Filipino 6 - Quarter 2 - Module 11 - Pag-Uugnay NG Sanhi at Bunga NG Mga Pangyayari - v3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 11:
Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga
ng mga Pangyayari

CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Filipino– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 11: Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Janice E. Domingo
Editor: Gemma B. Obsiana
Tagasuri: Catherine D. Diaz, Junry M. Esparar, Celestino S. Dalumpines IV
Tagaguhit: Vincent D. Lausa
Tagalapat: Raymund D. Magbanua, Paul Andrew A. Tremedal
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma, Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga, Jerry A. Oquindo, Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan, Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI

Office Address : Duran Street, Iloilo City


Telefax : (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address : region6@deped.gov.ph
6

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 11:
Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga
ng mga Pangyayari
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro o Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Kumusta ka na kaibigan? Naalala mo pa ba


ako? Ako ang iyong kaibigang si Kokoy na
makasasama mo muli sa iyong paglalakbay.
Binabati kita dahil natapos mo ang nakaraang
modyul. Ipagpatuloy natin an gating paglalakbay
patungo sa karunungan sa panibagong modyul na
ito.
Handa ka na ba? Natitiyak kong nasasabik
ka na muling matuto. Kaya, tara na!

Sa ating buhay, anuman ang ating mga


ginawa ay tiyak na may epekto o resulta na
makaaapekto sa atin at sa mga taong nakapaligid
sa atin.
Sa modyul na ito ay matututuhan mo ang
pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari.
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang
taglay ang kasanayang:
• nakatutukoy ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari;
• nakapagbibigay ng angkop na
bunga/sanhi ng mga pangyayari; at
• napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari. (F6PB-lllb-6.2)

Paalala lang kaibigan na bawat bahagi ng


modyul na ito ay nagtataglay ng mga gawain na
susubok sa iyong kakayahan. Huwag kang mag-
alala dahil naririto naman ako na nakahandang
gumabay sa iyo. Sundin mo lang ang aking mga
panuto at gawaing ipapagawa.
Handa ka na ba? Tayo na!

1
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Subukin

Panuto: Tukuyin ang posibleng bunga mula sa HANAY B ng sitwasyon o


sanhi na nasa HANAY A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

HANAY A HANAY B
1. mataas na lagnat A. maruming paligid
2. hindi nagsisipilyo B. hindi sakitin
3. marami ang itinanim C. naging huwaran
4. walang kuryente D. uminom ng gamot
5. pagtapon ng basura kahit saan E. luntiang paligid
6. hindi marunong lumangoy F. nagkamit ng karangalan
7. nagsumikap sa pag-aaral G. mainit at madilim
8. nakaipon ng pera H. nasira ang ngipin
9. mahilig sa masusustansiyang pagkain I. may panggastos sa oras ng
pangangailangan
10. magalang sa iba’t ibang sitwasyon J. may aanihin
K. gumamit ng salbabida

Mahusay kaibigan! Nagawa mong sagutin ang


paunang pagtataya.
Handa ka na bang magpatuloy sa ating
paglalakbay tungo sa karunungan. Tara na!

2
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Aralin
Pag-uugnay ng Sanhi at
1 Bunga ng mga Pangyayari

Balikan

Panuto: Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa karaniwang


naoobserbahan mong kilos na ginagawa ng mga tao sa iyong
paligid. Gumamit ng pang-abay na panlunan, pamanahon, at
pamaraan sa pangungusap. Bilugan ang pang-abay na ginagamit
at tukuyin kung anong uri ito ng pang-abay.

Halimbawa:

Umalis siya nang umiiyak. Pang – abay na Pamaraan

Tuklasin

Panuto: Basahin ang sumusunod na usapan at sagutin sa iyong sagutang


papel ang kasunod na mga tanong.

3
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Mga Tanong:

1. Saan pupunta sina Remia at Gina?


2. Ano ang napansin ni Gina sa may kanto?
3. Bakit may mga pulis sa kanto?
4. Sa iyong pananaw, anu-ano ang masamang epekto ng pagbebenta ng
mga pekeng produkto?
5. Paano dapat mag-iingat ang mga tao upang hindi mabiktiam sa pagbili
ng pekeng produkto?

