G 9 Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Lt. Jacob O. Meimban Memorial Foundation


Catarman, Northern Samar

Masusing Pagsusulit
sa Filipino 9

Pangalan: _______________________________________ Baitang: ____ Petsa: _______ Iskor: _______

I.
_____________1. Ito ay nagpapakita ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
_____________2. Ang mga halimbawa ng elementong ito ay ang paaralan, simbahan, parke, bahay at
marami pang iba.
_____________3. Ang mga nagbibigay-buhay sa maikling kuwento ay maaaring mabait na gusto ng lahat at
‘di mabait na kinaiinisan ng mambabasa.

_____________4. May problemang mababasa sa maikling kuwento at kadalasan ito ay tungkol sa tao laban
sa kaniyang kapuwa tao.
_____________5. Banghay ng maikling kuwento na nagbibigay hudyat na nabigyang kalutasan na ang mga
suliranin.

II. Basahin at unawain ang bawat tanong na ibinigay upang masukat natin ang antas ng iyong
kaalaman. Bilugan ang titik na iyong sagot.

1. Ito ay isang akdang pampanitikan na nagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari na


kinasasangkutan ng mga tauhan.
A. Maikling kuwento
B. Nobela
C. Sanaysay
D. Tula

2. Ito ay elemento ng maikling kuwento na siyang nagbibigay-buhay at kulay sa bawat pangyayaring


nakapaloob sa kuwento.
A. Tagpuan
B. Tahanan
C. Tauhan
D. Tunggalian

3. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng matinding buhos ng emosyon ng tauhan.


A. Kakalasan
B. Kalutasan
C. Kasamaan
D. Kasukdulan

4. Sa kuwentong “Ang Ama” na isinalin ni Mauro R. Avena, ano ang naging magandang wakas nito?
A. Marami ang nakiramay at nagbigay ng tulong.
B. Nagsisi ang ama ni Mui Mui sa kaniyang nagawa at nangakong siya ay magbabago na.
C. Nakabalik sa trabaho ang ama ni Mui Mui.
D. Namatay ang batang si Mui Mui.
5. Ito ay elemento ng maikling kuwento na napapakita o naglalarawan ng iba’t ibang lugar sa
kuwento. Pinupukaw nito ang imahenasyon ng mga mambabasa.
A. Tagpuan
B. Tahanan
C. Tauhan
D. Tunggalian

6. Ito ay elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng problema. Halimbawa nito ay ang tao
laban sa tao.
A. Problema
B. Suliranin
C. Tunggalian
D. Tugmaan

7. Siya ang tinaguriang “Ama ng Maikling Kuwento”.


A. Deogracias Rosario
B. Edgar Allan Poe
C. Lope K. Santos
D. Severino Reyes
8. Ang pagbabasa ng maikling kuwento ay nakatutulong sa mambabasa, maliban sa:
A. nagbibigay ito ng kabutihang-asal.
B. nagpapahamak dahil hindi tama ang nilalaman nito.
C. nagsisilbing gabay sa buhay.
D. napapalawak nito ang imahinasyon.

9. Kapag ang maikling kuwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito’y mauuri bilang
maikling kuwentong _________________.
A. kababalaghan
B. katutubong-ulay
C. makabanghay
D. pangtauhan

10. Ito ang tinaguriang utak, puso at kaluluwa ng maikling kuwento dahil dito makikita ang ganda
at maayos na pagkasunod-sunod ng mga panyayari sa kuwento.
A. Panimula
B. Gitna
C. Wakas
D. Banghay ng maikling kuwento

11. Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa A. pagsusunod-sunod ng mga


pangyayari sa isang kuwento.
B. pagbibigay-kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. pagtukoy sa mga panunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
D. pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, o gaganapin ang kilos o pangyayari

12. Ang pangatnig sa samantala ay ginagamit na ___________.


a. panlinaw
b. pananhi
c. pantuwang
d. panapos
13. Ang pang-ugnay ay bahagi ng salitang ___________.
a. pangkayarian
b. pananda
c. pantukoy
d. pangawing
14. ___________ araw ng Linggo, nagsisimba ang buong mag-anak. Ang salitang nawawala sa
pangungusap ay ____________.
a. Kung
b. Kapag
c. Sa
D. Simula
15. Sa mga pangungusap na, Nagugutom si Egay at Nagluto si Mulong ng pansit, ano ang angkop na
gamiting pang-ugnay upang maging iisang pangungusap ang mga nabanggit?
a. Kaya
b. Palibhasa
c. Subalit
d. Datapwat
16. Sa maikling kuwentong “Anim na Sabado ng Beybalde”, ano ang hiling ng batang si Rebo?
a. Hiling na niyang magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw.
b. Nais ni Rebo na magkaroon ng mraming laruan at mga regalo.
c. Mangumbida ng mga kaibigan at bisita.
d. Maging maayos ang kaniyang kalagayan.
17. Sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento, gumagamit tayo ng mga
______________.
a. Pantukoy
b. Pangatnig
c. Pandiwa
d. Pang-abay

18. Ang mga sumusunod ay mga pangatnig maliban sa ____________.


a. at
b. –ng
c. ngunit
d. o
19. Ang pang-ugnay ay mga salitang ____________.
a. naglalarawan sa pangngalan
b. panghalili
c. nag-uugnay sa mga salita sa loob ng pangungusap
d. pangawing
20. Ano ang nangyari kay Rebo sa ika-anim na Sabado?
a. Si Rebo ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan kahit hindi pa araw.
b. Lumabas na sa bahay-pagamutan ang batang si Rebo.
c. Nilisan nan g bata ang mundo.
d. Nagpahinga lamang ang bata ng kaunting panahon.

III. ENUMERASYON (Pag-iisa-isa)

A. Ibigay ang siyam (9) Elemento ng Maikling Kuwento


B. Ibigay ang limang (5) Uri ng Pangatnig

Inihanda ni:

JULIET MARIE B. MIJARES


Guro

You might also like