Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Surigao State College of Technology

GRADUATE SCHOOL 1
Surigao City

UNU MAN GAJUD?: WIKANG MAS EPEKTIBO SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL

NG SURIGAO PILOT SCHOOL SA MODULAR LEARNING APPROACH

Isang Sulating Pananaliksik na

Inihanda sa Asignaturang

Varayti at Baryasyon ng Wika

Inihanda nina:

SALVALOZA, ROCEL T.

SILOS, AYETTE P.

VILLAREAL, VIA CERELLE R.

Inihanda kay:

Denzel Mark A. Ciruela, LPT

ENERO 2021
Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 2
Surigao City

Kabanata 2

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Nakapaloob sa kabanatang ito ang disenyo ng pananaliksik,

tagatugon, kaligiran at instrumentong ginamit sa pananaliksik,

pamamaraan, at pag-aanalisa ng mga datos.

Disenyo

Ginamit ng mananaliksik ang disenyong deskriptiv o

paglalarawan sa tunay na kalagayan sa mga pagbabago sa sistema ng

edukasyon. Ginamit ang disenyong ito upang matugunan ang mga

layunin ng pananaliksik at matukoy ang wikang mas epektibo sa

pagkatuto ng mga mag-aaral sa Modular Learning Approach.

Tagatugon

Ang mga tagatugon ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-

aaral ng Surigao Pilot School sa Ikaapat na Baitang. Percentage

ang ginamit ng mananalikisik sa pagbilang sa bawat baryabol upang

malaman ang kabuuang porsyento ng mga tagatugon. Ang bilang ng

mga mag-aaral sa ika-apat na baitang ay makikita sa Talahanayan

1.
Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 3
Surigao City

Propayl ng Tagatugon Bilang ng mga mag- Percentage

aaral
Babae 21 52.5%

Lalake 19 47.5%

KABUUAN 40 100%

Talahanayan 1. Distribusyon na bilang ng Tagatugon

Makikita sa Talahanayan bilang 1 ang distribusyon na bilang

ng mga tagatugon na nakatuon lamang sa ikaapat na baitang seksyon

FL ng Surigao Pilot School. Makikita na ang bilang ng mga babaeng

mag-aaral ay dalawampu’t isa (21) na may kabuuang 52.5% at

labing-siyam (19) naman ang bilang ng mga lalaking mag-aaral na

may 47.5%. Sa kabuuan, mayroong apatnapung (40) mag-aaral na

tagatugon ang pananaliksik na ito.

Kaligiran ng Pananaliksik

Ang mababang paaralang Pilot School ay isa sa mga

pampublikong paaralan ng Surigao City, Surigao del Norte. Isa

rin sa may mataas na bilang ng mga estudyanteng nag-enroll sa

paaralang ito. Ang paaralang Surigao Pilot School ay gumamit

rin ng Modular Learning Approach. Simula nang nagkaroon ng

pandemya isa sa mga hangarin ng Surigao City Pilot School ay

ang maipagpatuloy ang edukasyon ng bawat batang pilot sa kabila

ng pagsubok ng pandemya. Sa pangunguna ng punungguro na si Dr.


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 4
Surigao City

Felix N. Bagnol at ang katuwang ng punungguro na si Ginoong

Frederick L. Lapiz at ng mga kaagapay na mga guro, ang kanilang

paaralan ay naniniwalang ang ambag na tulong ng mga magulang,

PTA officers, Alumni, Brgy. Functionaries, Local Government

Unit, businessmen, private organizations, and private citizens

ay ang magiging kaganapan ng mithiin na maitaguyod ang Modular

Distance Learning.

Lokasyon ng Surigao Pilot School sa lalawigan ng Surigao


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 5
Surigao City

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng sariling gawang talatanungan

na nakabatay sa mga wikang mas epektibong ginagamit sa pagkatuto

ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang ng Surigao Pilot School.

May dalawang bahagi ang talatanungan, ang unang bahagi ay ang

profayl ng mga respondante. Ang talatanungan ay naglalaman lamang

mga propayl ng mga impormante kung saan lalagyan lamang ng

kasagutan ang espasyong tutugma sa kanilang deskripsyon bilang

impormante tulad ng pangalan, edad, kasarian, Baitang at Seksyon,

tirahan, at unang wikang ginagamit. Sa ikalawang bahagi naman ay

patungkol sa mga wikang mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-

aaral pagdating sa mga nilalaman at pagbibigay instruksyon sa

modyul at pagbigay panuto sa pagsagot sa modyul.

