SKR EP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

SENAKULO 2012 “Poon Kong Aking Ama, Lampara na Aking mga Paa”

CUE MUSIC- MESSAGE TO THE YOUTH

I- PAMBUNGAD

(II- SI HUWAN BAUTISTA

( Papasok ang isang preso at apat na kasalanan )

PRESO Nalalapit na ang paghuhukom!! Matakot kayo!! Nalalapit na!! Ito ang siyang itinakda!!
Dahil sa ating patulot na kasalanan!! Maniwala kayo!! Isa akong taong makasalanan!! At
ngayon!! Ngayon!!!!!!!!!!!!

(Papasok ang apat na kasalanan, magsisi ang preso)

PRESO Ama!!! Ama!!!

HUWAN Magsipagsisi na kayo! Magsipagsisi na!


Ikaw! Kayo! Magsipagsisi na!

KORO May taong sinugo ang Dyos. Ang minamahal.Ang hinirang. Huwan ang kanyang
pangalan.
Dumating sya para magpatotoo tungkol sa liwanag.
Hindi sya ang liwanag, Kundi patotoo sa liwanag.

HUWAN Darating na ang kaharian ng Dyos!

TAO 1 Sino ka?

HUWAN Hindi ako ang Kristo!

TAO 2 Sino ka kung ganon?.......Ikaw ba si Elias?

HUWAN Hindi ako si Elias!

TAO 3 Ikaw ba ang propeta?

HUWAN Hindi rin!

TAO 1-3 Sino ka nga? Ano ang masasabi mo tungkol sa sarili?

HUWAN (MALAKAS) Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang!


Tuwirin nyo ang daan ng Panginoon.

TAO 1 Bakit ka nagbibinyag kundi ikaw ang Kristo, o si Elias o maging ang Propeta??

HUWAN Sa tubig lang ako nagbibinyag. Ngunit nasa inyong kalagitnaan ang isang hindi ninyo
nakikilala. Darating siyang kasunod ko, ngunit hindi man lamang ako karapat-dapat
magkalag ng sintas sa kanyang panyapak.

TAO 2 Sino sya? Ino sya Huwan!


HUWAN Siya ang kordero ng Diyos, na nag-aalis
Ng kasalanan ng sanlibutan!

III- PAGPASOK SA HERUSALEM

(Music sets in “LUWALHATI, and interpret by the dancers. Next, music sets in “ new song”, little angels will
enter, after few minutes, Jesus Christ will enter and greet the 12 apostles. After that, 10 steps will do and
stop, Maria Magdalena will enter and start the scene. )

(Sasayaw si Magdalena na tila nangangakit)

TAONG BAYAN 1 Hoy! Haliparot na babae! Wag kang magkunwaring malinis!.


Alam na yata ng buong bayan ang baho mo!

TAONG BAYAN 2 Hayyy,.! Naakadiri ka.. Wag ka ng umarte dyan at kahit anong gawin mo ay hindi
Ka na magbabago.hahahah

TAONG BAYAN 3 Napakarumi mo! Pgmasdan mo ang iyong pananamit!. Abang buhay ka na sa putik na
iyong
Kinasasadlakan.! Hampas lupa!!

TAONG BAYAN 1 Ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na! Alis!.

TAONG BAYAN 2 Alis! Alis!

(Sasampalin, sasabunutan. Kakaladkarin, sisipain.,Tangkang pagbato, nakadapa sa Magdallena, after that


pasok si Jesus)

HESUS Kung sino man sa inyo ang walang bahid ng kasalanan ay syang unang bumato.

MAGDALENA Panginoon patawad po sa lahat ng mga kasalanan ko. Binahiran ko ng dungis ang
aking pagkatao.Patawad, nakasakit ako sa kalooban mo!!(Umiiyak, lalapitan sya ni
Jesus, galling sa
Likod, guguhit sa pagitan, itatayo ni Hesus at ihaharap sa taong bayan).

HESUS Sa iyong pagkakasala, ika’y pinatawad. Tubig ng buhay ay nalinis ka na.

PALENGKE

HESUS Alisin nyo rito ang mga iyan, Huwag nyong gawing ppalengke ang bahay ng
aking Ama
Ang aking bahay ay tatawaging bahay ng Panginoon, nguit ginawa nyong pugad ng
mga
Magnanakaw.
TAONG BAYAN Anong tanda ang maibibigay mo upang patunayang may karapatan kang gawin
ang mga ito.?!

HESUS Gibain nyo ang templong ito at itatayo ko sa loob ng tatlong araw.(Matitigilan ang
mga taong bayan, mhihiya ang ilan at matatakot naman ang iba. Unti-unti silang
aalis at lalabas.)

IV- ANG PAKANA

TAONG BAYAN Ang suwail…Dapat siyang iligpit!

KAYPAS Matagal ko na iyang inaasam-asam.!

ANNAS Di ipaligpit mo na, ano pang hinihintay mo?

KAYPAS Magkakagulo ang mga tao.


Huwag sa kapistahang ito!

MGA SAKSI Di ba’t kayo na rin ang nagsabi na mas mabuting mamatay ang tao para sa lahat
guluhin kaysa
Tayo ng isang Romano?

KAYPAS Tama kayo,..pero?

MGA SAKSI Ngayon nap o ang pagkakataon, at mayroon pos a ating tutulong!

KAYPAS Tutulong? Sino iyon?

MGA SAKSI (Mapapasok kay hudas) S’ya po!

KAYPAS Yan? Di ba’t alagad iyan ni Hesus?

HUDAS AAah.! Hwag nah wag nyo ngang mabanggit ang ngalan na nya!
At lalo lang kumuulo ang aking dugo!.

ANNAS Tumiwalag ka nab a sa kanya?

HUDAS Sa turing ay hindi pa po,. Pero sa damdamin ay matagal na!

KAYPAS Magsalaysay ka.

