Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Konsepto ng Kabihasnan at
mga Katangian Nito

1
Panimula

Ang Self-Learning Module (SLM) na ito ay ginawa at isinulat upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol sa konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito. Ikaw ay inaasahang
kritikal na makapagsusuri sa aralin na sumasaklaw sa mga yugto ng pag-unlad ng
pamumuhay ng mga unang Asyano, at konsepto at katangian ng kabihasnan. Ang mga
gawaing matatagpuan dito ay inaasahang makatulong sa iyo upang lubos mong
maunawaan ang aralin.

Ang Self-Learning Module (SLM) ay nakapokus sa Konsepto ng Kabihasnan at mga


Katangian Nito na nahahati sa sumusunod na paksa:
Paksa 1: Konsepto ng Kabihasnan
Paksa 2: Mga Katangian ng Kabihasnan
Paksa 3: Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:


Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito (AP7Q2MELC1Week1)

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


 nakapagpapaliwanag ng konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito;
 nakapagtatalakay ng konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito sa
kapwa mag-aaral; at
 nakapagsasalita sa kabihasnan at mga katangian nito.

1
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa lipunan kung saan may maunlad na pamahalaan, kabuhayan,
paniniwala, at kultura?
A. barangay C. paaralan
B. kabihasnan D. pamayanan

2. Sa anong panahon natutuhan ng tao ang magbungkal ng lupa at mag-alaga ng hayop?


A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng Panahong Paleolitiko?


A. Natuto ang mga taong magtanim.
B. Umaasa ang mga tao sa biyaya ng kalikasan upang mabuhay.
C. Palipat-lipat ang mga tao ng tirahan at tumitira sa mga kuweba.
D. Natuto ang mga taong gumamit ng magaspang na bato bilang kasangkapan.

4. Nang matutong magtanim ang mga tao, ano ang pinakamahalagang epekto nito?
A. May pagkain na ang mga tao.
B. Natutong tumira sa iisang lugar ang mga tao.
C. Naging mas mapayapa ang buhay ng mga taong tumira sa mga pamayanan.
D. Lahat ng nabanggit

5. Noong Panahong Paleolitiko, ang mga sinaunang tao ay mangangaso. Walang katiyakan
na sila ay magkakaroon ng makakain. Paano tinugunan ng mga sinaunang tao ang
ganitong suliranin?
A. natutuhan nilang gumamit ng apoy
B. natutuhan nilang gumawa ng compass
C. natutuhan nilang magsaka at mag-alaga ng hayop
D. natutuhan nilang gumawa ng kasangkapan sa pagluluto

6. Bakit tinawag na rebolusyon ang huling bahagi ng Panahong Neolitiko?


A. Natuto nang mangisda ang mga tao.
B. Natuto nang gumawa ng armas ang mga tao.
C. Natuto nang magtanim ng palay ang mga tao.
D. Natuto nang magpalitan ng produkto ang mga tao.

7. Bilang isang lider ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Kasaysayan sa iyong paaralan,


ikaw ay naatasang ipalaganap ang mga naiambag ng mga sinaunang tao sa iyong
paaralan upang ipagmalaki ng iyong kapwa mag-aaral na sila ay Asyano. Paano mo ito
maisasagawa?
A. mamahagi ng booklet sa mga kamag-aral
B. gumawa ng mga brochure sa mga kamag-aral
C. magsagawa ng forum at mag-aanyaya sa mga mag-aaral na dumalo dito
D. mag-anyaya sa mga kamag-aral na magsagawa ng isang cultural show na ipapakita
sa iba pang antas sa paaralan.

