Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office- Quezon City
School District X
PROJECT 3 ELEMENTARY SCHOOL

ESP V
Unang Markahan
Unang Araw ng Linggo

Pangalan ___________________________________ Petsa ________________


Baitang at Seksyon ____________________________ Lagda ng Magulang _____

Layunin
Napahahalagahan ang katotothanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa balitang
napakinggan o nabasa .
Code: ESP5pkp - la-27

Tandaan
 Ang pakikinig o pagbabasa ng balita ay mahalaga upang magkaroon ng kaalaman sa
mga pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran. Ngunit kailangan natin alamin kung ito ay
may katotohanan at batayan ang pinanggalingan ng balita. Dapat tayong mapanuri sa mga
napapakinggan balita upang maiwasan ang paglaganap ng fake news .
 Bawat tao ay may kani-kanilang pananaw o opinyon tungkol sa balitang narinig sa
radyo o telebisyon at nababasa sa pahayagan . Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig o
nababasa ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip.

Basahin at unawain ang artikulo tungkol sa mga mabuting maidudulot ng paggamit ng


internet sa iyong pag-aaral.

Kahalagahan ng Internet sa Buhay Natin

Ang internet ay naging malaking bahagi ng ating buhay. Nakatulong ito sa mga
estudyanteng kagaya natin sa paggawa ng mga gawain natin sa school o sa mga pagsasaliksik..
Nakapagpalawak ng bokabularyo sa mga estudyanteng gumamit ng internet sa pamamagitan
ng panunuod ng YouTube, paggamit ng mga search engines tulad bagong balita mula sa bansa.
Kung dati, ang komunikasyon ay sa sulat lamang ngayon ay puwede ng mabilisang pag-uusap
sa pamamagitan ng chat, e-mail, skype, at iba pa. Kumpara noon pumupunta pa tayo sa mga
pampublikong aklatan para lang makakuha ng mga impormasyon. Ngayon, dahil sa
makabagong teknolohiya, ang internet ay nagpapadali ng pagkuha sa mga impormasyon para
sa pag-aaral natin. May mga tao naman na may masamang intensyon sa paggamit ng internet.

Sa paglipas ng panahon, may mga bagay na naimbento para sa pag-unlad ng ating


kaalaman para maging mas handa sa ating hinaharap sa ating buhay. Ang paggamit ng
internet ay isang mahusay na komunikasyon kahit saang lugar sa mundo. Ito ay mahusay ring
gamitin sa mga takdang-aralin na nakapagdagdag ng impormasyon.

Ang social media naman ay nagagamit sa pakikihalubilo sa lipunan at kapwa sa


pamamagitan ng mga elektronikong kasangkapan tulad ng computer, cellphone, tablet at iba
pa na pwedeng ibahagi ang iyong mga ginagawa, mga larawan, musika, mga aktibidad, mga
gusto at ayaw, mga video at marami pang iba na pwede mong maisip. Nakakatulong din ito
sa mga estudyanteng katulad mo na makipag ugnayan sa ibang tao. Ang YouTube ay nagagamit
nating upang panoorin ang mga balita, napapanahong isyu at educational videos na maaaring
makatulong sa atin na magiging mulat sa pangyayari sa kasalukuyang lipunan. Higit sa lahat
nakatulong rin ang makabagong teknolohiya sa pag- unlad natin at sa pagiging malikhain natin
ay napabuti at napadali ang takbo ng buhay ng mga tao at sa mga kinabukasan natin.

Mga Tannong

1. Tungkol saan ang artikulong binasa?


2. Paano nakakatulong ang internet sa inyong pag-aaral?
3. Mahalaga ba ang paggamit ng internet sa buhay ng tao? Bakit?

Gawain 1
Panuto : lagyan ng / ang patlang kung tumutugon sa mapagsiyasat batay sa balitang
napakinggan at x kung hindi.

_______ 1. Naisagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.


_______ 2. Naikukumpara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o internet.
_______ 3. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.
_______ 4. Naipapaliwanag ko ng maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol sa
bagyo.
_______ 5. HIndi ko nakikinig sa mga balita dahil hidi ito mahalaga.

Gawain 2
Panuto: Isulat ang Tama sa patlang kung nagpapahayag ng mapanuring pag-iisip at Mali
Kung hindi.

_________ 1. Maniwala sa mga napapakinggang balita sa radyo.


_________ 2. Siyasating mabuti ang mga inilalathala sa pahayagan.
_________ 3. Pahalagahan ang opinyon ng ibang tao kahit na ito ay iba sa iyong pananaw.
_________ 4. Paghahanap ng iba pang impormasyon na nagbibigay ng katotohanan sa
isyung napapaking sa radyo.
________ 5. Alamin ang magkabilang panig ng isang balita bago ka gumawa ng sariling
pasiya.
________ 6. Huwag pansinin ang mga napakinggang isyu sa lipunan.
________ 7. Suriin ang balitang napakinggang araw araw .
_________ 8. Ibalita ang mga lahat ng isyung napapakinggan sa pamayanan.
_________ 9. Ugaliing makinig ng balita tuwing umaga .
_________ 10. Huwag makialam sa mga balitang napapakinggan.

You might also like