HUDAS Sawang sawa na ako sa kanyang pangaral!


Oo, inaamin ko, noong una napaniwala nya.
Akala ko, siya ang Mesias na tutubos sa atin.
Sakamay ng mga Romano.Pero lumipas ang panahon,
Hindi sya kumilos. T nang lapitan sya ng makasalanang babae, at hugasan ang paa
Ng mamahaling pabango. Sabi ko’y “sukdulan na ito!” Kug ipinagbili ba ang pabango
At ibinigay sa mahirap! Pero hindi ako kinatigan ng Hsus na iyan.
Kundi ang babaeng makasalanan.!
Kalabisan na iyon! Kalabisan na!
KAYPAS Ano ngayon ang ibig mong mangyari?!

HUDAS Tulad ng ibig mong mangyari.

KAYPAS Magagawa mo siyang, ipagkanulo?

HUDAS Bakit po hindi?

KAYPAS Sinusubukan mo lang kami, isa kang espiya!


HUDAS Hindi po!

KAYPAS Kung hindi, ano ang mapapala mo sa alok na ito?

HUDAS Pilak! Tatlumpung pirasong pilak ang singil ko.

KAYPAS (Matatawa) Yan, yan ang gusto naming usapan!

ANNAS Malinis, may katapat na kabayaran.

HUDAS Pumapayag na kayo?

KAYPAS Oo, ngunit kalian?

HUDAS Sa gabi ring ito! Pagkatapos ng hapunan,


Ang kanyang huling hapunan!

V- ANG HULING HAPUNAN

(MUSIC sets in “ Sa Hapag ng Panginoon)

HESUS Matagal ko nang inasam na makasalo kayo bago ako maghirap.Sinasabi ko sa inyo,
mula ngayo’y hindi na ako kakain at iinom nitong katas ng ubas hangga’t hindi
dumarating ang kaharian ng Diyos.

HUDAS Sino kaya sa atin ditto ang tatanghaling pinakadakila sa kanyang kaharian?

SANTIAGO Hanggang ngayon ba’y pagtatalunan pa yan?

JUAN Pinakiusap ng ina ko, na kami ni Santiago ay sa kaliwa’t kanan ni Hesus, pero ano
kanyang ang
Isinagot?. Wala sa kanya, kundi sa Ama ang pasya.

HESUS Ang mga hari ng mga Hentil ay pinapanginoon ng kanilang mga nasasakupan at ang
may kapangyarihan ay nagnanasang tawaging tagatangkilik. Pero hindi gayon ang
dapat mangyari sa inyo. Ang pinakadakila ang syang lumagay sa mas mababa.Ang
namumuno ay siyang mag-
Lilingkod!(Kukunin nya ang palanggana at tubig at magsusuot ng balabal,huhugasan
ang paa ng
Mga alagad). (MUSIC set in “TUBIG NG BUHAY”)

ALAGAD 1 Ba….bakit po panginoon?


HESUS Paa mo ay huhugasan.

ALAGAD 2 Pati po ako Maestro?

HESUS Lahat kayo.!

PEDRO Panginoon huwag po!

HESUS Lahat sila ay nahugasan ko na Pedro.

PEDRO Marumi kong mga paa, walang kapara.


HESUS Malalaman mo rin Pedro ang kahulugan nito.

PEDRO Hindi, hindi ako makapapayag.!

HESUS Kung hindi mo yan pahuhugasan, kita’y kagagalitan


At babawiin ko ng lahat pa ang aking mahal na grasya.

PEDRO Kung gayon, hugasan nyo nap o ako ng lubos. wag lamang paa ko kundi ang
aking kamay at ulo.

HUDAS Nakababagot na ang kanyang mga palabas! Kamay ko’y nangangati na sa tatanggapin kong pilak.

HESUS Ikaw ay malinis na. Oo Malinis na kayo. ngunit hindi ang lahat sa inyo! Hindi ang
lahat. (titigan si Hudas).

SANTIAGO Hindi ko maunawaan ang ginagawang ito ng Maestro. Siya an gating Panginoon, bakit
niya hinuhugasan an gating mga paa.

HESUS (as he is about to wash Judas feet) Maputik ang mga paa mo anak. Idalangin mong
hindi ka ihahatid ng mga iyan sa tukso.

HUDAS Marami akong nilalakad. Sa putik man o dugo,… ang mga paa ay susunod.

JUAN Ang ginawang ito mg maestro ay isang dakilang halimbawa.

ALGD Ewan ko ba… Hindi ko maintindihan.

HESUS Ang tawag nyo sa akin ay Panginoon, pero ako ang naghugas sa inyo.Ito’y
intong tularan.

ALAGADS Magyari po Panginoon.

HESUS (music sets in tinapay ng buhay).

Tunay na pagkain ang aking laman. At tunay na inumin ang aking dugo.
Ang kakain at iinom nito ay mananatili sa akin at ako naman sa kanya.

FELIPE Mabigat ang salitang ito, mahrap maunawaan.

HUDAS Siya’y nahihibang! Pwede bang ipakain sa atin ang kanyang laman?
HESUS Ito ang aking katawan na inihahandog sa inyo,Gawin nyo ito bilang pag ala-ala sa
akin.

Ang kalis na ito ang ang Bagong Tipan ng Dyos na pinagtibay ng aking dugo. Ang
aking dugo ay mabubuhos alang-alang sa inyo.

HUDAS Walang katuturan ang kanyang pinagsasabi.

HESUS Naiiskandalo kayo? Ano pa kaya kung Makita nyo ang anak ng tao na umakyat
sa dati nyang
Kinaroroonan.

Sa hapag na ito, kasalo ko ang magkakanulo sa akin. Paanaw ang anak ng tao ayon
sa
itinakda ng
Diyos. Ngunit nakakapangilabot ang sasapitin ng taong magkakanulo sa kanya.

TOMAS Ano ipagkakanulo ang Panginoon? Sinong imbi ang gagawa niyon?

