Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ISANG MASUSING

BANGHAY-ARALIN
SA
ARALING
PANLIPUNAN
BAITANG 10

Inihanda ni:

Chasten M. Mahilum
I. Layunin

Pagkatapos ng 60 minuto, 75% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang kaibahan ng katutubong mamamayan sa naturalisadong


mamamayan.
b. Napapahalagahan ang mga tungkulin bilang isang mamamayan.
c. Nakakapagtala ng mga prinsipyo ng pagkamamamayan.

II. Nilalaman

a. PAKSA: Pagkamamayan: Konsepto at Katuturan


b. SANGGUNIAN: Isyu at Hamong Panlipunan
c. KAGAMITAN: Manila paper, marker, kartolina, mga larawan.

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


a. PANIMULANG GAWAIN:

1. Pagdarasal

Inaaanyayahan ang lahat na magsitayo


para sa isang panalangin.

2. Pagbati

Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga rin po Ma’am.

Bago tayo magsimula, magkakaroon muna


tayo ng alituntunin sa klase. Ito ay tatlong
“M”. Makinig, makilahok, at huwag mag-
ingay kung hindi naman kinakailangan.
Maliwanag ba? Opo Ma’am.

AKTIBITI
Pagganyak

Bago tayo magsimula, magkakaroon muna


tayo ng isang laro. Suriin ang mga larawan
at bilugan ang sa tingin mo ay nagpapakita
ng pagiging isang mabuting mamamayan.
Naiintindihan ba? Opo.
Handa na ba kayo? Opo, Ma’am.
Kung ganoon, ay simulan na natin.

1.
2.

3.

Mahusay! Palakpakan natin ang ating mga


sarili.

Batay sa laro na ating isinagawa, sa tingin


ninyo, tungkol saan an gating talakayan
nagyong araw na ito?
Batay po sa mga larawan, ang paksa po na ating
itatalakay sa araw na ito ay tungkol po sa
pagkamamamayan.
Magaling! Ang paksa natin ngayon ay
tungkol sa Pagkamamayan:Konteksto at
Katuturan.

Pero bago ang lahat, basahin muna natin


ang ating mga layunin sa araw na ito.
Handa simula!
Pagkatapos ng 60 minuto, 75% ng mga mag-
aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang kaibahan ng


katutubong mamamayan sa
naturalisadong mamamayan.
b. Napapahalagahan ang mga
tungkulin bilang isang
mamamayan.
c. Nakakapagtala ng mga
prinsipyo ng
pagkamamamayan.

ANALISIS

Bago tayo magsimula sa ating


talakayan, may itatanong muna ako sa
inyo. Kayo ba ay isang Pilipino? Opo.

Kung ganuon, ay tunghayan ay video


na ito ay sabihin sa akin kung ano ang
mga katangian ng isang mabuting
Pilipino. Handan a ba kayo? Opo.
Video Presentation

Ngayon at tapos na ang video, magbigay


ng mga katangian ng isang mabuting
Pilipino ayon sa awit ni Noel Cabangon na
inyong pinakinggan.
 Minamahal ang bayan
 Tinutupad ang mga tungkulin
 Sumusunod sa mga alituntunin
Magaling! Pero ano nga ba ang ibig
sabihin ng pagkamamamayan at saan kaya
ito nanggaling? Ang ibig sabohin ng pagkamamamayan ay ang
katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado

Tama! At ito ay maiuugat natin sa


kasaysayan ng daigdig. Saan nga ba
nagsimula ang konsepto ng
pagkamamayan o citizenship? Ito po ay nagmula sa kabihasnang griyego kung
saan ang Greece ay binubuo nang mga lunsod-
estado na tinatawag na polis.

Ano ba ang polis? Ang polis ay binubuo ng mga citizen na


limitado lamang sa kalalakihan
Mahusay! At dahil nga doon, ay
nagkaroon na nang tawag ang mga
naninirahan sa Greece at ito nga ay
“Citizen” Pero sinu-sino nga ba ang
mamamayan at hindi ng isang bansa?
Aalamin natin iyan sa pamamagitan ng
pagkatang Gawain.

A. Pangkatang Gawain

Ngayon, hahatiin ko kayo sa dalawang


pangkat at tayo ay magkakaroon ng isang
pangkatang gawain.
Unang pangkat ang mga nakaupo sa
kanan, at ikalawa naman ang mga nasa
kaliwa.
May ibibigay ako sa inyong sobre, na
naglalaman ng panuto at mga materyales
na inyong gagamitin para sa gawain.

Pero bago ang lahat, basahin muna sa


pisara ang batayan sa pagpupuntos.
Basahin ng sabay-sabay. Handa simula! Kolaborasyon------------------------2 puntos
Organisayon ------------------------1 punto
Paglalahad ------------------------2 puntos

Kabuuan ------------------------5 puntos

Pangkat I

Ibigay at ipaliwanag ang 2 uri ng


prinsipyo ng pagkamamamayan. 2 Prinsipyo ng pagkamamamayan:
1. Jus Sanguinis
2. Jus soli o jus loci

Pangkat II

1. Anu-ano ang dalawang klase ng


pagkamamamayan? Ang dalawang klase po ng pagkamamamayan
ay ang likas o katutubong mamamayan at
naturalisadong mamamayan.

2. Ano ang pinagkaiba ng katutubong Ang likas o katutubong mamamayan ay mga


mamamayan sa naturalisadong anak ng Pilipino, o ang parehas o isang
mamamayan? magulang ay mamamayan ng Pilipinas
samantalang ang naturalisadong mamamayan
naman ay dating dayuhan na naging
mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng
naturalisasyon.

