Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ARALIN 1

KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO


Layunin:

 Malaman ang mahalagang pangyayaring naganap sa kasaysayan ng wikang


Filipino.
 Makita ang kahalagahan ng wikang Pambansa sa hamon ng globalisasyon at
global nap ag-unlad.
 Mabatid ang mga kasalukuyang kinahaharap na isyung panlipuanan kaugnay
ng wikang Pambansa.

FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Ang wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan at


ginagamit ito sa pamahalaan at pakikipag-ugnayan sa mga pambansang pamahalaan at
ginagamit ito sa pamahalaan at pakikipag-ugnayan sa mga mamamayang kanyang sakop.

Kaugnay nito, bilang isang multilinggwal na bansa tulad ng Pilipinas, kinakailangan


ng wikang pambansa na magiging tulay na wika sa pakikipag-uugnayan ng iba’t ibang
pangkat-etniko sa kapuluan na may kani-kanilang katutubong wikang ginagamit.

ANG WIKANG FILIPINO

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang wikang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga
wika ng Pilipinas at mga ‘di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang sanligang
sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at interdisplinaryo at intelektwal na
pagpapahayag.

MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

 Seksyon 3, Artikulo XIV Saligang Batas 1935


Nagtatadhana na ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansang batay sa isa sa
mga umiiral na katutubong wika.
 1936 OKT. 27
Sa mensahe ng Pang. Quezon itinagubilin niya ang paglikha ng isang surian ng
wikang pambansa na gagawa ng isang pag-aaral; ng mga wikang katutubo sa
Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang
pambansang wikang panlahat na batay sa isa sa mga wika natin.
 1936 NOB. 13
Pinagtibay ng kongreso ang Batas Komonwelt blg. 184 na nagtatatag ng isang
Pambansang Surian at nagtatakda ng mga kapangyarihan at tungkulin nito.
Kaugnay nito ang surian ay inaatasang gumawa ng isang pag-aaral at
pagsusuri ng bawat isa sa mga pangunahing wikang Pilipino na sa
kasalukuya’y sinasalita ng ‘di kukulangin sa kalahating milyong mamamayan.
Gayundin itinatadhana ng batas na sa gagawing pagpili, ang dapat hirangin ng
surian ay ang wikang higit na maunlad sa kanyang pagkakabuo, mekanismo
at panitikan na tinatanggap at ginagamit ng lalong malaking bilang ng mga
Pilipino.

 1937 ENERO 12
Hinirang ni pang. Quezon ang mga kagawad na bubuo sa surian ng wikang
Pambansa.
Gaya ng itinadhana ng seksyon1 ng batas komonwelt blg.184 ayon sa
pagkakasusog ng Batas Komonwelt blg. 333 ang mga nahirang ay ang mga
sumusunod:
Jaime c. De Veyra (Bisayang Samar-Leyte)----------------Tagapangulo
Santigao A. Fonancier (Ilukano) ----------------------------Kagawad
Filemon Sotto (Cebu)------------------------------------------Kagawad
Casimiro F. Perfecto (Bikol)----------------------------------Kagawad
Felix S. Salas Rodriquea (Panay)----------------------------Kagawad
Hadji Buto (Muslim)-------------------------------------------Kagawad
Cecilio Lopez (Tagalog)---------------------------------------Kagawad, kalihim

 SALIGANG BATAS, SEKSYON 3, ARTIKULO XIV, BLG. 184 NG KOMONWELT


Ang wikang taglog ang siyang napili ng maging batayan ng wikang pambansa
at sinimulang ituro noong ika-19 ng hunyo 1940. Ipinag-utos naman ang
kapasyahang nag-uutos sa lahat ng paaralan na sa halip na Tagalog ang
itawag ay gamitin ang wikang pambansa sa pagtukoy sa pagtuturo ng wikang
nabanggit na pinagtibay ng noong ika-25 ng Hunyo, 1949.
 1937 DIS.30
Opisyal na Ipinahayag ni pang. Quezon na ang wikang pambansa ay batay sa
wikang Tagalog. Dahil ito ang rekomendado agad kahit ng committee on
official language ng kumbesnyong konstitusyonal. Batay rin ito sa
mungkahi ng mga eksperto gaya ni Najib Mitry saleeby na nagsabi
noong 1924 na nakahihigit ang tagalog sa ibang wikang katutubo bunga
ng mga sumusunod na dahilan: (1) Isa itong katutubong wika sa
Pilipinas (2) Sinasalita ng higit na nakararaming Pilipino (3) May
mayamang panitikan (4) Ginagamit sa sentro kalakalan (5) May
historical na kahalagahan.
 1940 ABRIL 1
Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 ay binigyang pahintulot ang
pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang gramatika ng wikang
Pambansa at itinakda mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimula nang ituro ang
wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaaralan sa buong bansa.