JUAN Sino po ang inyong tinutukoy?

HESUS Ang ipagsawsaw ko ng tinapay, sya na nga!

HUDAS Guro ako po ba?

HESUS Ang balak mong gawin ay gawin mo na. (magbubulungan ang mga apostoles,
aalis si Hudas).

MATEO Aba! Nakapagtataka ito? Saan paparon si Hudas?

FELIPE Pinabibili marahil ng Maestro ng gagamitrin natin sa pista. O marahil maglilimos


sa pulubi.

HESUS Kayo ay nananatiling kasama ko sa mga pagsubok sa akin. Kung paano ang Ama ay
nagbigay sa akin ng karapatang maghari, gayon naman, ibinibigay ko sa inyo ang
karapatang ito.Kayo ay kakain at iinom kasalo ko at luluklok sa mga trono upang
mamahala sa labindalawang
Angkan ng Israel.

PEDRO Paginoon, ako po’y handang mabilanggo at mamatay kasama kayo.

HESUS Tandaan mo Pedro, bago ang pagtilaok ng manok sa araw na ito ay tatlong beses mo
akong itatatwa.

Tayo na at magtutungo tayo sa bundok ng Olibo, sa halamanan ng Getsemani at ako’y


Mananalangin.
(

VII-ANG PAGDAKIP

KAWAL1 Sandali! Baka niloloko mo lang kami.!

KAWAL2 Sya nga! Kung yung guro mo nagawa mong lokohin, kami pa kaya?

HUDAS Kaibigan, tinitiyak ko sa inyo na naririto sya.


Wala na silang ibang matutuluyan.

KAWAL1 Paano naming makikilala ang Kristong iyan?

KAWAL2 Kay dilim ng gabi, baka muling makapuslit.

HUDAS Ito ang tatandaan nyo., Kung sinong hahagkan ko, sya nyong dakpin.

HESUS Sinong hanap nyo?

MGA KAWAL Si Hesus Nazareno!

HESUS Ako nga si Hesus Nazareno.


(soldiers almost bend on their knees).

KORO Sa ngalan ng higit sa lahat ng ngalan


Bawat tuhod ay luluhod. Maging lupa’t kalangitan.

HESUS Sinong hanap nyo?

MGA KAWAL Si Hesus…Si Hesus Nazareno!

HESUS Sinabi ko na sa inyo, ako nga.


KORO Poon ko, Diyos ko!

( magtatangkang umalis si Hudas ngunit pipigilan ng sundalo at ihaharap kay Hesus )

HUDAS Magandang gabi po guro.

KORO Huwag Hudas, Huwag mo syang


ipagkanulo.!
Kusang sumusuko sa Kristo
Upang sa huling sandal. Ikaw ay masagip.
Iyong isaisip ang kanyang pagkandili.
Ang pagtitiwala sa iyo ng salapi.
Ang pagsasama nyo sa pagkain.
Babalewalain na bang lahat?
At sa pilak ay ipagpapalit?
Mangilabot ka kapatid! Mangilabot ka.

(Hudas will kiss Jesus)

HESUS Hudas, ipagkakanulo mo ba ang anak na tao sa isang halik?


(palilibutan ng kawal hanggang sa lumaban si Pedro )

PEDRO Layuan nyo sya.( will cut the ear of malko)

MALKO Aray ko!! tenga ko!!

HESUS Pedro ibalik ang tabak sa lalagyan.


Ang gumagamit ng tabak ay sa tabak din mamamatay.
(Pedro will escape, and Jesus will heal the ear of Malko)

KAWAL1 Ang dami mo pang pinagsasabi, hala, dalhin iyan kay ANAS.

VIII-SA HARAP NI ANAS

ANNAS Ikaw nga ba ang hari na di umanoy


Makapangyarihan sa mga Hedeo?
Dapat kang mamatay! Datapwat anong saysay ang ikaw ay
patayin!
Kung ang turo mo’y patuloy na palalaganapin!
Dapat pati mga alagad, dinakip!

TAO1 Siya lang po ang sinulit sa amin.

ANNAS Nasaan ang iyong mga alagad?


Sinu-sino sila?
At ano itong itinuturo mong doktrina?
Sa tema ng iyong pananalita, gusto mo kaming palitan.
Mangusap ka Hesus, nais kitang makilala!

KORO Hindi! Hindi sya kailangan mangusap.


Si Annas ay walang kapangyarihan!
Hindi sya hukom na opisyal.
Sa harap ng batas, silang dalawa’y magkapantay!

ANNAS Kung hindi dahil sa akin, ang manugang kong si Kaypas


Ay hindi magiging punong pari.
Nasa kanya ang kapangyarihan
Totoo, ngunit ako ang kanyang pinakikinggan.
Kung nais mong sintensya’y gumaan,
Sa akin ka makiusap Hesus. Magpakilala ka na!.

HESUS Hayagan akong nangangaral sa sinagoga.


Wala akong ikinubli na kahit na sino.
Tanungin silang nakikinig
Alam nila ang aking sinasabi.

KAWAL Ganyan ba dapat sumagot sa pari?


HESUS Kung masama ang aking sinabi,
Patunayan mo. Pero kung mabuti,
Bakit hinampas ako.

ANNAS Walang saysay itong kausap.


Dalhin nyo na sya kay Kaypas!
Tingnan na lang natin ang galling niya.

IX-SA HARAP NI KAYPAS

KAWAL Magbigay pugay sa pinakamataas na pari!

KAWAL2 Sya si Hesus, ang Nazarenong mapanggawa ng gulo!

KAYPAS Dumulog na ito sa sanggunian.

KAYPAS Ikaw ang Hesus ng Nazareno? At sinabi nila na ikaw ay isang hari?

KAWAL Kung ikaw ay isang hari nasaan ang iyong kaharian? Anong trono ang meron
ka?