ABSTRAKSYON

1. Paglalahat

Ang husay naman ng aking mga


estudyante. Palakpakan an gating mga
sarili. *palakpakan*
Ngayon, tapos na tayo sa ating talakayan.
May mga katanungan pa ba? Wala na po, Ma’am.

Kung wala, ay ako ang magtatanong


Ano ba ang ibig sabihin ng
pagkamamamayan? Ang ibig sabohin ng pagkamamamayan ay ang
katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado
Tama! Anu-ano naman ang dalawang
prinsipyo ng pagkamamayan at ipaliwanag
ang mga ito. Ang prinsipyo po Jus Sanguinis ay
nangangahulugang naaayon sa dugo o
pagkamamamayan ng mga magulang o isa man
sa kanila. Samantalang prinsipyo naman po Jus
soli o loci ay naaayon sa lugar ng kaniyang
kapanganakan anuman ang pagkamamamayan
ng kaniyang mga magulang.

.
Magaling! Anu-ano naman ang dalawang
klase ng mamamayan at ano ang kanilang
kaibahan? Ang dalawang klase po ng pagkamamamayan
ay ang likas o katutubong mamamayan at
naturalisadong mamamayan.
Ang likas o katutubong mamamayan ay mga
anak ng Pilipino, o ang parehas o isang
magulang ay mamamayan ng Pilipinas
samantalang ang naturalisadong mamamayan
naman ay dating dayuhan na naging
mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng
naturalisasyon.

Napakahusay!

2. Pagpapahalaga

Batay sa ating tinalakay, bilang isang


mag-aaral, ano ba sa tingin mo ang mga
katangian na dapat mong taglayin bilang
isang mabuting mamamayan? Bilang isang mag-aaral, ako ay magiging isang
mabuting mamamayan kung gagawin ko ang
mga sumusunod:
*sumunod sa mga alintuntunin sa paaralan.
*pumasok sa klase
*paggalang sa mga guro at kapwa estudyante

Ngayon naman,bilang isang mamamayan,


mahalaga bang gampanan mo ang iyong
tungkulin? Opo.
Bakit? Sapagkat ang pagkamamamayan ay hindi lang
isang pagkakakilanlan kundi isa ring
responsibilidad.

Magaling! Ang pagkamamamayan ay


hindi lang isang pagkakakilanlan kundi
isang responsibilidad na kailangan nating
gampanan bilang isang miyembro ng
isang pamayanan o bansa.

APLIKASYON

Ngayon naman, mayroon ako ditong mga


larawan. Sabihin sa aking kung ano ang
inyong masasabi sa bawat larawan.

Ano ang inyong nakikita sa larawan?


Mga estudyante po na minamaltrato o bullying
ang kanilang kapwa estudyante.

Tama! Gawain ba ito ng isang mabuting


mamamayan?
Hindi po.
Sa iyong palagay, paano maging isang
mabuting mamamayan sa kapwa mo mag-
aaral? Magpakita po ng respeto sa kapwa mag-aaral at
igalang ang karapatan ng bawat isa.

Mahusay! Tingnan naman natin ngayon


ang ikalawang larawan.

Ano ang pinapakita ng larawan? Mga bata pong hindi nakikinig sa klase/guro.
Gawain ba ulit ito ng isang mabuting
mamamayan? Hindi po, Ma’am.
Paano mo nasabi? Sapagkat bilang isang mabuting mamamayan,
responsibilidad po nating igalang ang karapatan
ng bawat isa. Ibig sabihin po, kapag nagkaklase,
o nagsasalita ang guro o kung sino man,
kailangan po nating making bilang paggalang.
Magaling! Lahat tayo ay pantay-pantay
bilang mamamayan. Parehas na may
karapatan, parehas na may mga tungkulin.

I. PAGTATAYA

Ngayon, bilang ebalwasyon kung may


natutunan ba kayo sa diskusyong ito,
magkakaroon tayo ng pagsusulit.

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Paano masasabing ang isang


indibidwal ay katutubong
mamamayan ng isang bansa? D
a. Kapag ang kaniyang mga
magulang ay dumaan sa
proseso ng naturalisasyon.
b. Kapag s’ya ay dumaan sa
proseso ng naturalisasyon.
c. Kapag s’ya ay ipinanganak sa
naturang bansa.
d. Kapag s’ya at kanyang mga
magulang ay nakatira at
ipinanganak sa mismong
bansa.
2. Ano ang dalawang uri ng
mamamayan? C

a. Jus Sanguinis at Jus Soli


b. Jus Sanguinis at Jus Loci
c. Katutubo at Naturalisado
d. Katutubo at Likas

3. Ano ang dalawang uri ng prinsipyo


ng pagkamamamayan? C

a. Katutubo at Likas
b. Katutubo at Naturalisado
c. Jus Sanguinis at Jus Soli
d. Jus Sanquin at Jus Loci

4. Si Ben ay isang Igorot. Sa anong


uri ng pagkamamamayan s’ya
nabibibilang? D

a. Likas na uri ng mamamayan


b. Naturalisadong uri ng
mamamayan
c. Katutubong uri ng
mamamayan
d. A at C

5. Ang mga sumusunod ay mga


katangian ng isang mabuting
mamamayan MALIBAN sa isa. B

a. Nakikinig sa klase.
b. Nangangantyaw ng kaklase
dahil ito ay naiiba.
c. Sumusunod sa ‘CLAYGO
policy’
d. Wala sa mga nabanggit.

II. Takdang-Aralin

Panuto: Magtala ng sampung(10)


katangian ng isang mabuting mamamayan.

You might also like