Professional Documents
Culture Documents
Week 2 - Q1 - LAS - AP6
Week 2 - Q1 - LAS - AP6
Week 2 - Q1 - LAS - AP6
Araling Panlipunan
Quarter 1: Week 2
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 6
Susing Konsepto
KILUSANG PROPAGANDA
Matapos ang mahabang taon ng pananakop ng mga Kastila, nabuhay ang damdaming
makabayan sa maraming Pilipino lalo na yaong mga nakapag-aral sa ibang bansa. Unti-unti
silang namulat sa hindi pantay na turing sa mga Pilipino. Ito ang nagbunsod sa kanila upang
humingi ng reporma o pagbabago sa pamamagitan ng pagtatatag ng Kilusang Propaganda.
Ang mga unang kasapi ng kilusan ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del
Pilar, Mariano Ponce, at magkapatid na Juan at Antonio Luna. Sa pamamagitan ng
mapayapang krusada, nilayon ng mga Propagandista na hingin ang mga sumusunod:
1. magkaroon ng pantay na pagtingin at karapatan sa mga Pilipino at mga Kastila
2. magkaroon ng representasyon o kinatawan ang Pilipinas sa Cortes o ang sangay
Tagapagbatas ng pamahalaang Espanya
3. gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas sa pamamagitan ng asimilasyon
4. mabigyan ng karapatan sa mga paring Pilipino na mamuno sa mga parokya
5. mabigyan ng karapatan ang mga Pilipino na magpahayag ng saloobin at magpulong
Ang simulaing ito ng mga Propagandista ay nagmulat sa maraming Pilipino ngunit unti-unti
itong nanamlay nang dakpin si Jose Rizal at ipatapon sa Dapitan.
ANG PAGSILANG NG KATIPUNAN
Noong Hulyo 7, 1892 sa mismong araw na ipinatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan ay
nabuo ang KATIPUNAN o ang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan Ito ay isang lihim na samahan na itinatag nina Andres Bonifacio, Valentin Diaz,
Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at iba pa sa isang bahay sa Kalye
Azcarraga, ngayo’y mas kilala sa C.M. Recto sa Maynila. Inisip ng mga Pilipino na hindi nila
makakamit ang pagbabago sa mapayapang paraan kaya rebolusyon ang kanilang naging
sagot.
Ang Kartilya ng Katipunan ay naglalaman ng mga aral na dapat sundin ng bawat kasapi
nito. Kasunod ng paglaki ng samahan ay ang paglalathala ng Kalayaan, ang opisyal na
pahayagan ng Katipunan. Si Emilio Jacinto ang utak sa paghahanda ng Kartilya at ang
patnugot ng Kalayaan.
Nagkaroon ng tatlong antas ng kasapi ang samahan: Bayani Kawal, at Katipon. Ang Bayani
ay ang pinakamataas na antas, Ang Katipon ay maaaring maging Kawal kapag nakapagdala
siya ng bagong kasapi sa samahan; ang Kawal ay nagiging Bayani kapag nahalal sa
pamunuan ng Katipunan. Bago maging kasapi, nagdadaan sa pagsubok ang isang tao at
kapag nakapasa, kailangan niyang hiwain ang sariling bisig upang ipirma ang pangalan sa
sariling dugo.
Magkaiba man ang paraan, iisa lamang ang dahilan ng pagkakatatag ng dalawang
samahang nagmulat at gumising sa pusong Nasyonalismo sa bawat Pilipino. Ang
pagpapahalaga sa sariling kasarinlan, maigting na pagmamahal sa bayan at kahandaang
magbuwis ng buhay ay iilan lamang sa mga katangiang ipinakita ng ating mga bayani.
Pagsasanay 1
Panuto:Kilala mo ba sila? Magtala ng ilang mga impormasyon hinggil sa iyong
pagkakakilanlan sa mga nasa larawan.
