng Djiboutian ng halos

araw araw.

Pinamunuan ng (CJTF-HOA) ang kadete ng Amerika, binigyan sila ng

matutuluyan, pagkain at ibang pang gamit upang mapunan ang kanilang pangailangan

kasama na ang transportasyon nila.

Ang kanilang misyon ay ang mas mapalakas ang pagtutulungan kasama ang mga

taga silangan para maipagpatuloy ang magandang relasyon sa kanila at upang masiguro

ang kanilang siguridad at mga tahanan.


Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Korina Sanchez sa Artikulo na pinamagatan daw niyang ROTC “May

panukala Si Pres.Rodrigo Duterte na ibalik muli ang ROTC sa kolehiyo. Kung siya ang

masusunod,nais niyang ibalik ang programa para sa lahat ,babae at lalaking estudyante.

Hati ang opinion dito. May mga nagsasabi na magandang ibalik ang ROTC, para mahasa

naman ang mga estudyante sa pagiging disiplinado,at mas maging magmahal sa bansa.At

para na rin dumami ang reser-vist force ng bansa, na sa ngayon ay napakaliit kumpara sa

puwersa ng ibang bansa sa rehiyon.Ang Vietnam ay may liamng milyong reserves,

habang ang china ay dahilan din daw kung bakit kailangan ibalik ang ROTC.

Pero sa mga tumututol, Maraming nagaganap na pang-aabuso sa programa ng

ROTC tutol ang ilang grupong kabataan dahil tila itinuturo ang pagiging military sa

kabataan. Nandyan na rin ang isyu ng hazing, pananalik, korapsyon at marami pa .

Panalitan anf ROTC ng National Service Training Program (NSTP), Kung saan

tumutulong ang mga estudyante sa mga mahihirap na komunidad at iba pang mga

nangangailangan ng tulong.Ito raw ang dapat ipalaganap, at hindi ang pagiging sundalo.

Maraming bansa na obligado ang lahat ng kanilang mamamayan kalalakihan na

dumaan sa pagsasanay sa pagiging sundalo gaya ng Israel, Switzerland, Taiwan,

Singapore, Malaysia, Russia, China, South Korea, Brazil at iba pa. Maiintindihan ko ang

Israel, na pinagliligiran ng mga kaalitang bansa. Kapag nagkaroon ng digmaan, agad

matatawagan ang buong mamamayan para lumaban. Ganun din ang South Korea,dahil sa

katabing North Korea.


Sa tingin ko magiging mainit ang debate sa isyung ito , bago maibalik ang

programa. Mismo ang chairman ng Commission on Higher Education (CHEP) ay hindi

kumbinsido na kailangang ibalik sa ngayon. May mga ibang pamamaraan daw para

maging disiplinado at mapagmahal sa bayan ang kabataa.Sinita rin ang mga nagging

problema ng ROTC,Kailangan pag-aralan para hindi maulit ang mga isyu na nagging

sanhi ng pagtanggal nito tulad ng korapsiyon (August 7,2016)

Banyagang Pag-aaral

Military Aerospace Science. Ang mga asal na dapat ipakita ay pag-una ng

integridad, magserbisyo bago unahin ang sarili at kahusayan sa lahat ng ginagawa.Ang

mga operasyon ng Air Force ay kasalukuyang ginagawa sa teknolohikal na paraan

depende sa kapaligiran.

Ang AFROTC ay isang programa para sa mga magiging lider ng Air Force.

Layunin nito na sanayin ang mga studyante upang maging mahusay na opisyal ng Air

Force. Ang mga estudyante ng Numerous Washington University ang nakilahok sa

ROTC Air Force ay kinilala ang kanilang mga sarili bilang Air Forces Avitors,

engineers,lawyears,physicians at astronauts.

Ang mga estudyante ng Washington University ay may opportunidad na

maipakita ang kanilang kakaibang pamumuno na may potensyal na maging lt. Maaaring

makibahagi ang mga estudyanteng nakapagpatapos at hindi sila obligado na malingkod sa

US Air Force.
Ang Air Force ROTC ay nanghihikayat ng mga magagaling opisyal na kandidato

ng Air Force kompyansa.