2
8. Matapos mong mapag-aralan kung papaano umusbong ang mga sinaunang kabihasnan
sa Asya, ikaw ay naatasan ng iyong guro na magpakita ng isang presentasyon ukol sa
paksang ito. Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo ng presentasyon?
A. kasaysayan at mahahalagang aral ng pilosopiya
B. kasaysayan, sino ang nagtatag at saan naitatag ang pilosopiya
C. kasaysayan, sino ang nagtatag, saan naitatag at impluwensiya ng pilosopiya
D. kasaysayan, mahahalagang aral, impluwensiya at kahalagahan ng pilosopiya sa
kasalukuyang panahon

9. Paano masasabi na ang isang pamayanan ay isang kabihasnan?


A. Maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan sa pamayanan.
B. Ang pamayanan ay mayroong malaking populasyon at may sistemang panlipunan.
C. Ang mga mamamayan nito ay may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at
sistema ng pagsulat.
D. Ang mga mamamayan nito ay may sentralisadong pamahalaan, relihiyon, sistemang
panlipunan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat.

10. Ang pagkakaroon ng kalendaryo at mga talang pangkasaysayan ay isang katangian ng


isang kabihasnan. Anong katangian ito?
A. Maunlad na Kaisipan C. Maunlad na Kasanayang Teknikal
B. Dalubhasang Manggagawa D. Sistema ng Pagsusulat at Pagtatala

11. Anong katangian ang ipinapakita ng mga palayok na gawa sa luwad at mga
kasangkapang gawa sa matutulis na bato?
A. Maunlad na Kaisipan C. Maunlad na Kasanayang Teknikal
B. Dalubhasang Manggagawa D. Sistema ng Pagsusulat at Pagtatala

12. Ang mga Babylonian ay kilala sa kanilang Code of Hammurabi o koleksyon ng mga
batas na ipinatutupad sa kanilang lipunan. Anong katangian ang ipinapakita nito?
A. Maunlad na Kaisipan
B. Maunlad na Kasanayang Teknikal
C. Sistema ng Pagsusulat at Pagtatala
D. Matatag na Pamahalaan at Sistema ng mga Batas

13. Anong katangian ang ipinapakita sa pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya dulot ng


mga mangangalakal?
A. Maunlad na Kaisipan C. Maunlad na Kasanayang Teknikal
B. Dalubhasang Manggagawa D. Sistema ng Pagsusulat at Pagtatala

14. Ano ang kahulugan ng kabihasnan?


A. binagong pamumuhay ng kapaligiran
B. pinaunlad na pamumuhay ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. kinagawiang pamumuhay bunga ng pagtira sa mga lambak ng ilog
D. kinagawiang pamumuhay na pinaunlad ng maraming pangkat ng tao

15. Bakit mahalagang mapaunlad ang kasanayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng


edukasyon?
A. susi sa kaunlaran C. susi sa kaganapan
B. susi sa kalangitan D. susi sa kapayapaan

3
Aralin

Konsepto ng Kabihasnan at mga Katangian Nito

Konsepto ng Kabihasnan

Ang Kabihasnan ay isang terminolohiya ng mga Pilipino sa higit na mataas na antas ng


pamumuhay. Batay ito sa salitang ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay eksperto o
magaling.

Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kasanayan sa isang bagay masasabi nating nagiging
bihasa siya o nagiging magaling. Katulad ng nangyari sa mga Sinaunang Asyano, nanirahan
sila sa mga lambak at ilog. Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng pangingisda at
pagsasaka dahil sa kapaligiran na kanilang permanenteng tinirahan. Kinasanayan na nila
ang pangingisda at pagsasaka at ito ang nagsilbing pang-araw-araw nilang hanapbuhay.
Dahil dito, nabuo ang konsepto ng kabihasnan na pamumuhay na nakasanayan o
nakagawian.

May batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang pagkakaroon ng organisado


at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisyon sa gawaing pang-
ekonomiya at uring panlipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining, at
arkitektura, at sistema ng pagsusulat.

Mga Katangian ng Kabihasnan

1. Maunlad na Kasanayang Teknikal. Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mayroon nang
kasanayang nakatutulong sa kanila sa paghahanap ng pagkain, paggawa ng mga
kasangkapan at armas, at sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang pangangaso, pag-iimbak ng pagkain, pagsasaka, paghahayupan, paggawa ng
tanso at bakal, paglikha ng kagamitan, paglikha ng mga sandata, at paggawa ng mga dike
sa kanal.