Suriin

Pag-usapan at suriin natin ang sumusunod na pangungusap tungkol sa


binasang usapan.

Nagbebenta sila ng pekeng produkto


kaya dinakip sila ng mga pulis.

Sa pangungusap na ito, tukuyin ang dahilan ng pangyayari at resulta o


kinalabasan nito?

Mahusay! Ang Nagbebenta sila ng pekeng produkto ang dahilan ng


pangyayari at ang resulta o kinalabasan nito ay kaya dinakip sila ng mga
pulis.

Ang tawag sa ginawa nating pagtukoy ng dahilan ng pangyayari at resulta o


kinalabasan nito ay pag-uugnay sa sanhi at bunga ng pangyayari.
Ang sanhi ang dahilan o paliwanag kung bakit naganap ang isang
pangyayari.
Halimbawa:
Huminto siya saglit sa pagmamaneho
dahil nakita nila ang maraming tao at mga pulis sa kanto.

Ang sanhi ay dahil nakita nila ang maraming tao at pulis sa kanto kaya
naganap ang saglit na paghinto sa pagmamaneho.

4
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Ang bunga naman ang naglalahad ng resulta o kinalabasan ng tinukoy na
sanhi.
Halimbawa:
Nakita nila ang maraming tao at mga pulis sa kanto
kaya huminto siya saglit sa pagmamaneho.

Ang bunga ay kaya huminto siya saglit sa pagmamaneho dahil sa nakita


nilang maraming tao at pulis sa kanto.

Sa pag-uugnay ng sanhi at bunga gumagamit ng hudyat o pang-ugnay na


nag-uugnay sa dahilan at kinalabasan ng pangyayari.

Sa pagpapahayag ng sanhi, ginagamit ang mga panghudyat na sapagkat,


dahil, dahil sa, dahilan sa, palibhasa at iba pa.

Halimbawa:
Nakamit niya ang unang karangalan dahil nag-aral siya nang mabuti.

Sa pagpapahayag ng bunga, ginagamit ang mga panghudyat na kaya, kaya


naman, bunga nito, tuloy at iba pa.

Halimbawa:
Nag-aral siya nang mabuti kaya nakamit niya ang unang karangalan.

Mahusay kaibigan! Alam kong naunawaan


mo ang pag-uugnay ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari. Kaya magpatuloy tayo sa mga
pagsasanay. Tara na!

5
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Pagyamanin

Handa ka na ba sa sumusunod na mga gawain? Kung handa ka na, gawin


mo ang nasa Gawain 1 hanggang 3. Basahin mo ang mga panuto bago
sagutin. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat ang S kung ito at sanhi
at B kung bunga. Isulat ang mga sagot sa iyong sagutang papel.

1. Magsuot palagi face mask.


Maiwasa natin mahawa ng COVID – 19.
2. Palagi siyang nagkakasakit.
Mahilig kumain ng mga sitserya si Donald.
3. Hindi nakapagplantsa si Lea ng kaniyang damit.
Nagmadali siya umalis.
4. Nakalimutan ni Aling Dida yang kaniyang pitaka.
Hindi siya nakabili ng gatas.
5. Uminom siya nang maruming tubig.
Uhaw na uhaw si Lino.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang posibleng bunga mula sa HANAY B ng sitwasyon o
sanhi na nasa HANAY A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
HANAY A HANAY B
1. Sinisiguro ni Allan na palagi siyang A. Palagi siyang masaya.
malinis.
B. Naliligo siya araw-ara.
2. Gustong proteksiyonan ni Gilda
C. Naghuhugas siya ng kamay
ang sarili sa nakakahawang virus.
bago at pagkatapos kumain.
3. Mahigpit na pinapatupad ng mga
D. Nagsusuot siya ng face
pamilihan ang social distancing.
mask kapag lalabas ng
4. Paboritong kainin ni Jun ang mga bahay.
prutas na mayaman sa bitamina C.
E. Malakas siay at hindi
5. Si Angela at palaging may
madaling mahawaan ng
positibong pananaw sa buhay.
sakit.
F. Walang siksikan.

6
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Gawain 3
Panuto: Sumulat ng limang (5) pangungusap na naglalahad ng sanhi at
bunga. Gumamit ng wastong hudyat o mga pang-ugnay na nag-
uugnay sa dahilan at kinalabasan ng pangyayari.
Sa panngungusap bilugan ang sanhi at guhitan ang bunga.
Gawin ang lahat ng ito sa iyong sagutang papel.