KAYPAS Magsalita ka!!! Hindi ba’t ikaw ay anak ng isang hamak na karpintero lamang?
(magtatawa ang lahat). At sinabi ng iba na ikaw si Elias? Bakit hindi ka
makapagsalita? Ipagtanggol mo ang iyong sarili.

HESUS Lagi akong nagsasalita sa templo ng aking ama. Ipagtanong nyo sa mga
taong nakikinig sa akin.
KAWAL Sa ganyang paraan mo ba kinikilala ang pinakamataas na pari? Isa kang
arogante!

KAYPAS Sabihin mo sa amin Hesus na taga Nazareth,..ikaw ba ang sinasabing tagapagligtas


at anak
Ng Diyos na buhay?

HESUS Ako nga. At makikita mo ang anak ng tao na nakaupo sa kanang bahagi ng
kataas-taasang Ama
At bababa mula sa alapaap ng langit.
KAYPAS Anong sakdal nyo laban sa taong ito?

SAKSI1 Nlabag niya ang batas, Siya sampu ng mga alagad nya ay kumain ng trigo sa
araw ng pahinga.

SAKSI2 Walang kwentang sakdal. Di ba’t si haring David mismo’y kumain ng tinapay na
laan sa Diyos?
Ang masama ay magpagaling ng may sakit sa araw ng pahinga.

SAKSI1 Anong masama roon?


kApag ang tupa mo’y nahulog sa hukay, sa araw ng pahinga,
Hindi ba’t kukunin mo rin yun?

SAKSI2 Ang yabang nito.

KAYPAS Ihara pang iba pang testigo.

SAKSI3 Ak po. Yang Hesus n yan, ay nakisalamuha sa mga makasalanan.

SAKSI4 Paratang nab a iyan? Ikaw man ang manggagamot, sinong lalapitan mo?
Yung may sakit o magaling?

SAKSI3 Sige na ikaw na ang tama.

SAKSI4 Talaga! At masasabi ko..yong Kristong yan ay nagpapalayas ng esperito sa


ngalan ng dyablo!

SAKSI3 Pwede bay un? Sariling kampon palalayasin ng amo?

KAYPAS Pawa kayong walang kwenta! Wala na bang matinong testigo?

SAKSI5/6 Kami po!

SAKSI5 Nainig ko sinabi niya…”gigibain ko ang templong ito,


At matapos ang tatlong araw ay itatayo kong muli!

SAKSI6 Oo nga po, pinalalabas niya na isa siyang madyikero.


Maitatayo po bas a loob ng tatlong araw
Ang templong ginawa ng apatnapung taon?

KAYPAS Hmmm…mabigat ito, wala ka bang maisasagot sa mga paratang?

(Jesus still quiet)

KAYPAS Ikaw ba ang Mesias na anak ng Diyos?

(Jesus still in silence)

KAYPAS Inuutos ko sayo, sa ngalan ng Diyos na buhay.


Sabuihin mo sa amin.ikaw ba ang Kristo? Ang anak ng Diyos?

HESUS Ikaw na ang nagsabi..ako nga!


KAYPAS (Tear down his dress). Nilait nya ang Dyos!
Narinig nyo ang kanyang paglapastangan.
Ano ngayon ang inyong pasya!

SAKSI Kamatayan! Dapat syang mamatay(2x)

KAYPAS Bawal sa atin mga hudeo ang humatol ng kamatayan. Kaya’t dalhin sya sa
gobernador.

X- SI PEDRO AT HUDAS

KORO Ang pastol ay hinampas, at ang tupa’y nagkalat.


Ang nakasaad sa kasulatan ay tunay ngang natupad.
Sa pagkat ng dakpin si Kristo
Ang kanyang mga alagad ay nagsitakbo! Nagsitakas!
Nangawalang lahat!
Tanging si Pedro ang di nakatiis
Tanging si Pedro ang bumalik…
Sa bakuran ng punong pari.

PEDRO Kaawa-awang Hesus, sinong mag-aakalang magkakatotoo ang kanyang sinabi?

BABAE1 Hindi ba’t isa ka sa alagad ni Hesus?!

PEDRO Aba! Baka nagkakamali ka!

BABAE2 Hindi! Hindi kami maaaring magkamali!

BABAE3 Kasama ka ni Hesus na taga Nazareth!


Ang taong ito’y kasama nya!

PEDRO Hindi ko alam ang sinasabi nyo.!


Hindi ko sya kilala! Hindi!

BABAE4 Sa tono ng iyong pananalita, ikaw ay taga Galileya!


Ikaw ang tumaga sa tenga ni Malko.!
Walang duda, alagad ka nga nya!

PEDRO Isinusumpa ko! Hind ko kilala ang Hsus nay an., hindi ko sya kilala!
(cock will cry out)

KORO Bago tumilaok ang manok ng ikalawa,


Tatlong ulit mo syang itatatwa!

PEDRO Dyos ko! Ano itong nagawa ko.,Angkan ni Satanas!! Ako ay masama pa kaysa kay
Satanas!!....Si Satanas ay lumabag sa Diyos…ngunit ako….ako….Aking itinatwa
siya!!Aking iniwan ang anak ng Diyos…Taksil!! Ako ay taksil!! At hindi mahuhugasan
ng walang hanggang pagdurusa sa impiyerno ang aking kasalanan….Aking
pinabayaan ang anak ng Diyos!! Kagabi lamag ay hinugasan niya ang aking mga
paa,.Habang sa aking kalooban ay narron ang pagtatatwang aking gagawin sa
kanya….Patawad Panginoon….Patawad!!

(peter will cry and mary with John will come into the scene)
MARIA Pedro, Simon Pedro! Sabihin mo sa akin…..
Anong ginawa nila sa anak ko?!

Song Pedro anong anong nangyayari, saan nila dinala anak kong si Hesus.
Ako’y nangangamba sa king nakikita.
Sana’y tulad ng dati…sana’y tulad ng dati..

