Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Surigao State College of Technology

GRADUATE SCHOOL 1
Surigao City

Kabanata 2

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraang ginamit

ng mananaliksik sa paglikom ng mga datos sa kanyang pananaliksik,

ito ang disenyo ng pananaliksik, kaligiran ng pananaliksik,

kabuuan at sampol ng mga impormante ng pananaliksik,

instrumentong gagamitin sa pananaliksik, at ang paraan ng

pagkalap o paglikom ng mga datos.

Disenyo

Ang pananaliksik na ito ay ginagamitan ng quantitative na

desinyo gamit ang sarbey na pamamaraan. Ginamit ang disenyo na

ito upang malaman at matugunan ang mga hamon na kinakaharap ng

mga guro sa sekundarya gamit ang modyular distans bilang

alternatibong na paraan ng pagtuturo sa panahon ng pandemya.

Tagatugon

Ang mga tagatugon ng pag-aaral na ito ay ang mga guro sa

sekundarya ng munisipalidad ng Dapa. Kabilang sa mga gurong

tagatugon ay nagtuturo sa Dapa National High School, Union

National High School, Siargao National Science High School,

Consolacion National High School, Dagohoy National High School-

Dapa NHS Annex at San Nicolas School. Ang bilang ng mga guro sa

bawat paaralan na nabanggit ay makikita sa unang talahanayan.


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 2
Surigao City

Bilang ng Guro
Paaralan    

  M(f) % F(f) % Kabuuan %

Dapa NHS 35 0.35 65 0.65 100 0.35


Union NHS 4 0.27 11 0.11 15 0.92

Science Nat’l
1 0.07 17 0.17  18 0.18
Sci. HS

Consolacion
5 0.33 12 0.12 17 0.50
NHS
Dagohoy NHS-
2 0.13 5 0.05 7 0.25
Dapa Annex
San Nicolas
4 0.27 9 0.35 13 0.25
Sch.
Kabuuan 51 1.42 119 1.45 152 2.45

Talahanayan 1. Distribusyon ng Partisipante

Kaligiran ng Pananaliksik
Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 3
Surigao City

Ang pananaliksik na ito ay gaganapin sa munisipalidad

ng Dapa. Ang munisipyo ng Dapa ay tinaguriang “the gateway of

adventures” sa isla ng Siargao kung saan ang mga turista mula

sa iba’t ibang panig ng mundo ay dumarayo dito upang makita ang

mga nakakamanghang tanawin. Isa ang munisipalidad ng Dapa na

kabilang sa Rehiyon ng Caraga, Probinsya ng Surigao del Norte

at sentro ng komersyo sa buong isla.

Ang bayan na ito ay natatanging munisipalidad sa boung

rehiyon na mayroong labing tatlong barangay na matatagpuan

mismo sa sentro; kabilang rin ang lugar na ito sa 4th class sa

probinsya ng Surigao del Norte. At ayon sa 2015 na census, may

kabuuang populasyon ito na 23, 787.

Mayroong anim na sekundarya ang Dapa at ang tatlo sa mga

ito ay matatagpuan mismo sa sentro ng munisipalidad gaya ng

Dapa National High School na siyang pinakamalaking pampublikong

iskwelahan sa buong isla. Maliban sa Dapa NHS ay matatagpuan

rin ang Siargao National Science High School at ang San Nicolas

School na Catholic School. Ang ilan pang eskwelahan ay

matatagpuan sa mga karatig na barangay gaya ng Union National

High School, habang ang dalawa pang iskwelahan ay matatgpuan

naman sa sa mga karatig na isla gaya ng Consolacion National

High School at Dagohoy National High School.


