Professional Documents
Culture Documents
Kasaysayan NG Balagtasan PDF
Kasaysayan NG Balagtasan PDF
Kasaysayan NG Balagtasan PDF
Ang Karagatan
Ayon kay Julian C. Balmaseda, ang karagatan ay isang larong may paligsahan
sa tula. Galing daw ang pangalang ito sa alamat ng singsing ng isang
dalagang nahulog sa gitna ng dagat at ang binatang makakuha ay siyang
pagkakalooban ng gintong Granada o pag-ibig ng dalagang
nawalan. Kaya’t ang karaniwang simula ng laro ay ganito:
o dili kaya’y:
Karagatang ito’y oo nga’t mababaw,
Mahirap lusungin nang hindi maalam,
Kaya kung sakaling ako’y masawi man,
Kamay mong sasagip yaong hinihintay.
Ang Balagtasan
Sumilang ang Balagtasan noong Abril 2, 1925, kaugnay ng pagdiriwang ng
kaarawan ni Balagtas. Bago sumapit ang naturang araw, ang Akademya ng
Wikang Tagalog na kinasasapian ng mga kilalang makata at mananagalog ay
nagdaos ng isang pagpupulong sa gusali ng Instituto de Mujeres na nasa
Tayuman, Tundo, Maynila. Kabilang sa mga dumalong makata at manunulat
ay sina Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado, Patricio a. Dionisio, Teodoro E.
Gener, Jose N. Sevilla, Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, at iba
pa. Pinag-usapan nila’t napagpasiyahan, sa mungkahi ni Atty. Patricio A.
Dionisio na ang larong ipapalit sa matandang duplo ay ang Balagtasan. Bilang
huwaran, si Dionisio na rin ang sumulat ng kauna-unahang Balagtasan at ito’y
nalathala sa lingguhang pahayagang Telembang. Sa balagtasang ito ibinatay
ang unang Balagtasang itinanghal nina Corazon de Jesus at Florentino T.
Collantes, ang Bulaklak ng Kalinisan na ginanap sa Instituto de
Mujeres. Sinundan na ito ng marami pang uri ng ganitong balagtasan.
Nagkaroon noon ng tatlong grupo ng mambabalagtas: sina De Jesus at
Collantes; sina Amado V. Hernandez at Guillermo A. Holandez; at sina Rafael
Olay at Tomas L. de Jesus.
Sanggunian:
https://www.kapitbisig.com/philippines/balagtasan-noon-at-ngayon-kaligirang-
pangkasaysayan-ng-balagtasan_1138.html