2. Matatag na Pamahalaan at Sistema ng mga Batas. Ang mga tao sa isang kabihasnan
ay mayroon ding organisadong sistema ng pamahalaan at mga batas na ipinatutupad sa
lipunan. Mayroon silang proseso at nakagagawa ng paraan para malutas ang suliranin sa
lipunan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagtukoy sa mga suliranin, pagpaplano ng
solusyon sa mga problema, pamunuang mangangasiwa sa mga gawain sa lipunan,
paggawa ng mga batas at alituntunin, pagpapatupad ng mga batas, karapatang pantao, mga
pribilehiyo ng bawat mamamayan, at pagtatayo ng mga lungsod-estado.

3. Mga Dalubhasang Manggagawa. Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mga


manggagawang eksperto at may maunlad na kaalaman sa kani-kanilang gawain. Ilan sa
mga halimbawa nito ay mga artisan, mga gumagawa ng alahas, armas, kagamitang

4
pambahay at mga pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao, at mga
mangangalakal.

4. Maunlad na Kaisipan. Ang mga tao sa isang kabihasnan ay may maunlad na kaisipan at
talinong magagamit sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay. Ang mga tao rito ay may
konsepto ng petsa, natutukoy ang panahon ng pagbaha, gumagamit ng lunar calendar, may
sistema ng pagsulat, at may pilosopiya at relihiyon.

5. Sistema ng Pagsulat at Pagtatala. Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mayroon nang
sistema ng pagsusulat at pagtatala ng mga bagay na mayroon at mga pangyayaring
naganap sa kanilang lipunan. Ang mga tao rito ay nakakaalala na ng mahahalagang
kaganapan o pagdiriwang sa lipunan, nakapagtatala ng mga batas at buwis, nakagagawa ng
kalendaryo at listahan ng mga ritwal, at nakapagtatala ng kasaysayan at mga kuwentong
maipapasa sa susunod na henerasyon.

Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Tao

1. Panahon ng Paleolitiko (dakong 2,500,000-10,000 B.C.E). Masasabing nakadepende


lamang sa kapaligiran ang mga sinaunang tao sa panahong ito. Umaasa lamang sila sa
kung anong biyaya mayroon ang mga puno at halaman sa kapaligiran na makapupuno sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga
ito. Nomadiko ang ganitong pamumuhay. Kahit ganito pa man ang kanilang sistema
nalinang ang kasanayan nila sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa matutulis na bato at
kalaunan ay nagamit sa pangangaso. Pinakamahalagang ambag nila ay ang pagkakatuklas
ng apoy. Nagpatuloy ang pagbabago dahil sa pag-agapay sa pagbabago ng kapaligiran.

2. Panahong Mesolitiko (dakong 10,000- 7,000 B.C.E). “Gitna” ang ibig sabihin ng salitang
meso sa Griyego. Kaya’t ito ang Gitnang Panahon ng Bato. Dito nagsama-sama ang mga
gawain sa Panahong Paleolitiko habang unti-unting pumapasok ang tao sa Panahon ng
Neolitiko. Sa panahong ito, natutong magpaamo ng hayop at gumawa ng mga damit na
galing sa mga balat ng hayop bilang proteksyon sa kanilang katawan.

3. Panahong Neolitiko (dakong 7,000-4,000 B.C.E). Sa panahong ito, natuto nang


magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao. Malawakan ang naging pagtatanim
kaya tinawag itong Rebolusyong Neolitiko. Naging dahilan ito ng mga tao para manatili sa
mga agrikultural na lugar, mga tabi ng ilog at lambak upang mabantayan ang mga pananim
at alagang hayop. Dito nagsimulang mabuo ang pamayanan. Nagkaroon ng kakayahan ang
mga tao sa iba’t ibang kasanayan o aspeto ng pamumuhay at nagkaroon ng pag-uuri sa
lipunan. Nagsimula ang iba’t ibang hanapbuhay ng tao tulad ng pangingisda at pagsasaka at
nabuo ang pundasyon ng isang kabihasnan.