 1940 HUNYO 7
Pinagtibay ang Batas Komonwelt blg. 570 na nagtatadhana bukod sa iba pa,
na ang pambansang wikang Pilipino ay magiging isa sa mga wikang opisyal
ng Pilipinas simula Hulyo 4, 1946.
Ang wikang opisyal ay ang wika ng itinadhana ng batas na maging wika sa
opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ito ang wikang dapat gamitin sa
anomang uri ng komunikasyon lalo na sa anyong nakasulat sa loob at labas ng
alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.
Bakit nagtatadhana bukod sa iba pa? Dahil sa 1935 Konstitusyon, itinadhana
na Ingles at Espanyol ang wikang opisyal habang hinihintay ang pagkabuo ng
isang wikang Pambansa.
 1954 MARSO 26
Nilagdaan ang proklamasyon blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng
linggo ng wikang Pambansa mula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon.
 1955 SETYEMBRE 23
Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang proklamasyon blg. 186 na
nagsusuog sa proklamasyon blg. 12 ng 1954 na naglilipat ng pagdiriwang ng
linggo ng wika mula sa Agotos 13-19 kung saan, nakapaloob ang pagdiriwang
ng kaarawan ni Pang. Quezon na kinikilala bilang Ama ng wikang Pambansa.
Noong, Hulyo 29, 1971 pinalabas naman ng kalihim tagapagpaganap Alejandro
Melchor ang memorandum Sirkular blg. 488 na nagbibigay-diin sa
proklamasyon blg. 186, serye 1955 na nag-aatas sa lahat ng pagdiriwang ng
palatuntunan sa pagdiriwang ng linggo ng wikang Pambansa.
 1959 AGOSTO 13
Pinalabas ni Kalihim Jose E. Romero ng DEPED ang Kautusang Pangkagawaran blg.7
na nagsasaad na tatawaging Pilipino ang wikang Pambansa.
 1987 Konstitusyon Artikulo XIV Sek. 6
Tinawag na Filipino ang wikang pambansa na nagsusulong ng bagong mithiin dahil sa
Akusasyon ng purism noong dekada 60 laban sa wikang pambansang Pilipino dahil
ang pangalan mismo ay patunay na Tagalog pa rin ito. Dahil ang Pilipino ay nakabatay
sa naging bigkas at baybay sa Pilipnas alinsunod sa abakadang Tagalog na may 20
titik at walang /F/ kaya lahat ng salitang hiniram na Espanyol na may tunog /F/ ay
nging tunog titik /P/. Tulad ng “farol-parol”, “forma-porma” atbp. Samakatuwid, nais
ihiwalay ang wikang pambansa sa batik ng wikang Tagalog at upang masaklaw ng
wikang Pambansa nag lahat ng mga wika (185 wika) sa buong bansa.

PAG-ISIPAN:

BAKIT HINDI BUMUO NG WIKANG PAMBANSA SA PAMAMAGITAN NG HALO-HALONG MGA


WIKANG KATUTUBO SA PILIPINAS?

 1967 OKT. 24
Nilagdaan ni Pang. Marcos ang kautusang memorandum sirkular blg. 172 na
nagtatakda na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalaan ay nararapat na nasusulat sa Pilipino. Dagdag pa rito
noong ika-6 ng Agosto nilagdaan din ni Pang. Marcos ang kautusang
tagapagpaganap blg.187 na nag-aatas na gamitin hanggat maaari sa lahat ng
kagawaran, kawanihan at iba pang sangay ng pamahalaan ang wikang Pilipino
sa linggo ng wika at gayundin pagkaraan nito sa lahat ng komunikasyon at
transaksyon ng pamahalaan.

 1979
Nilagdaan ng ministri ng edukasyon at kultura ang ang kautusang pangministri
blg. 74 na nagtatakda sa mga mag-aaral sa mga kolehiyo at pamantasan sa
Pilipinas ay kailangang makakuha at maipasa ang anim (6) na yunit ng Filipino
upang makatupad sa mga pangangailangan sa pagtatapos sa anumang kurso.

