Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bilang pangatlong pinakamalaking bansa sa buong mundo (sa kabuuang sukat), ang paysahe at

mga tanawin sa Estados Unidos ay magkakaiba: lupang kakahuyang katamtaman (temperate forest)
sa Silangang baybayin, bakawan sa Florida, ang Malaking Kapatagan sa gitang bahagi ng bansa,
ang sistemang Ilog Mississippi-Missouri, ang Great Lakes na parte rin ng sa Canada, Rockies na
nasa kanluran ng kapatagan, ilang disyerto at sonang katamtaman sa baybaying kanluran ng
Rockies, at mga kagubatang katamtaman (temperate rainforest) sa bahaging Pasipiko ng Hilagang-
Kanluran. Dagdag paysahe din ang Alaska at mga mabulkang pulo ng Hawaii.
Ang klima ay iba-iba rin: tropikal sa Hawaii at timog Florida, at tundra naman sa Alaska at sa mga
tuktok ng matataas na bundok (pati ng Hawaii). Karamihan sa mga bahaging Hilaga at Silangan ay
dumaranas ng klimang kontinental-katamtaman, may mainit na tag-araw at malamig na taglamig.
Ang timog bahagi ng bansa naman ay dumaranas ng subtropikal na klimang umedo na may
katamtamang taglamig at mahahaba at umedong tag-araw.

You might also like