4. Panahong Metal (dakong 4000 B.C.E-kasalukuyan). Bunsod ng patuloy na pagbabago


sa lipunan, nabuo ang panahong ito sa magkakaibang lugar sa Asya at hindi naganap ng
sabay sabay kung saan ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at
paglaon ay napalitan ng tanso. Ngunit dahil sa salat sa mapagkukunan ng tanso napalitan
naman ito ng bakal na siyang ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan na nagpapalawak
ng pamumuhay.

5
Pamprosesong mga Tanong:
Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano-anong pagbabago ang naganap sa bawat panahon?


2. Paano nakasabay ang mga sinaunang Asyano sa mga pagbabagong naganap sa
kapaligiran upang makapamuhay ng maayos?
3. Paano nakaapekto sa mga sinaunang Asyano ang mga pagbabagong naganap sa
kapaligiran sa pagbuo ng kabihasnan?

Mga Gawain

Gawain 1: Pagpapalalim ng Kaalaman


A. Panuto: Tukuyin ang Yugto ng Pag-unlad ng Pamumuhay (Paleolitiko, Mesolitiko,
Neolitiko, o Metal) ayon sa kagamitan at kaganapan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_______________________ 1. pangangaso at pangingisda


_______________________ 2. pagpapaamo ng mga hayop
_______________________ 3. paglinang ng mabuti sa pagpapanday
_______________________ 4. nomadikong pamumuhay o palipat-lipat ng tirahan
_______________________ 5. paggawa ng damit na yari sa balat ng hayop
_______________________ 6. pagkatuklas sa paggamit ng apoy
_______________________ 7. malawakang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop
_______________________ 8. nabuo ang pundasyon ng isang kabihasnan
_______________________ 9. paggamit ng kasangkapang yari sa tanso at bakal
_______________________ 10. pagkakaroon ng permanenteng pamayanan

B. Panuto: Alamin ang katangian ng kabihasnan na nakapaloob sa nilalaman ng bawat


aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______________________ 1. pagpapatupad ng kautusang sinusunod sa lipunan


_______________________ 2. paghahanapbuhay at pagnenegosyo
_______________________ 3. paggawa ng mga damit at tsinelas
_______________________ 4. pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo sa Pilipinas
_______________________ 5. paggawa ng mga pantransportasyong sasakyan
_______________________ 6. pangangasiwang pambarangay o panlungsod
_______________________ 7. pagtatala sa kaganapang pangkasaysayan
_______________________ 8. taon-taong pagdiriwang sa Bagong Taon
_______________________ 9. paggamit ng isang dayalekto sa isang lugar
_______________________ 10. pagsasaka at pagtatanim ng mga palay

6
Gawain 2: Hagdan ng Pagbabago
Panuto: Sa pamamagitan ng ladder web, ipakita ang gradwal na Ebolusyong Kultural sa
mga sumusunod na panahon at isulat sa loob ng kahon ang mga salitang angkop
sa bawat panahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Ebolusyong Kultural ng Asya

PANAHON NG METAL:

NEOLITIKO:

MESOLITIKO:

PALEOLITIKO:

Gawain 3: Paggawa ng Poster


Panuto: Gumuhit ng isang poster na magpapakita sa iyong natutunan tungkol sa mga
katangian ng kabihasnan. Gawin ito sa isang long bondpaper.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Poster