TANDAAN:

 Epektibong nagagamit ang wika bilang midyum sa pakikipag-usap at pakikipag-


ugnayan ng tao sa kanyang kapwa kaya maituturing nap ag-aari ng tao ang wika at
hindi ang wika ang nagmamay-ari sa tao dahil nasa tao ang paraan kung paano ito
gagamitin, sa anumang paraan maging sa mabuti o masama.
 Ang pagtatakda ng landas ng ebolusyon ng wikang pambansa mula Tagalog, tungong
Pilipino hanggang Filipino ay patunay na kinikilala natin ang konsentrikong pag-
unlad ng wikang pambansa.
 Ang kultura, kasaysayan at wika ay laging magkabuhol at magkaanib na matibay na
pwersang panloob na pundasyon tungo sa pambansang pag-unlad.
ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
Basahin ang isang posisyong papel ng Habi Collective at gawin ang pagpapalalim sa ibaba.

HABI COLLECTIVE Position Paper: Sulong Wikang Filipino

Ang Habi Collective Media ay isang grupong gumagawa ng mga dokyumentaryo't


awdyo-biswal na produksyon. Ang pinakatampok nilang likha ay ang
dokyumentaryong "Walang Rape sa Bontok" na nagwagi bilang Pinakamahusay na
Dokyumentaryo sa 38th Gawad Urian noong 2015.

------------------------------------------

May banta o panganib na tanggalin ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang core subject sa
mga pamantasan at kolehiyo. Sinabi ni Propesor Bomen Guillermo sa panayam sa kanya ni
Propesor Det Neri: kapag natuloy, ito ang papatay sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino.
Lubos ang pagsang-ayon namin sa kanyang tinuran, kaya naman kaisa kami sa panawagang
panatilihin at palawigin ang Filipino bilang core subject sa lahat ng pamantasan at kolehiyo
sa buong bansa. Nakikita namin ang kahalagahan ng intelektwal na pag-aaral, pagsusuri at
paggamit ng Filipino at mga wikang Pilipinas -- sapagkat napakarami na naming karanasan
bilang isang media production team, na pawang nakalulungkot at nagpapatunay na unti-
unting napapabayaan at nililimot ang wikang Filipino.

At hindi katanggap-tanggap na limutin ang ating wika!

Makabagong Pananaw

Sabi ng isa naming kaibigang matagal nang naninirahan sa ibayong-dagat, ayos lamang
para sa kanya ang pagtatanggal ng Filipino bilang core subject sa kolehiyo. "Bakit kailangan
pang aralin sa college eh lagi mo na ngang ginagamit? At saka hindi na dapat ginagamit
'yung mga makalumang salita. Sabi nga di ba, dynamic ang wika, kaya dapat matuto tayong
makibagay, para kaisa natin ang mundo."

May panganib sa ganitong pananaw, sapagkat kapag nilimot ang mga makalumang salita
(lalo na kapag tumigil ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino), mawawalan tayo ng
tulay pabalik sa ating matatandang kaugalian -- magagandang kaugalian.

Wika Bilang Salamin ng Identidad (at Mapa ng Prayoridad)

Sinasabing sa wika matutukoy kung gaano umiikot ang buhay ng bansa sa isang konsepto.
Halimbawa, sa mga Sami ng Scandinavia at Russia, mahigit 150 ang salita nila para sa
"snow", at sa mga Eskimo ng North America naman, mahigit 50.
Gayun din naman, tayo ay may iba't ibang salita para sa "rice". Rice with husk ay palay.
Unhusked rice ay bigas. Steamed rice ay kanin. Burnt rice ay tutong. Cold rice ay bahaw.
Popped young rice ay pinipig. Tagalog pa lang iyan. Marami pang iba, sa iba pang mga wika
ng Pilipinas.

Sa madaling sabi, umiikot ang buhay ng Pilipino sa "rice", kaya marami tayong salita para
rito.

Ano ang praktikal na maidudulot ng kaalamang ito? Mas gaganahan tayong


himukin/kalampagin ang gobyerno sa paglikha ng mas maraming programa para sa mga
magsasaka natin, sapagkat sila ang pangunahing tagapagpunla ng napakahalagang "rice"!
Priority dapat ito!

