Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pagganyak:

 Rebus- Ito ay ang representasyon ng mga imahe na mayroong mga simbolo, at


huhulaan ninyo kung ano ang salitang nakakubli sa mga iyon.
 Video about sa Ang Kuwento Ng Isang Oras (55 sec?)
 https://www.youtube.com/watch?v=1gCr4jOsweo (Gender Sensitivity 1:44 min)
 https://www.youtube.com/watch?v=dSHJYyRViIU (Feminismo/Gender Equality 2:01
min)

Maikling Talambuhay ng May-Akda:


Kate Chopin
 Orihinal na pangalan ay Kate O'Flaherty
 -Ipinanganak sa St. Louis, Missouri noong Pebrero 8, 1850
 -Napangasawa si Oscar Chopin noong dalawampung taong gulang at nagkaroon ng anim
na anak.
 -Nang mamatay ang kaniyang asawa'y ay nagbago ang takbo ng kaniyang buhay at nasuri
siya ng doktor na mayroon siyang depresyon.
 -Panunulat ang payo ng kaniyang doktor bilang panlaban sa kaniyang karamdaman at
upang kumita na rin para sa kaniyang mga anak.
 -At Fault at ang dalawang maiikling kwento ng Bayou Folk ang kaniyang unang nobela
noong 1894.
 -Ang "The Awakening" na inilathala naman noong 1899 ang kaniyang pinakatanyag na
nobela.
- Pumanaw siya noong Agosto 22, 1904 dahil sa Cerebral Hemorrhage.
 Hinangaan naman ang kaniyang maikling kuwento na "Ang Kuwento ng Isang Oras"
dahil sa temang Feminismo.

Layunin:
 -Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda
 -Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento
 -Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig
 -Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan
Talasalitaan:
 banayad- hinahon
 pumanaw- namatay
 naipahiwatig- naiparating
 pait- sakit
 humihikbi- lumuluha
 nakapinid-sarado
 tumutungga-umiinom
 umusal- sambit o nagsasalita
 matanto - malaman
 nakakandado - nakasara
 mailap - mahirap makuha
 himaymay - bahagi ng katawan ng tao.
 bumibikig - ibig sabihin
 nanangis - pag iyak
 dalamhati - pighati / lungkot
 kaibuturan-kalooblooban
 balumbon - rolyo
 tumahip - hipan o tumibok
 pinagsalikop – napaligiran

Mga Mahahalagang Pangyayari:


 -Pagkatanggap ni Josephine na kapatid ni Louise sa balitang namatay ang kaniyang
asawang si Brently Mallard mula kay Richard, na kaibigan ni Brently ngunit hindi ito
ibinalita agad ni Josephine sapagkat may sakit si Louise sa puso.
 -Ang pagbabalita ni Richard kay Louise, sa kamatayan ni Brently sa may riles ng tren.
 -Nagkulong si Louise sa sariling kwarto at doon nakadarama ng labis na saya sapagkat
siya'y malaya na mula sa kaniyang asawa.
 -Pag-atake sa puso ni Louise na naging sanhi na kaniyang pagkamatay nang makita
niyang buhay pa ang asawang si Brently Mallard.
Mahahalagang Pahayag:
-"Malaya, malaya, malaya!"
 "Malaya na! malaya na ang aking katawaan at kaluluwa"
Ang pahayag na ito ni Ginang Mallard ngunit napakaikli ay naglalaman ng malalim na
kahulugan. Naisip ni Ginang Mallard na ang pagiging malaya ay isa sa mga magagandang
maidudulot ng pagkamatay ng kanyang asawa. Matatanaw ang teoryang feminismo sa pahayag
na ito sapagkat ang tinutukoy na kalayaan ni Ginang Mallard ay ang kalayaan ng isang babae
mula sa kapangyarihan ng isang lalaki. Hindi na niya kinakailangan pang mabuhay para sa iba
kundi para sa sarili na niya lamang.
 -"Sakit sa puso-nang dahil sa kaligayahang nakakamatay."
Tulad ng sabi ni Louise/Gng. Mallard mahal niya ang kanyang asawa - minsan-minsan ngunit
madalas di niya maramdaman na sumisimbolo na di siya nakakaramdam ng saya sa kanyang
relasyon at siya rin ay naghahangad ng isang kalayaan. Ngunit ang kanyang kasiyahan ay
naputol nuong nalaman niya na buhay pa ang asawa. Pero sa huling hininga ay nakamit niya
ang kalayaan na kanyang hinahangad at doon ay nadama niya ang kaligayahan.

