Professional Documents
Culture Documents
Worksheet Q2 Apw 3
Worksheet Q2 Apw 3
Sagana rin ang kanilang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at irigasyon sa pagtatanim.
Isa sa mga mahahalagang salik sa pagunlad ng Imperyong Ghana ay ang pakikipagkalakalan nito sa Kanlurang
Africa. Bumili rin sila ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo upang gamitin sa
pakikidigma. Ang mga sandata nila ay kanilang ginamit upang makapagtatag ng kapangyarihan sa mga grupong
mahina ang mga sandata.
Ang Imperyong Mali
Ang Imperyong Mali ay nagmula sa estado ng Kangaba. Sinimulan ni Sundiata Keita ang pag-angat ng
kapangyarihan at paglakas ng mga Mali. Noong 1240 ang Imperyong Mali ay sumalakay sa imperyo ng Ghana.
Patuloy na sumalakay ang mga Mali patungong Senegal River at Gambia River. Noong 1255 namatay si
Sundiata ang Imperyong Mali ang pinakamalaki at pinakamakapangyarihan sa buong Kanlurang Sudan. Ang
Imperyo ng Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan. Higit na pinalawak ni Mansa Musa ang teritoryo
ng imperyo noong 1312. Naging bahagi ng Imperyong Mali ang mga lungsod pangkalakalan ng Walata,
Djenne, Timbuktu, at Gao pagdating ng taong 1325. Naging kilala din si Mansa Musa sa kanyang
pagpapahalaga sa karunungan. Nagpatayo siya ng mga mosque o pook dasalan ng mga Muslim sa mga lungsod
ng imperyo. Sa pamumuno ni Mansa Musa naging sentro ng pananampalataya ang Gao, Timbuktu, at Djenne.
Ang Imperyong Songhai
Noong ika-walong siglo ang mga taga-Songhai ay nakikipagkalakalan na sa mga Berber na taon-taon ay
dumarating sa mga ruta ng kalakalan sa Niger River. Ang mga Berber rin ang nagdala ng relihiyong Islam.
Noong 1010, tinganggap ni Dia Kossoi, Hari ng Songhai ang relihiyong Islam. Nakipagkalakalan ang Songhai
sa Algeria sa pamamagitan ng lungsod ng Gao at ng Timbuktu. Noong 1325, ang Imperyong Mali ay sinakop at
binihag ang Songhai, subalit hindi ito nagtagal. Noong 1335, umusbong ang isang bagong dinastiya na
tinatawag na Sunni, at matagumpay nitong binawi ang Songhai sa mga kamay ng mga Mali. Sa ilalim at
pamumuno ni Haring Sunni Ali ang Imperyong Songhai ay naging isang malaking imperyo mula 1461
hanggang 1492. Sa kanyang panahon pinalawak niya ang Imperyong Songhai mula sa mga hangganan ng
kasalukuyang Nigeria hanggang sa Djenne.
Mga Pulo sa Pacific
Nahahati sa tatlong malalaking pangkat, ang Polynesia, Micronesia at Melanesia. Ang mga katawagang ito sa
mga pulo ay binasag ng mga taga kanluran matapos nilang makita ang mga pulo nito at ang mga katutubo rito.
Ang Polynesia
Matatagpuan ang Polynesia sa gitna at timog na bahagi ng Pacific Ocean na nasa silangan ng mga pulo ng
Melanesia at Micronesia. Higit na malaki ang mga pinagsamang lupain nito kompara sa pinagsamang lupain ng
Micronesia at Melanesia. Ang mga bumubuo rito ay ang New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at
Futuna, Tonga, Tokelau, Samoa, American Samoa, Niue, Cook Islands, French Polynesia, Austral Islands,
Society Islands, Tuamotu, Marquesas, at Pitcairn. Ang sentro ng pamayanan ng Polynesia ay tinatawag na
tohua na kadalasan ay nasa gilid ng mga bundok. Dito nagtatanghal ng mga ritwal at nagdaraos ng mga
pagpupulong, nakapaligid rin dito ang mga tirahan ng mga pari at mga banal na estruktura.
Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing pinagkukunan nila ng kabuhayan. Ang mga karaniwang tanim nila
ay taro o gabi, yam o ube, breadfruit, saging, tubo at niyog. Sa pangingisda naman sila ay nakakakuha ng tuna,
hipon, octopus, at iba pa. Naniniwala naman sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang salitang mana ay
literal na nangangahulugang “bisa” o “lakas”. Sa kanilang paniniwala, mayroong mga batas na dapat sundin
upang hindi mabawasan o mawala ang mana.
Halimbawa:
• Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang pangkaraniwang tao.
• Ang sinaunang kababaihan sa Marquesas ay hindi maaaring sumakay sa bangka sapagkat malalapastangan
niya ang bangka na may angking mana.
• Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang mapanganib na gawain ay dapat nakabukod.
• Bawal silang makihalubilo sa babae at pili lang ang dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang
mana.
Ang tawag sa mga pagbabawal o probisyong ito ay tapu. Ang sino mang may matinding paglabag sa tapu ay
gagawaran ng parusang kamatayan.
Ang Micronesia
Sa hilaga ng Melanesia at silangan ng Asya matatagpuan ang Micronesia. Ito ay binubuo ng Caroline Islands,
Marianas Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands (ngayon ay Kiribati), at Nauru. Malapit sa mga lawa o
dagat-dagatan matatagpuan ang mga sinaunang pamayanan ng Micronesia, ito ay upang mas mapadali ang
paglabas ng tao at paglalayag sa karagatan. Ang kanilang mga pamayanan ay tinayo nila sa mga lugar na hindi
gaanong tinatamaan ng bagyo o malakas na ihip ng hangin.
Pagsasaka o pagtatanim ang pangunahing kabuhayan ng mga Micronesian gaya ng taro, breadfruit, niyog, at
pandan. Mayroon ding kaalaman ang mga Micronesian sa paggawa ng simpleng palayok. Malimit na
nakikipagkalakalan ang mga karatig pulo. Mga bato at shell ang ginagamit bilang paraan ng palitan ng mga taga
Palau at Yap. Ang Palau ay gumagamit din ng tinatawag na Stone Money o mga batong ginawang pera. Ang
relihiyon ng mga Micronesian ay animismo. Sila ay nag-aalay ng unang ani para sa kanilang mga diyos.
Ang Melanesia
Matatagpuan ng Melanesia sa hilaga at silangang baybay-dagat ng Autralia. Ang Melanesia ay binubuo ng
New Guinea, Bismarck Archipelago, Papua New Guinea, Solomon Islands, Vanuatu (dating New Hebrides),
New Caledonia, at Fiji Islands. Ang pamayanan nito ay pinamumunuan ng mga mandirigma. Ang paraan ng
pamimili ng kanilang pamumuno ay nababase sa tagumpay sa digmaan. Hinubog ng mga alituntunin ng mga
mandirgma ang kanilang kultura gaya ng katapangan, karahasan, paghihiganti, at karangalan. Ang pangunahing
sinasaka ng mga taga-Melanesia ay taro o gabi at yam o ube. Sila rin ay nagtatanim ng pandan at sago palm na
pinagkukunan ng sago. Iba pang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan ay pangingisda, pag-aalaga ng baboy, at
pangangaso ng marsupial at ibon. Nakikipagkalakalan din sila sa mga karatig pulo at ang karaniwang produkto
ng mga taga-Melanesia ay mga palayok, kahoy, yam, baboy, asin, apog, gayundin ang mga gawa nilang bangka.
Activities /Gawain
Gawain 1: Ating Alamin
Isulat ang mga pagkakaiba at pagkakahalintulad ng mga sinaunang kabihasnan sa America. Isulat ang sagot sa
kwaderno.
Gawain 6: Talahanayan
Punan ng tamang sagot ang talahanayan base sa mga hinihingi sa kahon. Isulat kwaderno ang sagot.
Isla Kahulugan ng Pangalan Kabuhayan Relihiyon
Polynesia
Micronesia
Melanesia