Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 73

Tula # 2 ( Nagsimula Na )

Nagkausap ang di magkakilala


Animo’y marami nang kwento ang naitala
Ngunit di ako tumigil
Kapalit man ng oras, sinta
Tula # 1 ( Pagdating )
Nang ikaw ay makita
Araw-araw inaalala
Mga ngiti at ligaya
Bakit nga ba?
Tula # 3 ( Alamin ang Lahat )
Gusto ko sanang malaman ang lahat sa iyo
Ngunit hindi pa nga pala tayo
Magtugma man ang ating mga gusto
Pilitin ko man di kiligin, pero di kaya ni ako
Tula # 4 ( Oo, Heto Na )
Nagsimula na ang lahat
Pero parang hindi parin sapat
Kasi nga siguro
Ikaw na ay may bago
Tula # 5 ( Unang Tinig )
Nang marinig nang nagbibingihang tainga ko
Ang walang katumbas na tinig mo
Unang mga salita ang tumatak sa nawawala kong puso
“Kamusta, Kaibigan Ko?”
Tula # 6 ( Hangin sa Gabi )
Matulog man ng di ka kinakausap
May hangin paring nagtutulak
Na may Dapat akong gawin
Upang ako’y mapansin
Tula # 7 ( Kasiyahan sa Akin )
Nang araw araw tayong naguusap na dalawa
Natatago nito ang ibang kabanata
Na dati ay wala pa sa isip ko
Ang pangalan at itsura mo
Tula # 8 ( Kababawang Saya )
Kadalasan, ikaw ay napapangiti
Ng mga salitang nakakakiliti
Na galing sa tulad kong
Dating walang silbi
Tula # 9 ( Pagsulpot )
Marami mang dumating
Ikaw parin ang pinili
Upang ako’y magbago
Simula hanggang huli
Tula # 10 ( Salita ng Iba )
Di man sila mabilang
Ngunit di magpapalamang
Sa mga sinasabi ng iba
Piliting di marinig sila, sinta
Tula # 11 ( Pakinggan mo sila )
Pinakinggan ko ang mga sinasabi nyo
Ngunit di ko parin matanggap ang ginawa mo
Kaibigan mo lang ako
Kaibigan mo nga lang ako
Tula # 12 ( Malay ko )
Di ko alam kung ano ang kahihinatnan nito
Pero go parin ang ginagawa ko
Marami ka mang kausap na nagmumukhang tao
Pero heto ako, naghihintay parin sa simpleng reply mo
Tula # 13 ( Sinasabi mo )
Sabi mo “ ramdam kong pinaglalaruan mo lang ako”
Mga salitang binitawan mo, tagos sa puso ko
Bakit ko nga ulit sinasabi?
Yan nga kasi ang sabi mo
Tula # 14 ( Akala )
Akala ng lahat, okay ka
Akala nila totoo kang Masaya
Pero kapag natahimik na
Ang puso mo’y nasaktan na pala
Tula # 15 ( Kabilisang Masaktan )
Ang bilis kong mahulog sayo
Kaya ngayon nasasaktan na ako
Masaya na yata kayo
Pero ito ako, umaasa parin na magugustuhan mo
Tula # 16 ( Wala pang Kalahati )
Si ako na kahit nasasaktan na, tuloy pa
Si ako na kahit wala pa sa kalahati ang pag asa
Si ako na nagpapakatanga
Si ako na wala nang hinihiling kundi ikaw, sinta
Tula # 17 ( Inisip )
Pagod na ako, hindi sayo
Kundi sa sitwasyon na ganito
Ako lang ang lumalaban ngunit di ako nagpatalo
Kasi lahat ng ito, ay nabubuo sa munting isipan ko
Tula # 18 ( Bakit pero di Gusto )
Pero bakit ganyan sila?
Bakit ka nila sinasaktan o aking sinta
Gustohin ko man na sila’y labanan
Ngunit naalala kong sabi mo’y wag silang pakinggan
Tula # 19 ( Bagong Gising Part 1 )
Sa pagdilat ng aking mga mata
Sa mundo na mapaglaro ng tadhana
Ikaw lagi ang naaalala
Ikaw lamang wala nang iba
Tula # 20 ( Bagong Gising Part 2 )
Sa pagdilat muli ng aking mga mata
Panaginip lang pala ang lahat
Bangungot na aking ikinalungkot
Sa mga pangakong bigla na lang nabaluktot
Tula # 21 ( Nangawit na Panahon )
Minsan di pala kaya ng panahon na gamutin ang lahat
Ayoko nang magsulat
Ngawit na ang kamay
Sayang lang ang laway
Tula # 22 ( Tingin )
Sa kaliwa’y ako’y napalingon
Nakita na ikaw ay naroon
Mga mata natin ay nagtagpo
Ang tanging kaaway ay tadhanang mapaglaro
Tula # 23 ( Tanga )
Pinakilig mo ako
Umasa naman ako
Akala ko kasi
Talagang totoo
Tula # 24 ( Gustuhin ko man )
Ganoon kita kagusto
Kahit na masakit na dito
Tuloy parin ako
