Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ano nga ba ito? Batay sa aking pananaliksik, ang pormalismo ay isang teorya.

Tumutukoy ito sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa
nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan,istilo,o paraang artistiko
ng teksto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo,tulad ng
histori,politika,at talambuhay.

Ang Teoryang Formalistiko o Formalismo ay isinilang noong 1910 at yumabong noong dekada
50 at 60, ang teoryang ito ay may pananaw na ang akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan
kung ibig talagang masukat ang kagandahan ng akda.

Ano ang layunin ng teoryang ito?

Ang layunin nito ay ang pagtuklas at pagpapaliwanag sa anumang anyo ng akda.


Iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.
Pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ang minamahalaga ay ang:
1. Nilalaman
2. Kaanyuan o Kayarian
3. Paraan ng pagkakasulat

Mahalaga ang teksto para masuri ang tema o paksa sa akda.


1. Ang sensibilidad ng mga tauhan.
2. Pag-uugnayan ng mga salita.
3. Istruktura ng wika.
4. Metapora.
5. Imahen.
6. Ginagamit din ito ng tinatawag na Kabuuang Kaisahan.

Halimbawa ng ng isang pormalismo ay ang Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda.

Sa pananaw na ito ay hindi lamang mahalaga ang pagbabalangkas kundi ang pagsusuri na ring
ginamit. Sa pagtalakay ng akda, dapat ang mailantad lahat ng mahahalagang bagay mula sa
simula patungo sa iba’t-ibang elementong magkakaugnay hanggang sa katapusan. Dapat makita
kung may ironi o paradoks o may kalabuan o may iba pang elemento sa akda. Kung makikita
ang mga elementong ito, masasabing mahusay ang akda. Binibigyang atensiyon din ang salita o
vokabularyo at ang kaibahan ng mga salitang pampanitikan sa pang araw-araw na salita.

You might also like