MARIA Pedro bakit hindi mo ako sinasagot?

PEDRO Ina. Oh ina! Labis-labis ang paghihirap ng iyong anak.


Ako na kanyang dapat na kapanalig.. pero itinatwa ko sya ina!
Itinatwa ko sya ng tatlong beses ina.,!

Song Pedro sa iyong pagsisisi, ika’y patatawarin anak kong si Hesus.


Sana’y tulad ng dati. Sana’y tulad ng dati.

MARIA Pedro manalig ka, ipinagdasal ka niya.,


Sa iyong pagsisisi ika’y patatawarin.

PEDRO Huwag.,huwag ina.,! hindi ako karapat-dapat ina.,


Patawad panginoon., patawad.,
Pinagsisisihan ko lahat., pinagsisisihan ko11
(peter will run away) sa aking mga sala ako’y nagsisisi.patawad
panginoon!!

(MARY will interpret a song and after that dance she’ll be faint and Hudas is entering)

SI HUDAS

HUDAS O, ano itong aking nakikita.,! ang nagawa ko’y isang pinsala!
May panahon pa! may panahon pa!
(will run to priest)

HUDAS Mga guro!! mga guroooooooooooooooooooo!!!(2x)

(He will be stop by the guards)

ANNAS Ano bang ingay ito!


Ka’y lalim na ng gabi ay nangbubulahaw ka pa!

KORO O, Kaipas… ano sa iyo ang si HUdas ay mapahamak…o buong mundo man ang
mapahamak, matupad lamang ang iyong maitim na hangarin. Ano sa iyo na kami ay
magtaksil sa isang taong walang kasalanan… Patawarin ka Kaipas…Patawarin ka!!

HUDAS Heto nap o!! bawiin nyo na ang inyong pilak.

KAYPAS Bawiin ang pilak?!

HUDAS Palayain nyo na si Hesus,!


Nagkasala ako sa taong walang kasalanan!
KAYPAS Hindi naming iyan problema!
Wala kaming pakealam!.

HUDAS Pakiusap po! Palawalang saysay ayting usapan!

ANNAS Ngayon pang nahatulan na sya ng kamatayan!


Nauulol ka na ba?

KAIPAS Mabuti’t isinauli ito!! Baka magamit naming sa pagpapalibing sa Nazareno!! Maga
duwag kayong lahat… Kung nasa liwanag ay lumalaban sa leon, ngunit sa dilim ay
natatakot kahit sa dagang bubwit.

HUDAS Parang awa nyo na., Oo, ako’y nagdurusa na! At ikaw Kaipas ay magdusa na rin!
Pinagtaksilan ko ang Anak ng Diyos, ngunit ikaw ang magpapapatay!...Ayan!! kunin
mo ang iyong maruming salapi. (Hudas throws the money ) Ayan! Subuan mo ng pilak
ang maitim mong kaluluwa….Sa bawat piraso ng pilak ay inilagay ko ang aking
sumpa!..sumpa ng isang kaluluwang napaligaw! Ng Taomg pumatay sa Anak ng
Diyos!!
KAIPAS Wala kang kwentang tao…hala!!! Sulong at lumisan ka sa harap ko baka dugo mo’y
mabuhos dito!!

(Kaipas and Annas will throw-out from the stage)

KORO Ang kanyang mukha! Ang kanyang mukha!..Ang bawat patak ng kanyang dugo ay
parang kumukulong langis na pumapaso sa iyong puso! Ang kataksilan mo ay
nakatatak na sa iyong kaluluwa! At hindi mapapawi hanggang sa kamatayan!
Mamatay!! Ngunit malilibing kaya ng kamatayan ang kataksilan?! Masubhan kaya ng
kamatayan ang sa iyo ay lumalamon! Hindi!!!! Hindi Hudas!!! Kahit sa libingan ay hindi
mababaon ang iyong pagtataksil!!
HUDAS Kaibigan! Tinawag niya akong kaibigan…Siguro ang buong angkan ni Satanas ay
humahalakhak sa buong tuwa ngayon!Bakit pa ako nagging tao? Bakit ba hindi pa ako
hinithit ng dagat? Bakit ba hindi bumuka ang lupa at ako ay lamunin…Bakit ba hindi
ako mawala at pumanaw
kaibigan…Kaibigan….Kaibigan….Ha………….ha…………ha……………Kaibigan taksil
sa kaibigan!! Saan ako tatakas?? Saan ako magkukubli….Saan ako tutungo upang
makapagtago sa kataksilan!!! Sa Ama…..ng Anak ng Diyos…..Hindi sa mundo….Siya
ay naririto…..Hindi sa langit……Siya naroroon…..Hindi sa libingan…..Sapagkat
kasusuklaman at iluluwa ng lupa ang aking bangkay….Hudas….taksil na
kaibigan…..Taong mabuti pa ay hindi na ipinanganak….Wala akong pag-asa….walang
pag-asa….walang pag-asa…..walang pag-asa…(magbibigti).
XI-UNANG PAGHARAP KAY PILATO

XIV-PAGHATOL NI PILATO

PILATO Walang kasalanan ang taong ito. Yan ang pasya ni Herodes, Yan din ang pasya ko.
Gayunman, Dahil kayo ay mapilit, nais kong ipaalala sa inyo, na sa ganitong pista.
Maaari kong palayain ang kahit sinong bilanggo na nais nyo..

ANNAS Kahit na sino huwag lang si Hesus!


MIRONS OO nga wag lang ang taong yan..

PILATO KAhit na sino? KAhit na si!!!!

Si Barabas. Isang pusakal, kilabot na mamamatay tao, Napatunayang nag-alsa


na sumira sa katiwasayan ng bayan.

KAIPAS Hamak na mas mabuti si barabas kaysa kay Hesus!

MIRON Si barabas! Piliin nyo si Barabas!