Halimbawa:
Nakita ni John na nahulog ang pitaka ng nakasalubong niyang matanda
kaya hinabol niya ang may-ari at isinauli ito.
1. _______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________
4. _______________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel ang sumusunod na tanong sa


tsart.

1. Sa iyong sariling pangungusap,


ano ang sanhi?

2. Sa iyong sariling pangungusap,


ano ang bunga?

3. Bakit mahalagang matutuhan


ang pag-uugnay ng sanhi at
bunga ng pangyayari?

7
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Isagawa

Panuto: Magbigay ng tatlong (3) pangyayari na iyong naobserbahan sa iyong


paligid na nagpapakita ng sanhi at bunga.
Gumamit ng wastong mga hudyat o pang-ugnay na nag-uugnay sa
dahilan at kinalabasan ng pangyayari.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Halimbawa:

Nakaluto agad si nanay ng aming almusal dahil maaga siyang


nakapamalengke.

1. _______________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________

Tayahin

A.
Panuto: Bashin ang bawat sitwasyon. Piliin ang maaring maging bunga o
sanhi ng bawat pangyayari.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nakasakay ka sa dyip na napakalakas ang tugtog ng stereo. Ano ang


maaaring ibubunga nito?
A. Lalakas ang boses ng mga pasahero.
B. Mapasasayaw ang mga pasahero.
C. Hindi makababa ang mga pasahero.
D. Hindi maririnig ng drayber ang pagpara ng pasahero.

8
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
2. Mahirap lamang ang mag-anak ni Mang Doming. Isa siyang magsasaka at
ang kaniyang maybahay ay nasa bahay lamang at nag-aalaga ng kanilang
mga anak. Sa kabila rito, masaya ang kanilang pamilya. Sa lahat ng oras
ay nagtutulungan sila sa anumang gawain kaya hindi nag-aaway ang mga
anak nila. Alin ang sanhi ng talata?
A. Masaya ang kanilang pamilya.
B. Kaya hindi nag-aaway ang mga anak nila.
C. Mahirap lamang ang mag-anak ni Mang Doming.
D. Sa lahat ng oras ay nagtutulungan sila sa anumang gawain.

3. Nakatira ka sa may tambakan ng basura. Nakikita mong paroo’t parito


ang mga tao sa pagtatapon ng kanilang mga basura maliban pa sa mga
itinatapon ng mga sasakyan. Ano ang pinakamalapit na epekto sa
pamayanan ng patuloy na pagtatapon at pagdami ng basura sa inyong
lugar?
A. Yayaman ang mga nagbabasura.
B. Lilipat ng tirahan ang mga tao.
C. Mangangamoy basura ang paligid at maaaring maraming
magkasakit.

4. Pumunta sina Daisy at mga kaibigan nito sa palaruan. Biglang may


lumapit na gusgusing batang kalye na mukhang gutom na gutom.
Nakatitig lamang ito sa mga pagkaing kinakain nila. Nakaramdam ng awa
si Daisy sa bata kaya binigyan niya ito ng pagkain. Ano ang dahilan sa
pagbibigay niya ng pagkain sa bata?
A. Pumunta sina Daisy sa palaruan.
B. Nakatitig ito sa mga pagkain nila.
C. Nakaramdam ng awa si Daisy sa batang kalye.
D. Lumapit ang gusgusing batang kalye na mukhang gutom na
gutom.

5. Tumatakbo nang mabilis ang isang bus at bumubuga ng pagkaitim-itim


na usok. Ano ang ibubunga nito sa kalusugan ng mga tao?
A. Magkakaroon ng sakit sa balat ang mga tao.
B. Magkakasakit sa baga ang mga tao.
C. Magsusuka ang mga tao.
D. Maluluha ang mga tao.

