Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Justice
National Prosecution Service
OFFICE OF THE PROVINCIAL PROSECUTOR
Tarlac Court Building, Romulo Boulevard
Tarlac City

JOHN RONALD B. PARADO,


AILEEN B. OFRECIO,
Complainants

-versus- NPS Docket No. III-18-INV-20H-1002


For: Qualified Theft

TERESITA RAGUS NADAL,


Respondent

SINUMPAANG-SALAYSAY

Ako po si Noriel S. Gaguan, legal age, may asaawa, Filipino, at may address
sa Brgy. Tuquero Norte, Moncada, Tarlac ay matapos makapanumpa sa batas
nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Ako po ay dating empleyado ng Smart Cash Creditline Inc. mula March


11, 2013 hanggang July 15, 2014 bilang utility personnel.

2. Ang trabaho ko po ay tagapag-linis ng opisina at minsan naman ay


inuutusan akong magdeposit ng pera at minsan ay kung may kelangan
sila ay pinapabili nila ako sa labas.

3. Ang alam ko pong negosyo ng Smart Cash Credit Line ay nagpapautang


ng pera. Maliit lang po yung opisina nila. Napansin ko din na may
nakalagay na camera doon sa taas ng kaisa isang pinto sa opisina.

4. Sa pagkakatanda ko rin ay may anim na empleyado sa loob ng opisina.


Yung iba doon ay mga kolektor na madalas ay nasa labas at saka lang sila
bumabalik pag hapon na. Andun din yung may-ari na si Mr. Antonino
Ferrer. Yung iba ay kilala ko lang sa palayaw. Si manager Lali Grace
Acuna; Yun kapatid ni Mr. Antonino na si Ernesto Ferrer; Si Teresa Nadal
na ang alam ko ay cashier ang trabaho; si Mam Au; at si Mam Andrea.

1
5. Napansin ko rin na iba’t ibang tao ang pumupunta sa me opisina para
makipagtransaksyon at umutang. Nakikita ko din minsan na may mga
koleksyon silang pera. Binibilang nila ang mga ito at minsan ay
dinideposit nila ito sa bangko.

6. Napansin ko na iba-iba ang mga nagdideposit ng pera. Minsan si Mr.


Ernesto Ferrer ang nagdedeposit at minsan si Mam Lali. Minsan ay
sinasabihan din ako ni Teresa sa loob ng opisina na magdeposit. Minsan
din naman sinasabihan ako ni Tereng na wag na lang akong magdeposit.
at may iba na daw magdideposit.

7. Noong bandang June 15, 2014 ay nabalitaan kong nanganak si Teresa.


Bumalik siya bandang Agosto na pero wala na ako noon sa opisina.

8. Ayos naman ang aking trabaho sa opisina. Minsan ay


nakikipagkwentuhan pa nga ako sa mga kolektor dahil doon sila sa baba
ng tinitirhan namin sila nagkwekwentuhan. Hindi ko makalimutan yung
isang kwento nila sa isang insidente bandang 2013. Bago lang ako sa
opisina noon. May kwento yung mga kolektor tungkol sa isang insidente
na may nagnakaw daw ng pera at umamin itong si Eric Lingan.
Pamangkin ito ng may-ari sa pagkakaalam ko.

9. Isinagawa ko ang salaysay na ito kasama ng aking lagda bilang


pinatunay sa mga isinasaad ko sa itaas.

Camiling, Tarlac, 23 September 2020

NORIEL S. GAGUAN
Nagsasalaysasay

Lumagda at nanumpa sa aking harapan ngayong ika-___ng Setyembre,


2020 dito sa Tarlac City at ipinakita sa akin ang kanyang Competent Evidence of
Identity na:___________________________na ibinigay
noong______________,_______ sa________________________________.

2
Notary Public

You might also like