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 4
Surigao City

Dapa NHS
San Nicolas Schools Union NHS
Siargao NSHS

Dagohoy NHS

Consolacion NHS

Lokasyon ng Mapa ng mga Sekundarya sa boung Bayan ng Dapa

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng sariling gawang talatanungan

na nakabatay sa mga hamon na kinakaharap ng mga guro sa

sekundarya gamit ang modyular distans na paraan sa pagtuturo. May

apat na bahagi ang talatanungan, ang unang bahagi ay profayl ng

mga partisipante.

Sa ikalawang bahagi naman ay patungkol sa mga hamon na

kinakaharap ng mga guro sa sekundarya gamit ang modyular distans


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 5
Surigao City

na pampagkatuto bilang alternatibong paraan ng pagtuturo sa

panahon ng pandemya sa bayan ng Dapa.

Sa ikatlong bahagi ay ang mga mekanismo ng mga guro upang

matugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mga guro.

Sa pang huli at ikaapat na kahon ay tumutukoy sa

interbensyon kung saan magiging daan upang makapagsagawa ng mga

pamamaraan upang matugunan ang mga hamon at mekanismong

kinakaharap ng mga guro.

Validity. Ang talatanungan ng mananaliksik ay ipinakita sa

kanyang tagapayo na tinutuunan nang pansin at kinikilatis nang

masinop upang ang mga baryabol na ginamit sa pagbuo ng mga

talatanungan ay magiging mabisa at sumasang-ayon sa mga layunin

ng pagsasaliksik na ito. Ito ay ilang beses na tinitingnan upang

matiyak kung ito ba ay balido o akma ang mga aytem sa tulong ng

istatistisyan.

Reliability. Nasubok din ang katiwalaan o kapanghawakang

aytem nito. Isinagawa ang pagpasagot sa mga talatanungan sa

sampung guro sa filipino department na mula sa Dapa National High

School. Pagkaraan ng tatlong araw ang mga kaparehong guro ay

binigyan muli ng naturang talatanungan; ito ay upang malaman kung

may pagkakaiba ba, o pare-pareho lamang ang kani-kanilang mga


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 6
Surigao City

tugon o kasagutan sa iisang talatanungan sa una at sa pangalawang

pagsubok. Ito ay tinawag sa pamamaraang “test-retest method”.

Test-Retest Reliability results showed that there was

consistency and stability in the test-the reliability of a test

measured over time. In other words, in giving the same test twice

to the same people at different times, the scores are the same.

Pamaraan sa Pangangalap ng mga Datos

Ang mananaliksik ay humingi muna ng pahintulot sa Schools

Division Superintendent para maisagawa ang sarbey sa pamamagitan

ng isang liham at ang liham pahintulot para mga punong-guro sa

anim na mga paaralan sa sekundarya sa munisipyo ng Dapa, Surigao

del Norte. Pagkabigay sa pahintulot, nagtakda ng araw ang

mananaliksik para maisagawa ang sarbey.

Ang mga talatanungan ay ipinapaliwanag sa mga tagatugon bago ito

pinasagutan at sila ay may isang araw lamang sa pagsagot nito.

Pagkatapos ay kukunin para sa paghahanda ng tali upang tutuusin

sa pamamagitan ng istadistikang pagsusuri.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga sumusunod na istadistika ay ginamit sa pag-aaral na

ito. Para mataya ng mananaliksik ang mga datos ginamit ang mga

sumusunod na kasangkapang istadistika upang masagot ang mga

katanungan.
Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 7
Surigao City

Frequency and percent- ginagamit ito upang pagsusumahin ang

profayl ng mga respondinte.

Mean and Standard Deviation- ginagamit ito upang matukoy ang

mga hamon na kinakaharap ng mga guro sa modyular distans na

paraan ng pagtuturo at ang kanilang mga mekanismo sa pagtugon

nito.

Repeated Measures ANOVA – ginagamit upang matukoy ang “mga

hamon na kinakaharap at ang mekanismo ng mga guro sa modyular na

paraan ng pagtuturo sa panahon ng pandemya kung pagpapangkat-

pangkatin ayon sa profayl baryabol.

You might also like