Military Science : Ang Army ROTC ay isang program na nag-papaunlad sa mga

pinuno at pamumuno at kung sino man na magtagumpay sa programa ay maaaring

maglingkod bilang lt sa Army.Sa Army Reserve o Army National Guard.

Ang lahat ng estudyante ay may kakayahang makibahagi sa Army ROTC na

kurso.Ang kurso ay makakatulong sa pag-unlad ng kompyansa sa sarili at motibasyon sa

isang estudyante. Intensyon nito ay mapaunlad ang pamumuno at kakayahan upang

maging tagumpay ang kinabukasan nila sa military. Nakalakip din ditto ang instruksyon

ng stratehiya sa pagdepensa.

Ang mga ROTC na estudyante ay dapat ikonsulta sa kanilang mga guro upang

malaman kung paano at ano ang mga kakailanganin sa kursong ROTC. Kung ang

estudyante ay nakatanggap ng scholarship o nakapasok sa kurso meron silang obligasyon

sa military.
Sintesis

Ayon sa aming nakalap na impormasyon at pinagsama-samang ideya mula sa

lokal na literature at pag-aaral at banyagang literature ay magtatagal pa ang muling

pagbabalik ng ROTC.Maraming proseso pa ang kailangang isaalang-alang at dahil na rin

sa reklamo ng mga mamamayan, ngunit sa aming sariling pananaw makakatulong bilang

paghahanda sa anumang sakuna na maaaring dumating makakadagdag naman ito sa mga

gastusin ng mga mag-aaral kaya’t ninanais naming na ang ROTC ay ilagay na lamang sa

sekondarya ng hayskul upang mabawasan ang gastusin bago tumuntong ng Kolehiyo.


KABANATA III

METODOLOHIYA

Disenyo ng pananaliksik

Ayon Kay Enrico Garcia ang deskriptib/paglalarawan ay isang anyo o paraan

nagpapahayag ng mga kaisipan o palapalagay. Sa diskursong ito ay nagpapagalaw ng

isang tagapagpahayag ang kanyang imahinasyon, maging sa kanyang mambabasa at taga-

pakinig. Sa pangkalahatan,ang diskursong ito ay nagbibigay ng malinaw na imahen ng

isang tao,bagay,pook,damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o

kakintalan.Bunga ng kakintalang nilikha ng limang pandama ng tao o tinatawag na

singko bukales.

Napili ang deskriptib bilang disenyo ng pananaliksik dahil ito’y nagbibigay ng

pahayag ayon sa paglalarawan ng kaisipan o palagay.dahil ang diskursong ito ay kayang

paganahin ang imahinasyon ng isang tao.kaya din nitong mahikayat ang mambabasa at

tagapakinig.Mailalahad din nito ang lahat ng impormasyon na kakailanganin ng isang

indibidwal sa pangkalahatan ito aya nagbibigay ng ekastong detalye ng isang

bagay,pook,tao,damdamin o teorya upang mas lalong maunawaan ng mga mambabasa

ang isang pananaliksik.

Kalahok ng Pag-aaral
Ang mga piniling kalahok sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral at mga guro ng

ika-labing isang baitang sa kasalukuyan semester ng paaralang Corazon Aquino A. High

School.

Ang mga kalahok ay mayroong dalawang grupo : mga mag-aaral sa ikalabing

isang baitang at mag guro ng mag-aaral. Gumamit ang mga mananaliksik ng Non-

probability.

Instrumentong Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito’y isinagawa sa pamamagitan ng pagsarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyoner upang malaman ang epekto ng ROTC

sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang.

Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aaral ay minabuti rin ng mga mananaliksik na

mangalap ng impormasyon na iba’t-ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga libro, journal,

pahayagan at iba pa.

Ang pananaliksik na ito ay nabuo sa prosesong:

1. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey questionnaire na gagamitin sa

pangangalap ng impormasyon at data.

2. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey noong Ika-labing siyam ng Marso.

3.Ang mga data at impormasyon na nakalap ay gagamitin upang masagot ang mga tanong

na kailangangang sagutin ng pananaliksik.


Tritment ng Datos

Percentage

F
P= x 100 %
N

You might also like