Pamantayan 5 puntos 4 puntos 3 puntos Puntos


Nilalaman Nagpapakita ng Nagpapakita ng Nagpapakita ng
lubos na karunungan sa hindi gaanong
karunungan sa paksa karunungan sa
paksa paksa
Kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop ang mga Hindi gaanong
Paksa ang mga larawan larawan sa paksa angkop ang mga
sa paksa larawan sa paksa
Pagkamalikhain Lubos na tama Tama ang Hindi gaanong
ang kombinasyon kombinasyon ng tama ang
ng kulay upang kulay upang kombinasyon ng
maipahayag ang maipahayag ang kulay upang
nilalaman, nilalaman, maipahayag ang
konsepto, at konsepto, at nilalaman,
mensahe mensahe konsepto, at
mensahe
Kabuuang Lubos na malinaw Malinaw at Hindi gaanong
Presentasyon at maayos ang maayos ang malinaw at maayos
kabuuang kabuuang ang kabuuang
pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa
Kabuuang Puntos

7
Repleksyon

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa Konsepto ng Kabihasnan
at mga Katangian Nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

8
Panghuling Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.

1. Ano ang kahulugan ng kabihasnan?


A. binagong pamumuhay ng kapaligiran
B. pinaunlad na pamumuhay ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. kinagawiang pamumuhay bunga ng pagtira sa mga lambak ng ilog
D. kinagawiang pamumuhay na pinaunlad ng maraming pangkat ng tao

2. Bakit mahalagang mapaunlad ang kasanayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng


edukasyon?
A. susi sa kaunlaran C. susi sa kaganapan
B. susi sa kalangitan D. susi sa kapayapaan

3. Nang matutong magtanim ang mga tao, ano ang pinakamahalagang epekto nito?
A. May pagkain na ang mga tao.
B. Natutong tumira sa iisang lugar ang mga tao.
C. Naging mas mapayapa ang buhay ng mga taong tumira sa mga pamayanan.
D. Lahat ng nabanggit

4. Noong Panahong Paleolitiko, ang mga sinaunang tao ay mangangaso. Walang katiyakan
na sila ay magkakaroon ng makakain. Paano tinugunan ng mga sinaunang tao ang
ganitong suliranin?
A. natutuhan nilang gumamit ng apoy
B. natutuhan nilang gumawa ng compass
C. natutuhan nilang magsaka at mag-alaga ng hayop
D. natutuhan nilang gumawa ng kasangkapan sa pagluluto

5. Ano ang tawag sa lipunan kung saan may maunlad na pamahalaan, kabuhayan,
paniniwala, at kultura?
A. barangay C. paaralan
B. kabihasnan D. pamayanan

6. Bakit tinawag na rebolusyon ang huling bahagi ng Panahong Neolitiko?


A. Natuto nang mangisda ang mga tao.
B. Natuto nang gumawa ng armas ang mga tao.
C. Natuto nang magtanim ng palay ang mga tao.
D. Natuto nang magpalitan ng produkto ang mga tao.

7. Anong katangian ng kabihasnan ang ipinapakita ng mga palayok na gawa sa luwad at


mga kasangkapang gawa sa matutulis na bato?
A. Maunlad na Kaisipan C. Maunlad na Kasanayang Teknikal
B. Dalubhasang Manggagawa D. Sistema ng Pagsusulat at Pagtatala

8. Anong katangian ang ipinapakita sa pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya dulot ng


mga mangangalakal?
A. Maunlad na Kaisipan C. Maunlad na Kasanayang Teknikal
B. Dalubhasang Manggagawa D. Sistema ng Pagsusulat at Pagtatala

9
9. Paano masasabi na ang isang pamayanan ay isang kabihasnan?
A. Maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan sa pamayanan.
B. Ang pamayanan ay mayroong malaking populasyon at may sistemang panlipunan.
C. Ang mga mamamayan nito ay may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at
sistema ng pagsulat.
D. Ang mga mamamayan nito ay may sentralisadong pamahalaan, relihiyon, sistemang
panlipunan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat.

