Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Lebadura

(The Parables of the Mustard Seed and the Leaven)

Mateo 13:31-33

Mensahe ni Pastor Eric Chang

Ipagpapatuloy natin ngayon ang ating pagpapaliwanag sa Salita ng


Diyos, gaya ng sistematikong paggawa natin nito linggo-linggo. Ngunit
una sa lahat, may isa o dalawa akong puntong nais tapusin sa nakaraang
mensahe tungkol sa Talinghaga ng Butil ng Mustasa. Nang nakaraan,
ipinaliwanag natin ang Mateo 13:31ss, ang isang talinghagang may
malaking kahalagahan dahil ito’y makikita sa tatlong ‘synoptic¹’ na
ebanghelyo, iyon ay, ayon kina Mateo, Marcos at Lucas. Nakita na natin
kung gaano kahalaga ang larawan ng binhí sa turo ng Panginoon, ngunit
may iba pang puntong hindi pa natin nakikita.

Heto ang talinghagang itinuro ng Panginoong Jesus:

Nagbigay siya (si Jesus) sa kanila ng isa pang talinghaga, na


sinasabi, “Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng
mustasa na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kanyang bukid. Iyon
ang pinakamaliit sa lahat ng mga binhi, ngunit nang tumubo ay
siyang pinakamalaki sa mga halaman at nagiging punungkahoy,
anupa’t ang mga ibon ay dumarating at nagpupugad sa kanyang
mga sanga.²”

At kaya, nagtuturo ang Panginoong Jesus, gaya ng madalas niyang


ginagawa, sa pamamagitan ng talinghaga. Siguro’y itinuro niya ang
halaman ng mustasa, isang puno nito na nakatayo roon sa bukid para
makita ng lahat, at sinabing: “Ang kaharian ng Diyos ay mailalarawan –
masdan – sa puno ng mustasang ito. Ito’y inihasik na isang maliit na
butil, ngunit tingnan kung gaano ito kalaki!” Sa Palestinya, minsa’y
lumalaki ang mustasa nang hanggang 8 o 10 talampakan. Iyan ang
dahilan kung bakit maaari itong tawaging puno. Halos doble ng aking
tangkad ang 10-talampakan, kaya ito’y maituturing na napakalaking
puno na umusbong mula sa isang napakaliit na butil ng mustasa.
Ang Larawan ng Kaharian – Isang Munting Binhi
na Lumalaki Hanggang Maging Puno
Sinasabi ng Panginoong Jesus na kung titingnan ninyo itong mabuti, at
espirituwal na uunawain ito, naririto ang larawan ng kaharian. Nang
inihasik ang kaharian, ito’y inihasik sa mundo bilang isang munting
butil. Ano ang inaasahan ninyo sa isang munting butil? Inaasahan ninyo
ang isang munting halaman! Ngunit sa halip nito, may isang malaking
halaman kayo na lumalaki hanggang puno. Sa totoo lang, ang mustasa ay
hindi isang puno. Ito’y isang ‘herb’ o damong-gamot. Ito’y isang gulay.
Pero ito’y lumalaki hanggang sa sukat ng isang puno. Anong tangkad
nito! May kabilisan din ang paglaki nito. Kaya, ito’y isang larawan ng uri
ng ‘life power’ o kapangyarihang pambuhay na nasa loob ng munting
butil, na kayang makapagpabunga ng isang napakalaking halaman.

Sinasabi ng Panginoong Jesus na mula rito, maaari kayong makakuha ng


larawan ng kaharian. Tulad din ng sinabi ko noong nakaraan, kapag
tiningnan ninyo ang Talinghaga ng Darnel at ng Trigo, kapag nakita
ninyo ang magkahalu-halong kalagayan sa kaharian ng Diyos ng
mabubuti’t masasama, medyo panghihinaan kayo ng loob. Nagtaka kayo
kung may kinabukasan pa ang kaharian ng Diyos. At ibinigay sa atin ng
Panginoong Jesus ang talinghagang ito para sabihing, “Nariyan ang
kapangyarihan ng Diyos! Kahit na mukhang maliit ang gawain, kahit na
mukhang maliit ang butil, isang dakilang gawain ang kalalabasan nito.”
Gaano kadakila kaya lalaki ang gawaing ito? Sinasabi niyang kahit na
ang mga ibon sa himpapawid ay darating at mamumuhay rito. Ang mga
ito’y mamumugad sa mga sanga ng halaman ng mustasa

You might also like