9
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
B.
Panuto: Tukuyin ang sanhi at bunga sa bawat pangungusap.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

6. Ang buong Pilipinas ay isinailalim sa Enhanced Community Quarantine


dahil sa COVID-19.
Sanhi:
Bunga:

7. Malaking problema ang kakulangan sa pagkain kaya nagbigay ng tulong


pinansyal ang pamahalaan sa mga taong nawalan ng trabaho.
Sanhi:
Bunga:

8. Nanahi si ALing Vicky ng mga face mask sapagkat kulang ang suplay nito
sa mga ospital.
Sanhi:
Bunga:

9. Maiiwasa ang pagkalat ng virus dahil tinatakpan natin an gating bibig


kapag umuubo at bumabahinh tayo.
Sanhi:
Bunga:

10. Pinahahalagahan natin ang sakripisyo ng mga bayaning frontliners


kaya sumusunod tayo sa mga tagubilin para proteksiyonan an gating
sarili at komunidad.
Sanhi:
Bunga:

10
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang talata na binubuo ng limang pangungusap sa isa


sa mga paksa sa ibaba.
Tiyakin na sa mga pangungusap may ugnayang sanhi at bunga.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Paksa:
1. Pag-abot sa pangarap.
2. Pagkasira ng kalikasan.
3. Pangangalaga sa sarili laban sa COVID-19.

Binabati kita kaibigan, sapagkat


natapos at napagtagumpayan mo ang mga
gawain sa modyul na ito. Nakatitiyak akong
magagamit mo ang iyong napag-aralan sa
pang araw – araw na pamumuhay. Muli
tayong magkita sa Modyul 12: Paggamit ng
Iba’t ibang Salit Bilang Pang-uri at Pang-
abay sa Pagpapahayag ng Sariling Ideya.

Sa muli, ito ang iyong kaibigang si


Kokoy. Paalam!

11
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
12
Isagawa Isaisip (Posibleng sagot)
Ang sanhi ay ang dahilan ng
Iba- iba ang isang pangyayari.
magiging sagot ng Ang bunga ay ang resulta o
mga mag-aaral. kinalabasan.
Iwawasto ito ng Mahalagang matutuhan ang
guro. pag-uugnay ng sanhi at
bunga ng pangyayari dahil
makapaglalayo ito sa iyo sa
kapahamakan. Maaaring
maging babala sa paggawa ng
isang kapasyahan.
Pagyamanin
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3
1. S 3. B 5. B 1. C Guro ang mag-
B S S 2. D wawasto gamit
2. B 4. S 3. F ang ihahandang
S B 4. E rubrik.
5. A
Tuklasin
1. Sa palengke pupunta sina Remia
at Gina.
2. Maraming tao sa kanto at may
pulis.
3. Dinakip ng mga pulis ang
nagbebenta ng mga pekeng
produkto.
4. Maaaring maging mitsa ng
kapahamakan ng iyong kapwa.
5. Dapat bumili lamang sa mga
mapagkakatiwalang pamilihan.
Balikan Subukin
1. D 6. K
Guro ang
2. H 7. F
magwawasto gamit
ang rubrik. Iba-iba 3. J 8. I
ang magiging sagot 4. G 9. B
ng mga mag-aaral. 5. A 10.C
Susi sa Pagwawasto
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
13
Karagdagang Gawain
Guro ang magwawasto gamit ang
ihahandang rubrik dahil sariling
sagot ito ng mga mag-aaral.
Tayahin
1. D 2. D 3. C 4. C 5. B
6. Sanhi: dahil sa COVID-19
Bunga: Ang buong Pilipinas ay isinailalim sa enhanced community quarantine.
7. Sanhi: Malaking problema ang kakulangan sa pagkain
Bunga: kaya nagbigay ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga taong nawalan ng
trabaho.
8. Sanhi: sapagkat kulang ang suplay nito sa mga ospital
Bunga: Nanahi si aling Vicky ng mga face mask
9. Sanhi: Kasi tinatakpan natin ang ating bibig kapag umubo at bumabahing tayo.
Bunga: Naiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa iba
10. Sanhi: Pinahahalagahan natin ang sakripisyo ng mga bayaning frontliners
Bunga: sumusunod tayo sa mga tagubilin para proteksiyonan ang ating sarili at
komunidad.
Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELCS), 2020. F6PB-11b-6.2
p. 223

K to 12 Curriculum in Filipino 2016 F6PN-IVf-10, p.128.

Mga Sariling Katha

14
CO_Q2_Filipino 6_ Module 11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like