Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Paghahanda sa Kalamidad

Ni: Louie Jay Lleno

TUWING mayroong mga napakikinggang ulat panahon sa mga


telebisyon at dyaryo, iisa agad ang dumadaing sa utak ng bawat isa—sakuna.
At tuwing mayroong paparating na bagyo, inaasahan ang kaakibat nitong
malakas na pag-ulan at malakas na hangin kasunod ng pagbaha ng
karamihan ng kalsada sa kamaynilaan at sa iba pang lugar na sakop ng
bagyo. Sa bawat mapakikinggang ulat panahon, mayroong kaakibat na mga
pagpapaalala sa dulo; mag-ingat, maghanda at maging alerto.

Dahil isa na ngayong ganap na bagyo ang namataan pa lamang na


sama ng panahon sa Dinagat Islands ng PAGASA noong nakaraan, ito ay
binigyan nang ngalan bilang Nardo. Nang mamataan si Nardo ng alas-10 ng
umaga sa layong 290 km sa silangan ng Borongan City, ito ay nagtataglay ng
lakas ng hanging 55 kada oras sa gitna ng silangan. Bagamat nabanggit sa
ulat na si Nardo ay hindi gaanong makaaapekto ng direkta sa bansa dahil
wala pa itong storm warning signals at hindi rin inaasahan ang pag landfall sa
iba pang parte ng bansa, maaaring hindi ito gaanong nagdudulot ng
pangamba sa mga mamamayan.

Ganunpaman kakailanganin pa rin ng karamihan ang ilan sa mga


paalalang magsisilbing gabay sa masamang dulot ng bagyo. Kinakailangang
isaisip ang mga paalala upang makaiwas sa mas malala pang masamang
pwedeng maidulot nito sa kaligtasan ng lahat. Ilan sa mga kaakibat ng bagyo
bago pa man ito mamuo ay ang Storm Surge o Daluyong Bagyo na isang
abnormal na pagtaas ng tubig sa dalampasigan sanhi ng low-pressure na
panahon, na nagdudulot ng malalakas na hangin at pag-ulan, na maaaring
mamuo bilang bagyo, at sa pagpasok ng bagyo, kung ito ay sadyang
magiging malakas at mataon pa ang pag-landfall sa bansa ay maaaring
magdulot ng matinding pagbaha.

Bagamat hindi gaanong makaaapekto ng direkta sa bansa ang


bagyong si Nardo, ang paghahanda sa bawat kalamidad ay kinakailangan
para sa kaligtasan ng bawat isa.

You might also like