Si Tikboy at Ang Dalawang Duwende

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Si Tikboy At Ang Dalawang Duwende

CHESKA:
Nabiyayaan ng dalawang anak na lalake ang mag-asawang Tony at Ninfa Cruz. Sila ay sina Charles Cruz na ang
palayaw ay si Tikboy at si Tony Cruz Jr. na Junior naman kung tawagin ng kanyang mga magulang at kamag-
anak.

Siyam na taong gulang si Tikboy habang si Junior ay pitong-taong gulang. Katamtamang estado ng
pamumuhay ang mayroon ang pamilya Cruz.

Isang ahente sa isang kilalang kompanya ang padre de pamilya at mayroon rin silang maliit na tyangge sa
tindahan. Si Ninfa ang namamahala sa kanilang maliit na negosyo.

Naging maganda ang takbo ng trabaho ni Tony at umunlad rin ang kanilang negosyo sa tindahan kung kaya’t
nakabili sila ng sarili nilang bahay. Subali’t hindi nila alam na may mga nakatira na pala rito bago pa sila
lumipat rito.

Sa bago nilang bahay, may sarili nang kwarto sina Tikboy at Junior. Ngunit hindi roon natutulog ang bunso
dahil nakakatakot raw ito. May mga maliliit raw na naglalakad sa sahig nila tuwing nagigising siya sa madaling
araw.
RA:
Binalewala ito ng mag-asawa. Baka raw nasobrahan lang sa panonood ng TV ang kanilang bunsong anak. Si
Tikboy naman ay walang ibang ginawa kundi maglaro buong araw.

Isang araw, malapit na ang pinal na pagsusulit nila ni Tikboy sa paaralan at pinapa-aral siya ng kanyang ina.
Binilin sa kanya na mag-aral siya sa kwarto niya at dadalhin ng mama niya si Junior upang hindi siya kulitin
nito.

Sumang-ayon si Tikboy sa bilin ng mga magulang niya ngunit pag-alis nila ay ni-lock niya ang pinto sa kwarto
at naglaro nalang maghapon. Wala siyang ibang ginawa kundi maglaro ng kompyuter at ng mga laruang bigay
ng Tito niya.

Alas-sais na ng hapon ng makauwi ang mag-asawa at si Junior sa bahay nila. Noong marining ni Tikboy ang
tunog ng sasakyan, dali-dali niyang niligpit ang mga laruan niya at inilabas ang kanyang mga libro.

“Ang very good naman ng anak ko, sigurado perfect mo yung test niyo,” sabi ng mama niya noong madatnan
siyang nakayuko sa libro at nagbabasa.
RUSSELL:
Masaya silang naghapunan ngunit, sina Tony at Ninfa ay walang ka-alam-alam na hindi talaga nag-aral ang
kanilang anak. Kinabukasan, ganun ulit ang nangyari.

Ngunit, bago pa man makapaglaro si Tikboy, napansin niyang nawawala ang paborito niyang laruan na
spiderman. Hindi niya ito makita kung kaya’t naglaro na lamang siya ng kompyuter.

Pag-uwi ng kaniyng Papa, Mama, at kapatid niya, papuri na naman ang nakuha niya sa mga magulang niya.
Naulit nang naulit iyon hanggang sa natapos ang araw ng pagsusulit. Paglabas ng grado, hindi pumasa si
Tikboy.

Pag-uwi nila sa bahay, laking gulat ni Tikboy na kakaunti na lang ang laruan sa kwarto niya. Hinanap niya at
noong buksan niya yung aparador, laking gulat niya ng may nakita siyang nakaupo rito – dalawang duwende.

“Hindi ka pumasa siguro noh? Laro lang kasi inatupag mo,” sabi ng isang duwende.

“Hindi ka man lang nakinig sa bilin ng papa at mama mo. Dahil diyan, isusumbong ka namin sa kanila,” sabi ng
isa pang duwende.

JUSTIN:
Tumakbo palabas si Tikboy at nagsumbong sa mga magulang niya. Ngunit, hindi siya pinaniwalaan ng mga ito.
Bukod sa hindi siya pumasa, nalaman nila mula sa teacher ni Tikboy na hindi naman talaga siya nakikinig sa
klase.

Sa tingin nina Tony at Ninfa ay umiiwas lang ang anak nila na mapagalitan. Walang magagawa si Tikboy kundi
bumalik sa silid niya. Takot na takot siya kung kaya’t nagtago siya sa ilalim ng kumot niya.

“Hoy Tikboy labas ka diyan, laro tayo!” sabi ng isang duwende.

“Laro tayo! ‘Di ba yan lang ang gusto mo, hindi ka nga nag-aral kakalaro!” dagdag ng isa pang duwende.

Noong madaling araw na, nagkaroon ng kakaunting lakas ng loob si Tikboy. Inalis niya yung kumot at
tiningnan ang paligid niya. Nakita niyang nakaupo ang dalawang duwende at dilat na dilat na nakatingin sa
kanya.
OZEA:
“Huwag kang matakot sa amin. Hindi kami masama. Nais lang namin na gawin mo yung tama, sundin mo yung
mga magulang mo,” sabi ng isang duwende na mukhang awang-awa na sa takot na bata.

“Talaga? Iiwan niyo na ako dito pag sinunod ko sina Mommy at Daddy?” tanong ni Tikboy sa dalawang
duwende.

“Oo, basta’t mag-aral ka na at huwag magsisinungaling dahil kung hindi, mawawala talaga lahat ng laruan mo
ng tuluyan,” sabi ng isa.
“At isusumbong ka namin sa mga kapwa namin para marami tayo rito sa silid mo,” pananakot ng isa pang
duwende.

Bumalik si Tikboy sa pagtatalukbong ng kumot at nakatulog siya. Kinabukasan, hindi na niya nakita ang
dalawang duwende ngunit hindi niya nakakalimutan ang mga sinabi nito kung kaya’t naging masunuring bata
na siya nandiyan man o wala ang mga magulang niya.

You might also like