Kahit hanggang magkaibigan lang tayo
Tula # 25 ( Pagasang Mahal mo Sya )
Akala ko lang pala
Na tayo’y may pagasa
Yun nga pala
Mahal mo talaga sya
Tula # 26 ( Dito Part 1 )
Dito sa mga mata ko
Na ang tanging paningin ay nakatuon sayo
Dito sa aking mga labi
Na kahit anino mo lang a
Tula # 27 ( Dito Part 2 )
Dito sa aking mga bisig
Na patuloy na kumakapit
Ikaw nga talaga
Ay para sa akin
Tula # 28 ( Pahingi ng Oras mo Part 1 )
Araw araw ika’y pinakamu-musta
Araw araw ako’y binabalewala
Hanggang kalian ba ganito?
Kalian ka kaya magbabago?
Tula # 29 ( Pahingi ng Oras mo Part 2 )
Pahingi naman ng oras mo
Babayaran ko kahit magkano
Palimos ako kahit konti
Makausap ka lang kahit saglit
Tula # 30 ( Pahingi ng Oras mo Part 3 )
~ Isang instranghero lamang ako ~
Yung puso mo kasi ang tigas
Pero ilang oras man ang lumipas
Paghihintay ko ay di kukupas
Basta pahingi ng oras mo
Tula # 31 ( Suporta Galing Sayo )
Gusto kong suportahan mo ako
Sa lahat ng gusto ko
Sa lahat ng gagawin ko
Hindi naman kasi ako lang tama, pasensya na mahal ko
Tula # 32 ( Umpisa ng lakas )
Ateeeeee, magiintay ako
Dahil naniniwala ang baby girl mo
Nasa pagkakaibigan nag uumpisa
Ang pagiibigang walang dulo
Tula # 33 ( Hindi Halata )
Ako’y lagging Masaya
Sa tuwing kausap ka
Ngunit hindi pansin, hindi alintana
Ang sakit na nadarama
Tula # 34 ( Masyadong Madami )
Oo, madami sila
Pero ikaw parin ang tinitignan ng aking mga mata
Nagiisa ka
Kahit sobrang dami nila
Tula # 35 ( Palabok na Salita )
Mga salitang iyong mga sinasabi
Labis akong nabighani
Kaya ngayo’y umaasa
Na magkakaroon tayo ng pagasa
Tula # 36 ( Sana )
Sana Masaya ka
Sana maganda ang pakiramdam mo
Sana may pinanghahawakan parin ako sayo
Sana mahal mo rin ako
Tula # 37 ( Ramdam ang Sakit )
Ayokong masakit
Ngunit ayoko ring masaktan
Nagtatanong parin ako kung bakit
Bakit ko pa ba ito nararamdaman?
Tula # 38 ( Ngiti )
Ang iyong mukha na may ngiti
May ngiti sa iyong mga labi
Ngiting hinding hindi ko malilimutan
At hanggang ngayon patuloy paring nasasaktan
Tula # 39 ( Ninais )
Ninais ko nang bitawan ka
Ngunit sa tuwing nakikita ka
Bumabalik talaga
Bumabalik ang masasayang alaala
Tula # 40 ( Bitbit ng hangin )
~ Kasi nga mayroon pang “kayo” ~
May mga bagay
Na gustong gusto mo
Ngunit hindi mo tangay
Ang mga ito
Tula # 41 ( Iba Naman )
Karamihan sa ngayon
Tayong mga tao
Di na inaayon
Ang espesyal sa ordinary
Tula # 42 ( Paulit Ulit )
Hayst, ewan ko ba?
Kung tatanongin ko pa
Kung tatanongin ko pa ang tanong na ito
Gusto mo nga ba talaga ako?
Tula # 43 ( Isa, Dalawa, Tatlo )
Isa, Dalawa, Tatlo
Ilan ba talaga ang gusto ko?
Marami man akong ateng nabibilang mo
Ikaw ang mas matimbang sa kanila, tandaan mo
Tula # 44 ( Nagugulumihanan )
Heto ka na naman
Di ko malaman
Kung ano pa ba ang kailangan
Para ika’y malimutan
Tula # 45 ( Bakit nga ba? )
Sino ka ba para gawin mo sa akin ito?
Sabagay matagal na akong ganito
Kaya nga ako nagbabago
Kasi nga nakilala ako, ang isang katulad mo
Tula # 46 ( Nahihirapan na )
Ano nga ba?
Ang maari ko pang magawa
Ang aking mga mata’y
Hirap na hirap na
Tula # 47 ( Hindi na )
Hindi ko na maalala
Kung paano tayo nagkakilala
Hindi ko na maalala
Kung saan tayo nagsimula
Tula # 48 ( Tumaya Ako )
Tumaya ako
Sa bagay na hindi naman ako sigurado
Tumaya ako
Sa pagasang baka manalo
Tula # 49 ( Walang Hinto )
Ngayon ito ako
Walang hinto
Sa pagtulo nga mga luha ko
Ng dahil lamang sayo
Tula # 50 ( Walang Pamagat )
~ Hanggang sa nagtagal, nagusap, nagkita ~
Nasa kalahati na ako
Ngunit hindi parin sumuko
Pinanghahawakan ang mga salita mo
Tinandaan, inisip mabuti, kung mahalaga ba ito
101 na tula para
kay angelica
@ Jarviewwwww

