Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JHOVELLE A.

TUAZON
MAED-FILIPINO

1. Ano ang tinatawag na panitikang Filipino? Gawing masaklaw ngunit maikli ang paliwanag.

Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang
ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula
sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang salitang panitikan na
nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang
kahulugan ay letra o titik. Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming
Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at
pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

2. Magbigay ng sampung akdang pampanitikan nagdala ng malaking impluwensya sa buong daigdig at


ipakilala ang impluwensyang dala, pati ang mga bansang pinanggalingan.

Banal na Kasulatan o Bibliya- ang naging pinakabatayan ng paniniwalang Kristiyano sa buong daigdig.
Koran mula sa Arabia- ang pinakabibliya ng mga Muslim
Illiad at Oddysey ni Homer- kinatutuhanan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya.
 Mahabharata- tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya. Ipinalalagay itong
pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
 Centerbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng pananampalataya at pag- uugali ng mga Ingles noong
unang panahon.
 Uncle Tom’s Cabins ni Harriet Beecher Stowe- nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa kaapihan ng
mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.
 Divine Comedia ni Dante- nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag- uugali ng mga
Italyano noong unang panahon.
 El Cid Compeador- naglalarawan sa katangiang panlipi ng ng mga Kastila at kasaysayan ng Espanya.
 Isang Libo at Isang Gabi- akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglarawan ito ng pamahalaan,
kabuhyan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
 Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya ng mga Intsik.
 Aklat ng mga Patay- naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng
Ehipto.
 Awit ni Rolando- kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay dito ang
gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.

3. Sa iyong palagay ano pang dahilan ang maaaring idagdag sa panitikang Filipino?

Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang pagkakaiba ng ganitong
paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis
nito ang bahagharing may angking sari-saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba't ibang gaan at bigat
ng mga tanging karanasan. Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang
dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong
kanyang ginagalawan. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong
anyo ng karunungang may mataas na antas ng kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na
matatagpuan sa mga tekstong pampanitikan gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito, alamat
salaysayin, at pabula), tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, at anekdota sa piling
lathalain man-sa pasalita o pasulat na kaanyuan.

You might also like