sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan,
nakita kong ang maraming taon noon kahirapan;
sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw nakita kong ang maraming taon noon namamanglaw, at ang sabi,"itong piano'y sa iyo ko ibibigay
ang kubertos nating pilak ay kay itang maiwan,
mga silya't aparador sa kay titong ibibigay
sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.
Pinilit kong pasayahin ang lunkot ng kanyang mukha
tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa.
subalit sa aking mga mata'y may namuong mga luha
na hindi ko mapigilan at hindi ko masansala;
naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawaawa
tila kami'y iiwan na't may yari nang huling nasa
at sa halip na na magalak sa pamanang mapapala
sa puso ko'y dumalawa ang malungkot na gunita,
napiyak akong tila isang kaawaawang bata,t niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
Ang ibig ko sana nanay, kita,y aking pasayahin
at huwag ko nang makitangikaw'y malulungkot man din, O! Ina ko, ano ba ang naisipang pag hatiin ang lahat ng kayamanang naiwan mo sa amin? "wala naman"- yaong sagot ko,"baka ako'y tawagin ni Bathala, ang mabuti'y malaman mo ang habilin itong piyano,iyang silya't salamin pamana ko sa inyong bunsong ginigiliw...
"Ngunit Inang," ang sagot ko, "ang lahat ng kasangkapan
ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan ang ibig ko'y ikaw inang Hininhiling ko sa Diyos na ang pamana ko'y ikaw.
Aanhin ko ang piyano kapag ikaw ay namatay
ni hindi ko matugtug sa tabi ng iyong hukay ang ibig ko'y ikaw inang at mabuhay ka na lamang inililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman ni hindi ka maaaring mapantayan ng daigdigan ng lahat ng ginto rito pagkat ikaw, Oh! ina ko Ikaw'y wala pang kapantay. ANG PAGBABALIK
Ni: Jose Corazon De Jesus
Babahagya ko nang sa noo ay nahagkan,
sa mata ko'y luha ang nangag-unahan, isang siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan!... Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, nalulumbay ako't siya'y nalulumbay! Nang sa tarangkahan ako'y makabagtas, pasigaw ang sabing "Umuwi ka agad," ang sagot ko'y "Oo, hindi magluluwat...!" Nakangiti ako, luha'y nalalaglag! At ako'y nagtuloy, tinunton ang landas, na kabyak ang puso't naiwan ang kabyak...
Lubog na ang Araw, kalat na ang dilim
at ang Buwan nama'y ibig nang magningning; makaurasyon na noong aking datnin ang pinagsadya kong malayong lupain; k'wagong nasa kubo't mga ibong itim ang nagsisalubong sa aking pagdating!
Sa pinto ng nar'ong tahana'y kumatok,
ako'y pinatuloy ng magandang loob; kumain ng konti, natulog sa lungkot, na ang puso'y tila ayaw nang tumibok; ang kawikaan ko, pusong naglalagot, tumigil kung ako'y talaga nang tulog!
Nang kinabukasang magawak ang dilim,
Araw'y namintanang mata'y nagniningning, sinimulan ko na ang dapat kong gagawin: Ako'y nag-araro, naglinang, nagtanim, nang magdi-Disyembre, tanim sa kaingin, ay ginapas ko na't sa irog dadalhin!
At umuwi akong taglay ko ang lahat,
mga bungangkahoy at sansaknong bigas, bulaklak ng damo sa gilid ng landas ay sinisinop ko't panghandog sa liyag, nang ako'y umalis siya'y umiiyak, O! ngayon marahil siya'y magagalak!
At ako'y nagtulin, halos lakad-takbo!
Sa may dakong ami'y may'ron pang musiko, ang aming tahana'y masayang totoo at ang panauhin ay nagkakagulo! "Salamat sa Diyos!" ang naibigkas ko, "nalalaman nila na darating ako!"
Nguni, O! tadhana! Pinto nang mabuksan,
ako'y napapikit sa aking namasdan! apat na kandila ang nnangagbabantay sa paligid-ligid ng irog kong bangkay, mukhang nakangiti at nang aking hagkan ang parang sinabi'y..."Paalam! Paalam!"