Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ALAMAT NG BAHAGHARI

Noong unang panahon may mag-asawang Manobo na naninirahan sa baybayin ng mga Isla ng
Saranggani.Bagama’t maginhawa ang kabuhayan, malungkot ang mag-asawa sapagkat hindi sila
biniyayaan ng ng kahit na isang anak man lamang.Lahat ng uri ng mga halamang gamut na
ipinayo sa kanila ay walang naidulot na mabuting epekto. Ito ang dahilan kung kaya malungkot
na malungkot ang dalawa.
Sumangguni sila sa mga nakakatanda na nagpapayong. “Kung hindi magamot ng tao, diyos ang
balingan ninyo.”
Nagpasyang makipagkita kay Walian ang mag-asawa. Ang Esperatista ay nagdasal upang ihatid
ng Diwata ng pagdadalantao ang kanilang kahilingan. Ilang buwan lang ang nakaraan ay
tuwang-tuwa nang ibalita ng babae sa asawa na siya buntis na. Nagpasalamat ang mag-asawa
kay Bathala sa magandang handog sa kanila.
Isang malusog na sanggol na babae ang naging supling nila na pinangalanang Blunto. Lumaking
napakaganda nito. Ipinagkapupuri ng mga tribung Manobo ang angking kariktan ni Blunto.
Bukod sa ganda,masipag na masipag din ang dalagita. Tinamnan niya ng makukulay na bulaklak
ang paligid ng bahay nila. Magaganda ang lumaking mga rosas,ilang-ilang at kamya.
Nakakatawag pansin ang bugambilya, santan at ehampaea. Nakakabighani rin ang rosal, dama
de noehe at orkidya.
Parang may magneto ang mga kamay niya. Bawat halamagng madiligan ay pinamumulaklakan.
Bawat bulaklak na bumubukadkad ay kinagigiliwan. Lagi nang nagpapasalamat si Blunto sa
Araw at Buwan sapagtanglaw nila sa mga bulaklak dumilim man o lumiwanag.
Isang gabi, habang pinanonood ni Blunto ang marahang pamumukadkad ng mga bulaklak ay
nagulat siya sa isang parang panaginip na mabanaagan niya mula sa dagat-dagatan. Hindi siya
nagkakamali. Isang makisig na binata ang sakay ng isang puting kabayong lumilipad sa alapaap.
Hindi alam ni Bluto na ang Araw at Buwang pinasalamatan niya ay ang Hari at Reyna ng
Kaitaasan ay natanaw siyang namimintana sa kanilang tinitirahan. Alam nilang mabuti ang
kalooban ni Blunto na angkop na makilala ng kaisa-isa nilang anak. Iyon ang dahilan kaya parang
panaginip na ipinatanaw nila sa dalagita ang katauhan ng anak nila.
Maya-maya pa ay biglang naglaho ang papalapit na sanang binata. Kinaumagahan, iniisip-isip ni
Blunto kung panaginip nga lang ba ang nakita niyang makisisig na binata, at puting kabayong
lumilipad sa alapaap?
Isang umagang nagdidilig ng bulaklak si Blunto ay binulaga siya ng isang tinig. Paglingon niya ay
hindi siya makapaniwala. Ang lalaking makisig sa kaniyang panaginip ang kaharap niya.
Nakikiusap itong makikiinom sa matinding uhaw sa pamamasyal. Hindi na inusisa pa ng dalaga
kung saan galing ang kausap niya. Para sa kaniya, sapat nang masaya siya habang kinakausap ng
bisita.
Nakipagkilala ang makisig na binata. Sinabi nitong saisang napakalayong lugar siya nakatira na
mahirappuntahan ninuman. Naging pala-isipan kay Blunto ang misteryong binata. Hindi na niya
itinatanong kung ito nga ba yung binatang nakasakay sa putting kabayong lumilipad sa alapaap.
Sapagkat nahihiya naman siyang sundan at tingnan kung nasaan ang may pakpak na kabayo,
nakuntento na siyang nakita niya ang maamong mukha at nangungusap na mga mata ng isang
binatang taos pus0ng iibigin niya.
Laging hinihintay ni Blunto ang paglubog ng araw. Nangangahulugan kasi itong maari nmang
maligaw sa hardin ang makisig at mabait na binatang tinitingala niya.
Hindi nagkamali ng sapantahaang dalagita. Tuwing hapon nga ay dinadalaw siya ng panauhin
niya. Lubos na napagsino ni Blunto ang kabaitan at katapangan ng binate. Ang makisig na
panauhin ay nabighani rin sa kagandahan ni Blunto. Bukod sa panlabas na anyo, ang binata ay
humanga sa natural na pag-uugali ng dalagita. Matapat at simpleng-simple lang ang mga gawi
nito.
Mapagkakatiwalaan mo sa Blunto. Naniniwala ang makisig na binata na hindi panlabas na anyo
ang dapat maging husgahan ng isang pagmamahal. Kailangan may katuwaan ka sa puso kapag
