Professional Documents
Culture Documents
Teoryang Romantisismo
Teoryang Romantisismo
a. Romantisismong tradisyunal
ito ay hindi dumarakila sa halagang pantao
b. Romantisismong rebolusyonaryo
lumulutang ang pagkamakasariling karakter ng isang tauhan
Mga Halimbawa:
“Pag-ibig” ni Jose Corazon de Jesus
“Pag-ibig” ni Teodoro Gener
“Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos
“Hiwaga” ni Cirio H. Panganiban
“ Sa Krus na Daan” ni Ruben Vega
TEORYANG REALISMO
- Ang Teoryang ng Realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Madalas din itong naka pokus sa
lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoriyang ito na maiugnay
ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.
- Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang
bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
Kalimitang paksain ang nauukol sa kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian,
prostitusyon at kawalan ng katarungan.
3. SIKOLOHIKAL NA REALISMO
- Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos
4. KRITIKAL NA REALISMO
- Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga aspektong may kapangitan at
panlulupig nito
5. SOSYALISTANG REALISMO
- Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring mabago tungo sa pagtatayo
ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis
TEORYANG EKSISTENSYALISMO
- Ito ay sumusuri sa katauhan ng tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala, gawi at paninindigan.
Samakatuwid binibigyang-diin dito ang personalidad ng tauhan at may layuning ipakita na may
kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili.
Katangian:
Walang sariling simulain
Maihahambing sa Romantisismo tunay na paraan ng pagpapahayag at ekspresyon
Maihahalintulad sa Modernismo pinipilit kalimutan ang kasaysayan at nakaraan
Maikukumpara sa Realismo Isinasantabi ang mga paksang ukol sa lipunan
Makipag – ugnayan sa mundo na may pansariling kapakanan
May kalayaan at hangaring awtentiko
Istrukturalismo
- ay nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maaari lamang mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas
malawak na istruktura---ang istruktura ng wika.
- Ang kahulugan ay nakapaloob sa sistema ng wika (ang tinatawag na langue) na nakadepende naman sa
aktwal na sinasabi o binigkas (ang parole.)
- Unang binuksan ang ganitong pananaw ng linguista na si Ferdinand de Saussure. Inimbento niya ang
konsepto ng pagiging arbitrary ng kahulugan ng salita---na walang isang salita na nakakatayo na
mayroong kahulugan.
- Ang kahulugan ay malilikha lamang sa relasyon ng salitang ito sa iba pang salita kung saan ito ay
napapabilang (meanings are relational). Nalilikha lamang kung ganoon ang kahulugan dahil sa
pagkakaiba (difference) ng salita sa iba pang salita.
Halimbawa nito ang kahulugan ng kulay na “pula” sa water dispenser: “pula”=mainit. Iba ito sa
“bughaw”=malamig. Itong pagkakaiba ang nagbigay sa pula ng kahulugan. Siempre pa kung ang kulay pula
ay makikita na hindi na bughaw ang katabi, mag-iiba ang kahulugan nito.
- Itinuring din ni Saussure ang wika bilang sistema ng senyas (sign) na binubuo ng tagasagisag
(signifier) at sinasagisag (signified).
- Ito ay isang uri ng teoryang pampanitikan kung saan ang karaniwang istraktura ng kwento ay hindi
sinusunod. Natural nitong pinadadaloy ang kamalayan at kaisipan ng isang tao at gayon din ang mga
pangyayaring hindi karaniwang pinag- uusapan.
- Lumilikha ito ng serye ng mga pangyayaring magkakaugnay subalit winawakasan naman ng mga hindi
sukat akalaing pangyayari. Salungat ito sa mga nakagawiang siklo na nakakahon.
Halimbawa, lagi nang ang bida ang mabuti at nangingibabaw sa wakas, at ang klontrabida naman ay
malakas subalit natatalo sa bandang huli.
- Ito rin ay may layuning ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan
kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may- akda na
sumulat kundi ang pinaghalu- halong pananaw na ang nais iparating ay kabuuan ng pagkatao at mundo.