Professional Documents
Culture Documents
Mga Gawain-Pang-Ugnay Sa Pagsasalaysay
Mga Gawain-Pang-Ugnay Sa Pagsasalaysay
PANGKALAHATANG PANUTO: B
asahin nang maayos ang mga panuto. Unawain at
sagutin ang bawat gawain.
GAWAIN I:
PANUTO: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa
loob ng panaklong ang angkop na pang-ugnay .
1. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang
kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 2. (Unang,
Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis.
3. (Saka, Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan. 4. (Gayon din, dahil
sa) ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo.
5. (Dahil sa, upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
Sagot:
1.
2.
3.
4.
5.
GAWAIN II:
PANUTO: Isalaysay ang mahahalagang pangyayaring naganap sa tekstong “Mensahe
ng Butil ng Kape.” Sikaping makagamit ng angkop na piling pang-ugnay sa
pagsasalaysay tulad ng unang, sunod, saka, sumunod na araw, sa dakong huli. Sundin
ang pormat na ito: pagsisimula, pagpapadaloy ng pangyayari at pagwawakas na
makatutulong upang maunawaan mo ang mensaheng nakapaloob dito. (10 puntos)
GAWAIN III:
PAGPAPAHALAGA: Sagutin ang sumusunod na katanungan. Unawaing mabuti ang
mga binigay na sitwasyon at ibigay ang angkop na kasagutan.
1. “Pare-parehong inilahok sa kumukulong tubig ang butil ng kape, carrot at itlog
subalit iba-iba ang naging reaksyon” Paano mo maiuugnay ang pahayag na ito
sa buhay ng tao? (5 puntos)
2. Paano mo kinakaharap ang suliranin mo sa buhay? Pumili ng isang bagay na
maaari mong paghambingan o gawing representasyon ng iyong sarili sa tuwing
ika’y may suliranin at kung paano mo ito kinakaharap. (5 puntos)