Validity. Ang talatanungan ng mananaliksik ay tinutuunan

nang pansin at kinikilatis nang masinop upang ang mga baryabol na

ginamit sa pagbuo ng mga talatanungan ay magiging mabisa at

sumasang-ayon sa mga layunin ng pagsasaliksik na ito.

Reliability. Nasubok ang katiyakan ng katanungan. Isinagawa

ang pagpasagot sa mga talatanungan sa apatnapung (40) mag-aaral

sa ikaapat na baitang Seksyon FL ng Surigao Pilot School.


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 6
Surigao City

Pamaraan sa Pangangalap ng mga Datos

Ang mananaliksik ay humingi muna ng pahintulot sa punong-

guro para maisagawa ang sarbey sa pamamagitan ng isang liham at

ang liham pahintulot guro/advisers at mga magulang ng mga mag-

aaral ika-apat na baitang sa paaralan ng Surigao Pilot School ng

Surigao City. Pagkabigay sa pahintulot, nagtakda ng araw ang

mananaliksik para maisagawa ang sarbey. Ang mga talatanungan ay

ipinapaliwanag sa mga tagatugon bago ito pinasagutan. Bibigyan ng

mga mananaliksik ang mga respondente ng isang araw sa pagsagot

nito. Pagkatapos ay kukunin para sa paghahanda ng tali upang

tutuusin sa pamamagitan ng istadistikang pagsusuri.

Pag-aanalisa ng mga Datos

Ang mga sumusunod na istadistika ay ginamit sa pag-aaral na

ito. Para mataya ng mananaliksik ang mga datos ginamit ang mga

sumusunod na kasangkapang istadistika upang masagot ang mga

katanungan.

Frequency and percent - ginagamit ito upang pagsusumahin ang

profayl ng mga respondinte.

Mean and Standard Deviation - ginagamit ito upang matukoy ang

wikang mas epektibo sa pagkatuto ng mga nasa ika-apat na baitang


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 7
Surigao City

na mag-aaral sa Surigao Pilot School sa Modular Learning Approach

sa panahon ng pandemya.

Repeated Measures ANOVA – ginagamit upang matukoy ang wikang

mas epektibo sa pagkatuto ng mga nasa ika-apat na baitang na mag-

aaral sa Surigao Pilot School sa Modular Learning Approach sa

panahon ng pandemya kung pagpapangkatpangkatin ang mga

respondente ayon sa profayl baryabol.


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 8
Surigao City

TALATANUNGAN

Isang talatanungang binuo ng mga mananaliksik sa pag-alam

kung aling wika ang mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng

Surigao Pilot School sa Modular Learning Approach.

I. Punan ng sagot ang mga sumusunod:

Pangalan (opsyunal): ___________________________________

Edad: __________________________________________________

Kasarian: () Lalaki () Babae

Baitang at Seksyon: Baitang Apat – FL___________________

Tirahan: _______________________________________________

Unang Wika/Mother Tongue: ______________________________

II.Lagyan ng tsek (/) kung alin sa mga sumusunod na pangungusap

ang mas naintindihan o naunawaan na may kinalaman sa

nilalaman at pagbibigay instruksyon sa modyul.


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 9
Surigao City

May kaugnayan sa nilalaman ng Wikang Wikang Wikang

modyul: Ingles Filipino Sinurigao


1.

Ingles: The following are examples

of (…)

Filipino: Ang mga sumusunod ay

halimbawa ng (…)

Sinurigao: An mga nagsunod kay mga

pananglitan nan (…)


2.

Ingles: Let’s learn about the types

of (…)

Filipino: Ating alamin ang mga uri

ng (…)

Sinurigao: Atu hibay-un an klasi-

klasi nan (…)


3.

Ingles: These are the parts of (…)

Filipino: Ito ang mga bahagi ng (…)

Sinurigao: Ini an mga bahin nan (…)


4.

Ingles: This means (…)


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 10
Surigao City

Filipino: Ito ay nangangahulugang

(…)

Sinurigao: Ini nagpasabot na (…)


5.