Aral:
 -Pagpapahalaga sa buhay ng tao
Dahil mahalaga ang buhay ng tao. Ito ay binibigyang ingat ng taong nakapaligid. Ito ay
pinagiingatan ng mga mahal sa buhay.
 -Pagaalala ng isang kaanak
Dahil ang isang kaanak ay nagaalala para sa kaligtasan ng mahal sa buhay.
 -Ang kahandaan sa kamatayan
Ang paghahanda sa kamatayan ay susi para sa ikaluluwag ng mahal sa buhay.
 -Pagdadalamhati sa kamatayan
Madalas tayong nagdadalamhati sa kamatayan dahil sa kawalang paghahanda dito.
 -Ang hindi paglaganap ng mga balitang walang katotohanan o fake news
Dahil bukod pa sa kakulangan ng mga ebidensya ay maaari tayong makasira o makaapak ng
reputasyon ng iba.
 -Patas na pagtingin sa mga gawain ng babae at lalaki
sapagkat ang iilan rin namang gawain ng babae ay kaya rin ng lalaki, at ang gawain rin ng lalaki
ay kaya rin ng mga babae, kung kaya't hindi dapat ang mga babae ay hindi rin minamaliit kun'di
ay kapantay rin lamang ng mga kalalakihan
 -Pagiging sensitibo sa nararamdaman ng tao,
sapagkat kapag tayo’y magsasabi ng mga negatibong balita o pananalita ay alalahanin nating
mayroon ring masasaktan, kung kaya’t lagi tayong mag-iingat sa ating mga sasabihin.

Pag-ugnay sa Kasalukuyan:
 -Maihahalintulad natin ang kuwentong ito sa mga taong hanggang ngayo'y naniniwala sa
mga laganap na fake news o mga pekeng balita, tila sila'y pag napukaw ang interes sa
isang tema ay maaaring ipalaganap ang mga ito, kahit hindi pa man ito napapatunayan.
 -Ang stereotyping o ang pagpapangkat ng mga gawain base sa kasarian ay hanggang
ngayon ay laganap pa rin, kalimitan sa mga modules ng ibang paaralan ay ginagamit ito,
kung baga'y lahat ng mabibigat na trabaho ay para sa mga lalaki at lahat ng magagaan at
mga gawaing bahay ay para sa babae kung kaya't hanggang ngayon hindi pantay ang
pagtingin sa mga babae at lalaki.
 Ang Gender Sensitivity ay ang pagbibigay ng konsiderasyon sa damdamin ng dalawang
magkaibang kasarian. Ang rasong ito'y mahalaga sapagkat ang babae't lalaki ay magkaiba
ang takbo ng pag-iisip kung kaya't iba-iba ang kanilang pananaw sa isa't-isa.
 Ang Feminismo ay kilusang layunin na ipinapatupad ang mga karapatan ng kababaihan
sa pulitika, ekonomiya at lipunan. Ito ay ang pagsalungat sa ideya na mahihina, marupok,
pantahanan, masama, emosyonal at hangal ang mga kababaihan. Ito rin ay ang
pamamaraan sa pagtuligsa sa patriyarkal na lipunan.
 Mahalaga ang pagpapalaganap nito sapagkat sa daigdig hanggang ngayon ay laganap
pa rin ang pagmamaltrato at diskriminasyon sa mga karapatan ng mga kababaihan.

Iba Pang Pag-uugnay sa Kasalukuyan


 Pangangalaga sa mga taong may sakit. Katulad ni Josephine, na siyang nag-iingat sa
karamdaman ng kapatid ay kagaya lamang ngayong may pandemya, ang lahat ng ating
frontliners ay nagtitiyaga upang pangalagaan at bigyang lunas ang mga taong nahawaan
sa COVID-19.

Paglalagom:
 Si Kate Chopin ang may-akda ng "Ang Kwento ng Isang Oras"
 Maituturing na temang Feminismo ang akdang "Ang Kwento ng Isang Oras" dahil sa
idinidikta ng lipunan sa mga kababaihan bilang pag-aari ng mga kalalakihan at ang
pagmamaltrato dito.
 Mahalaga kung maituturing ang mga kababaihan sa lipunan sapagkat katulad ng mga
kalalakihan ay may napapatunayan rin nila ang kanilang mga sarili sa angking galing sa
iba’t ibang larangan ng pagtatrabaho.

Mga Katanungan:
1. Ano ang dahilan kung bakit hindi agad binanggit ni Josephine ang balitang namatay
ang asawa ni Louise/Gng. Mallard?
2. Tama/Mali, naging masaya si Louise nang matanggap na niyang namatay na ang
kaniyang asawa.

Iba pang katanungan:


- Bilang mga babae, tanggap ba ninyong may mga lalaking tratuhin kayo na para bang
sila’y nakahihigit o nakatataas? At Bakit?

You might also like