Professional Documents
Culture Documents
Dula Dulaan
Dula Dulaan
Sundo
gabi ay tutok pa rin siya sa latop niya nang biglang dumating na naman ang mama
niya.
Mama: Anak, alas dose na. Hindi ka pa tapos diyan?
Anna: Ma, ba`t gising ka pa? Matatapos na rin po ako rito.
Mama: Hindi ako makatulog eh. Samahan mo kaya ako.
Anna: Susunod na agad ako, ma. Kapag natapos ko na to.
Mama: Mukhang di ka ata mapilit eh. Kailan mo kaya ako sasamahan?
Anna: Aysus ang mama! Susunod na nga po ako. Kaunti na lang kailangan ko pa po
talagang tapusin po ito eh.
Tagapagsalaysay: Nagpatuloy si Anna sa kanyang ginawagawa nang di
namamalayan ang oras. Mahigit isang oras din ang nagdaan at patapos na rin siya.
Nang malapit na siyang matapos ay nagising ang kanyang bunsong kapatid.
Anna: Oh, bat gising ka pa?
Junjun: Ang lamig po kasi sa kwarto, Ate. Wala naman tayong aircon. Natatakot
tuloy ako. Hintayin na lang kita hanggang sa matapos ka.
Anna: Kalalaki mong tao, takot ka! Haynaku. Ito na at matatapos na rin ako. Gusto
mo lang ata ako lambingin. Ano ba gusto mo ha?
Junjun: Atw naman. Wala naman akong gusto. Tabihan mo lang ako.
Anna: Duwag ka talaga. Bakit di ka tumabi kay mama. Kanina lang pinuntahan ako.
Di raw makatulog eh, pinapasama na nga ako kanina pa.
Junjun: Seryoso ka ba, Ate? O baka antok ka lang non?
Anna: Baliw! Nanay natin nagpapasama . Siyempre, seryoso ako! At anong antok ha!
Di pwedeng paantok-antok dito sa ginagawa ko. Samahan mo na kaya ang mama
don nang makatulog ka na rin.
DULAANG FILIPINO CSSH-ABFIL
Junjun: Ate, nanakot ka ata. Sinong mama kausap mo kanina? Ate, huwag ka
namang magbiro na ganyan oh! Hindi mo na ba natatandaan. Apat na taon nang
patay ang mama.
Tagapagsalaysay: Nagulantang si Anna sa narinig niya. Noon palang niya
napagtanto na matagal na palang pumanaw ang kanyang ina. Nagsindi na lamang
siya ng kandila at taimtim na nagdasal.