Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Filipino
Banaag at Sikat
ni Lope K. Santos
Sa Panahon ng mga Amerikano
Lupang Tinubuan
ni Narciso Reyes
Sa Panahon ng mga Kastila
Syeyring
ni Juan Cruz Reyes
Sa Panahon ng Bagong Lipunan
2. Sumipi ng iba’t ibang kwento na naglalahad ng mga pangyayaring maiuugnay sa
panahon na tinalakay. (100 puntos)
TULA
"ARAW NG MGA PUSO" ni cejero021
Nanggaling sa
steemit.com/filipino-poetry/@cejero021/filipino-poetry-13-araw-ng-mga-puso
MAIKLING KWENTO
Buod ng “ARAW NG MGA PUSO” ni Leo Tolstoy
Nanggaling sa
communalnews.com/tl/valentines-day-ang-impeachment-trial-ay-nagsisimula-ng-isang-
maikling-kwento-ni-leo-tolstoy/
Pebrero ibig sabihin ay Araw ng mga Puso at mga saloobin ng pag-ibig. Ang
aking unang karanasan sa Araw ng mga Puso ay noong anim ako at nasa unang
baitang. Nakuha ko ang isang magandang gintong valentine mula sa isang batang lalaki
sa aking klase na hindi ko nakakalimutan, kahit na hindi ko pa siya nakikita mula pa
noong elementarya. Napagtanto nito sa akin kung gaano kahalaga ang ating mga
unang taon sa pagtukoy ng aming mga damdamin at ating mga saloobin at sa huli ang
ating buhay. Inaasahan kong ang Araw ng mga Puso ay magiging isang espesyal para
sa iyo. Kung wala kang isang espesyal na isang tao sa iyong buhay kaysa siguraduhin
na ipagdiwang ang Araw ng mga Puso sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyong sarili
ng trato sa Araw ng mga Puso bilang parangal sa unibersal na kapangyarihan ng pag-
ibig.
DULOG ARKITYAPAL:
Ang tula at ang maikling kwento ay parehong nagpapahayag ng saloobin tungkol
sa araw ng mga puso. Inihahayag sa parehong piyesa ang kanilang pananaw at
karanasan sa tuwing sasapit ang buwan ng pebrero. Mayroong iba’t ibang paglalarawan
sa pagpapahayag ang tula ni cejero021 at ang maikling kwento ni Leo Tolstoy. Sa tula
ay gustong iparating ng awtor kung ano ba talaga at para saaan ang araw ng mga
puso. Ito nga ba talaga ay araw na kung saan lahat ay masaya? Lahat ay may kasama?
O nag-iisa? Ang iniwan? Ang napagtaksilan? Gayunpaman ay ipinagdiriwang ang araw
na ito hindi lamang para sa mga magkasintahan. Ngunit, ito ay ang araw na kung saan
lahat ay may halaga. Sa wakas ng tula ay nagpahatid ng mensahe ang awtor na kahit
ano man ang mangyari, walang tao ang nabubuhay mag-isa sa isang isla. Ang kwento
naman ay tumatalakay sa isang batang nagrerepleka sa kanyang karanasan na ang
araw ng mga puso ay araw ng pagmamahal sa sarili.