kasama mo ang dalagang pakakasalan mo. Kailangang iisa ang tinatanaw ninyong pangarap.
Kailangang gusto mo siyamg makasama sa buhay at kamatayan.
Pero bata pa si Bluto upang tumanggap ng seryosong pakikipag-ibigan. Sapagkat wagas ang
pagmamahal, matagal ding naghintay ang binata.
Ilang taon din ang binilang ni Bluto ang pag-ibig ng binate.
Nang sagutin siya ng matamis na oo ay ipinagtapat ng misteryosong ginoo ang kanyang tunay
na katauhan.
“Blunto, mahal ko, gusto kong malaman mo kung sino talaga ako.”
Sinabi ng binata na anak siya ng Haring Araw at Reyna Buwan. Na bumaba sa lupang sakay ng
kabayong my puting pakpak mula kaitaasan. Na ipinadala siya ng mga magulang upang ipasabi
sa dalagang nakarating sa kanila ang mga dasal at pasasalamat na siyang dahilan upang ang
mga tanim niya ay mag-usbong at mamulaklak. Na natutuwa ang mga magulang niya sa
pagkakaroon ng isang nilalang sa daigdig na may busilak na kaloobang hindi mapapantayan ng
anumang kayamanan.
Binanggit din ng binata na alam ng mgA magulang niya ang damdamin nito sa dalaga. Na siya
ay numiibig nang wagas kay Blunto. Na ipagsasama niya ang dalaga upang pakasalan sa
kanilang kaharian sa kaitaasan.
Nang pituhan ng binate ang putting kabayo na nagkakanlong sa mga puno ay naniwala na si
Blunto sa sinasabi ng binata. Totoo nga palang may puting pakpak ang kabayo na katulad sa
panaginip na nabanaagan niya maraming taon na ang nakaraan.
“Hindi panaginip ang nakita mo, mahal ko. Ako yon na nagpakita sa iyo mula sa alapaap sa
ibabaw ng dagat!”
Sapagkat matagal nang minahal ni Blunto ang misteryong mangingibig ay pinakiusapan niya
itong ipagpaalam siya sa mga magulang.
Sapagkat parang kabubukadkad pa lang na bulaklak si Blunto kaya tumutol ang mga magulang
niya sa pag-papaalam. Ayaw mawalay ng mga magulang sa nag-iisa nilang anak.
Nagtangkang magtanan ang magsing-irong pero nahuli sila. Lalo tuloy hinigpitan ang dalaga.
Bilang parusa ikinulog si Blunto sa bahay nila at itinaboy angmisteryong binata. Sa sobrang
kalungkutan, ang dalaga nagkasakit. Lubos na nag-aalala ang kasintahan niya. Kahit anong sibat
ang iharang ay nagmamakaawa pa rin itong dalawin ang kasintahan. Sa pagpupumilit ng binata
ay naawa ang mga magulang ni Blunto. Ibinase nila ang pagpapalaya sa anak sa matapat na pag-
ibig ng binata. Sa takot nab aka magkasakit na muli ang kaisa-isang anak ay pumayag na silang
iuwi ng binata sa kaharian ng Araw at Buwan ang kaisa-isa nilang anak na pinakamamahal.
Nanindigan ang mga magulang ni Blunto na kailangan munang maikasal sa lupa ang dalawa
bago umalis papuntang kaitaasan.
Simple subalit makabagbag-damdamin qng idinaos na kasalan. Magkahalong lungkot at saya
ang nadama ng mga magulang ni Blunto. Saya na may makakatuwang na sa hirap at ginhawa
ang anak nila. Lungkot, sapagkat mailayo na ang tanging anak na pinanggagalingan ng kanilang
katuwaan saaraw-araw.
Pagkatapus na pagkatapos ng seremonya ay nagpaalam na ang mga bagong kasal. Sakay ng
putting kabayong maglilipad sa kanila sa kaitaasan, dala-dala nila ang mga makukulay na
bulaklak na pararamihin nila sa kaitaasan.

“Ama, Ina,”luhaang pagpapaalam ni Blunto,“kung malulungkot po kayo ay tumingin kayo sa


kalangitan at tiyak makikita ninyo ang mga bulaklak na tanim ko. Kapag nakita ninyo ang
makukulay na arko ng mga bulaklak ay tiyak na naroroon ako at tinatanaw ko kayo.”
Mahigpit na niyakap ng mga magulang ang kaisa-isang anak at matapat na kinamayanang
manugang nila. Sa isang kisap mata ay nasa kalawakan na ang mga bagong kasal na kumakaway
sa mga Manobong nagsisipagbunyi.
Ilang araw lang ang lumipas ay malungkot na ang ama at ina ni Blunto. Subalit tulad ng pangako
ng anak ay natatanaw nga naman sa kaitaasan ang arko ng mga bulaklak na sa lupa ay parang
makulay na bahag ng Hari. Bagama’t pinanginginigan ang mga labi ng malungkutan ay
mapapasin din naman ang katuwaan sa mga mukha ng mga magulang. Habang tumatagal ay
lalong lalong nagiging makulay amg bahaghari ng kalikasan.

You might also like