Editoryal2 Lleno

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Disiplinang Pangkalusugan

Ni: Louie Jay Lleno

PARA SA mga tagapagtaguyod ng mabuting kalusugan, isang


magandang balita ang pagpapatupad o pagsusulong ng batas na
ipinagbabawal na ang pagdura maging ang pagsinga ng sipon sa mga
pampublikong lugar. Ito ay sasailalim sa batas bilang House Bill 299 o Anti-
Spitting Act of 2013. At ang mga pampublikong lugar kung saan strikto itong
ipatutupad, ay sa mga lugar tulad ng kalsada, pasilyo, sidewalks, parks,
malls, palengke, public carriers, public halls, buildings banks, public squares,
terminals, shopping and business centers, schools, churches, hospitals, at iba
pang kahalintulad ng mga nabanggit na bukas sa publikong lugar ayon na rin
sa iniulat kamakailan lang.

Lalo ngayong panahon ng pandemya kung saan nakababahala ang


ilan sa mga nakahahawang sakit tulad ng ubo’t sipon. Kung susuriin, ang
malaking porsyento ng pagkakasakit at kamatayan sa ating bansa ay dulot ng
mga infectious diseases o mga sakit na nagmumula sa pagkahawa galing sa
mga maysakit din. Hindi alam ng karamihan na ang mga sakit na ito ay
madalas din makuha dahil sa mga dura sa kalsada na hindi na napapansing
kumakapit sa ating mga panyapak kung naaapakan.

Ang mga mikrobyo sa sobrang liit ay hindi na kita ng ating mga mata
kung kaya’t mahirap iwasan kung hindi nating bibigyang-pansin ang kalinisan
ng ating kapaligiran.

At ang mga sakit na gaya halimbawa ng Bronkitis, Pulmonya at TB, ay


posibleng madala ng “body fluids” gaya ng dura, na naglalaman ng plema,
laway at sipon.

Napakahalaga ng kalusugan lalo’t ngayong may pandemya. Ang batas


na nagsusulong na may layong maiwasan ang anuman na maaaring maging
dahilan upang lalo pang mas lumaganap ang anumang uri ng sakit ay isa
nang malaking tulong.
Disiplinang pangkalusugan ang kailangan ng bawat isa sa atin sa
panahon ngayon.

You might also like