Tagalog Research

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAKSA: Epekto ng Paglalapat ng Sining sa Pagpapahayag ng Impormasiyon sa Publiko.

Ito ang napili kong paksa matapos kong makita ang umuusbong na bilang ng mga
infographics na ginagamit ng iba’t ibang tagapagbalita sa sosyal midya, ilan na rito ang ABS-
CBN, CNN at GMA. Napansin ko rin na mas nakapupukaw ng atensiyon ang paglalapat ng
sining sa paglalathala ng impormasiyon.
Ang pangunahing layunin ng pagpapahayag ng impormasiyon ay ang matagumpay na
maiparating ito sa publiko, lalo na sa target nitong madla. Para sa mga taong nasa larangan ng
pahayagan, isang malaking hamon ang makabuo ng panibagong paraan ng paglalahad ng
impormasiyon na makasasabay sa patuloy na pag-unlad na nangyayari sa kasalukuyang panahon.
Nais tuklasin ng pag-aaral na ito ang epekto na maidudulot ng paggamit ng sining—bidyo,
potograpiya, infographics, at iba pa, sa pagpapahayag ng impormasiyon sa publiko at kung
papaano ito matagumpay na maisasagawa.

1|Page

You might also like