“mula 10 haggang 100

Huling ko sana’y iyong pakinggan

Mga naiibang linya

Huling ko ulit iyong balikan”


Tula # 51 ( Bakit sya pa? )
Bakit sya pa?
Sabihin man nila
Na ako’y nagging tanga
Pasensya na, kasi mahal kita
Tula # 52 ( Bagong Kausap )
Gabi gabing kinakausap
Mga kuliglig sa damuhan
Tinatanong sa kanila
K ung mayroon nang napatunayan
Tula # 53 ( Mga Tanong Part 1 )
Mga tanong
Na kay hirap sagutin
Bakit nga ba ikaw parin?
Yaan ang tanong nila sa akin
Tula # 54 ( Mga Tanong Part 2 )
Mga tanong
Na hanggang ngayon
Di parin masagot kung papaano
Masusulusyonan ang mga iyon
Tula # 55 ( Pagkagising )
Sa bawat pag gising
Umaraw man o hanggang gabing
Naghihintay sayo
Umaasang ako’y pansinin
Tula # 56 ( Antukin )
Nakakaantok ang mga nangyayari sa mundo
Pero pilit parin tayong pinagtatagpo
Hanggang sa panaginip natin
Bakit nga ba ikaw parin?
Tula # 57 ( Ang Kulit Kulit )
Sa araw araw na ika’y kinukulit
Sa mga diwa ko’y lagging nagpupumilit
Na ika’y sayuin
Sa paraang makulit
Tula # 58 ( Paraya)
Pumasok sa isip
Na ako’y magparaya
Tinanong sa sarili
Kung ako nga ba talaga
Tula # 59 ( Pagsusulit Part 1 )
Tumahimik ang lahat
Nang nagkaroon ng pagsusulit sa bawat pangkat
Di alam kung may masasagot
Habang kami’y namamaluktot
Tula # 60 ( Pagsusulit Part 2 )
~ mga emosyong naghahalo hanggang nagkaroon ng
pagasa ~
Nang dumating na sa iyo
Ang pagsusulit na tinatamasa ko
Ika’y agad na nabigla
Hindi alam ang isasagot, sinta
Tula # 61 ( May Problema Ata? )
May problema atang dumating
Hindi alam kung saan ng galing
Hindi rin kayang solusyunan
Pagkat ikaw ang pinagmulan
Tula # 62 ( Kaba Part 1 )
Bakit ka kakabahan?
Kung ikaw naman ang dahilan
Maging totoo ka
Kung gaano man kalaki yan
Tula # 63 ( Kaba Part 2 )
Kung ako man ang dahilan
Kailangan kong humingi ng kapatawaran
Sa aking mga ginawa
Pasensya na aking mahal
Tula # 64 ( Bagong Dati )
Ang bagong dati
Na nang gugulo sa atin
Pilit nya kong nilalayo sa iyo
Pero heto parin ako, nakatayo sa harap mo
Tula # 65 ( Recess )
Ang pinakapaboritong subject
Nating dalawa
Sa kadahilanang
Di ka kumain kaninang umaga
Tula # 66 ( Tubig )
Tubig na naging atin
Isang bitamina na ika’y batiin
Malayo man ang tubig sa atin
Pero sana sa huli, ikaw at ako parin
Tula # 67 ( Regalo ko )
Nang nagkita tayo
Ay may bitbit na regalo
Kinumbinsi ang mga kaibigan
Upang ako’y samahan
Tula # 68 ( Maligaya )
Maligaya ka man sa iba
Iba man ang piliin ng iyong mga mata
Ngunit hindi mawawala
Sa piling mo, sinta
Tula # 69 ( Baliktaran )
Iba man ang iniisip nating dalawa
Taliwas man ang gusto ng iba
Lagi mo sanang tatandaan
Ikaw ang pinili ko wala nang iba
Tula # 70 ( Blangko )
~ ate ko, simula palang alam mo na ~
Isa kang bulaklak
Na walang nakapaligid na damo
Isa naman akong numerong
Walang bilang at blangko

You might also like