Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Maituturing talagang iba ang katangian ni Dr. Jose Rizal sa ibang mga bayani.

Natatangi
ang paraang naisip niya upang maipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas. Sa kanyang murang pag-
iisip ay mulat na ang kanyang mga mata sa realidad ng buhay. At isa sa mga dahilan nito ay ang
kanyang ina na si Teodora Alonzo.

Si Teodora Alonzo ay ang unang guro ni Jose Rizal. Siya ang nagturo rito na magsulat at
magbasa. Ang lampara ang nagsisilbi nilang liwanag. Gaya ng ibang bata, ay napapagod din si
Jose. Isang gabi, isang kwento ang ibinahagi ng ina nito sa kanya.

Halos pamilyar ang lahat sa kwento ng isang batang gamu-gamo na gustong maglaro
malapit sa ningas ng kandila. Binigyan na ito ng babala ng inang gamu-gamo ngunit hindi ito
nagpatinag. Hanggang sa dumating na nga ang kanilang kinatatakutan, nang masunog ang
pakpak ng batang gamu-gamo. Sa babala ng ina, at pagsuway ng anak, ay nangyari na nga ang
trahedya.

Ang unang ipinaparating ng kwento ay huwag pamarisan ang batang gamu-gamo. Dapat
makinig sa mga pangaral upang hindi mapahamak. Ngunit, iba ang pananaw ng ating
pambansang bayani. Naging gabay niya ito upang maging matapang kahit gaano pa karami ang
mga balakid at banta sa kanyang buhay.

Isang simpleng kwento lamang ito ngunit naging gabay ni Jose Rizal sa pakikipaglaban
para sa kalayaan. Gaya ng batang gamu-gamo, naging matapang din siya upang makamtan ang
kanyang mithiin. Ang lahat ng ito'y parte ng kasaysayan. Ang katapangan sa ano mang
sitwasyon kung tama ang ipinaglalaban.

You might also like