Ingles: Our learning objectives in

this study are (…)

Filipino: Ang ating layunin sa pag-

aaral na ito ay (…)

Sinurigao: An atu tuju na makat-

unan sa ini na klase kay (…)


May kaugnayan sa pagbibigay panuto

sa pagsagot sa modyul:
1.

Ingles: Write the correct answer on

the space provided.

Filipino: Isulat ang tamang sagot

sa patlang.

Sinurigao: Isuyat an sakto na tubag

sa blangko na linya.
2.

Ingles: Encircle the correct

answer.

Filipino: Bilugan ang tamang sagot.

Sinurigao: Lingina ang sakto na


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 11
Surigao City

tubag.
3.

Ingles: Write T if the statement is

correct and F is the statement is

false.

Filipino: Isulat ang T kung ang

pahayag ay tama at M kung ang

pahayag ay mali.

Sinurigao: Isuyat an S kun an

istorya sakto sanan DS kun an

istorya dili sakto.


4.

Ingles: What can you say about the

pictures?

Filipino: Ano ang masasabi mo sa

mga litrato?

Sinurigao: Umay imo ikalaung sa mga

piktyur?
5.

Ingles: Answer the questions below.

Filipino: Sagutan ang mga tanong sa

ibaba.

Sinurigao: Tubaga an mga pangutana


Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 12
Surigao City

sa ubos.

Mga Sanggunian

Acelajado, M. (1996) “Epekto Ng Mga Wikang Filipino At Ingles

Bilang Midya Sa Pagtuturo Ng Aljebra Sa Antas Ng Pagkatuto at

Atityud Ng Mgamag-Aaral Sa Kolehiyo.” Nakuha mula sa

https://ejournals.ph/article.php?
Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 13
Surigao City

id=7823&fbclid=IwAR2nj0eTGxsNjrU3cLLRIlKg8w_Swr3eeiAZjwF9yadrNdeT

9KkhcWf2A4o

Ang Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, 1987. Nakuha mula sa

https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/ang-

konstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/

Bolatin, Marc Adrei, et al. (2019). “Epekto ng Paggamit ng Wikang

Filipino at Wikang Ingles Sa Larangan ng Pagtuturo.” Nakuha mula

sa https://www.scribd.com/document/406345744/Epekto-Ng-Paggamit-

Ng-Wikang-Filipino-at-Wikang-Ingles-Sa-Larangan-Ng-Pagtuturo-at-

Pagkatuto

Dalanon N. V. (2020). “Ano ang Module at Modular Learning?”

Nakuha mula sa

https://baludmunicipalcollege.wordpress.com/2020/07/16/ano-ang-

module-at-modular-learning/?

fbclid=IwAR2AnNUeAVdFzBE2hAcJsl0eZ2Yya4tOx7BgXuD043PSpJqfnXHC5p-

5msg

Gorgonio, D. (2012) “Use of Filipino and English in Social

Studies Learning” Nakuha mula sa

http://www.academia.edu/9414531/Use_of_Filipino_and_English_in_So

cial_Studies_Learning
Surigao State College of Technology
GRADUATE SCHOOL 14
Surigao City

Mapa, K.K.D, Marbella, F.D (2019) “Impluwensiya ng Midya sa Pag-

aaral ng Midya.” Nakuha mula sa

http://oaji.net/articles/2020/1543-1585280836.pdf?

fbclid=IwAR0zfmpnVbk8s0qQeghtn53CsJNNxsX1UEjrQfroJojFWKmpSCnsEIca

xlM

Petronila, Delfin (2018) “Ang Papel ng Wika sa ating Pagkatuto.”

Nakuha mula sa https://www.pressreader.com/philippines/panay-

news/20180206/281930248429957?

fbclid=IwAR2PNwH1BgEYAYTe7w2w6NQTjD_6QJi6u3N1_QHgr_u6rzvA9BKyef1U

jqE

Serdan, Geraldine (2020) BATAYANG MANWAL SA “ELECTIVE 1: Filipino

bilang Ikalawang Wika”

Tan, Camille (2011). “Kahalagahan ng Wika 2.” Nakuha mula sa

https://www.slideshare.net/mobile/xiaoxiaocamster/kahalagahan-ng-

wika-2

You might also like