ANG Million People March ay inilunsad sa Luneta upang kondenahin
ng taumbayan ang malaking kontrobersiya sa Pinas kontra Pork Barrel Scam —ang tinaguriang pinakamalaking usaping-korupsyon sa bansa. Kaakibat nito ang paglaho ng P10-billion na nagmula sa kaban ng bayan na ibinulsa ng ilang mambabatas at ni wala umanong legal na tala kung saan iyon napunta. Dahil dito, kumbinsido ang napakraming Pilipino na ang P10-billion ay tuluyan nang naglaho at ninakaw.
Ayon kay NCRPO chief Marcelo Garbo Jr. sa tantiya nila’y aabot ng 60,000 katao ang dumalo sa protesta, may ilang nagsasabing umabot ito sa 80,000 hanggang 100,000.
Sa dami ng taong dumalo sa protesta kontra Pork Barrel, hindi
maiiwasan ang gulo. At sa dami ng bilang ng mga taong pumaroon, hindi makasisigurong ang lahat ay layunin na pagbayarin ang ilan sa mga mambabatas na sangkot sa naturang korupsyon. Marami rin sa mga ito ang tiyak na iba ang pakay sa pagdalo sa protesta o di kaya ay para lamang manggulo.
Sa naunang salaysay ni Garbo, nauna niyang inihayag ang
pagpapakalat ng 2,000 kapulisan upang makasigurong payapa ang protesta at maiwasan ang anumang gulo.
Subalit kung ipaghahambing ang tinatayang dami ng taong mga
nagsipagdalo sa protesta versus bilang ng mga kapulisan, ay baka hindi pa rin maawat ang gulo at makontrol ito nang gano’n kadali sakali mang hindi ito maiwasan.
Hindi ata sapat ang bilang ng ikinalat na kapulisan para sa seguridad
ng mga mamamayang ipinaglalaban ang bansa mula sa korupsyon at nais na pagbayarin ang mga buwayang sangkot sa Pork Barrel Scam. Kung manpower ang pagbabasehan, dehado ang bilang ng ikinalat na kapulisan upang maiwasan ang gula sa nagaganap na protesta.