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Jose_rizal_01.jpg https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Andr%C3%A9s_Bonifacio.jpg
_________________________________
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
__________________________________ _________________________________
___ ___________
Pagsasanay 2
Panuto Iguhit sa iyong sagutang papel ang ☀ kung ang pahayag ay tumutukoy sa
Katipunan o ang 📃 kung ito ay tumutukoy sa Kilusang Propaganda.
__________1. ang mga aral ay nakabatay sa Kartilya
__________2. isa sa mga layunin nito ay maging probinsiya ng Espanya ang
Pilipinas
__________3. pinamunuan ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto
__________4. itinatag sa Espanya
__________5. Kalayaan, ang opisyal na pahayagan
__________6. pinamunuan ni Rizal, Lopez-Jaena at del Pilar
__________7. pangunahing layunin nito na maging malaya ang Pilipinas sa
pananakop ng mga Espanyol
__________8. paggamit ng panulat sa pakikipaglaban
__________9. La Solidaridad ang opisyal na pahayagan
__________10. paggamit ng dahas o rebolusyon sa pakikipaglaban
Pagsasanay 3
Panuto: Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon.
KATIPUNAN PROPAGANDA
MGA LAYUNIN
MGA NAMUNO
PAHAYAGAN
PAMAMARAAN NG
PAGLABAN
Pagsasanay 4
Panuto: Ipagpalagay na ikaw ang bata sa larawan. Isulat sa dala mong mga lobo ang iyong
mga ginagawa upang ipakita ang pagmamahal sa sariling bayan.
1. Kung ikaw ang pipili sa pagitan ng Kilusang Propaganda at Katipunan, sa aling kilusan
mo gustong umanib? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________
Ako,______(PANGALAN)______________________________,
ay nangangakong
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Mga Sanggunian:
Katipunan. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission
for Culture and the Arts.
Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/katipunan/
Kilusang Propaganda. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National
Commission for Culture and the Arts.
Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/kilusang-propaganda/
Susi Sa Pagwawasto:
Pagsasanay 1: Muli ( Mga posibleng sagot)
A. Jose Rizal – pambansang bayani, sumulat ng mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere,
B. Andres Bonifacio -Ama ng Himagsikan, nagtatag ng KKK
Pagsasanay 2:
1.☀ 6. 📃
2. 📃 7. ☀
3. ☀ 8. 📃
4. 📃 9. 📃
5. ☀ 10. ☀
Pagsasanay 3:
KATIPUNAN PROPAGANDA
1.magkaroon ng pantay na pagtingin at
karapatan sa mga Pilipino at mga Kastila
1.makamtan ng Pilipinas ang kalayaan sa 2.magkaroon ng representasyon o
España sa pamamagitan ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes o ang
MGA LAYUNIN paghihimagsik sangay Tagapagbatas ng pamahalaang
Espanya
2.maipalagananap ang kagandaang- 3.gawing lalawigan ng Espanya ang
loob, kabutihang-asal, katapatan, Pilipinas sa pamamagitan ng asimilasyon
katapangan at ang paglaban sa bulag na 4.mabigyan ng karapatan sa mga paring
pagsunod sa relihiyon Pilipino na mamuno sa mga parokya
3.tulungan at ipagtanggol ang mahihirap 5.mabigyan ng karapatan ang mga Pilipino
at inaapi. na magpahayag ng saloobin at magpulong
Andres Bonifacio, Valentin Diaz, Teodoro Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena,
MGA NAMUNO Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce,Juan
Emilio Jacinto Luna at Antonio Luna
PAHAYAGAN La Solidaridad
Kalayaan
PAMAMARAAN NG Dahas/Rebolusyon Panulat/Mapayapa
PAGLABAN
PAGSASANAY 4: Mga posibleng sagot: paggalang sa watawat, pagtangkilik sa produktong Pilipino, pagsunod sa batas
at alituntunin, paggamit ng sariling wika, pagpapahalaga sa likas na yaman
Inihanda ni:
MARIANNE I. QUITALIG
Master Teacher 1