Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mark Anthony D.

Del Sol
STEM 1109

Ano ang TRAIN law?

Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law ay isang batas na nagbabago sa
sistema ng ating buwis, o ang National Internal Revenue Code. Isa sa mga
pinaguusapang parte ng bagong batas ay ang pagbaba ng personal na buwis sa kita
para sa mga nagbabayad ng buwis.

Sa bagong sistema na ito, bawat tao na may kabuuang taunang kita na mas mababa pa
sa 250,000 piso ay hindi na kailangang magbayad ng buwis sa kita. Ang mga taong
kumikita ng lampas sa 250,000 piso ay mabubuwisan.

Ang dating estate tax na nasa 5 hanggang 32 porsyento, ngayon ay nasa flat rate na 6
na porsyento na lamang. And donor’s tax ay nasa flat rate na 6 na porsyento na lang
din.

May mga buwis na ibinaba ang TRAIN — pero tinaas ang iba

Pero, ang bagong batas ay hindi ginawa para lang ibaba ang mga buwis. Kahit na may
binabang mga buwis ang TRAIN, may mga tinaas din ang batas na ito.

Sa bagong sistema, ang mga interest rates galing ng ibang foreign currency deposits
(galing sa OFW, halimbawa) ay dodoble mula 7.5 porsyento hanggang 15 porsyento.

Pati mga napanalunang pera galing sa PCSO, dating walang buwis, ay mabubuwisan
na ng 20 porsyento kapag lampas 10,000 piso ang napanalunan.

Ang mga buwis sa gas at produktong petrolyo ay tataas din sa ilalim ng bagong batas.
Ang mga pagbabagong ito ay siya namang umani ng mga marahas na reaksyon galing
sa mga netizens.

Mahirap na buhay sa ilalim ng TRAIN

Isa ring kontrobersyal na pagbabago ay ang bagong buwis sa mga matamis na inumin
(kagaya ng softdrinks). Pinapatawan ng TRAIN Law ang mga inuming ito ng 6 na
pisong buwis bawat litro. Samantala, ang mga inuming may high fructose corn syrup ay
bubuwisan ng 12 piso bawat litro.
Ang mga pagbabagong ito ay nagdulot ng pagaalala ng mamamayang Pilipino, lalo na
ng mga magulang. Bakit? Dahil itinataas ng TRAIN law ang presyo ng mga bilihin. Ang
pagtaas ng presyo ng gasolina ay nagududulot ng pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin.
Pati ang pagpapataw ng beverage tax ay magtataas ng presyo ng mga karaniwang
inumin katulad ng juice, iced tea, at soft drinks.

Sa ngayon, ang mga ito’y spekulasyon pa lamang. Subalit ang pagtaas ng presyo ng
mga bilihin ay isang posibilidad. Mararamdaman na lang natin ang epekto ng bagong
batas na ito sa mga susunod na buwan. Sa ngayon, dapat nating tandaan ang
posibleng epekto nito sa ating mga pamilya at maging wais sa mga gastusin.

Isinulat sa Ingles ni Alwyn Batara.

Isinalin sa Tagalog ni Paul Amiel Salonga.

Source: Rappler

You might also like