PILATO Sinong palalayain ko? Si Hesus o si Barabas?

PARISEO Si Barabas, piliin nyo si Barabas!

PILATO Inuulit ko..Sinong palalayain ko, Si Hesus o Barabas…

(MIRON at SKSI) SI Barabas…Palayain si Barabas…Patayin si Hesus Patayin!

PILATO Walang kasalanan ang taong ito. Kaya’t parurusahan ko na lang bago palayain..

SNDLO1 Handa na ang hagupit!

SNDLO2-3 Handa na ang setro at koronang tinik!

SNDLO4-5 Parusahan ang taong maligalig!

(Scourging at the pillar and crowning with thorns)

KAPT Tigil………..Tumigil kayo!!!!!Ang sabi’y hagupitin, hindi patayin…Hala damitan yan at


palayain!!! Nagyon din……Kilos!!!!

PILATO Masdan ang intyong hari!

MGA TAO Wala kaming hari maliban kay Ceasar! IPAKO SA KRUS 5x

PILATO Wala siyang kasalanan. Dapat lang palayain.

TAO1 Kapag siya ay pinalaya, hindi ka kaibigan ni Ceasar. Ang sinumang ginawa ang sarili
bilang hari ay hindi kaibigan ni Ceasar.

PILATO Kung gayon! Ako si Pontio pilato, presidente’t hukom ditto, na sakop ng imperyong
Romano. Ang hatol ko’t sintensya’y ukol sa kanyang pagkakasala. Sa kanya’y
ipapasan krus ng kamatayan. At kung dumating man sa lupang Golgota, ipako’t
iparipa, sa gitna ng dalawang palamara! Kunin nyo na siya. Wala akong pananagutan
sa kamatayan ng taong iyan.
MGA TAO Pananagutan naming at n gaming anak at apo ang kanyang kamatayan! IPAKO SA
KRUS 3x

XV- VIA CRUSIS

HESUS Ako’y alagad mo Ama.SAlamat sa krus na ito, na gamit ko sa pagtubos sa tao.


SNDLO1 Tumayo’t ka na nga’t talumpati’y nakakasawa na!

BATA1 Heto nap o ang karatula pinabibigay ng Gobernador.

PARISEO1 Hesus ng Nazareth? Hari ng mga Hudyo?

PARISEO2 Mali ang karatulang iyan, ipabago natin!

BATA Bakit po?

PARISEO 3 Hindi sya an gating hari, ito lamang ang gusto naming palabasin!

BATA Ang bilin po ng Gobernador….Ang nakasulat ay nakasulat na kaya hindi


pwedeng baguhin!

HESTAS Isa kang baliw!! Bakit nakuha mo pang halikan ang krus na iyong kamatayan!

DIMAS Manahimik ka Hestas,,,, Pabayaan mo sya, sya ay walang kasalanan!

SNDLO2 Tumigil kayo! Hala sulong!

(1st fall of Christ )

SNDLO3 Lampa! Kay ikli pa ng nilalakad, bagsak ka na!

PARISEO4 Itayo na siya at baka mamatay sa ating mga kamay!

(John, mary at Magdalene will be seen from the linw of the scene)

MARIA Juan, mananatili ba ako rito? O dapat lumisan? May lakas ba akong mamasdan ang
anak kong naghihirap?

HUWAN KApag hindi nyo sya hinintay. Baka lalo nyo pos yang tangisan!

SNDLO3 Sino ang babaeng iyan?

TAO1 Siya ang Ina ng Nazareno!

SNDLO3 Sya nga ba?,O kunsintidorang Ina, tingnan mo ang pakong gagamitin sa Anak mo!

MARIA Dyos ko! (almost faint)

SNDLO3 Kung sya ba ay pinalaki ng tama. Hindi sya magkakaganyan!

MARIA O ilaw ng aking mga mata! Ano ang iyong sala? At ikaw ay ginaganito. Yaong krus na
iyong pasan..bunso….iyong bitawan at kita’y hahalinan. Aakuin ko lahat-lahat na….ng
hindi ko Makita ang iyong pagdurusa…

SNDLO4 Hindi na ito aabot sa kalbaryo! Tumayo ka!(Jesus leave Mary, 2nd fall of Christ..
Soldiers will look for an alternate, will see Simon Sireneo!)

KAPT Mga bulag ba kayo? Nakikita nyong hindi na nya kaya…hala tulungan nyo sya!!!!
Ngayun din!!!!Tulongan!!!
SNDALO5 Ikaw? Isa kang pagano hindi ba?

SIMON O…….Opo (shock)

SNDLO5 Tulungan mo ang taong yan sa pagbubuhat.

SIMON (about to leave) Aba!!!! Huwag po…..

SNDLO6 Sabing tulungan mo!

SIMON Hindi! Ayoko…..Ayoko po!

SNDLO5 Tulungan mo sya!

SIMON (will look to Jesus), Sige po!!!!

SNDLO6 Anong pangalan mo?

SIMON Simon po!...Simon Sireneo…..

SNDLO6 Sige buhatin mo na yang krus at tulungan mo


sya…

SIMON Opo…subalit ako’y tutulong lamang at wala akong pagkakasala…

(In part of the scene, Veronica is apprehended by two women)

BABAE1 Huwag Beronika., Wag kang mangahas lumapit kay Hesus!

BABAE2 Magagalit ang iyong ama!

BABAE1 Bigyan mo naman ng kahihiyan si Cirac! Kasapi pa naman sya sa korte ng mga hudyo!

BRNIKA NAgkakamali kayo! Nagbitiw na ang asawa ko sa korte! Sapul ng paratangan si


Hesus ng ulupong na si Kaipas!

BABAE1-2 Mag-ingat ka sa iyong pananalita!

BRNIKA Wala akong dapat ikatakot pagka’t ako’y alagad niya!