10. Bilang isang lider ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Kasaysayan sa iyong paaralan,
ikaw ay naatasang ipalaganap ang mga naiambag ng mga sinaunang tao sa iyong
paaralan upang ipagmalaki ng iyong kapwa mag-aaral sa sila ay Asyano. Paano mo ito
maisasagawa?
A. mamahagi ng booklet sa mga kamag-aral
B. gumawa ng mga brochure sa mga kamag-aral
C. magsagawa ng forum at mag-aanyaya sa mga mag-aaral na dumalo ditto
D. mag-anyaya sa mga kamag-aral na magsagawa ng isang cultural show na ipapakita
sa iba pang antas sa paaralan

11. Matapos mong mapag-aralan kung papaano umusbong ang mga sinaunang
kabihasnan sa Asya, ikaw ay naatasan ng iyong guro na magpakita ng isang
presentasyon ukol sa paksang ito. Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo ng
presentasyon?
A. kasaysayan at mahahalagang aral ng pilosopiya
B. kasaysayan, sino ang nagtatag at saan naitatag ang pilosopiya
C. kasaysayan, sino ang nagtatag, saan naitatag at impluwensiya ng pilosopiya
D. kasaysayan, mahahalagang aral, impluwensiya at kahalagahan ng pilosopiya sa
kasalukuyang panahon

12. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng Panahong Paleolitiko?


A. Natuto ang mga taong magtanim.
B. Umaasa ang mga tao sa biyaya ng kalikasan upang mabuhay.
C. Palipat-lipat ang mga tao ng tirahan at tumitira sa mga kuweba.
D. Natuto ang mga taong gumamit ng magaspang na bato bilang kasangkapan.

13. Ang pagkakaroon ng kalendaryo at mga talang pangkasaysayan ay isang katangian ng


isang kabihasnan. Anong katangian ito?
A. Maunlad na Kaisipan C. Maunlad na Kasanayang Teknikal
B. Dalubhasang Manggagawa D. Sistema ng Pagsusulat at Pagtatala

14. Sa anong panahon natutuhan ng tao ang magbungkal ng lupa at mag-alaga ng hayop?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko

15. Ang mga Babylonian ay kilala sa kanilang Code of Hammurabi o koleksyon ng mga
batas na ipinatutupad sa kanilang lipunan. Anong katangian ang ipinapakita nito?
A. Maunlad na Kaisipan
B. Maunlad na Kasanayang Teknikal
C. Sistema ng Pagsusulat at Pagtatala
D. Matatag na Pamahalaan at Sistema ng mga Batas

10
Susi sa Pagwawasto

11
Sanggunian

Blando, Rosemarie C, Adelina A. Sebastian, Angelo C. Spiritu, Ema C. Golveque, August M.


Jamora, Regina R. Capua, Arni S. Vitor, Sandra I. Balgos, Allan F. Del Rosario, Randy R.
Mariano. 2014. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Pasig City: Eduresources
Publishing, Inc. Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat
(DepEd-IMCS).

Philippines. Department of Education. (n.d). Mga Unang Tao sa Daigdig – Modyul 3. Pasig
City: Bureau of Secondary Education Project EASE.

Private Education Assistance Committee. 2016. Learning Module: Paghubog ng Sunaunang


Kabihasnan. Makati City, Philippines: DepEd. Pages 3-18.

Online:

Aporbo, William. 2017. Ang Kabihasnan at Mga Katangian Nito. Accessed October 30, 2020.
https://www.scribd.com/document/361711137/Ang-Kabihasnan-at-Mga-Katangian-Nito

12
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga
Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansanay: Florence E. Almaden

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Joseph B. Congreso


Mga Editor : Rogely P. Armada
Mga Tagasuri : Marino L. Pamogas
Maria Vanessa J. Resullar
Jerisse J. Parajes
Judiemar P. Suan
Tagaguhit : Gwein C. Montejo
Achiles C. Zerda
Niel W. Maca
Lady Faith D. Reroma
Tagapaglapat : Joseph B. Congreso
Mga Nangasiwa : Karen L. Galanida
Florence E. Almaden
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Noemi D. Lim
Marino L. Pamogas

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod Surigao


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telefax : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

13

You might also like