Marami rin tayong salita para sa "imagination", "dreaming" at "creative thinking". Nariyan
ang haraya, hiraya, pangarap, panaginip, guni-guni, gunam-gunam, diwa, isip, at marami
pang iba. Malalim ang pagpapahalaga ng Pilipino sa paglalakbay ng diwa. Kaya, hindi
kataka-takang maraming Pilipino ang nasa larangan ng sining. Mahusay at malikhain din
ang ating mga siyentista!

Muli, ang praktikal na maidudulot: batay sa kaalamang ito, maaari nating rebesahin ang
ating kurikulum upang bigyan ng higit pang pokus ang malayang pag-iisip kaysa sa
pagsasaulo ng mga bagay na nakakulong sa libro, dahil nga, mas magaling ang Pilipino kung
nakalilipad nang malaya ang kanyang kaisipan.

Wika Bilang Balon ng Asal

Sa pagsasaliksik namin para sa dokyumentaryong "Walang Rape sa Bontok", napagtanto


naming nakararami sa mga salitang Filipino ay "gender-neutral" -- hindi mahalaga kung
babae man o lalaki ang tinutukoy. Halimbawa, "siya" imbis na "she" o "he" sa Inggles.
"Kanya" imbis na "his" or "hers" sa Inggles. "Ang" imbis na "el" o "la" sa Espanyol. Sa
Tagalog pa lamang ito; liban pa ang mga wika sa buong kapuluan na may gender-neutral
terms din.

Malaking kaibahan ito sa mga wika halimbawa sa Europa, na karamihan ay gendered.


Maging ang mga konsepto ng ‘lupa’, ‘kalayaan’, ‘daigdig’, ‘bansa’, ‘kapatiran’ at iba pa ay
gendered din sa kanila.

Wika ang nagtutulay pabalik sa ating matandang kaugalian: MATAGAL NANG GENDER-
SENSITIVE ANG ATING MGA PAMAYANAN, lalong-lalo na noong hindi pa tayo nasasakop
ng mga banyaga.

Sa mga Pilipinong nagsasabing "Nakakalungkot maging Pilipino, wala man lang tayong
ambag sa sibilisasyon, ‘di tulad ng mga Intsik na nag-ambag ng papel, mga Ehipto na nag-
ambag ng piramedes, mga Griyego na nag-ambag ng demokrasya..." ito ang sagot namin:
WIKA ANG MAGSASABING ANG MAAARING I-AMBAG NG PILIPINO SA KABIHASNAN NG
MUNDO AY ANG PANTAY NA PAGTINGIN SA MGA KASARIAN.

Pangwakas
Ang lahat ng ito ay napagtanto lamang namin dahil naging matindi at malalim ang aming
pag-aaral sa Filipino noong kami ay nasa pamantasan pa.

Bukod pa, malaking utang na loob namin sa Filipino General Education subjects ang pagiging
epektibo ng dokyumentaryong “Walang Rape sa Bontok”. Sa mga subjects na ito nagmula
ang matibay na pundasyong konseptwal na naipaloob namin sa aming pelikula.

Hindi dapat alisin ang Filipino at mga wikang Pilipinas bilang core subjects sa kolehiyo. Sa
halip, dapat pa nga itong patuloy na pagyamanin at pag-aralan nang malalim... sa buong
buhay natin bilang Pilipino.

Nakasalalay ang tunay at maalab na "Filipino pride" sa lalim at tindi ng pagkakakilala natin
sa ating sariling mga wika.

TANDAAN:
 Sa mas mataas na antas ng edukasyon nagaganap ang intelektuwalisasyon ng wika
na kailangan para lubusang magamit ang wikang ito sa lahat ng antas at disiplina.
 Wikang Filipino ang kailangan ng mga Filipino upang lubos na makilala ang kanilang
sarili at pagkakakilanlan nang hindi tuluyang madala sa mabilis na agos ng
globalisasyon.
 Sa pagsisikap ng CHEd na ihanda ang mga mamamayan sa globalisasyon, sa pag-
unlad, sa pakikipag-ugnayan sa mga bansa na malakas ang industriyalisasyon,
nakaligtaan ang pagmamahal at pagtangkilik sa sariling bayan. Sa pagpapatupad ng
CMO 20-S. 2013, higit na nanaisin ng mga Filipino na umalis ng bansa sapagkat
tanging ang kakayahan nila ang hinasa at hindi ang pagnanais na maglingkod sa
Inang bayan.

You might also like