(will encounter Jesus, with towel off Christ in face)

Panginoon, tulutan nyong aking ipahid. SA iyong mukhang kahapis-hapis ang Bira
kong sakdal linis.
HESUS Halina Beronika…tigilan na ang pananangis!

BRNIKA (look at the cloth) Lilisan akong may pusong Masaya. DAhil iniwan ako ng Panginoon
ko… Ng isang ala-ala..(will show the faces of Christ marked on cloth) Poon Ko! Diyos
ko!

HESUS Herusalem, Herusalem! Pinapatay mo ang propeta! At binabato ang isinugo sa’yo ng
Diyos..Gaano kadalas kong inibig na tipunin ang iyong mga anak…..Tulad ng
paglimlim nga inahin sa kanyang mga sisiw! Datapwat tumanggi ka!
(freeze, 3rd fall of Christ, ang he was hit by town people, pariseo, soldier…while others are crying aking for
some help…)
TAO (umiiyak) Wala bang makapipigil nito????

TAO4 Tama na!!! Ihinto nyo nayan!!!Tama na!!!

MGA BABAE Panginoon ano ang iyong pagkakasala…Hindi nab a sila naawa?

HESUS Kababaihan ng Herusalem, Wag nyo akong tangisan…Ang tangisan nyo ay ang
inyong mga anak at inyong mga sarili….

SIMON TIgil!!!!!!!!!Tigil!!!!!!! Ti………………………..gil……………..Layuan nyo sya…Lumayo


kayo sa kanya!!! Kapag hindi nyo siya tinigilan! Hindi ko na bubuhatin ang krus nay an
kahit isang hakbang pa!

SNDLO/s (laugh) Sige,,, tulungan mo na sya…Sulong!!!!

(last fall of Jesus)

SIMON Haring makapangyarihan, malapit ka na sa iyong pupuntaha….Naririto na tayo sa


kalbaryo!

XVI- SA KRUS

KORO Pinapako na nila ang Panginoon. Pinapako na nila!


Sila na ang mga bayaran ng Romano at Hudyo.
Buong lupit na nagpapako kay Kristo!
Sa tindi ng sakit at dami ng bumulwak na dugo.
Dapat sana’y marinig ang pananangis at sigaw ni Kristo!
Di nga ba’t ang mga nauna sa kanya.
Ay walang tugo’t na nagmura.
Sa araw ng kanilanga pagsilang.
Mabuti pa kundi kami na nilikha.
Ama, Ina kayo’y kasumpa-sumpa!
Ngunit si Kristo’y maamong Kordero sa katayan At
walang namutawi sa kanyang labi kundi panalangin.
Paulit-ulit na pananalangin.
“Diyos ko aking Ama, Lampara sa’king mga paa”
CENTURION (looking up and taunting Jesus on the Cross) Sino ang gigiba ng templo at itatayo sa
loob ng tatlong araw?....ha…ha…ha…Bakit hindi mo gibain ang iyong krus? Biyakin
mo ang kahoy at tunawin mo ang iyong pako! Ipakita mo sa amin ang iyong
kapangyariha, Jesus ng Nazareth.

MGA TAO oo nga Hari ng Israel, bumaba ka at ng kami’y maniwala!

ANNAS Siya raw ang Mesias…Ang Hari ng Israel?!...Ang Anak ni David…At higit pa raw kay
Solomon…

KAIPAS Nasaan ang iyong mga kahambugan? Iniligtas mo ang iba, ngunit hindi mo mailigtas
ang iyong sarili1 Hala….matabil ang dila! Gamutin mo ang iyong mga sugat!!!! Kung
ikaw ay anak ng Diyos! Pumanaog ka sa krus na iyan!
(music sets, PAANO MAMAMATAY ANG DIYOS)

HESUS Ama ko, patawarin mo sila! Hindi nila alam ang kanilang ginagawa.
KORO Poon ko…ang unang salita mo.
Inilaan sa mga kaaway
Mamamatay ka na lang ay sukat pang naglaan
Ng pag-ibig at pagpapatawad sa dapat ay kamuhian.

MARIA (looking up to Christ) Hesus…Aking anak…. Naririto ako…..ang iyong Inang umiibig sa
iyo…. Mahapdi pa ang kirot Mahal Ko…. Ngunit iyan ay mapapawi rin….

MAGDALENA Naririto rin ako… Banal na Hesus… Ang makasalanang sumasamba sa iyo…
Nakaluhod ako sa iiyong paanang minsan ay hinugasan ko ng aking mga luha.
Hahagkan ko ang paa mo ng marahan….upang huwag masaktan ang iyong mga
sugat….(Kisses Jesus feet gently)

HUWAN Hesus…….Panginoon……Narito ako…..ang kaibigang nagmamahal sa iyo aming


guro… Tumakas kami…Patawad, iniwan ka naming sa gitna ng panganib at
kasawian..
BRNIKA O! Malasin ninyo siya… Mayroon pa bang hihigit ng pagpapakasakit ng tulad ng sa
kanya! Ang Panginoon at Hari at Kristo ng Israel! …Ipinako sa krus na animo’y isang
karaniwang magnanakaw!

HESTAS Magsitigil kayo riyan!.....Hindi pa ba sapat ang paghihirap namin? Bakit dinaragdagan
pa ng inyong mga panaghoy…(to Christ) Sabihin mong magsitigil na sila!

DIMAS Huwag mo siyang gambalain Hestas. Siya’y mabuting tao. Ikaw at ako ang humanap
ng parusang ito…. Nilabag natin ang batas kaya tayo nagkaganito… Nguni’t ang
kawawang lalaking ito’y walang ginawang anuman….(Whimpering) Diyos!!!!!
Pinupulikat ang aking mga binti….

HESTAS (looking at Christ) (mockingly) Ha1 SI Kristong Hari! …Tingnan mo ang iyong sarili!!!!
Tingnan mo ang nangyari sa’yo….patawarin daw ang mga kaaway! Kung ako man ay
makakawal ay uutasin ko silang lahat! At ikaw ang uunahin ko, palalong karpintero!

DIMAS (to Hestas) Marahil ay nasisiraan siya ng bait Hestas….hayaan mo na siya….. hayaan
mong isipin niyang siya ang anak ng Diyos…..kung iyon ang makakaaliw sa kanya….
(to Christ, trying to humor him) Hindi ka naman tunay na baliw….kaibigan? hindi ba?
Ang lahat ng ito’y isa lamang masamang panaginip. Sa gitna ng kaluwalhatian…..at
magugulat silang lahat…..
MGA TAO Batuhin ang mga magnanakaw…Batuhin!

SNDLO Huwag hayaan nyo sila!

HESTAS Ha!....Isa ka pang baliw Dimas…………(Christ look at Dimas ang smile)

DIMAS AYAn! Tingnan mo! Nangingiti siya! Sinabi ko na sa iyo Hestas…Ibig niyang masabing
siya’y Anak ng Diyos…..(still humoring him) Kaibigan, huwag mo akong
kalilimutan….Pag-akyat mo s aiyong kaharian…isama mo ako!

HESUS (looks at Dimas) Tunay….at katotohanang sinasabi ko sa iyo…Ngayong araw na


it’oy…..Makakapiling kita sa paraiso……
(music….chord- SEGUE TO REMOSE>>>>UNDER FOR)

KORO Isang magnanakaw, pinangakuan ng paraiso! Ano pa kayang higit na patunay. Na naparito ka upang
sagiping kaming makasalanan…
DIMAS (after an antonished paused and in a change tone)… Hindi…..Hindi ka baliw…Ikaw
ay….Ah….Hindi ko malaman kung ano ka1 Huwag mo akong titigan ng
ganyan….Naging masama ako….hindi mo alam kung gaano kasama! Hindi…
Ngunit,O!...Alam mo! Nababatid mo ang lahat1 Huwag mo akong iwan
Panginoon…..Patawarin mo ako1 Patawarin mo ako……Patawarin mo ako sa aking
mga pagkakasala…..Panginoon…..(exhausted emotionally…he hangs his head)
SNDLO1 (Noticing the sky) Ano bang nagyayari sa panahon? Nagdidilim yata….tila ibig
umulan….

SNDLO2 Mabuti ngang umulan…..napakainit…..walang kahangin-hangin…

SNDLO3 Ano kaya…Patay nab a ang Nazareno? A..! Hindi pa! Ngunit walang imik…pati si
Hestas at Dimas!!!

SNDLO1 Kung gayon, tingnan natin kung uubra sila ditto… (hahagupitin ang tatlo)

MAGDALENA JUAN….JUAN…..dahil lamang kaya sa pagdidilim…O talagang nagbabago ang ayos


ng mukha ng Panginoon…?

HUWAN Napapansin ko rin…..Nabago na ang kanyang mukha…

MARIA Ang aking anak….ay naghihirap…(to Jesus) Anak ko……tulutan mo rin akong
mamatay na kasama mo…..

MAGDALENA Ang buong mundo ay naghihirap! Patungo siya sa dilim….at dala niya ang sikat ng
araw…..Siya’y malayo na….napakalayo na upang maabot ng aking tinig….

BRNIKA Sh-sh-sh-sh, huwag kayong maingay, ibig niyang magsalita….

HESUS Babae, masdan mo ang iyong anak….Anak, masdan mo ang iyong ina..

MARIA Anak ko…Anong ibig sabihin ng aking bunso!

HESUS Hayaan mong si juan ang maging anak mo ngayon…Huwan…siya na ngayon ang
iyong ina….

HUWAN Oo, Panginoon….Ako ang kakandili sa kanya….Aking ipinapangako sa iyo..

MARIA At mamahalin ko siyang katulad ng tunay kong anak..

KORO Panginoon, sa salita mong iyan.


Inihahabilin sa isa’t isa
Ang ina at lagad
Ginawa mo rin si Maria bilang Ina naming lahat.

(Music set, paano mamamatay ang diyos b))

HESUS Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan…


TAO1 Tinatawag niya si Elias.

TAO2 Tingnan natin kung siya’y sasagipin ni Elias.

KORO Poon ko, walang Elias na sasagip sa ito..


At ditto sa kalbaryo, ang Diyos na wari’y nagtago.
Ngayon ay tunay ngang masasabi.
Na walang sakit ang tao.
Na di muna dinanas ni Kristo.

HESUS Ako’y nauuhaw.

HUWAN Patawad Panginoon, wala akong magawang anuman..

(soldiers will give drink to Jesus)

KORO Huwan, hindi tubig ang kanyang kailangan.


Kundi, pag-ibig! Pag-ibig ng tao.
Na tuwirang nagtaksil at nagkanulo.

(music sets – magiging kagalakan ang kalungkutan)

BRNIKA Hirap na hirap na siya! Hindi ko maipaliwanag, sa ganito siya


hahangga.
MAGDALENA Ang Panginoon….Ang Panginoon….Naghihingalo ang Panginoon…

HESUS Naganap na..

KORO Tapos na ang kanyang tungkulin


Ginawa na nga ang loobin ng Diyos Ama.
Na tao’y tutubusin.

HESUS AMA Ko!

MARIA Aking anak….Aking bunso…

HUWAN Panginoon!!!!!....Panginoon…..

HESUS Sa iyong mga kamay……

KORO Wag po………

HESUS Inihahabilin ko…….

KORO Wag pooooooooooooooooooooooo……….!!!!!!!!

HESUS Ang aking kaluluwa…..


KORO Poon Kong Aking Ama, Lampara sa’king mga Paa..

(Sounds- Lightning and thunder)

SNDLO Tunay nga ang taong ito’y Anak ng Diyos…


(PIETA….MUSIC)

-THE END

You might also like